webnovel

P A N G - P I T O

3:00 PM

Kasalukuyan akong nasa abandonadong lugar. Matapos kong makausap ang matandang babaeng tumulong sa akin. Totoo ngang napakaliit ng mundo. Iyong matanda pala at 'yong gumawa ng bracelet na ito ay iisa, at ang mas nakakamangha pa riyan ay may kaunting alam din siya about sa nangyari. Naging kaibigan rin siya ni Sioney. Napapangiti ako habang iniisip iyon. She'll be a great help for me, and to the case.

Naisip ko na naman si Mr. Heinous, baka mapatay ako ng gago 'pag malaman niyang hindi ako makapupunta. I decided na in-diyanin na lang si Mr. Heinous, lalo na't may tutulong naman sa akin. And I think mas mapapabilis ang takbo ng kaso 'pag kay Clandestine ako sumama.

Tinignan ko ulit ang lugar, inilibot ko ang aking mga tingin sa loob nito. Nothing changes. Iyon pa rin simula noong una kong pagpunta rito. Napatingin ulit ako sa laruan na maliit na narito sa harapan ko ngayon. Kinuha ko ulit ito, at mariin na binasa ang barcode na nakasulat sa ilalim nito.

"Sorry for waiting, here." Sabay na inilapag ni Clandestine ang kape sa harapan ko. Tinignan ko siya nang matagal.

"What's with the look?" Tapos ngumiti siya. How can he manage to stay calm despite the situation we're dealing with? At lalo na't nagpadagdag pa ng pagiging lito ko ay ang sulat, at susing ipinadala niya. I'm here to ask, and confirm something.

"Ano ba ang kinalaman ng word na iyon?" Tanong ko habang nalilito pa rin.

K P A C O T A means Beauty is a formidable power.

Anong ibig sabihin no'n? Gumamit pa talaga siya ng Russian Word para ilahad sa akin ang kahulugan, well hindi ko pa rin naman iyon naintindihan.

"K P A C O T A, magagamit mo iyan sa paghahanap sa mga bagay na ginamit sa pagpatay sa Lola mo." Mahahanap? Mga ginamit? Paano niya naman malalaman, hindi ba?

"Ano bang ibig mong sabihin?" Napapakamot pa ako sa pinagsasabi niya.

"It is a clue word. Once mahanap mo ang magiging kapares niyan ay mapapadali ang paghahanap mo." Inilabas ko naman ang susi.

"At ito? Saan ko naman 'to gagamitin?" Pagpapakita ko sa ipinadala niyang susi. Jusko, bakit hindi na lang niya ako diretsahin nang matapos na ito.

"Sa pamamagitan niyan mahahanap mo ang kapareha ng clue word." WTF? Para naman kaming naglalaro ng logical situations.

"Tapatin mo nga ako? Sino ba talaga ang Killer? May alam ka ba talaga o pinagloloko mo lang ako?" Napadako ang mga tingin niya sa akin. Then he shows his pure white teeth. I suddenly feel this strange feeling. His grinned-it was so . . . indescribable.

"Lahat alam ko Ghoul. Wala akong pinagloloko, sadyang hindi mo lang makuha-kuha ang pattern ng kaso-"

"-and beside, ginagawa ko naman ang parte ko. Tinutulungan kita sa kaso. Kaya not so fast, Ms. Villaroque. Kung sasabihin ko sa 'yo nang maaga, you'll not be worth to be called Detective. You're not a detective if you ask me the truth, so find and see it for yourself. That's the true Detective." parang nang-uuyam ang nais iparitang ng mga salitang binitawan niya. Importante pa ba 'yon? Mahalaga pa ba ang reputasyon sa hustisiya? Paano niya nasasabing I'm not worth the title as a Detective, if hindi ako nagtanong. As a detective, we interrogate. We ask plenty of questions, we investigate, we pledge to know the truth, and to give fair justice.

"Ano palang silbi nang pagpunta ko rito kung wala naman akong mapapala? You said tutulungan mo ako, sinabi mo pang sasabihin mo kung sino ang tunay na may sala tapos ngayon sasabihin mo 'yan!" Wika ko habang nakataas pa rin ang kanan kong kilay. Kung alam niya sabihin niya, kaya nga tayo may bibig para sabihin ang katotohanan, hindi 'yong kritisismo ang lumalabas. I barely wanted to have justice. Na makulong na 'yong hinayupak na pumatay sa Lola ko. Desperado na kung desperado, well, lahat naman tayo nagiging desperado kung alam nating kailangan natin iyon.

