webnovel

Simula

SIMULA

| Naudlot na Halik |

"Sir nandito na po tayo."

Tumigil kami sa harap ng isang madilim na lugar. May ilaw naman pero mahina, tama lang upang makita ang dinadaanan. Dito na ba yon? Nakakatakot naman sa lugar na 'to, parang hindi ligtas pag nag-iisa ka.

"Dito na po ba yon Manong?"

Kailangan kong masiguro kung dito nga yon. Baka mamaya hindi pala dito. Mukhang wala pa naman gaanong dumadaan na sasakyan sa banda rito. Ayokong maglakad mag-isa at maghanap ng masasakyan.

"Opo Sir. Diretsuhin nyo lang po yang eskinita tapos liko po kayo sa kanan."

Itinuro nya ang eskinitang nasa kaliwa namin. Ang dilim naman. Nakaramdam ako ng takot sa nakikita ko. Parang ayaw ko nang lumabas ng taxi. May pagdududa man ngunit kailangan kong puntahan ang lugar na 'yon. Di pwedeng pangunahan ako ng takot. Kaya ko ito.

"Sige manong salamat."

Lumabas na ako ng taxi na umalis din matapos ang ilang sandali. Tinanaw ko ito hanggang sa di ko na ito makita. Nakaharap ako ngayon sa eskinitang kailangan kong bagtasin upang matagpuan ang lugar na hinahanap ko.

Ang dilim talaga.

Nagdadalawang isip ako kung dapat pa ba akong tumuloy o umuwi na lang. Naupo ako sa isang waiting shed na walang ilaw. Bakit kasi iisa lang ang ilaw dito?

Naghintay ako ng ilang minuto pero wala pa ring dumadaang sasakyan. Seriously? Kanina pa ako dito, nagbabakasakaling may dumaan. Dumaan ang halos trenta minutos ngunit wala pa ring dumadaan.

Ayaw siguro akong pauwiin.

Siguro kailangan ko talagang puntahan ang lugar na 'yon. Tutal andito na ako, itutuloy ko na. Kinakabahan man ay tumayo na ako para simulang tahakin ang madilim na eskinita.

Nagsilbing gabay ang flashlight ng aking cellphone. Kahit papaano nakikita ko na ngayon ang dinadaanan ko maging ang mga nagkalat na basura sa gilid-gilid. Halata namang hindi na nalilinisan ang lugar na 'to.

Maya-maya pa, habang naglalakad, ay nakaamoy ako ng masangsang na amoy. Ano ang amoy na iyon at saan ito nanggagaling? Di ko mawari kong patay na hayop o amoy ng nabubulok na mga basura.

Pagdating sa dulo kadiliman pa rin ang sumalubong sakin. Wala atang may balak na palagyan ng pailaw ang lugar na 'to. Naalala ko bigla ang sinabi ng driver, kumanan daw ako.

Una kong tinanaw ang kaliwa ko, walang ibang makita bukod sa kadiliman. May natatanaw akong liwanag pero nasa malayo at nag-iisa lang din tulad kanina. Pag tingin ko sa kanan ay una kong nakita ang isang may kalakihang sign board.

Wild Hunks

Iyon ang nakasulat. Kaagad akong nakaramdam ng kaunting saya. Iyon na ang lugar na hinahanap ko. Hindi naman pala ito mahirap hanapin, nakakatakot lang ang daan patungo rito.

Nang makarating sa tapat ay kita ko ang dalawang tao na nakabantay sa pinto. Kapwa naglalakihan ang mga katawan nito, may baril sa tagiliran, nakaitim maging ang suot na sumbrero, at nakakatakot ang kanilang mukha. Lakas loob akong lumapit sa kanila.

"Card?"

Sabi ng nasa kaliwa. Isang salita na nasa tonong patanong. Ang boses nya ay buong-buo, nakakakaba pakinggan.

Card?

Ipinakita ko kaagad ang card na nakuha ko sa bag. Its a thick card na parang ATM, kulay itim, at kulay gold ang mga ginamit na letra.

