webnovel

Something's Change

Lunes.

"Tila merong kakaiba sa dalawang yan."

"Dati parang mga aso't pusa laging nagaaway, ngayon, ganun pa rin, pero parang may sweetness on the side!"

"Napansin nyo rin! Sa tingin nyo bakit kaya? Ano ang nangyari nung weekend na hindi natin alam!"

Ito ang mga kwentuhan ng Grade 9 star section students habang pinagmamasdan nilang magkulitan si Eunice at Louie.

"Mel, ikaw ang bestfriend ni Eunice, tyak na may alam ka!"

"Malay ko sa dalawang yan! Busy ako nung weekend!"

Hindi maiwasan ni Mel na balikan ang nangyari sa kanila ni Kate nung weekend at nangingiti ito sa tuwing naalala nya.

Nanumbalik ito sa huwisyo nya ng mapansing nakatingin ang mga nasa paligid nya sa kanya. Nagtataka.

"Basta ang alam ko umuwi sila Sissy ko at ang buong fam nya sa province nila nun pang Thursday at kagabi lang sila bumalik! Alangan naman magkasama yang dalawang yan dun sa San Roque? Ang layo kaya nun!"

"E, bakit ganyan sila magtinginan ngayon? Tingnan mo!"

Napansin nga ni Mel ang tinginan ng dalawa pero hindi si Eunice ang nagbago kundi si Louie. Mas gentle na ito kay Eunice compared before.

"Baka naman nagiging malisyoso lang kayo? Mga hitad, tigilan nyo na nga yan!"

Pero, maging si Zandro ay napansin din ang pagbabago kung paano kulitin ni Louie si Eunice. Kaya ng uwian kinausap nya ang kaibigan nyang ito.

"Bro, tapatin mo nga ako, may gusto ka ba kay Eunice?"

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo dyan? Bakit naman ako magkakagusto kay Ms. Panda?"

Napansin ni Zandro, pati pag tawag nya kay Eunice iba na. Dati pag inaadress nya si Eunice "Yung Pandang yun!" ngayon, "Ms. Panda". May sweetness na.

Hindi maiwasang magduda ni Zandro.

'Nagsisinungaling sya!'

May kirot sa puso nya.

"Bro Louie, mag bestfriend tayo, kaya kung may gusto ka kay Eunice sabihin mo na agad! Mas gusto kong honest ka sa akin!"

"Tama ka, Zandro mag bestfriend tayo, kaya bakit kita tatalunin?"

"Louie, OO at WALA lang ang gusto kong madinig sa'yo!"

"Zandro, ang kulit mo! Bahala ka na nga dyan!"

At iniwan na nito ang kaibigan. Kinakabahan sya na pag magtagal pa ang usapang ito, baka makahalata na ang bestfriend nya.

Ang hindi alam ni Louie, lalo lang tumutindi ang pagdududa ni Zandro sa kanya.

*****

"Louie!"

Nagulat si Louie ng biglang sumulpot si Alicia sa harapan nya.

Nakaupo sya sa isang swing, sa park. Dito sya dumiretso matapos syang kausapin ni Zandro tungkol kay Eunice.

Hindi nya maintindihan ang nararamdaman nya kaya gusto nyang mapagisa.

"Anong ginagawa mo dito Alicia? Umalis ka na pwede ba, gusto kong mapagisa!"

Pero hindi umalis si Alicia, naupo rin ito sa katabing swing.

Tatayo na sana si Louie pero pinigilan sya ni Alicia sabay turo kay Zandro na parating. Ayaw nyang makita at makausap muna ang kaibigan kaya nanatili ito sa swing.

"Louie, gusto ko lang naman makipagusap sa'yo! Kahit ngayon lang. Please!"

Pakiusap ni Alicia.

"Tungkol ba saan ito, Alicia?"

Naiiritang tanong ni Louie.

Pero hindi na nakasagot si Alicia dahil nasa tabi na nila si Zandro.

"Bro Louie, bakit mo ako iniwan, hindi pa tayo tapos magusap!"

Tanong ni Zandro sa kanya. Halatang hindi ito titigil hangga't hindi sila nagkakausap ng masinsinan ni Louie.

Pero hindi pa handa si Louie. Ni hindi pa nga nya handang aminin sa sarili nya na mahal na nya si Eunice.

"Pasensya Zandro pero, may mahalaga kasi kaming pinaguusapan ni Alicia."

At tumayo na ito, kinuha ang kamay ni Alicia saka umalis. Iniwan nila si Zandro na nagiisip.