"Sinabi kong tutulungan kita at ginawa ko 'yon, pero hindi ko sinabi sa iyo na maghintay ka na sasabihin ko sa 'yo kung sino talaga ang pumatay. Alamin mo nang malaman mo." Umigting ang panga ko sa sinabi niya. Nakalimutan na ba niyang sinabi niya sa akin na 'I'll tell you if who the real killer is.' Tapos ngayon aasa ako sa wala?

"I quit." At mabilis kung kinuha ang sobre na dala-dala ko kanina, at kaagad akong tumayo para umalis nang bigla siyang magsalita . . .

"Sige umalis ka, nang magsisi ka na pinili mong hindi ako piliin dahil lang sa ganid ka sa hustisyang ninanais mo. Hindi naman lahat ng kaso maagang nalulutas, hindi naman lahat ng kaso ay nabibigyang pagkakataon na malutas, lahat tayo ninanais ang hustisya pero paano mo ito makukuha kung napaka-desperado mo na." Napatigil ako sa paggawa ng hakbang habang nakikinig sa itinuran niya. He has a point. Pero iba ito, oras ang kalaban namin rito.

"So, gusto mong umalis just step 5 forwards away and go out of the door, then bye. If you'll stay, turn your head and return to your seat and we'll discuss as it was nothing happens." Hindi ako lumingon, napalunok ako ng laway. Alam kong napaka-seryoso niya sa bagay na ito. Pinag-isipan kong mabuti ang gagawin ko. May punto siya, kanina iniisip ko din na malaking tulong at mas mapapabilis na makukuha ko ang hustisiya kapag sa kaniya ako sumama.

I heaved a sigh. Seems like I don't have any choice. Kung ito na lang ang pagkakataon, I'll take it again.

"What's the topic all about?" Sabay na lumingon at bumalik sa kinauupuan ko kanina. I hope I made the right choice. I saw him smiling at me.

"That's my girl." Sabay na kumindat pa sa akin. You jerky faggot. Huwag niya akong maporma-pormahan baka turukan ko siya ng isang dosenang formalin.

"Ito," aniya. At sinunod na ibinigay ang isang malaking envelope. Ano ito?

"What's in this? Para saan naman 'to?'' aniko. Hell, yeah ang kapal ng envelopes na 'to. Aanhin ko naman 'to? 'Try mong kainin!' pakshet. Sumagi sa isip ko ang sinabi ni Mr. Heinous kanina. Why he always interrupting my thoughts?

"Everything you need. Mga katanungan mo, well except sa totoong pumatay nariyan lahat." Napangiti naman ako. Kita ko sa mukha niya na masaya siya, sa tingin ko tama ang choice ko na siya ang pinili ko. "Lola, kaunti na lang at maibibigay ko na sa 'yo ang hustisiya. Sana matahimik na ang kaluluwa mo." Sabay na bulong ko sa hangin. Sana binabantayan mo ako, kung nasaan ka man ngayon.

* * *

Narito ako ngayon sa hospital, after nang meeting namin ni Clandestine mabilis ako kaagad na pumunta rito. Nasa entrance na ako ng hospital, at kinakabahan ako sa maaari kong madatnan. Alam kong silang dalawa ni Lux at Eunice ang magbabantay ngayon, and I don't have any option kundi ang makihalubilo sa kanila nang mabisita ko si Sinoey. Isa pa, kailangan ko siyang makausap about sa sinabi ng matanda sa akin.

Saka na 'yang personal problems na iyan, ito muna. Hanggang hindi pa ito nalulutas.

"Good evening Ma'am." Pagbati sa akin ni Kuyang Guard. Napaka-formal naman nila. Nginitian ko na lang siya bilang tugon.

Pumunta ako sa desk ng mga nurse. May itatanong lang ako.

"Good evening Ma'am. How can we help you?" Maligaya at nakangiting 'turan ng babae sa akin.

"Nurse, tapos na ba ang daily routine sa Room 666? Tulog na ba ang pasiyente? Kumain na ba? Sino ang nagbabantay sa kaniyan ngayon?" Tanong ko sa isang Nurse. Kumunot naman ang kilay ng babae.

"Hindi niyo po ba nabalitaan Ma'am?" Huh? Anong nabalitaan?

"Anong ibig niyong sabihin? Anong balita?" Sagot ko. Puno pa rin ako ng pagtataka. Ano ba ang nangyari habang wala ako?