"Check ko lang ang bag mo,"

Iyong nasa kanan naman ang nagsalita. Unlike dun sa isa na malalim at buong-buo ang boses, sya ay hindi. Binuksan ko nang muli ang aking bag para icheck nya.

Pagkatapos ng inspection ay tinap nung bouncer na may malaking boses ang ibinigay kong card na lumikha ng isang tunog. Tinanggap ko ito nang naman niya inabot sakin.

Nagbukas ang pinto. Kaagad kong narinig ang malakas na musika maging ang hiyawan ng mga tao sa loob. Ang lakas talaga samantalang wala naman akong naririnig na anumang malakas na ingay nung sarado ito. Nagagawa nga naman ng teknolohiya ngayon.

Dumiretso ako agad sa harap ng bartender para humingi ng alak. Maingay, ang daming taong nagkakasiyahan. Alam kung ganito dito kaya ako nandito.

"Yong pinakahard nyong drinks."

"Okay Sir, wait a minute."

Shit! Ang gwapo ng bartender. Ang daming gwapo dito sa loob kaso may kasamang babae ang iba, merlat. Jowa siguro o dito lang din nadikwat. Di bale, makakahanap din ako mamaya.

Ininom ko kaagad ang alak pagkabigay sakin. Hard nga, gumuguhit sa lalamunin ko ang tapang. Inunti-unti ko baka matamaan ako ng maaga. This is not the right moment to celebrate. Kailangan ko pang makahanap ng booking ngayong gabi.

Nandito lang ako sa tabi umiinom, pinapanuod ang mga nagsasayawan maging ang mga naglalampungan na. Bigla ay gusto ko na ring magkaroon ng kasama para may kaharutan na din ako. Maya-maya pa'y may dumating na lalaki at umupo sa katabing upuan kung saan ako nauupo.

Sinipat ko ng tingin ang lalaki. Mukhang lasing na ito batay sa ikinikilos ng mga mata nya, namumula't pipikit-pikit. Pero ang mas nakapukaw ng aking pansin ay ang bigote nya na bumagay sa itsura ng kanyang mukha, ang gwapo nya. Shit!

Mukhang nahanap ko na ang kanina ko pang hinahanap. Walang patumpik-tumpik akong lumapit sa kanya para kausapin. Tumatakbo ang oras, bawal magsayang.

"Ahmf hi!"

Agad kong naagaw ang atensyon nya. Gash, nakakatunaw ang kanyang mga tingin. Sige tignan mo ko't hubaran sa iyong paningin. Ang sarap nyang pakatitigan.

"Are you gay?"

What? Hindi man lang nga sya nag hi back o kahit man lang hello. Makatanong naman akala mo talaga mukha akong bakla. Lalaki pa rin naman ako kumilos at manamit pero pusong mamon.

"Yes baby."

Direktang pag-amin ko sa kanya. Napa tsk naman sya sa naging sagot ko. Nanghihinayang ba sya o ayaw nya sa bakla? Okay lang, wala namang pilitan kung ayaw.

"Type mo ba ako?"

Ay hala sya. May kakapalan din ang pagmumukha ng lalaking ito ano? Pero atleast honest at prangka. I think I like his attitude na. Pwede ko na siguro syang iuwi. Syempre charot lang. Kalma lang muna.

"Haha. Gwapo ka naman tsaka I like your bigote kaya siguro?"

Prangka kong pahayag sa kanya. Kita ko ang pagngisi nya. Ohhh shit! Nakakalaglag brief ang kanyang mga ngiti. Dyosa ng Kabaklaan, ipagkaloob mo na 'to sakin please.

Pakiramdam ko tutuparin kaagad ang hiling ko. Well, di naman masamang magfeeling eh feelingero din naman ang lalaking 'to kaya bagay kami. Chos!

"Wanna kiss me?"

