webnovel

Chapter One Hundred Ninety-Nine

"Timothy! Hwag mong takpan ang mga mata mo!" utos ko habang hinihila ang mga kamay niya. "Look at me!"

Pero ayaw niyang alisin. Humalukipkip ako habang nakatingin sa kanya. Paano ko ba gagawin 'to kung ayaw niyang maki-cooperate? Pano ba kasi ginagawa ito? Pano ba inuumpisahan 'to? Nakakainis naman eh. Tumaas ang kilay ko habang hinahagod ko ng tingin ang katawan niya.

Abala siya sa pagbulong ng 'Barney'. Inuulit niya ang mga sinasabi niya kanina na parang orasyon. Hindi ko hahayaan na umatras ang hukbong sandatahan niya! Hindi pwede! Oras na para lumusob sila!

Umayos ako ng upo at inupuan ko ang bulge niya. Nakaramdam ako ng kakaiba nang upuan ko yun. Parang kinikiliti ang lamang loob ko.

"Fuck!" nahihirapang bulong niya. Bigla siyang napatigil sa binubulong niyang dasal.

Bahagya kong itinaas ang shirt niya at hinaplos ang kanyang malabatong abs.

"Fuck, Miracle!" malakas na mura niya. "Shit! I can't hold back anymore!"

Biglang nagkabaliktad ang posisyon naming dalawa. Madilim. Hindi ko napansin kung kailan siya nakakuha ng bagay na itatapon para ma-off ang switch. Siguro kinuha niya ang isang stuff toy ko na nasa kama.

Mariin niya akong hinalikan sa labi. Iniyakap ko ang dalawa kong binti sa waist niya. Naramdaman ko na naman ang nakakakiliting sensasyon. Parang may kuryente. Hinalikan niya ako pababa sa leeg ko. Ang mga kamay ko naman ay abala sa paglalakbay sa ilalim ng damit niya. Ang smooth ng balat niya at ang tigas ng muscles niya. Hinawakan ko siya sa ulo at muling ibinalik sa bibig ko ang atensyon ng kanyang labi.

Naramdaman ko ang kamay niya na humahaplos mula sa gilid ko papunta sa dibdib ko. Nahapit ko ang hininga ko nang pisilin niya iyon nang bahagya. Bumaba papunta roon ang halik niya. Nakagat ko ang labi ko at mas hinigpitan ang yakap ng dalawa kong binti sa kanya.

"God, you'll be the death of me, Miracle," bulong niya sa tila paos na boses. "And I would die a happy man."

Bigla siyang umalis sa pagkakadagan sa akin at tumayo. Hindi ko siya makita. Napaupo ako sa kama. What? Tapos na ba?

"Timothy! Timothy!" tawag ko sa kanya habang kumakapa sa dilim.

Nahawakan ko ang pantalon niya. Huli ka! Hinila ko siya sa pantalon pabalik sa akin.

"Shit!"

"Aaah!"

Nang umatras siya ay nadulas siya at natumba at dahil nakahawak ako sa kanya, nahigit ako at nasama sa pagkahulog niya sa sahig.

"FUCK!!" napasigaw siya nang madaganan ko siya.

"Timothy! Okay ka lang?" Napalayo ako sa gulat.

"No," impit ang boses na sagot niya.

"Ano'ng nangyari?"

"Shit," piyok nya.

Nag-alala ako dahil mukhang nasaktan talaga siya. Nagmamadali kong binuksan ang ilaw. Nasa sahig si Timothy, parang hipon na nakabaluktot. Nakahawak siya sa kanyang…

Nakagat ko ang labi ko nang maintindihan ko na ang nangyari. Napisat ko yata yung hukbong sandatahan niya. Mukhang hindi nga talaga kami matutuloy ngayong gabi. Sayang naman. Pero okay lang dahil may bukas pa naman.

"Timothy, sorry! Hindi ko sinasadya na madaganan ka dyan. Sorry talaga! Ano'ng gusto mong gawin ko? Tatawag ba ako ng doktor? Kailangan mo ba ng advil? Kung dolfenal kaya?" natataranta kong tanong sa kanya.

"No," pinapapawisan niyang sagot. "I need you to get me," hinihingal na sabi nya. "An ice pack."

"Sammy! Ano'ng nagyayari?" Narinig ko ang tanong ni Maggie sa kabilang side ng pinto. Aist! Tinulungan ko si Timothy na umupo sa kama ko. Kinuha ko ang shirt ko at muling isinuot.

"Ice pack. Hintayin mo ako rito." Binuksan ko ang pinto. Tumambad sa akin ang mga gulat na mukha ng Crazy Trios. Kanina pa ba sila dito?

"Uy Sam!" tawag ni China.

Tumakbo ako papunta sa kusina. Binuksan ko ang refrigerator. Kumuha ako ng mga ice cubes at inilagay sa isang ice pack. Tumakbo ulit ako papunta sa kwarto ko.

"Sammy, sandali!" pigil sa akin ni China.

"Bakit?" Nagmamadali ako!

"Yung shirt mo baliktad," sabi ni Michie.

Next chapter