webnovel

TRES

#TheBrokenMansGame

IKATLONG KABANATA: ANG PANLOLOKO

Matiyagang naghihintay ng masasakyang jeepney si Diana. Patingin-tingin ito sa daan. Nasa gilid siya ng daan at nasa tapat lamang siya ng company building na kanyang pinapasukan. Mabuti na lamang at may liwanag pa na nanggagaling sa mga street lights kaya hindi masyadong delikado para sa kanya ang kinalulugaran niya.

Pinapalo-palo nito ang kanyang magkabilang braso dahil nakakaramdam siya na kinakagat siya ng lamok. Ang mga paningin nito ay nasa daan pa rin.

Pamaya-maya, nagulat na lamang si Diana ng may paparating na black Honda civic at bigla itong huminto sa harapan niya. Nagsalubong ang magkabilang kilay niya dahil sa pagtataka. Ibinaba ng kung sino mang driver ng kotse ang bintana nito at nakita niya mula sa loob na si Harold pala ang nagda-drive ng kotse. Infairnes, kahit na gabi na, ang gwapo pa rin nito lalo na ngayon na nakasuot ito ng eye glasses. Napakadisente tingnan.

"Sakay na… Ihahatid kita sa inyo…" sabi ni Harold kay Diana mula sa loob ng kotse. Nakangiti pa ito habang nakatingin kay Diana.

Nakaramdam ng hindi maipaliwanag na kaba at hiya si Diana. "Ah Sir… Huwag na po…"

"I insist. Delikado na para sayo ang umuwi mag-isa ng ganitong oras lalo na at babae ka pa…" sabi ni Harold.

"Pero sir…"

Hindi na naituloy ni Diana ang sasabihin pa ng bigla na lamang automatic na bumukas ang pintuan ng passenger seat na nasa harapan lamang niya.

"Sakay na…" sabi ni Harold ng nakangiti pa rin.

Kunwari ay pakipot mode muna si Diana pero sa loob-loob nito, excited siya na makasakay sa kotse ng gwapong amo.

"Nakakahiya naman po sa inyo…"

"Sige na… Please?" sabi ni Harold at nag-puppy eyes pa na nagpa-cute sa kanya sa mga paningin ni Diana.

Napabuntung-hininga si Diana at dahil mapilit daw kuno si Harold na pasakayin siya, pinagbigyan na niya ito. Sumakay na ito sa passenger seat. Isinarado na ang pintuan ng kotse.

"Wear your seatbelt Diana…" sabi ni Harold.

Sinunod na nga iyon ni Diana. Isinuot na nga niya sa sarili ang seatbelt.

Nag-umpisa nang mag-drive si Harold.

"Saan nga pala kita ihahatid?" tanong ni Harold kay Diana na nakapokus ang mga paningin sa tinatahak na daan.

Sinabi ni Diana kung saan siyang lugar ihahatid ni Harold.

Habang nasa biyahe, nakatingin lamang si Diana kay Harold na nakapokus pa rin ang mga paningin sa daan. Pakiramdam niya, para siyang si Cinderella at katabi na niya ngayon ang kanyang perfect prince charming. Hindi man lamang niya naiisip na may nobyo siya na ngayon yata ay naghihintay sa pagdating niya sa bahay nila.

"If you don't mind Diana, may I ask if… do you have a boyfriend now?" tanong ni Harold na ikinagulat ni Diana.

"Huh?" gulat na tanong ni Diana. Hindi sa hindi niya narinig ang tanong nito kundi hindi lamang niya alam kung anong isasagot dito.

Napangiti si Harold at sandaling tumingin kay Diana. Ibinalik rin nito ang tingin sa tinatahak na daan. "Ang sabi ko… May boyfriend ka na ba? O di kaya ay asawa? Baka kasi mamaya may magalit sa akin at bigla na lamang akong suntukin diyan sa daan dahil sa paghatid ko say…."

"Wala… Wala akong boyfriend o asawa…" sabi kaagad ni Diana. Kasinungalingan. Ewan ba niya pero mukhang hindi niya kayang sabihin kay Harold ang totoo. Aaminin niya, unti-unti na siyang nagkakagusto rito kahit kanina pa lamang niya ito nakita at nakilala at hindi niya hahayaan na may makasira sa moment nilang ito. Kahit na ang nobyo.

