webnovel

The Customer Is Always Right!

"Mel, andyan ka pala! Anong ginagawa mo dyan bakit wala ka duon sa looban?"

Tanong ng isang suki nya na palabas ng tyanggian.

"Nawalan po kasi ako ng pwesto, hindi ko po alam na ibinigay na pala sa iba ni Pinuno yung pwesto ko! Kaya po ako andito dahil hinihintay ko po sya para alamin kung bakit nya ako inalisan ng pwesto ng hindi man lang ako inabisuhan!"

"Ha? Ang ibig mong sabihin hindi ikaw ang may ari nung nasa loob na fishballan? E, bakit parehong pareho ang kariton ninyo?"

"Opo Mam, iba po ang may ari nuon, hindi po ako! Nagulat nga din po ako at bigla syang naanduon at ginaya pa po ang kariton ko at mga paninda ko! Hindi ko rin nga po alam kung bakit sya pinayagan ni Pinuno!"

"Nakupo Mel, mukhang ipinahamak ka ng taong iyon!"

"Po?!"

"Ano pong ibig nyong sabihin?"

"Kasi, kaming mga suki mo akala sa'yo yun, kaya nagbilihan kami! Pero nagulat kami na iba ang lasa at timpla kaya nawalan kami ng gana at kinancel namin ang iba pa namin order. Nang tanungin namin kung nasaan ka, ang sagot nung mamang tindero, nasa ka bahay daw at busy! Kaya ibinigay mo na daw sa kanya ang pamamahala ng pwesto mo at paninda mo!"

"Tapos, may mga customer naman na pinababalik ang ibinayad dahil hindi nila nagustuhan ito, lasang panis kasi at me amoy gaas pa! Pero ang sagot nung mamang tindero, huwag daw sa kanya magreklamo at tindero lang daw sya dun! Ikaw daw ang dapat lapitan ng mga nagrereklamo dahil ikaw daw ang mayari nung pwesto at taga tinda lang sya!"

"Po?! Paano po mangyayari yun e hindi ko naman po kilala ang mamang yon? Kanina ko lang po sya nakita!"

Maya maya eto at naglalabasan na ang mga nagrereklamo. Kasama ang dalawang bantay ng tyanggian, hinarap nila si Mel para singilin.

"Hoy Mel, ibalik mo nga ang mga binayad namin sa'yo!"

"Oonga Mel, hindi namin nagustuhan ang mga binili namin kaya sinosoli namin!"

"Kaya isoli mo din ang mga binayad namin!"

Pati ang mga bantay ay nakisali rin.

"Mel, alam mo ang patakaran dito sa tyanggian, kaya ayusin mo ang gulong ito! Ibalik mo ang bayad nila!"

"OONGA!"

"Teka, teka lang po! Hindi ko naman po kayo binentahan ng paninda ko! Katunayan po nyan, ngayon pa lang po ako magluluto!"

"At nagmamaang maangan ka pa!"

Pare parehong nagiinit ang ulo ng mga nagrereklamo pati bantay mainit din ang ulo.

Sa ganitong sitwasyon sila nadatnan ng mag pinsan.

"Ate Kate, parang may gulo sa banda run!"

Hindi nila napansin na si Mel ang pinagkukumpulan ng mga ito dahil sa kumakapal na tao sa paligid ni Mel.

Ayaw nilang masangkot sa gulo kaya dahan dahan silang pumasok sa tyanggian pero nasa bukana pa lang sila ng madinig ng dalawa ang pangalan ni Mel.

Pareho silang napahinto at lumapit sa naguumpukan.

"Si Melabs, pinagkakaisahan nila!"

Lumusob agad ang dalawa sa madaming tao na nakapaligid para damayan si Mel.

Sa tulong ni JR at Reah na parating kasama ng dalawa, napadali ang paglapit nila kay Mel.

"Beshy anong nangyari?"

Maingay sa paligid kaya pinahinto nila JR at Reah ang lahat.

"Teka po huminahon kayo! Hindi po tayo magkakaintindihan kung sabay sabay tayong magsasalita!"

Pero hindi pa rin humupa ang lahat, may mangilan ngilan pa rin na maingay at ito ang mga nagrereklamo.

Nilapitan ni JR ang nagbabantay.

"Manong, mas maigi siguro na sa baranggay na natin ayusin ito para hindi tayo maka istorbo!"

Pumayag naman ang bantay. Hindi na kasi makontrol ang pag dami ng tao at nakakatrapik na rin sila.

Habang patungong baranggay, ikinuwento ni Mel kila Kate at Eunice ang nangyari.

"Paano nangyari yun, bakit hinayaan ni Pinuno yun?"

Tanong ng dalawa.

Pagdating ng baranggay, dun nagkaharap ang magkabilang kampo.

Inireklamo agad nila si Mel pagdating duon.

"E, ikaw naman pala ang may kasalanan Mel! Dapat lang na bayaran mo sila!"

Sasagot na sana si Mel pero hindi sya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag.

"Ano bang tingin nyo sa tyanggian, isang playground? Akala nyo ba laro lang lahat ng ito?"

Teka kagawad nasaan ba si Kapitan?"

Tanong ni JR

Napataas ang kilay ng kagawad.

"Ako ang narito kaya bakit mo hinahanap si Kapitan?"

"Baka kasi mas may sense syang kausap kesa sa'yo!"

"Ooooohhhh!"

Sabay sabay na napatingin ang mga nagrereklamo sa lalaking nagsalita.

Lalo naman kumunot ang noo ng Kagawad.

"Sino ka ba, Mister?"

Lumapit ito at ipinakita ang ID nya. Nagulat si Kagawad.

'Anong ginagawa ng isang ex military dito?'

Tiningnan nyang mabuti ang mga bata.

Hindi tanga si Kagawad para hindi maintindihang may mataas na tao sa likod ng isa sa mga batang ito.

"Sir, pasensya na pero busy si Kapitan sa meeting kaya ako na lang walang sense ang pagtyagaan mo!"

"Kung busy sya, maghihintay kami! Balita kasi namin kasama nya si Pinuno at si Pinuno lang ang makakasagot ng lahat ng ito!"

"Okey, wala naman problema dun, e di maghintay kayo! Pero.....

....bago yan gusto kong malaman mo at iremind ka Mel na may mga rules and regulations ang tyanggian na dapat sundin ng mga nagtitinda! At isa sa rules and regulations ay bawal na bawal ang may magrereklamo sa kanila!"

"Sa oras na may magreklamo, pwede silang tanggalan ng pwesto sa tyanggian at dapat nya ring ayusin agad ang problema nya sa nagrereklamo kahit ano pa ito at bayaran ang dapat bayaran dahil kung hindi pwede syang makasuhan!"

"Tandaan nyo "The customer is always right!"

Next chapter