webnovel

FUN WITH FRIENDS 3

Siguro mga 11:00 na before kami natigil saglit sa pagkukwentuhan. Kasi now, nakahiga na kaming tatlo sa sleeping mat dito sa labas while sila Nathan and Jotham ay busy naman sa pagigitara sa gilid. ( Tinuturuan ata ni Jotham si Nathan ng basic chords.)

"it was fun Aikka, I missed this kind of moments" sabi ni Abby sa akin tapos she hugged me. Nasa gitna kasi ako nila Elaine and Abby.

"yes, alam mo bang sobra ang pagkamiss ko sa iyo noon na halos ayoko nang lumabas ng bahay at pumasok sa school? Pero I'm thankful na okay na tayo saka I'm happy dahil napilit kitang sumama" me while smiling.

"alam niyo guys, I've been into many places pero for me, this is the most memorable." sabi naman ni Elaine tapos yumakap din siya sa amin.

"yes, you're right bestie"

Tapos napatingin kaming tatlo sa kalangitan.

A moment of silence.

Siguro dahil sa mga nangyari sa amin noong mga nagdaang araw, mas natutunan naming iappreciate ang calmness sa aming paligid. I mean, while looking at the stars and even the moon, nakakagaan lang sa pakiramdam.

"hmm.....by the way, how did you two met?" bigla namang ask ni Abby sa akin.

Nang itanong niya iyon, napangisi ako bigla. Shocks kasi eh, iyon ata ang funniest way of meeting a friend sa buong buhay ko.

"Naku Abby, huwag mo nang itanong kung paano kasi matatawa ka lang" sabi naman ni Elaine sa kanya.

"but why?" curious namang ask ni Abby.

"ganito kasi iyon Abby" me

"bestie? huwag na" Elaine tapos she tried to stop me.

Bwahaha. Bahala siya.

"galing kasi ako ng c.r that time para magbihis, tapos bigla na lang akong nakarinig ng ingay coming from the... stock room right?" me.

While telling to Abby what happened that time, grabe na ang tawa ni Elaine pero pilit niya pa ring tinatakpan ang mouth ko para hindi ko makwento 'yung nangyari.

"wait lang Elaine, hindi pa nga ako tapos eh. (then I continued my story) Alam mo 'yung feeling na nacurious ka't pinakinggan mo kung ano 'yung ingay na iyon, at first talaga, I thought na it was an ungol Abby...bwahaha....tapos may narinig pa akong sinabi si Elaine na "stop it, ayoko na" shocks di ba? makakapag-isip ka talaga ng hindi maganda? then dinagdagan pa ni Jordan na, ibuka mo pa...naku! talagang mapapatakip ka ng tenga mo if you were there Abby" me while laughing.

"Totoo?" Abby na alam kong nagpipigil din na tumawa.

"grabe naman 'yung ungol bestie, hindi naman ako umungol nun, masakit lang talaga 'yung bibig ko kasi nga, binubunutan ako ni Jordan ng tooth?...naku buti na lang at wala na 'yung mga bata dito dahil kung hindi...."

Bwahaha.

"totoo naman eh!" me teasing her.

Para kasing ewan itong si Elaine, hindi man lang nag-iisip kung anong pwedeng isipin ng mga tao dahil sa kalokohan niya.

" bestie, buti na lang at ako ang nakarinig doon at hindi ang ibang tao kasi kung ibang tao pa iyon?....naku! magiging phenomenal star ka ng SA" me.

"edi maganda, madidikit na rin ang mukha ko sa tarpaulin ng SA."

"Oo, literal na didikit ang mukha mo sa tarpaulin, haha!"

Nagtawanan na lang kaming tatlo doon. Kaya nacurious 'yung dalawang boys at nakisali na rin sa usapan namin.

"huy! huwag mo nang ikwento bestie huh? nakakahiya kaya!!" Elaine.

Nagtawanan ulit kami...

Hanggang sa hindi na namin namalayan ang oras.

"guys, matulog na tayo at may pupuntahan pa tayo bukas" sabi naman ni Nathan.

"anong oras na ba?" Abby.

"almost 1 o'clock na" Jotham.

"shocks! matulog na tayo guys." me.

So, niligpit na namin 'yung banig at pumasok na ng bahay nila Nathan. Pero of course, before we go to bed, we took our half bath first.

"pasensya na guys kung maliit lang ang kwarto huh? Pero siguro naman, kasya na kayong apat dito" sabi ni Nathan ng makapasok na kami sa kwarto.

"bakit kaibigan, saan ka ba matutulog?" Jotham.

"tatabi na lang ako kila tatang" sabi niya.

"kaibigan, kasya pa naman tayo dito eh. Dito ka na lang matulog" sabi ni Jotham.

"oo nga insan, saka bakit, natatakot ka bang tumabi kay Aikka?" nakangiting sabi ni Elaine.

"h_ha?" Nagulat na sabi ko.

Shocks! Magtatabi kami? Mommy, daddy lang ang peg?

"teka, teka, hindi sila pwedeng magtabi okay?" react naman ni Abby.

"ikaw talaga Elaine, kami ang magtatabi ni Nathan okay? gusto mo bang may milagrong mangyari sa kanila?" Jotham.

Peacock! ano na naman bang pinagsasabi ng mga ito. Baka marinig pa kami ni tatang at malagot kaming lahat.

"ano ba kayo guys, walang magtatabing lalaki at babae okay?" Abby.