"Kanina mga bandang 3:30 ng hapon ay natagpuang patay sa loob ng Room 666 si Ms. Eunice Valenzo sa CR. Sigaw nang sigaw at tuloy na umiiyak ang pasiyente sa nakita. At kasalukuyang nasa presinto si Mr. Lux Su-" hindi ko na pinatapos pa sa pagsasalita ang Nurse dahil kailangan kong makita ang nangyari. WTF? Gano'n ba ang nangyari habang wala ako?

Mabilis kong tinungo ang ikalawang palapag ng Hospital, kailangan kong masigurado kung okay lang ba si Sioney . Kung ano ang nangyari sa kanila. Ano ba ang nangyari? Sina Chim, at Lena? Okay lang ba sila? Ang daming katanungan ang pumapasok ngayon sa isipan ko. Pagkabukas na pagkabukas ng elevator ay para akong nakikipag-habulan sa kabayo.

"Sion-" sabay ang mabilis na pasok ko sa loob ng kuwarto ay ang pagdampi nang malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa aircon. Nagulat ako sa nakita ko, mga imbestigador ang nasa silid nito, nakatali at napalilibutan ng dilaw na tape ang buong lugar. May mga dugo, naka-porma na rin ang chalk sa sahig kung nasaan natagpuan ang katawan ng biktima.

"We're sorry Ma'am, pero bawal ka rito. Umalis na muna kayo dahil sinasailalim ng operasiyon at imbestigasiyon ang lugar na ito." Pagtataboy sa akin ng mga kapwa ko Detective.

"Hindi. Nasaan ba ang pasyente rito? Saang room ba sila inilipat?" Tinignan nito ang kaniyang hawak-hawak na papel.

"Sa ikatlong palapag, room 724 po Ma'am. Alis na po kayo ma'am. Sige na po, bawal po ang mga sibilyan rito." Mabilis ko na ipinakita sa kaniya ang ID ko as a Detective. Laking-gulat ang nakita ko sa mukha ng lalaki.

"I-ikaw po si?" Napatango ako. Bakit ba big deal sa kanila na ako si Ghoul, the Legend One. Eh, isa lang naman akong hamak na detektibo.

"Ako nga tinitukoy ng isip mo. Kaya please, papasukin niyo na ako." Nagmamakaawa na talaga ako, na alam kong hindi ko talaga ginagawan. Napatingin siya sa mga kasamahan niya. Mukhang alam ko na ang iniisip nilang lahat.

"May kautusan ba mula kay Chief na pinapapunta ka rito?" Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Nakalimutan ko na kailangan pala ng permisyon bago kami mangialam sa mga ganitong bagong kaso. Pero, damn. Konektado 'to sa kaso ng Lola ko.

"Wala po ba? Makaaalis na po . . ." Napatigil siya nang may sumabat sa kaniya.

"Let her be. Papasukin niyo siya." Nanlamig ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses niya. Ano kaya sasabihin nito sa akin ngayon, matapos ko siyang paghintayin at indiyanin?

"Ah, sige po Sir. Sorry po Ma'am, tuloy na po kayo." Napalingon ako at dumako ang mga bisyon ko sa kinaroroonan niya.

"H-hi!" Bati ko. Napa-smirked naman siya. Naglakad ito palapit sa kinatatayuan ko, ngunit bagsak balikat ako nang hindi niya ako pansinin at patuloy na naglakad papasok ng kuwarto.

Akma sana akong papasok sa loob ng silid nang mag-vibrate ang cellphone ko. Kinabahan ako nang makita ko ang isang tawag mula kay Chim. Mabilis ko itong sinagot.

"H-hello Chim? Nasaan kayo ngayon? Okay lang ba si Sioney? Kumusta si Eunice, totoo bang . . . wala na siya?" Sunod-sunod na tanong ko sa kabilang linya. Kasalanan ko 'to eh. Kung hindi dahil sa akin hindi mangyayari kay Eunice ito. Natahimik si Chim, rinig na rinig ko pa ang iyak, at hikbi ni Lena sa kabilang linya.

"G-ghoul, natatakot ako. Natatakot akong mamatay. Natatakot ako para kay Lena, kay Sioney, kay Lux, at sa 'yo. Natatakot ako na baka sa isang iglap mawala tayo sa mundong ito. Na baka sa isang simpleng kaso ni Lola, ay maging grabe na. Please, Ghoul. Tapusin mo na ito, tapusin mo na ang dapat tapusin. Una si Lola, ngayon naman si Eunice. Tapos sino isusunod? Ikaw? Ako? Ano bang ginawa natin para parusahan tayo ng ganito?"