Muntik ko nang maibuga ang ininom kong alak sa tanong nya. Nakakagulat pero gustong-gusto ko. Pero syempre dapat pahard to get muna para di mapagkamalang pokpok. Dapat may twist pa rin ng pagka Maria Clara ang peg ko ngayon.

Wala pa akong sagot nang lumapit ang kanyang mukha sa akin. Dahan-dahan, papalapit nang papalapit. Hanggang sa ang aming mga labi'y muling naglayo.

"Sir ito na po ang order nyo."

Epal naman 'tong si Ate oh, panira ng moment eh. Malapit na yon kunting push nalang. Nginisihan ko ang bartender sa inis dahil sa ginawa nyang pang-iistorbo samin.

"Archie nga pala."

Inilahad ko ang kamay ko para makipagkilala sa kanya. Agad din naman syang nakipag handshake sakin. Ang init ng kamay nya ah, lasing na nga siguro ito.

"John. Nice meeting you Archie."

Sumimsim sya ng alak na inorder nya. Pasimple naman akong kinikilig dahil kinakausap nya ako ng maayos. Di pa rin mawala sakin ang panghihinayang sa pagkaudlot ng sana'y unang halik namin. Nanggigigil ako sa bartender na 'yon ah.

"Wala ka bang kasama?"

"Nope. Mag-isa lang ako, busy yong mga tropa ko eh."

"I see. Bakit mo naisipang pumunta nang mag-isa dito? Problematic ka siguro."

Alam kong hindi sya sasagot sa tanong ko. Napakafeeling close ko naman kasi masyado. Tsaka personal ang naging tanong ko kaya sana di sya maturn off sakin.

"I am. Nag-away kasi kami ni Papa."

Problemado nga ito. Si Ama pa ang kaaway, mahirap kasi pag magulang mo na ang kaaway mo. Malamang may malalim na dahil kung bakit at ayokong alamin yon. Sobra naman kung tatanungin ko pa yon sa kanya.

"Okay."

"Ikaw ba? Mag-isa ka lang din, bakit ka nandito?"

"Trip ko lang."

Dudugtungan ko pa sana ang sasabihin ko pero wala naman ako sa lugar para magbahagi ng sarili kong problema. Ganun talaga siguro pag strangers pa para sayo ang kausap mo. Napatawa sya ng kaunti. Eh?

"Wow lakas ng trip mo ah."

Nagpaalam sya na magccr lang. Tinanong pa nya ako kung gusto kong sumama pero tumanggi ako. Di ba nga Maria Clara dapat ako ngayon, dalagang Filipina kasi. Sa kanyang pagbabalik ay nagpaalam sya sakin na uuwi na daw sya.

"May sasakyan ka ba?"

"Meron nasa parking lot sa basement."

"Lasing kana gusto mo ipagdrive kita?"

Tutal ako naman ang hindi lasing saming dalawa. Why not ako nalang ang magdrive. Konsensya ko pa kung mapaano sya sa pagmamaneho.

"Okay lang ba sayo?"

"Okay lang ano ka ba. Nag-aalala ako na baka mapano ka pa."

Inihagis nya sakin ang susi na agad ko namang nasalo. Muntik ko pang di masambot.

"Sige. Ikaw bahala."

Pasuray-suray syang maglakad palabas ng bar kaya iniakbay ko na sakin bago pa tuluyang matumba, sayang kung magasgasan ang gwapo nyang mukha.

"Salamat"

Pagpasok sa kotse ay tulog agad sya. Nak ng puting tupa naman oh. Pano ko to ihahatid? Ni hindi ko alam ang st. ng bahay nya.

Pinaandar ko na ang sasakyan tsaka nagbabakasakaling makita ang lokasyon ng bahay niya. Di naman ako nahirapan dahil nahanap ko kaagad. Wo! Pano ko ipapaliwanag sa magulang nya 'to? Bahala na nga. Nagsimula na akong magmaneho habang sya ay tulog na tulog na. Nalasing nga ang isang ito. Weak!

Next chapter