"tama, lahat ng babae ay sa taas ng higaan matutulog at dito tayo sa sahig Jotham" tapos humiga na si Nathan kasi may sapin na din sa lapag.

"okay guys! sweet dreams, good night na at sana mapanaginipan ninyo ang isa't isa" Elaine.

Si Bestie talaga

"good night everyone" sabi ko then ipinikit ko na ang aking mga mata.

(fast forward)

Time check: 7:00 a.m na pala, breakfast time.

Actually, kagigising lang namin kasi ginising kami ni Nathan.

"nasaan na 'yung mga bata?" ask ko sa kanya habang inaayos ko yung buhok ko.

"umalis na sila kasi maglalakad pa sila papuntang school"

"ginising mo na lang sana si Jotham para ihatid ang mga bata" me.

"ano ka ba, ayos lang iyon. Maupo ka na doon at pupunta pa tayo ng spring mamaya" nakangiting sabi niya.

"okay" me.

Tumabi ako kay Elaine na nakatulala pa. Si Abby naman ay kapapasok lang, maaga din ata siyang nagising.

"Aikka, do you want coffee?" ask niya sa akin tapos doon siya umupo sa kabila, magkatabi sila ni Jotham.

"ah...no, thanks" sabi ko.

Then bigla namang umupo si Nathan sa tabi ko.

"tara, kain na. Niluto iyan ni tatang bago siya umalis" Nathan.

"saan ba nagpunta si tito?" biglang ask ni Elaine habang kumukuha na ng kanin.

"a..pupunta iyon sa sakahan niya. Mas mabuti daw ang maagang paglilinis doon para hindi daw masyadong mainit"

"ah...akala ko pa naman, sasamahan niya tayo doon sa spring" Elaine tapos iniabot niya sa akin ang rice.

"thanks" me.

"siya nga pala, maglalakad lang tayo papunta sa spring kasi hindi magkakasya ang sasakyan sa daanan kaya mas mabuting maaga rin tayong makaalis para hindi tayo maabutan ng tanghali" Nathan.

Because of what Nathan said, nagmadali na kaming kumain at naghanda ng mga dadalhin papunta sa spring. Siguro mga 8:30 na nang makaalis kami ng bahay nila.

Doon kami dumaan sa kakahuyan.

"guys, wait" sabi ni Elaine kaya we stopped walking for a while tapos kinuha niya ang kanyang phone.

"ah, alam ko na, group pic iyan noh?" nakangiting hula naman ni Jotham.

"of course, kahapon pa tayo walang pictures, sayang ang memories." sabi ni Elaine.

"ah...ako na ang kukuha ng litrato sa inyo" sabi naman ni Nathan, sabay kuha ng phone ni Elaine.

"okay, bibilang ako ng tatlo, 1...2....3..... smile!"

Nagkaroon ng kaonting katahimikan kasi lahat kami ay nakapose para sa picture taking.

"isa pa!" Elaine.

"sige...1...2...3 smile!"

Nagpose ulit kami.

"ang ganda ng shots!!!" Elaine ng tingnan ang kuha ni Nathan. Maganda din kasi ang background.

"uy isa pa, isama niyo si Nathan" sabi ko naman.

"sige...sama ka na doon Nathan, ako naman ang magpipicture" sabi naman ni Jotham.

Kaya pumunta si Nathan sa tabi ko. Tapos he lightly put his hand on my shoulder at nagsmile. Napasmile na rin ako kasi may picture na naman ako kasama siya.

"okay, gandahan niyo ang mga ngiti niyo huh?" Jotham.

"ane beh! matagal na kaming maganda!!" sabi ni Elaine kaya napatawa kami, sakto namang nagtake na ng picture si Jotham.

"perfect!" tapos iniabot na niya ang phone kay Elaine.

" 'yun na iyon?" Elaine.

"oo, ang ganda nga eh. Natural ang happiness niyo" tiningnan namin iyon ni Elaine. He's right. Sobrang saya lang ng picture.

"Elaine, after this, ipasa mo sa akin ang photos huh?" me.

"of course bestie, ikaw pa ba?" her tapos inakbayan niya ako.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad at almost an hour din iyon before kami nakarating sa spring.

Iisa lang ang naging reaction naming apat nang makita ang spring.

As in four of us? Our eyes were wide-open kasi napakaganda ng spring. Kapag nasa malayo ka, para siyang light blue kung titingnan pero kapag nakatuntong ka na sa bato at malapitan na, sobrang clear ng water. Iyong as in malinis talagang tingnan.

Tapos alam mo iyong pagkaka-layer ng dinadaanan ng tubig? Yung meroong medyo mataas tapos may medyo mababa? kaya kapag titingnan mo ang flow ng tubig, para siyang may maliliit na water falls. As in super ganda!

"buti na lang at maraming trees dito, pwede tayo hanggang maghapon" sabi ni Abby, tapos naglatag na siya ng sapin sa gilid tapos inilagay na niya ang mga pagkain doon. Halos ang nakapuno lang talaga sa mga dala naming bags ay mga foods eh like popcorns, butter ball, cookies, chips tapos mga sodas.

Bwahaha. Andami ba naman naming binili ni bestie noong nakaraang araw tapos nagrocery din sila Abby at Jotham.

Kaya nga kami magkakasundo eh kasi kaming magkakaibigan, pagkain talaga ang way of bonding moments namin.

Updates guys! :)

MissKc_21creators' thoughts
Next chapter