webnovel

Pamana

Pagkatapos nilang magkapirmahan at pagkabigay na pagkabigay ng 2 milyon ni AJ kay Conrado, nagalsa balutan na ito at umalis. Ayaw na nyang magtagal at baka magdalawang isip pa si AJ at bawiin ang pera.

"Bakit pa ako magtatagal dito sa farm, inaantay na ako ng asawa ko sa airport pupunta kami ng hongkong! Hehe!"

Yun lang naman talaga ang habol nya, ang pera ni AJ. Hindi na nya inaasahan pa kung tutuparin ng binata ang napagkasunduang installment payment.

Hinayaan na sya ni AJ.

'Mas maigi nga ang ginawa nya at ng maaga kong maumpisahan ang dapat kong umpisahan!'

'Maraming pang oras para pagbayarin ko kayo. In the mean time, mag enjoy muna kayo!'

Nung mga oras din tinipon nya ang mga trabahador sa farm at kinausap. Gusto nyang malaman kung sino ang mga nakakakilala kay Jaja at kung sino ang mapagkakatiwalaan.

Pero, lima na lang pala ang naiwan at mukhang may plano na ring umalis ang tatlo dahil sa hindi na nila makayanan ang hindi magandang pamamalakad at ugali ni Conrado.

"Hindi ko kayo pipigilan kung gusto nyong umalis pero, hindi ko rin maipapangakong masuswelduhan ko kayo ng tama dahil marami akong kailangan ayusin sa lupain ito!"

"Sir, pagkain lang po, sapat na sa amin!"

Sagot ng nakakatanda sa kanila na si Mang Andoy.

May iba syang pakiramdam sa bagong may ari ng lupain.

'Bakit kaya magaan ang pakiramdam ko sa kanya? Hindi tulad nung Sir Conrado, nung una pa lang hindi ko na gusto!'

'Kungdi lang malaki ang utang na loob ko kay Sir Jaja, matagal ko ng iniwan ang lugar na ito!'

'Pero alam kong isang araw, babalik ang totoong may ari ng lupaing ito. Ang anak na lalaki ni Sir Jaja!'

"Matagal na po ba kayong lima dito?"

"Opo Sir! Kami po ang mga orihinal na tauhan ni Sir Jaja! Sampu po kami pero namatay na po ang dalawa at yung tatlo po ay tumira na sa pamilya nila at iniwan na ang farm dahil hindi na po kayang magtrabaho gawa ng nagkasakit!"

"Mabuti po kung ganun! Maasahan ko po ba kayo na tulungan akong ibalik ang dating ganda ng farm?"

"Opo Sir!"

Masayang sagot ng tatlo.

'Dito ko sisismulang hanapin ang katotohanan!'

Ramdam nyang maraming sekreto ang ama na naririto sa farm na makakatulong sa pagsagot sa mga tanong nya kaya dito sya unang nagtungo hindi sa pinangyarihan ng sunog.

Duon sa Hacienda Remedios.

Saka, pagduon sya nagpunta baka maalarma nya ang lahat.

Wala talaga sa plano ni AJ na ayusin ang farm, pero ng makita at makilala nya ang mga tauhan..

'Wala naman sigurong masamang subukan!'

Dumaan ang araw at lumipas ang isang buwan, unti unti ng naayos ni AJ ang farm.

"Hindi ko inaasahang may green thumb pala ako! Hehe!"

Masaya nyang pinagmamasdan ang mga itinanim nyang gulay na unti unti ng lumalago.

"Ngayon naman oras na para subukan kong magtanim ng ubas! Gawa na ang green house pwede na akong magsimula!"

Habang nagtatagal sya dito sa farm, pakiramdam nya mas lalo nyang nakikilala ang ama.

Pakiramdam din nya ay ginagabayan sya nito sa kung ano ang dapat gawin sa farm. Na parang andun ang ama sa tabi, ibinubulong ang mga dapat nyang unahing gawin.

Wala syang alam sa farming lalo na sa winery pero hindi nya maintindihan ang sarili nya kung bakit gusto nyang gawin kahit batid nya kung gaano ito katagal bago sya makapag produce ng isang wine.

"Papa, huwag po kayong magalala, aayusin ko po ito, ibabalik ko po ang ganda ng ubasang ito!"

Masaya syang namuhay sa farm at nakalimutan na ang dahilan nya kung bakit sya nagtungo dito. Wala ng halaga sa kanya ang sinasabi ni Lemuel, ang tanging nasa isip nya ngayon na sya si AJ ang anak ni Jaja.

At itong farm ang PAMANA ni Jaja sa kanya.

"Isang araw, pakakasalan ko si Coffee ko at ititira ko sya dito!"

Naalala nya si Eunice at inimagine nyang masaya silang namumuhay sa farm kasama ng magiging anak nila.

Pero bigla nyang naisip, Gugustuhin kaya ni Coffee na tumira dito?' Hehe!'

Masayang masaya si AJ habang iniisip ang bagay na iyon, wala syang kamalay malay na sa mga oras na iyon may hindi magandang nangyayari sa bahay nya sa Bulacan.

*****

"Ano bang kailangan nyo sa akin? Bakit basta na lang kayo pumasok sa bahay ko na walang permiso?"

"Hoy tanda, huwag ka ngang maingay dyan!"

Napakunot ang noo ni Lola Inday.

"Kung maka 'TANDA' ka dyan para kang hindi matanda? Mas matanda pa nga sa akin ang itsura mo!

Ano bang kailangan mo sa akin? Balak mo bang pagsamantalahan ang pagkababae ko? Ha? Demonyo ka!"

Kinilabutan si Lemuel sa sinabi ni Lola Inday.

'Lintek na matandang 'to anong akala nya, papatulan ko sya? Wala na syang asim anuh!'

"Hoy tanda! Wala akong kailangan sa'yo, dun sa apo ko meron! At wala rin akong balak na pagsamantalahan ka!"

"Apo? At ano naman ang kinalalaman ko sa apo mo?"

"Bakit hindi ba nasabi sa'yo ni AJ? Ako ang Lolo nya, sya ang nawawala kong apo na kinidnap nuon! Sya si Allan ang ipinalit ng bwisit na Jaja na yan sa sakitin nyang anak!"

"Anong pinagsasabi mo? Hindi mo apo si AJ at hindi sya kailanman magiging apo mo! Hunghang!"

"Wala akong pakialam kung naniniwala ka sa akin o hindi! Ang importante sa akin ngayon ang maibalik sa akin ang apo ko kaya sasama ka sa akin at ikaw ang ipapain ko para lumitaw ang magaling kong apo!"

"Sige na, buhatin nyo na yang matandang yan at baka may makakita pa sa atin dito!"

Next chapter