Si Cedrik ay may mga singkit na mata, hindi katangusan na ilong at manipis na mga labi. Kayumanggi ang kulay ng balat niya. Mas maliit siya kumpara kina Timothy at Jared pero mas matangkad siya sa akin. Katulad ng sabi niya, maganda ang katawan niya. Maayos siyang tumindig at halatang nanggaling sa isang prominenteng pamilya.
Naka-upo kami ni Cedrik dito sa swing. Kumakain ako ng balot na nabili ko sa dumaan na balot vendor kanina. I'll save the best for last. Mamaya ka na sisiw! Yum! Hinigop ko yung sabaw at naramdaman kong nakatingin sa akin si Cedrik.
"P-paano mo nakakain yan?" tanong niya na mukhang masusuka na.
"Ito?" Inilapit ko sa mukha nya ang balot.
Umatras siya at nagtakip ng ilong. Ang selan pala nya. Fuuu. Di bagay. Kumain nalang ulit ako ng balot. Nilagyan ko ng asin at kinain ang yellow na parte.
"Kahit kailan hindi kami kumain ni sweetypie nyan. It's disgusting." Nag-labas sya ng spray at ini-spray sa hangin tsaka nya ito nilanghap.
"Wow ha! Ikaw pa talaga ang may ganang mag-sabi nyan? Ikaw pa talaga ang may ganang magsabi ng 'disgusting? Eh pano nalang kapag tumitingin ka sa salamin?'" tanong ko. Spray lang siya ng spray tapos aamuyin niya. Tinignan ko siya na para siyang nababaliw. Psh! "Ano ba 'yang ini-spray mo?" Tinakpan ko yung kinakain ko.
"Smell~" nakangiti nyang sabi bago suminghot singhot.
"Bading ka ba?" tanong ko.
Nanlaki bigla ang mga mata nya. Napa-nganga sya. "Lalaki ako! Straight ako! May abs ako! Gusto mong makita?!"
"Ano naman ang kinalaman ng abs sa bading? Kahit beki may abs na ngayon no! Nakita mo yung sa music video ng Call Me Maybe?" Inubos ko na yung balot at itinapon ang shell sa basurahan.
"Ano na ngayon ang gagawin ko? Tell me! Ano ang dapat kong gawin?" nanlulumbay na tanong niya.
Sa hitsura niya ngayon parang pasan na nya ang daigdig. Ay hindi pala. Mukhang pasan na talaga niya ang daigdig simula nang isilang siya. Mwehehe. Ang mean ko. Bumabalik ako sa dati kong gawi noong high school ah. Ang sarap kasi niyang kawawain.
"Itanong mo nalang kasi kay ate Sweety."
"Pano kung bastedin nya ako?" mukhang maiiyak na naman niyang sabi.
"Hwag ka ngang umiyak! Ang pangit! Sobra!"
Nilabas nya yung panyo nya at pinunasan ang luha niya.
"Kung di mo naman kayang itanong sa kanya. Hwag mo nalang siputin ang kasal ninyo. I'm sure marami ang may gustong pakasalan si ate. Aba. Maganda na mayaman pa." I flipped my hair.
"ANO?! Hindi pwede! Hindi ako papayag na mapunta sa iba si sweetypie!" Nag-aalab sa galit ang mga mata nya. Mas lalo iyong sumingkit.
"Err. Kung ganon siputin mo ang kasal. Pakasalan mo siya!"
"Pero pano kung hindi nya ako mahal? Huhuhu!"
"Eh di itanong mo!"
"Pano? Natatakot ako!"
"Eh di hwag mo nang ituloy ang kasal!"
"Hindi pwede!"
"Eh di pakasalan mo siya!"
"Baka hindi nya ako—"
"Lechugas barabas hestas! Duwag ka! Hindi ka nababagay kay ate Sweety kung ganon!" Tumayo ako sa swing. "Hindi ka nga gwapo, pero nakikita ko naman na mahal mo siya kaya gusto kitang tulungan. Pero hindi ko alam na duwag ka! Bye! You're hopeless!" Tumalikod na ako at nag-simulang maglakad palayo.
"Hwaaaaagg!!" Bigla niyang hinila ang braso ko.
Muntik na akong atakihin sa puso. Ang bilis nya.
"Please tulungan mo ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Litong lito na ako! Mahal ko si Sweetypie pero natatakot ako sa rejection. Pero kung hindi niya talaga ako mahal, tatanggapin ko nalang. Please tulungan mo naman ako Miss! Please!" nag-mamakaawa siya sakin.