"Talaga? Ibig sabihin single ka pala? Sa ganda mong 'yan…" sabi ni Harold.

Lihim na kinikilig si Diana sa sinabi ni Harold. Maganda pala siya sa mga paningin nito.

"Opo sir…"

Napatingin sandali si Harold kay Diana at muling ibinalik rin naman ang tingin sa daan.

"I said a while ago… Don't call me sir right? Just call me Harold. Mas prefer ko 'yun…" sabi kaagad ni Harold.

"Pero po…"

"At isa pa 'yan… Huwag mo nga akong pino-po… I'm just 23 at masyadong nakakatanda sa pakiramdam kapag pino-po mo ako. Pakiramdam ko tuloy, napakatanda ko na para sayo…" sabi kaagad ni Harold nang nakangiti.

"I'm sorry… Amo ko ho kasi kayo kaya dapat lang na galangin at respetuhin ko kayo…" sabi ni Diana. 'Ang bata pa pala niya…' sabi ni Diana sa kanyang isipan.

"Ok… If that's the case… Then… kapag nasa loob tayo ng kumpanya at nakita mo ako, ok just call me sir or anything you want as as sign of respect pero kung tayong dalawa lamang ang magkausap at walang nakakakita, just call me Harold at huwag mo na akong galangin ng po at opo mo… It's that clear?" tanong ni Harold.

Tumango na lamang si Diana sa sinabi ni Harold.

"You know what Diana… May sasabihin ako sayo… I know na masyadong mabilis dahil sa kanina pa lamang natin nakita at nakausap ang isa't-isa but I want you to know that maybe… I like you. May iba kasi sayo eh kaya mas interesado ako na makilala ka pa. Nasa makabagong panahon na rin naman tayo at hindi na uso ang sinaunang panahon ng pakikipag-ugnayan ng babae at lalaki right?..." sabi ni Harold. "I'm interested to you kaya mas gusto ko pang makilala ka pa…"sabi pa ni Harold.

'Gusto niya ako?' sabi ng malanding isipan ni Diana. Lihim siyang kinikilig sa sinabi ni Harold sa kanya. 'Pero sabi niya maybe lang ang pagkagusto niya sa akin… Kahit na! Ganun rin naman 'yun…' sabi pa ng malandi nitong isipan.

"Are you ok Diana? Natulala ka diyan? Nagulat ka ba sa sinabi ko? Pasensya na kung nagulat kita… Ako kasi iyong tipo ng tao na straight forward kung magsalita. Nagsasabi kaagad ng kung anong nararamdaman…"

"Ok lang po…" sabi kaagad ni Diana. "Kung hindi lang rin niyo po naitatanong sa akin… Maybe… I like you too…"medyo nahihiyang sabi ni Diana. Napayuko ito.

Napangiti si Harold sa narinig mula kay Diana. "Talaga?" may gulat na sabi nito. Tumango si Diana. "So… we have a mutual feelings pala… Kailangan na rin pala nating I-level up…"

"Level up?" tanong kaagad ni Diana.

"Yup… Level up… Kailangan nating mag-date para makilala pa natin ang isa't-isa…" sabi ni Harold.

"Date?" gulat na tanong ni Diana. Lihim rin siyang kinilig sa naisip na magdedate sila ni Harold. The oh so hot bachelor. Pakiramdam niya, nasa alapaap na siya ngayon sa sobrang kilig na nararamadaman. Iniisip na rin niya kung anong mangyayari sa series of dates nila. Siguradong dadalhin siya nito sa mga mamahaling restaurant at mga lugar na tanging pangmayaman lamang. Bagay na hindi nila nagawa ni Anton noon. Bigla niya tuloy naisip si Anton. Paano na nga pala ito? Siguradong ito ang magiging malaking balakid sa namumuong ugnayan nila ni Harold. Kailangan na niyang mag-isip ng paraan at gumawa ng malaking desisyon para sa relasyon nila ni Anton.

"Para namang gulat na gulat ka sa sinabi ko… Yes, date… 'Yun naman talaga ang unang ginagawa ng mga taong may pagtingin sa isa't-isa di ba? Para makilala at makapalagayang loob nila ang isa't-isa habang magkasama…" sabi ni Harold.

