webnovel

Hindi Makakatulong

Hindi maintindihan ni Conrado pero, na wi weirduhan na sya kay AJ.

'Bakit ganun sya kung ngumiti? Para syang nakakaloko!'

"Iho, sigurado ako, kung sino man iyon, hindi sya anak ni Jaja!"

"Pero, nakausap ko po yung pinsan nung Jaja na si Fidel, at according to him, meron daw natira sa mga Raquiñon at yun ang anak ni Jaja.

Sinabi rin daw nya sa inyo yun pero hindi daw kayo naniwala!"

"Mel iho, huwag kang magpapaniwala sa mga sabi sabi! Sa akin ka lang maniwala at hindi totoo ang sinasabi ng Fidel na yun!"

"Do you have proofs?"

"Iisa lang ang kilala kong anak ni Jaja at yun ay si Janna at patay na sya, kasama ng mga magulang nyang namatay!"

'So, wala pala talagang nakakaalam ng existence ko!'

Hmmm .... this is getting interesting!'

At nagpaalam na ito kay Conrado na hindi man lang sinasabi na sya si AJ.

"Bakit hindi ka nagpakilala sa kanya?"

Tanong ni Atty. Rico.

"Just giving him a dose of his own medicine! Gusto nya akong utuin kaya nakikipagutuan lang din ako sa kanya!"

Napatigil si Atty. Rico. Kinilabutan.

'Bakit ba feeling ko nabuhay si Don Aaron sa batang ito?'

Dahil sa nangyari kay Conrado, nabulabog ang mga taong may kilalalaman sa mga naiwang ariarian ni Don Aaron.

Naalarma ang mga kumamkam ng mga pagaari ni Don Aaron lalo na ang Hacienda Remedios.

"Sigurado ba kayo na anak ni Jaja ang taong yung?"

Tanong ng isang matanda.

Tila ang matandang ito ang nagsisilbing Head ng pamilya. Ang pamilya Ortiz at sya si Leonardo Ortiz.

Kamaganak sya sa pinsan ni Don Aaron sa kanyang ina na si Doña Remedios.

Nang mamatay ang mga Raquiñon, sya ang unang umangkin sa pagaari ni Don Aaron kahit na pinagpilitan ni Fidel na buhay pa ang anak ni Jaja.

Walang nagawa si Fidel lalo na ng makulong sya, bata pa ang anak ni Jaja kaya alam nyang wala rin itong magagawa. Kaya naghintay na lang sya.

"Sir Leon .... "

"Anong Sir? Ilang beses ko bang sasabihing tawagin nyo ako DON?"

Utos ni Leon.

Gusto nyang magkaroon ng stados sa buhay tulad ng 3rd cousin nyang si Don Aaron. Gusto nyang kilalanin din syang DON, kaya maging ang palayaw nyang Nardo ay pinalitan nya ng Leon para daw mas matapang ang dating.

Pero hindi naman makasanayan ng mga tao duon dahil si Don Aaron pa rin ang kinikilala nilang may ari ng Hacienda Remedios.

"Pasensya na po Sir, este Don!"

"Sige, ituloy mo ang sasabihin mo!"

Sabi ni Leon

"D-Don Leon, may mga papeles daw pong nagpapatunay na anak sya ni Sir Jaja!"

Sabi ni Jose ang punong katiwala ng Hacienda Remedios.

Matagal ng gustong tanggalin ni Orly si Jose sa pwesto nya at alisin dito sa Hacienda Remedios pero hindi nya magawa.

Dahil mas may karapatan manatili si Jose dito kesa sa kanya at ipinaglaban ni Jose ang karapatang iyon.

May papeles syang hawak na nagtatalaga sa kanya bilang katiwala ng Hacienda Remedios, na nagsasabing walang sino man ang may karapatang magtanggal sa kanya maliban kay Don Aaron.

Pirmado ito ni Don Aaron at naka nortaryo pa.

