"Sir Garry, hindi po kasi pabor si Edmund sa pagmamahalan ng apo kong si Jeremy at ng anak nyang si Eunice.
Gusto na po nilang magpakasal pero natatakot sila kay Edmund. Ilang beses na nga nitong hinadlangan ang dalawa!
Kaya po ako narito para hingin ang tulong nyong kumbinsihin si Edmund na hayaan na ang dalawa, nagmamahalan po sila at handa na po ang lahat sa kasal nila!"
"ANO?!"
Gulat na napatayo si Regina.
"Bata pa si Eunice, anong pinagsasabi mong kasal?"
Sabat ni Regina.
Nagulat si Garry sa biglang pagtaas ng boses ng asawa.
Kinabahan naman si Lemuel.
'Dapat pala inaya ko sa malayo si Sir Garry para hindi nya nadinig. Baka mabulilyaso pa kapag nakialam itong si Madam.'
"Mahal ko, sweety pie! Huminahon ka nga at baka mapano ka dyan!"
Tiningnan ni Garry at kinindatan ang asawa para pigilan ito.
"Hmp! Bahala ka!"
Umalis ito sa pikon.
"Ano nga ulit yung sinabi mo, Lemuel? Hindi ko kasi naintindihan! Pwedeng pakiulit nga from the top! Naguluhan ako eh nakalimutan ko tuloy lahat!"
Naiinis man inulit ni Lemuel ang sinabi nya, from the top.
"Ibig mo bang sabihin mag syota yung apo mo at apo ko?"
"Opo Sir Garry!"
"Ahhhh... eh bakit sila magpapakasal?"
Nakukulitan na si Lemuel. Makailang beses na nyang pinaliwanag sa matanda kung bakit sila magpapakasal pero hindi pa rin nito naintindihan.
Ang hindi alam ni Lemuel, sinasadya yun ni Garry. Yun ang ibig sabihin sa kindat nito sa asawa na iwan sya at hayaang makipagusap dito.
Gusto nyang maglaro, matagal tagal na rin naman ng huli syang nakipaglaro.
"Sir Garry, matutulungan nyo po ba ako kay Edmund?"
"Ay oo naman Lemuel matutulungan kita, bakit naman hindi ... eh ano nga ulit ang tulong na hinihingi mo?"
Umuusok na si Lemuel. Pikon na ito.
'Jusmiyo itong matandang ito, naguulyanin na ba ito?'
"Sir Garry, sabihin nyo po kay Edmund na hayaan ng makasal ang dalawang apo natin!"
"Ahhh ... inuutusan mo akong utusan si Edmund na hayaan makasal ang dalawa?"
"Oho! Ay hindi po!"
Naguguluhan na rin si Lemuel.
"Ha? Ano ba, Oho o Hindi? Ang gulo mo naman Lemuel sumasakit na ang ulo ko sa'yo!"
"Sir Garry hindi po yun ang ibig kong sabihin!"
Gustong itama nito ang sinabi nya pero napansin nyang malala na talaga ang pagkaulyanin ng matandang Perdigoñez.
Tumingin ito sa paligid, tiningnan kung may tao sa malapit at saka muling nagsalita.
"Parang ganun na rin po! Kausapin nyo po si Edmund at sabihin na hayaan na ang relasyon ng dalawa kung gusto nilang magpakasal!"
Halos pabulong nitong sabi.
"Ganun ba? Hmmm, mukhang kailangan kong makausap si Edmund! Pero paano ko sya pupuntahan? Tyak na hindi ako papayagan ng asawa ko!
May pagkatigre kasi iyon eh, takot ako!"
"Sir, pwede nyo naman pong kausapin na lang si Edmund sa telepono!"
"Oonga ano! Mando andyan ka ba? Pakiabot nga ang telepono at may tatawagan ako!"
"Po? Sino pong tatawagan nyo Sir? Ako na pong mag da dial!"
"Hamina na nga ang telepono, bilis! Kailangan kong tawagan si Edmund at sasabihin kong huwag syang makialam!"
Nangiti naman si Lemuel ng madinig ito.
'Mission accomplish! Hehe!'
Naidiyal na ni Mando ang telepono ng iabot sa matanda pero hindi maintindihan ni Mando kung bakit nya pinatay ito at dinayal ulit tapos ay sumenyas na umalis na.
"Hoy bata ka! Umuwi ka nga dito at may kailangan tayong planuhing kasal.."
"Anong magulo? Sinong sinasabi mong magulo? Makinig ka! Huwag ka ng magsalita dyan at alam ko na ang totoo tungkol kay Eunice! Buti pa huwag ka ng makialam at makinig ka na lang!"
Sabay baba ng telepono.
Pagkababa ng telepono agad na tumayo si Lemuel at nagpaalam.
"Mauna na po ako Sir Garry!"
"At bakit aalis ka na agad, hindi ka pa magpa umaga?"
"Hindi na po ako pwedeng magtagal! Malayo pa ang pa Maynila at kailangan ko pang ihanda ang apo ko sa gagawin naming pamamanhikan!
Sige po Sir Garry!"
At umalis na ito na hanggang tenga ang ngiti.
"Garry, ano bang pinagsasabi mo ha?"
Inis na sabi ng asawa nyang si Regina.
"Shhhh, sweetie pie, huwag kang maingay, baka madinig ka nung payaso, bumalik pa!"
Suway na nakangiti ni Garry.
"Payaso? Sinong ..... "
Napatingin ito sa papalayong likod ni Lemuel.
Naintindihan na nya ngayon ang asawa.
"Sino ba talaga yun? Makangiti ka kanina kala ko close kayo eh!"
"Isa syang walang kwentang nilalang. Tumanda na, hindi pa rin alam kung saan lulugar! Ambisyosong matanda!"
"Huh?"
"Magiingat ka sa kanya!"
Naintindihan na nya kung ano ang pakay ni Lemuel.
"Hindi ba dapat tinatawagan mo na si Edmund para warningan!"
Sabi ni Regina sa asawa.
"Si Edmund? Hahaha! Matalas ang pag amoy nun! Isa syang Perdigoñez remember? Hindi ko sya kailangan warningan mas masaya kung si Ames ang tatawagan ko!"
"Sinong Ames?"
"Ang anak nung payaso! Sya lang ang makakapigil sa kalokohan ng ama nya!"
"Saka ... sabihin mo nga yung guard na huwag na ulit patutuluyin ang payasong yun!"