Binabawi ko yung braso ko pero ayaw niyang bitawan. "Oo na! Oo na! Bitawan mo na ako—KYAAAAAHHH!!" napatili ako bigla sa sumunod na nangyari. Nagulat ako nang may bigla nalang sumugod sa kanya at sinuntok sya sa mukha. Oh no! Ang mukha niya!
"Miracle! Are you alright?"
"Timothy?! Bakit mo siya sinuntok?!" Tumakbo ako at tinulungan tumayo si Cedrik. "OMG! Cedrik okay ka lang?"
"The fuck is the meaning of this?!" sigaw ni Timothy mula sa likod ko. "Miracle!"
Mabilis siyang lumapit at hinatak ako palayo kay Cedrik. Muling natumba at na-out of balance si Cedrik. HALAA!! Mukhang napuruhan ni Timothy yung mukha ni kuya. Lagot! Sinira na ang kung anumang pwedeng isalba sa mukha ni kuya.
"What the hell are you doing?!" galit na tanong ni Timothy sa'kin.
"Tinutulungan ko si Cedrik. Bakit ka ba biglang nasulpot at nanununtok ha? Kawawa naman yung brother-in-law mo," turo ko sa naka-upo sa lupang si Cedrik.
"What? Brother-in-law?" Bigla syang kumalma nang marinig nya 'yon.
"Oww. Bro, bakit ka nanununtok? Ano'ng nagawa ko?" Tumayo si Cedrik at umupo sa bench. Hawak niya ang kaliwa niyang mata.
"Sinuntok mo ba sya sa mata Timothy?"
"Yeah."
"Singkit na nga, mas lalo mo pang pinasingkit."
"I thought he was a rapist," bulong niya sa akin.
"Ikaw talaga." Niyakap ko sa braso si Timothy at lumapit kami kay Cedrik.
"Cedrik," tawag ni Timothy.
"TOP, bakit mo ako sinuntok? Akala ko ba ayos na sa'yo na pakakasalan ko ang kapatid mo? May galit ka parin ba sa'kin?"
"Sorry sinuntok ka ni Timothy. Akala kasi niya manyak ka," paliwanag ko.
"Anong manyak?! Mukha ba akong masamang tao? Sumusobra na kayong dalawa. Ang sakit ninyong magsalita. Kahit ganito ang hitsura ko, may puso at damdamin parin ako. Nasasaktan parin ako. Huhu."
Napangiwi ako nang makita na hindi nya maibuka ang isa niyang mata. Next week na yung kasal. Lagot. Sana gumaling kaagad.
"Timothy mag-sorry ka," sabi ko habang nakayakap parin sa braso niya.
"I'm sorry," agad niyang sabi.
"AAAH! Nag-sorry ka! It's a miracle!" sigaw ni Cedrik.
"Yeah, Miracle is my name you know, hohoho!" sabi ko.
"Miracle ang pangalan mo?" tanong sakin ni Cedrik. "Kaya naman pala!" Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko. "Mag-milagro ka! Pagpalitin mo kami ng mukha ni TOP!"
"Fuck! Don't touch her! She's mine!" sigaw ni Timothy bago kunin ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Cedrik.
"Hindi milagro ang kailangan mo, science," sagot ko.
"Huhuhu!" Bumalik siya nang upo sa bench at yumuko. Mukhang sobrang lungkot niya talaga.
"What the hell is his problem?" tanong sa akin ni Timothy.
"May wedding jitters. Narinig kasi niya sa ibang tao na kaya lang daw siya pakakasalan ng kapatid mo kasi gusto siya tatay nyo. Mayaman ba ang pamilya nila Cedrik?" tanong ko.
"Well, yeah. Cedrik is the CEO of McClaine's Corporation."
"CEO?! SIYA?! YAN LALAKING YAN NA MUKHANG TALUNAN, CEO?!"
Napatingin sa amin si Cedrik. "Narinig ko 'yon! Huhuhu! Gumraduate din ako ng Summa Cum Laude sa Harvard," sabi ni Cedrik bago muling yumuko. "Kahit hindi ako gwapo matalino naman ako. Sweetypie ano'ng gagawin ko? Gusto mo ba sa mga matatalino?"
"Err. Napa-sobra yata ako nang pang-mamaliit sa kanya," bulong ko. Kawawa naman. Mukhang may inferiority complex.
Haay. Bumuntong hininga ako at isinandal ang ulo ko sa balikat ni Timothy. Niyakap ko nang mahigpit yung braso niya. Napansin ko na nakasuot na naman ng formal si Timothy. Naka-coat siya na itim. Bakit kaya?
"I don't want to say this but don't leave my sister," sabi ni Timothy.
Nag-angat ng ulo si Cedrik. Nakatingin siya kay Timothy at mukhang nagulat sa narinig.