"Ano naman ang mahalagang paguusapan nung dalawang yun? At kelan pa sya naging close kay Alicia e, ayaw nya nga sa taong yun dahil sa ugalin nun?"

Muli, hindi nya maiwasang magisip.

'May mahalaga nga ba silang paguusapan ni Alicia o tinatakasan nya lang ang mga tanong ko?'

***

Sa isang convenient store.

"Ano bang dahilan bakit gusto mo akong makausap, Alicia?"

"Alam kong may gusto ka kay Eunice!"

Phak!

Nahampas ni Louie bigla ang mesa sa inis. Iniiwasan nga nya si Zandro dahil sa issue na 'to tapos ibabato ni Alicia sa mukha nya.

Gusto nyang tumayo at iwan si Alicia.

'Haay bakit ba ako nagaaksaya ng panahon sa taong ito!'

Pero...

"Naintindihan kita Louie! May kasi ako sa'yo, nuon pa!"

Napatigil si Louie sa pagtayo at tiningnan si Alicia.

Ngayon lang sa buhay nya may nagtapat ng ganito sa kanya at hindi nya alam kung paano mag re react.

"Bakit ... bakit sinasabi mo sa akin 'to?"

Nalilitong tanong ni Louie.

Samut sari na ang pumapasok sa isip nya na dahilan kung bakit nagtapat si Alicia sa kanya.

"Dahil wala na akong pagkakataon!"

Louie: "????"

"Louie, tanggap ko ng hindi mo ako mapapansin kahit kelan kaya ko sinabi at saka... malapit na akong umalis."

"Huh? 'San ka pupunta?"

"Sa malayo. Kinuha na ako ng totoong Mommy ko, nanalo sya laban sa Daddy ko sa custody at next week aalis na kami!"

"Bakit, hindi mo na ba tatapusin ang pagaaral mo? One month na lang tapos na ang school year!"

"Nakausap na ni Mommy si Principal Cole at magkakaron ako ng advance exams para sa finals! Mag start na ako bukas kaya baka hindi mo na ako makita simula bukas! Saka mas mabuti na 'to para daw maka move on ako agad. Tutal wala naman makaka miss sa akin dito. Kahit Daddy ko hindi naman ako ma mimiss nun!"

"Alicia, sorry, hindi ko alam na may family problem ka palang pinagdadaanan!"

Hindi nito alam ang gagawin ng makita nyang lumuluha si Alicia. Binigay nya ang bimpo na dala nya.

"Hindi ako anak ng Daddy ko sa wife nya ngayon, recently ko lang nalaman na iba pala ang Mommy ko at matagal na nya akong hinahanap. Pagkapanganak pa lang, inilayo na ako ng Daddy ko sa kanya. Kaya pala ni minsan hindi ko naramdaman na parte ako ng family ng Daddy ko!"

"Sorry to hear that!"

"Louie, hindi ko 'to sinasabi para kaawaan mo ako, ang tanging gusto ko lang is a moment with you bago ako umalis!"

Dahil sa awa, ibinigay nga ni Louie ang huling hiling ni Alicia sa kanya.

Sinamahan nya ito at inihatid sa bahay ng Mommy nya.

"Salamat Louie!"

"Wala yun! Wish ko na maging masaya ka na mula ngayon!"

"Ako ang wish ko sa'yo, sana magkatuluyan kayo ni Eunice!"

"Teka, akala ko galit ka kay Eunice?"

"Yun din ang akala ko, turns out hindi pala ako galit sa kanya kundi sa sarili ko dahil hindi ko magawa ang mga ginagawa ni Eunice! Akala ko ang kalaban ko parati ay si Eunice, yun pala ang totoong kalaban ko ay ang sarili ko!"

Nagulat si Louie.

'Mukhang malaki ang ipinagbago nya.'

"Louie, take very good care of Eunice. Goodbye!"

"I will! Goodbye, Alicia!"

At tumalikod na si Louie.

Nang maalala ni Alicia na hawak pa nya ang bimpo nito tatawagin pa sana ni nya para isoli ang bimpo pero nagbago isip nya.

"I think I'll keep it!"

At inamoy amoy nya ang bimpo ni Louie pilit na ninanamnam ang naiwan nitong amoy.

Ang amoy ng lalaking una nagpatibok ng kanyang puso.

Ang lalaking sa simula pa lamang ay minahal na nya ng buong puso

....kahit na batid nyang, iba ang totoong mahal nito.

Next chapter