webnovel

Before Special Exam

Lumipas ang ilang araw.

Hindi na muling nagkita sila Eunice at Jeremy. Busy din kasi si Jeremy sa mga part time job nya at si Eunice, sobrang busy naman sa life nya.

Everyday na ring sinusundo ni AJ si Eunice sa school papuntang work nya at ihinahatid sa old mansion pag uwi.

In short ipinagkatiwala na ni Edmund si Eunice kay AJ.

Sa school, ganun pa din ang si Dean Vernal at ang mga professor ni Eunice sa kanya.

Si Dean madalas syang ipatawag sa office nya at may ipinagagawa ito na hindi iniexplain kung bakit.

Ang mga professor naman nya, sya na ang pinagtuturo ng mga lessons nila habang nakaupo lang sila.

Napipikon na si Eunice. Hindi na tamang laging ganito.

"Hindi na tamang ako na lang ng ako ang magtuturo sa class, that's unfair! This is their job not mine!"

Reklamo ni Eunice kila Mel at Kate.

"Sa tingin ko Sissy dapat magreklamo ka na, hindi tama ang oo na lang ng oo, umaabuso na sila! Pero kanino ka magrereklamo kung mismong si Dean sumasali sa pagpapahirap sa'yo?"

"Tapos, dagdag pa yang si Patricia! Haaaay nakaka ubos na sya ng pasensya! Wala ng ginawa kundi bwisitin ako!"

"Bakit Eunie, anong problema ni Ms. Valedictorian nung highschool?"

"Sa tuwing nagdidiscuss ako ng lesson binubulabog ako as in gagawa at gagawa sya ng bagay na madidistract ang mga classmates ko sa pakikinig sa akin at malipat ang atensyon sa kanya. Madalas tuloy pinapaalis sya ng mga professor sa room para di makaistorbo!"

"Yun naman pala e, so at least tumatahimik sya!"

"Hindi rin! Kasi pagkatapos ng klase magiingay yun at maglilitanya sa pagiging 'FAKE' ko at sipsip sa mga teacher!"

"Ano naman sabi ng mga classmates mo?"

"Syempre wala silang pakialam pero hindi naman sa mga classmates ko sya naglilitanya dun sa kabilang class!"

Hindi kasi matanggap ni Patricia na ang isang tulad ni Eunice na minamaliit nya ay syang nagtuturo na ngayon sa klase nya. Hindi tuloy sya nakikinig at dapat hindi rin makinig ang mga sinuman kay Eunice.

'Hmp, bakit ba sya ang nagtuturo sa amin, hindi naman sya ang teacher?'

'Saka, kaya ko din yang ginagawa nya noh! Madali lang naman magturo!'

Madali lang naman talaga magturo basta may susundan ka lang na lesson plan, ang mahirap lang ay kung paano mo makukuha ang atensyon ng bawat estudyante mo at kung paano mo ipapaliwanag sa kanila ang lessons na maiintindihan nila.

Yun ang hindi kaya ni Patricia at dun magaling si Eunice na kahit mga teacher nya aminadong humahanga sa kanya.

"Magaling sya, parang matagal na syang nagtuturo!"

"Yes, she's a natural!"

Kung alam lang nila, 3 years nagturo sa mga bata kinder si Eunice kaya may alam na sya pagtuturo.

Pero may dahilan kaya ginagawa ng mga professor ni Eunice ang ganun bagay sa kanya. Gusto kasi nilang magpapansin kay Dean.

Malapit na ang Special exam ni Eunice at gusto nilang makasama sa isa sa manonood.

Pero hindi sila qualified, tanging si Prof Alex lang ang qualified dahil member sya ng Elite group pero hindi nila ito alam.

Ang alam nila ay namimili pa lang si Dean sa kanila kaya ang ginagawa nila ay ginagaya nila ang mga pinagagawa ni Prof. Alex kay Eunice.

Kaya sa huli si Eunice ang nahihirapan.

Isa si Prof. Roldan na naghahangad na mapasama sa mga viewers sa araw na iyon. Gusto nyang muling mawitness kung paano sumagot si Eunice sa mga tanong na ibibigay sa kanya.

"Hanggang saan ba talaga ang galing nya?"

Hindi na nya tuloy nabibigyan ng pansin ang pamangkin nyang si Patricia. Hindi nya alam na napapabayaan na nito ang pagaaral nya.

Ready na at excited ang lahat ng mga teachers at si Dean para sa special exam na gagawin, maliban sa mag eexam.

Si Eunice.

Hindi nya alam kung para saan ang exam na ito at hindi pa nya maintindihan kung bakit nya kailangan itake ito.

Naiinis na sya at napipikon, lalo na sa mga bulungbulungan nila.

Isa lang ang gusto nyang gawin ngayon ang huwag ng pumasok ng school. Nabo bored na sya sa school.

Sa mismong araw ng special exam hindi nya inaasahan na ihatid sya ni AJ.

"Coffee anong problema? You look iritated?"

"I am! Naiirita na ako sa school na ito kung pwede lang sanang umalis at mawala pansamantala!"

Muling pinaandar ni AJ ang sasakyan.

"Oh, bakit?"

"Sabi mo gusto mong mawala pansamantala? Then let's go?"

'Eto talagang si AJ!'

Masaya sya at natutuwa dahil napapasaya sya sa mga simpleng action na ginagawa ni AJ para sa kanya.

"Salamat Milky!"

"Basta masaya ka yun ang mahalaga! I will always be here by your side!"

KRRIIING!

"Hello, Mel Buddy! What's up?"

"Hello AJ Dude, nakita namin ang sasakyan mo paalis! Diba ikaw ang naghatid kay Sissy ko, pero hindi namin sya nakitang bumaba, asan sya, kasama mo ba?"

"Yes My Buddy Mel, kasama ko nga si Coffee! Hehe!"

"Bakit? Saan kayo pupunta?"

"Magtatanan! Hahahaha!"

Next chapter