"When I punched you, she didn't talk to me for a week. I don't like you for my sister but I'm not saying that you don't deserve her. I can see that you really love her but if you're going to let go of her just because people say loads of shits about you then maybe you don't deserve her at all."
Na-shock ako sa sinabi ni Timothy. Ngayon ko lang sya narinig na nagsabi nang ganito sa ibang tao. Gusto kong maiyak. Timothy. Ang matured niyang tignan. Nai-inlove ako lalo!
"Ang sinasabi mo ba, mahal talaga ako ng kapatid mo? Hindi siya magpapakasal sakin dahil gusto ako ni Mr. Pendleton?"
"If my father likes you then he should fucking marry you instead. I won't let my sister marry a toad if she's not really in love with you."
"Palulusutin ko ang kutya mo, bro. Pero talaga, mahal niya talaga ako?" kumikinang ang mga mata na tanong niya.
"My advice, call her now." Hinawakan ni Timothy ang kamay ko at naglakad na kami paalis.
"Thanks bro! The best ka talaga! Kaya nga kita best man eh! Salamat ha! Sa'yo din Miracle!"
Lagot! Tinawag niya akong Miracle. Sinilip ko ang mukha ni Timothy at nakita kong umigting ang panga niya. Nilingon niya si Cedrik.
"FUCK! Don't you ever call her that! Call her Sam!"
Narinig kong tumawa si Cedrik at muling nagpasalamat. Nagpatuloy na kami sa paglalakad ni Timothy papasok sa subdivision.
"Alam mo mukhang okay lang naman yung mapapangasawa ng kapatid mo, eh. Okay lang naman siya. Hindi siya gwapo pero okay naman siya. Bawasan lang niya pag-iyak niya."
"He cried? Why am I not surprised?"
"Alam mo Timothy, mukhang nag-matured ka na." Tinignan niya ako. Nginitian ko siya. "Kasi kanina yung sinabi mo sa kanya, magandang advice."
"It's because I've been like him before."
"Huh?"
"We're different Miracle. People talk. They say nasty things about people without second thought."
"Timothy, naranasan mo rin ba ang naranasan niya?"
"I'm not good enough for you, Miracle. I will never be good enough for you."
"Yes you are, Timothy. Hwag mo'ng sabihin 'yan." Hinawakan ko ang pisngi niya. "Para sakin naman ikaw ang the best! Hindi ko kailangan ng perpekto, ikaw lang ang kailangan ko sa tabi ko. Okay?"
"Tss. I know. Even if I'm not good enough I won't ever leave you." Hinalikan niya ang kamay ko.
"Okay," ngumiti ako nang malapad.
"Bakit ka nga pala lumipat sa apartment?" tanong ko sa kanya. "Maliit lang yung apartment dyan diba? Hindi ka sanay."
"It's alright."
Parang ayaw nyang pag-usapan ang paglipat nya. Ang tipid nya sumagot eh. Hmm.
"Bakit lagi kang naka-business suit? Galing ka sa trabaho? Saan? Sa company ninyo?"
"Sort of," he cleared his throat.
"May dapat ba akong malaman, Timothy? Alam mo pwede mo naman sabihin sakin lahat eh."
"Yes I know, Miracle. But not now."
"Okay. I trust you Timothy."
Nginitian niya ako. Sasabihin ko ba sa kanya? Humigpit ang hawak ko sa kamay niya. Bakit nga pala kami magka-holding hands habang naglalakad? Hindi naman kami ah. Hayaan ko na nga lang. Masarap naman sa pakiramdam eh.
"Timothy. Nag-usap kami ni Red." Natigilan sya saglit. Tumingin sya sakin. "Nasaktan ko siya nang sobra." Uminit ang mga mata ko. Niyakap niya ako nang mahigpit. Pinigilan ko na tumulo ang luha ko. Tumingin ako sa mga stars sa langit. Nakagat ko ang ibabang labi ko. "Ang sama ko. Sobra."
"Sshh. Don't say that Miracle."
"Pero totoo, hindi niya deserve ang ginawa ko. Sobra ko siyang nasaktan. Umiyak siya sa harap ko, alam mo ba? Pakiramdam ko hindi ako dapat maging masaya dahil sa ginawa ko sa kanya."
"Are you going to leave me too?" bulong niya.
Mas humigpit ang yakap niya sakin. Niyakap ko rin sya pabalik at hinayaan na malaglag ang butil ng luha sa mata ko. Pumikit ako.
"Hindi ko kayang gawin 'yan."
Hinaplos niya ang buhok ko. Narinig ko siyang huminga nang malalim.
"Thank you."