Kaya sa huli, imbis na kinalaban nya si Jose, pinilit nya itong maging tauhan nya.

Tapos ngayon darating ang isang taong nagsasabing anak sya ni Jaja?

Hindi nya inaasahan na may natitira pa sa mga Raquiñon. Hindi sya naniniwala.

"Sa tingin mo ba Jose, dapat tayo agad maniwala? Matanda man o bata, lahat sila namatay ng araw na iyon! Maswerte ka nga at nakaligtas ka!"

Nakaramdam ng pighati si Jose. Mas gugustuhin pa nyang maging nasama sa sunog kesa pagsilbihan ang taong kaharap nya ngayon.

'Kung hindi ako inutusan ni Don Aaron ng araw na iyon, malamang kasama nya rin ako sa kabilang buhay.'

'Sana ngayon, pinagsisilbihan ko pa rin kayo sa kabilang buhay Don Aaron!'

May luhang namuo sa mata nya. Sobra ang pagmamahal nya sa dati nyang naging amo.

"Yun po ang sabi ng balita, Don Leon."

Sagot nya kay Leon.

"Pwes, hindi ako naniniwala!"

Matapang na sabi ni Leon.

"Magimbestiga ako at aalamin ko ang buong katotohanan tungkol sa impostor na yun!"

Tumahimik na lang si Jose. Maging sya ay hindi rin kumbinsido na anak nga ni Jaja ang biglang sumulpot.

'Kailangan ko syang makita ng personal para matiyak!'

*****

Sa Maynila.

Inireport ni Atty. Rico ang mga ginawa ni AJ kay Fidel sa kulungan.

Napahanga si Fidel sa bilis umkasyon ni AJ.

"Kung tutuusin, hindi na nya kailangan ang tulong natin dahil kaya ng bawiin ang pagaari nya ng magisa! Parang matagal na nyang plinano ang lahat!"

Matagal na ngang plinano ni AJ ang lahat, simula pa nung unang araw nya sa farm ang kulang na lang nya ay pera.

Kaya ngayong may pera na sya, may makakapigil pa ba sa kanya na bawiin ang pagaari ni Jaja?

Nangiti si Fidel.

"Magaling AJ! Anak ka nga ni Jaja!"

"Huwag kang magalala Jaja, gaya ng ipinangako ko sa'yo bago ka mamatay, hindi ko pababayaan ang anak mo! Gagawin ko ang lahat para matulungan syang mabawi ang lahat na para sa kanya!"

Sabi ni Fidel.

"Maiba ako Fidel, malapit ka na nga pa lang lumaya, inaasikaso ko na! Ano na ang plano mo?"

"Ano pa e di mag hanap ng asawa!"

"Hahaha!"

"Seriously Fidel, wala ka bang planong sabihin kay AJ kung ano ang dahilan bakit pinatay ang angkan nya? Nakulong ka dahil sa ginawa mong paghihiganti sa taong yun!"

"Para ano, para guluhin ang isip nya? Narito sya para ipagpatuloy ang sinimulan ng kanyang ama at lolo, hindi para iganti ang pagkakakulong ko!

Nakapatay ako at mali ang ginawa ko sa batas ng tao at sa batas ng Diyos! Tama lang na makulong ako!"

Ang iniisip kasi ni Atty. Rico ay dapat malaman ng lahat na hindi aksidente ang nangyaring sunog, gaya ng alam ng lahat.

Yun kasi ang lumabas sa imbestigasyon kaya nagulat din si AJ ng sabihin ni Fidel sa kanya na napatay nya ang taong pumatay kay Jaja.

Akala ni Atty. Rico ay ito ang nasa isip ni Fidel kaya sinabi nya ang tungkol sa pagpatay nya sa taong dahilan ng sunog na iyon.

"Hindi tama na isipin pa ni AJ ang nangyari, hindi makakatulong sa kanya. Tapos na yun kaya kailangan na natin mag move on!"

Next chapter