Pilit na napangiti na lamang si Diana. "Hindi naman sa nagulat ako… Medyo konti lang… Nabibilisan lang kasi ako sa mga pangyayari…" sabi ni Diana.

Napangiti rin si Harold. "Huwag kang mabilisan… Just relax and enjoy my company…" sabi ni Harold. Tumango na lamang si Diana.

- - - - - - - - - - - - - -

"Salamat sa paghatid… Harold." Sabi ni Diana. Nakahinto ang kotse sa may kanto papasok sa lugar ng tinitirhan nila ni Anton.

"It's my pleasure… Sigurado ka ba na hindi na kita ihahatid hanggang sa bahay ninyo?" tanong ni Harold.

Umiling-iling si Diana. "Hindi na… Ok na ko dito saka hindi naman delikado dito sa lugar namin kaya huwag ka ng mag-alala pa…" sabi ni Diana. Kaya hindi siya nagpahatid kay Harold hanggang sa bahay nila ay baka makita sila ni Anton. Siguradong magkakaroon ng gulo. Si Anton pa naman iyong tipo ng tao na seloso at mahilig makipag-away kapag may umangrabyado dito.

"Ganun ba… Sige… See you tomorrow…"sabi ni Harold sabay bigay ng isang matamis na ngiti kay Diana.

Ngumiti na lang rin si Diana bago buksan ang pintuan ng kotse at lumabas rito.

Nakatingin na lamang si Diana sa papalayong kotse ni Harold. Napangiti siya.

"Ang gwapo talaga niya…" kinikilig na sabi nito sa sarili bago tumalikod at nagsimula ng maglakad patungo sa bahay nito.

Napangiti si Harold habang nagda-drive.

"You're just perfect for my plan… Diana…" sabi ni Harold sa sarili.

Naalala niya tuloy ang naging usapan nila ng ina kanina lamang umaga.

FLASHBACK…

"So… Anak… Nakahanap ka na ba ng babaeng papakasalan mo as soon as possible?" tanong ng kanyang ina na si Madam Esmeralda. Ang ama naman niyang nag-ngangalang Timoteo ay wala na sa kanilang piling. Ilang taon na rin ang nakalipas ng kunin ito ng Panginoon sa kanila dahil sa biglaang pagbagsak ng eroplanong sinasakyan nito. Sa kanila tuloy ng ina naiwan ang lahat ng ari-arian at negosyo na naipundar nito. Nag-iisa lamang siyang anak.

Napatingin si Harold sa kanyang ina na nasa tapat lamang ng kanyang inuupuan at nakaupo rin katulad niya. Nasa hapag-kainan sila ngayon ng mansion at kasalukuyang nag-kakape at kumakain ng almusal.

"Wala pa… Pero huwag kang mag-alala Ma, I'm working on it. Naghahanap lang ako ng babaeng karapa't-dapat para sa akin…" sabi ni Harold.

Napangiti si Madam Esmeralda. "Good Anak… Kailangan mo na talaga siyang makita anak… Kailangan mo nang magkaroon ng anak na siyang magmamana ng lahat ng ating mga pinaghirapan. Hindi na rin naman ako bumabata at gusto ko na magkaroon na rin ng apo…" sabi nito.

"I know that Ma… As soon as possible, Mabibigyan na rin kita ng apo…" sabi ni Harold at napabuntong-hininga.

Gustong-gusto na rin kasi ng ina na magkaroon ng apo kaya gusto niya na mapagbigyan na niya ito. Gusto pa nga ng ina na kahit isang GRO sa club ang mapangasawa niya, ok lang basta mabigyan siya nito ng apo pero hindi naman papayag si Harold na ganung klase lamang ng babae ang mapapangasawa niya. Gusto rin naman niya ay iyong kahit isang kahig –isang tuka lang ang babae, basta maganda at pasok sa kanyang panlasa, ok na iyon.