Napa-iyak na rin lang ako sa pinagsasabi ni Chim. Tama siya, hindi namin alam kung hanggang kailan kami magtatagal. Hindi namin alam kung may matitira ba talaga sa amin. Kung sa bukas? Sa makalawa? Ay magkikita-kita pa ba kami? Bakit ba kasi sa akin pa 'to nangyayari, bakit sa amin pa ito nangyari?

"Sige Ghoul. Mag-iingat, i-lo-lock ko lang ang pintuan sa kuwarto. Delikado na. Mag-iingat ka, tandaan mo walang kaibigan sa oras ng kagipitan. Babalitaan ka na lang namin kung may kakaiba man na puwedeng mangyari." Napa-iyak naman ako. Ano ba ang ibig sabihin ni Chim? Ako tuloy ang grabeng naaapektuhan sa mga nangyayari.

Gagawa na sana ulit ako ng hakbang nang may tumunog na isang malakas na sirene sa loob ng hospital. Kinabahan ako dahil kulay dugo na ang kulay ng bawat ilaw sa loob. Biglang nag-ring ang phone ko.

"G-ghoul! Si Lena, wala na siya. Pinatay siya ng lalaking pumasok, bilisan niyo papalabas na siya sa may bintana. Mabuti na lang at napindot ni Sioney ang alarm at na-alarma siya. Bilisan niyo baka makatakas siya." Toot. Huling dinig ko sa telepono. Umiiyak ito.

Mabilis akong nakipag-karera sa hangin at mabilis na pumunta sa ground floor. Sa may bintana? Malapit lang iyon sa entrance ng Hospital. Sa westside part. Mabilis ko na kinuha ang baril sa ilalim ng coat ko habang mabilis pa rin na tumatakbo.

Kinuha ko rin ang walkie-talkie na ibinigay sa akin ni Chief.

"This is Ghoul Villanueva, calling for back up. Code 8, code 8. Nasa westside part ng hospital ang suspek." Mabilis na pindot ko.

Nagsisigawan ang mga taong nakikisabay sa maingay na alarm. Kulay pula na ang kulay ng buong hospital, na animo'y may malaking delubyong nagaganap.

Nasa ground floor na ako, at kahit hinihingal na dahil sa layo nang tinakbo ko ay patuloy pa rin ang pakikipag-habulan sa oras.

Kinibahan ako nang makarating ang sa side ng hospital. Maraming boxes ng mga basura, malalaking container na umuusok pa dala na siguro sa lamig ng panahon. Dim light lamang ang matatanaw sa buong lugar. Walang tao, sobrang tahimik rito na nenerbiyuson ka talaga sa sobrang kaba.

Dahan-dahan akong humahakbang papasok sa mahamog na lugar. Naka-posisyon pa rin ang mga kamay ko kasama ang pistol na naka-handa ng pumutok.

"Magpakita ka!" Sigaw ko.

Makaraan ang ilang sandali ay biglang may lumitaw na anino. Bigla akong kinilabutan, siya na ba? Siya na ba ang suspek sa pagpatay sa Lola ko, kay Eunice, at ngayon kay Lena.

"Itaas mo ang mga kamay mo. Huwag ka nang magtangkang tumakas kung hindi ay babarilin kita." Bulyaw ko sa aninong hindi ko manlang maaninag. Kita sa paggalaw ng anino niya ay ang pagtaas ng kaniyang mga kamay.

"Sino ka? Sabihin mo kung sino ka? Sagutin mo ako!" Nagyuyupos ako sa galit. Baka mapatay ko pa nang maaga ang taong ito. Sa wakas at mabibigyang hustisya na rin ang pagkamatay mo Lola.

Bigla na lang ako nakaramdam nang pagkahilo nang may pumalo sa batok ko. Parang umiikot ang buo kong paningin. Hanggang sa natumba na lamang ako, tanaw ko pa ang paglalakad ng isang anino mula sa likod ko papunta sa isa. D-dalawa sila? D-dalawa ang pumapatay? Ngunit, paano?

Ang huli ko na lamang na narinig ay ang putukan ng mga baril, yapak ng mga paang tumatakbo at mga sigawang hindi ko maintindihan. Napaka-wala kong silbi. Natuguriang the legend one, natalo sa isang pukpok lang. Biglang nandilim ang aking paningin. Ngunit, bago ako tuluyan' mawalan ng malay ay . . .

"Sinabi ko na sa 'yong huwag kang mang-iindiyan. Hays, ayan tuloy. Tigas kasi talaga ng ulo."

---

HeartHarl101

Next chapter