webnovel

Mamang Goons

"Ian, alam mo ba kung saan dinala nung mamang goons si Kuya?"

Tanong ni Eunice.

Nagpunta sya ngayon dito sa tindahan ni Mel para sabihin sa kanya na nakausap na nya si Kate at hupa na ang galit nito.

Tumango si Ian kay Eunice.

"Saan?"

"Sa ATM daw Ate Eunice, para magwithraw! Sabi kasi ng mamang goons kapag hindi sya nagbayad kukunin nya si Ate Tina!"

Biglang tayo ni Eunice sabay alis pero pinigilan sya ni Reah.

"Eunice, teka! Delikado! Magagalit ang Daddy mo pag may nangyari sa'yo!"

Hinarang nito si Eunice para hindi sya makaalis.

"Ate Reah mamili ka, ako ang susunod kay Beshy o ikaw? Hindi ko pwedeng pabayaan si Beshy ko!"

"Naintindihan ko Eunice, pero kabilinbilinan ng Daddy mo na huwag na huwag kang susugod sa gulo!"

"Ate Reah, kung nagaalala ka po sa akin, buti pa samahan mo na lang po ako!"

Walang nagawa si Reah kundi sumunod kay Eunice na nagmamadaling pumara ng tricycle.

Samantala.

Naka pila sila Mel at ang mamang goons sa isang banko para mag withdraw. Ito ang pinakamalapit na may ATM machine na nakita nila, ang susunond ay sa mall na at need ng sumakay ng jeep patungo duon.

"Ayusin mo ang sarili mo!"

Sabi ng mamang goons kay Mel.

Natakot kasi sya na baka mapansin sila ng mga guwardya ng banko na yun.

Medyo may kahabaan ang pila ng dumating sila, sweldo kasi kahapon. At inip na ang mamang goons pero wala syang magawa dahil baka mapansin sila ng mga gwardya.

Palinga linga ang lalaki sa paligid at iniinis ang mga nagwiwthdraw ng may dalang madaming card.

"Kaya humahaba ang pila e! Pinakyaw na lahat sa dami ng card! Magtira naman kayo uy!"

Nahihiya tuloy ang iba kaya umaalis na lang.

Ayaw nilang makipagtalo sa mukhang goons na lalalaking ito.

Nang si Mel na ang susunod, kitang kita sa mukha nito ang pagka gahaman. Naka abang na agad ang mga kamay nya sa lalabasan ng pera kahit hindi pa naipapasok ni Mel ang card.

"Bilisan mo nga dyan! Ano ba!"

Singhal nito kay Mel.

Lalo tuloy natataranta si Mel kaya namamali ang pindot nya sa machine.

"Teka po, sandaling lang po!"

Umiiyak na sabi nito.

Pilit na huminahon ang lalaki para tumigil sa pagiyak si Mel at baka madinig ng mga guard.

Pag labas ng pera sa machine, tuwang tuwa ito at binilang agad.

Kinuha nito ang ATM sa kamay ni Mel tapos ay hinatak nito papalayo sa mga tao si Mel saka kinausap.

"Hoy bata! Interes lang 'to Sa utang nyo! Bukas babalik ako, pero ihanda mo na agad ang pera! Huwag mo na akong paghihintayin at papipilahin! Maliwanag!"

"Pero mamang goons wala na po akong pera, last na po yan! Wala na po akong maiibibigay sa inyo!"

"Ah, ganun!"

Sinikmuraan nito si Mel.

"Para yan maalala mong dapat mo akong bayaran! At kung hindi ka makabayad, alam mo na siguro ang mangyayari sa kapatid mo! Hehehe!"

At umalis na ito na iniwan si Mel nakahandusay sa bangketa namimilipit sa sakit ng pagkakasuntok sa kanya.

Pero hindi pa ito nakakalayo ng biglang may bumato sa kanya.

"Agh!"

"Lintek na 'to!"

At bigla itong lumingon para balikan si Mel dahil akala nya ay si Mel ang bumato sa kanya. Laking gulat na lang nya na isang batang babae ang nakatayo at may hawak na bato at binato ulit sya na tumama sa noo nya.

"Walanghiya kang bata ka! Bakit ka namamato?!"

Pero imbis na sumagot ay patuloy syang pinaulanan ng bato ni Eunice.

Napikon ang mamang goons kaya nilusob nya si Eunice pero hindi sya nakalapit dito dahil sinipa sya ni Reah ng malakas!

Tumilapon ang lalaki at tumama sa isang poste. Hindi ito agad nakatayo dahil mabilis syang sinunggaban ni Reah at saka sinuntok, saka itinali ni Reah ang dalawang kamay nito bago nya ibinangon.

"Beshy.."

Kaya mo bang tumayo? Halika dadalhin kita sa ospital!"

Nagtataka man si Mel kung bakit biglang sumulpot ang kaibigan, nagpapasalamat pa din ito at narito sya sa oras na kailangan nya ng tulong.

"Huwag na Sissy... Kailangan kong makabalik sa tindahan... Si Tina at si Ian .... kailangan ko silang balikan!"

Pinilit nitong makabangon habang inalalayan sya ni Eunice.

"Ate Reah, ikaw na ang bahala dyan, sa mamang goons at babalikan namin ang dalawa kapatid ni Mel!"

"Teka! Hindi ka pwedeng mawala sa paningin ko!"

"Huwag kang magaalala Ate Reah, I'll be okey! Promise!"

'Jusko, ano na naman kaya ang nasa isip ng batang 'to? Kinakabahan ako!'

"Hindi ako papayag, antayin nyo ako!"

Pamimilit ni Reah.

Kaya ng pumara si Eunice ng trycicle ay hindi ito nagpaiwan. Bitbit nya ang mamang goons at sumakay sa likod ng driver habang tumatawag sa police station.

"Tina, Ian!"

Sigaw ni Mel hindi pa man pumapara ang trycicle.

"Kuya! KUYA!"

"Huhuhu! Si Mama Kuya... Si Mama!"

"Ma.... MAAAAAA!!!!!"

Next chapter