Ang isa pang dahilan kung bakit gusto niya na mapagbigyan ito sa gusto nito ay dahil bilang pasasalamat na rin sa pag-intindi at pag-unawa na ibinigay nito sa kanya. Alam nito ang kanyang lihim at nagpapasamat siya na kahit na nalaman nito ang kanyang lihim, hindi nagbago ang pagmamahal na ibinibigay nito at naunawaan siya sa pinagdadaanan niya. Itinago pa nito sa lahat ang kanyang lihim kaya sila lamang dalawa ang nakakaalam nito… Napakasarap nga sa pakiramdam niya na magkaroon ng isang ina na gaya ni Madam Esmeralda. Minsan nga, itinatanong niya rin sa sarili, kung buhay pa kaya ang kanyang ama, matatanggap rin kaya nito ang lihim niya gaya ng pagtanggap ng kanyang ina? Hindi niya alam ang kasagutan.

Napangiti na lamang si Harold sa kanyang mabuting ina. Habang buhay siyang magpapasalamat sa Diyos na ibinigay niya sa kanya ang ina na gaya ni Esmeralda.

"Malapit ko nang matupad ang gusto mo Ma…" sabi ni Harold at napangiti sa sarili.

Maganda naman si Diana sa mga paningin ni Harold. Sa unang kita pa lamang niya rito, nagkainteres na siya at sinabi sa sariling ito ang perfect na gamitin para sa kanyang plano. Ang totoo, hindi niya gusto si Diana.Nagandahan lamang siya rito. Pero malay niyo, baka kapag naging mag-asawa na sila, magustuhan at mahalin rin niya ito. Kailangan nga lamang niya itong gamitan ng charms, bolahin at magsinungaling sa ngayon para makuha niya ang tiwala nito at maisakatuparan na ang matagal na niyang plano para sa ikasasaya ng kanyang ina.

- - - - - - - - - - - - - -

"Gabing-gabi na huh… Bakit ngayon ka lang umuwi?" tanong ni Anton sa nobyang si Diana pagkapasok pa lamang nito ng apartment. Halata sa itsura nito ang pagod dahil kakauwi lang rin nito galing sa trabaho. Naiinis lang ito kasi mas nauna pa siyang umuwi sa nobya.

Napatingin si Diana kay Anton. Napataas ito ng kaliwang kilay. "Pwede ba… Gusto ko nang magpahinga kaya huwag mo na akong tanungin pa…" mataray na sabi ni Diana sa nobyo at bigla na itong naglakad at nilagpasan si Anton.

Maagap na hinawakan ni Anton ang braso ng nobya para matigil ito sa paglalakad. Napatingin sa kanya si Diana.

"Napapansin ko lang na lumalamig na ang pakikitungo mo sa akin Diana… May problema ka ba sa akin? Anong problema mo?" tanong ni Anton. Konting-konti na lang, mauubos na ang pasensya niya kay Diana.

Humarap si Diana kay Anton. Bigla nitong tinanggal ang kamay ni Anton na nakahawak sa kanyang braso. Tinaasan niya ito ng kaliwang kilay.

"Problema? Gusto mong sabihin ko sayo isa-isa ang problema? Baka maubos ang 24 oras natin para lang masabi ko sayo ang problema…" mataray na sabi ni Diana.

"Eh di sabihin mo lahat kahit na maubos ang 24 oras natin basta lang malaman ko kung anong problema mo at bakit ka nagkakaganyan sa akin…" sabi ni Anton. Napahilamos ito ng mukha. "Dati naman hindi ka ganyan pero bakit ngayon…"

"Dati iyon Anton… Ngayon iba na…" sabi ni Diana at napabuntong-hininga. Pagkatapos ay tumitig ito sa mga mata ni Anton.

"Alam mo ba na sawang-sawa na ako sayo… Sawang-sawa na akong makasama ka… Sawang-sawa na ako sa buhay nating dalawa…" sabi ni Diana. Gumuhit ang sakit sa mga mata ni Anton.

"Anton… Itigil na natin ito dahil wala ng patutunguhan pa…"

"Anong ibig mong sabihin?" tanong kaagad ni Anton. Nakaramdam siya ng matinding kaba.

Napaiwas ng tingin si Diana kay Anton. Kailangan niyang tatagan ang kanyang sarili at maging matapang.

Muli siyang tumingin kay Anton. With fierce.

"Maghiwalay na tayo…" matatag na sabi ni Diana na ikinagulat ni Anton.

"A-Ano? Maghiwalay?"… gulat na gulat na tanong ni Anton. Nanlalaki pa ang mga mata nito.

-KATAPUSAN NG IKATLONG KABANATA-

Next chapter