webnovel

Chapter One Hundred Twenty-Nine

Sya nga. Sya nga talaga ang nasa harap ko ngayon. Nananaginip ba ako?

"Mommy I'm sleepy." Napatingin ako kay Angelo. Kinukusot na nya yung mata nya. Kailangan kong ihatid si Angelo sa kwarto nya. Napatingin ako kay Timothy na nakamasid sa amin.

"I'll wait," sabi ni Timothy.

Tumango ako. Nanunuyo ang lalamunan ko. Nandito na si Timothy. Binuhat ko si Angelo at pumasok kami sa loob ng hall. Nandoon parin ang mga naglilinis.

"John," tawag ko sa butler na kausap ang ilang maids. Kaagad syang lumapit sa akin. "Pakihatid si Angelo sa kwarto nya." Ibinigay ko sa kanya si Angelo.

"Yes Miss." Umalis na sya.

Napahawak ako sa ulo ko. Si Timothy. Nandito sya. Agad akong bumalik sa veranda at nakita na hindi sya umalis sa pwesto nya kanina.

"Come here Wifey." Sinenyas nya ang kamay nya sa akin.

Wifey? Tinawag nya akong Wifey. My heart skipped a beat. Matagal na rin simula nang may tumawag sa akin ng ganon. Mabagal akong lumapit sa kanya habang nakatingin nang diretso sa mga mata nya. At nang nasa harap na nya ako tinitigan lang nya ako.

"Timothy." Hinawakan ko ang kamay nya. "Totoo nga, nandito ka." Napaiyak ako. Nandito nga talaga sya sa harap ko.

"Yes Miracle, I'm here." Hinaplos nya ang pisngi ko. "And I can see how beautiful you are right now."

"Timothy." Agad na bumuhos ang mga luha ko. Sobrang saya ang nararamdaman ko dahil naging matagumpay ang operasyon nya. At ngayon nakabalik na sya. Hindi ako makapaniwala na nandito na talaga sya sa harap ko. Pakiramdam ko nananaginip lang ako ngayon.

"Your hair is longer," puna nya. Hinawakan nya ang ilang hibla ng buhok ko.

"Sabi mo kasi mas gusto mo na mahaba ang buhok ko."

Ngumiti sya. "I missed you," sincere na sabi nya.

Ngumiti ako habang pumapatak ang mga luha ko. Niyakap ko sya nang mahigpit. "Timothy," hikbi ko. "Bakit ngayon ka lang?"

Hindi sya sumagot. Niyakap lang din nya ako nang mahigpit. Hindi nga ako nananaginip. Bumalik na talaga sya. Bumalik na si Timothy! Hindi ko na napigilan ang paghagulgol ko ng iyak. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa saya.

"It's okay now Wifey. I'm back."

***

Bumalik na si Timothy at hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala. Pagkalipas ng napakahabang panahon, nandito na ulit sya. Pero bakit hindi ko parin magawang maging masaya nang tuluyan? Dahil ba sa naguguluhan ako?

Dahil noon sigurado ako na kahit ano pa man ang mangyari alam ko na sya lang ang mamahalin ko pero may isang bagay na nangyari sa akin. Nagmahal ako ng iba. Mahal ko na rin ngayon si Red. Alam ko sa sarili ko na mahal ko sya ng higit pa sa isang kaibigan. Mahal ko sila pareho. At hindi ko alam kung kaya kong pumili ng isa sa kanila dahil alam ko na may masasaktan. Hindi ko kayang saktan ang kahit na sino sa kanilang dalawa. Ano ba ang dapat kong gawin? Pumili o iwan silang dalawa? Hindi ko sila deserve. Bakit ko ba ito nagawa?

"Siguro mas mabuti kung hwag ka muna magpakita sa kanila," suhestyon ni China sa'kin.

"I agree!" taas kamay ni Maggie. "Kung ako man kasi ang nasa posisyon mo Sammy magiging awkward din 'yon para sa akin. Paano kapag nakasalubong mo silang dalawa? Pareho kang nginitian tapos nasa magkaibang sasakyan sila. Kanino ka sasama?"

Natakot ako sa tanong ni Maggie. Ni hindi ko masagot yon at sa totoo lang sana ay hindi mangyari yon kahit na kailan. Nilipat ko ang tingin ko kay Michie. Katabi ko sya at nakaharap din kina Maggie at China. Nasa bahay ako ng Crazy Trios. Well bahay ko parin naman ito dahil sa akin nakapangalan pero sila naman ang gumagamit. Nasa loob kami ng kwarto nina Maggie at China. May dalawang kama sa loob at isang bedside table sa gitna.

Nasa iisang kama kami nakaupo ni Michie at nasa kabila naman ang magkapatid. Tumakas ako sa bahay at pinatay ko ang cellphone ko. Sobra lang talaga akong naguguluhan ngayon. Kaya naman nagpunta ako sa lugar na alam kong magiging at ease ako kahit papaano. Kailangan ko talaga ng advise nila.

"Ganito nalang." Kumuha ng notepad si China at ballpen. "Subukan natin i-analyze lahat."

"Bading, walang bias yan ha!" sabi sa kanya ng kapatid na si Maggie.

"Of course! Kahit alam ko naman na JAMANTHA ang end up nito. Promise hindi ako bias!" itinaas ni China ang kaliwa nyang kamay as a sign of promise.

"SAMANTOP kaya! Tsaka, kanan dapat 'yan."

"Itanong natin kay SimSimi!" suhestyon ni Michie.

"Natanong ko na si SimSimi, echuserang ibon yon balimbing," sagot ni Maggie.

"Okay let's start na this mga bakla, first question," umpisa ni China. "Sino ang unang naiisip mo sa dalawa kapag masaya ka?"

"Kapag masaya ako? Uhh..." inisip kong mabuti. "Si Red!"

"ONE POINT!! WOOT WOOT!! Sabi ko sa'yo JAMANTHA yan eh!" saad ni China na nagsusulat sa notepad nya.

"First question lang JAMANTHA na agad? BIAS KA HA! Akin na nga yan!" Kinuha ni Maggie ang notepad at ballpen kay China. "Sige ako naman, sino ang naiisip mo kapag nalulungkot ka?"

Kumurap ako. "Si Timothy."

"SAMANTOP NA YAN! YEBAAH!!" napasuntok pa sa hangin si Maggie habang tumatawa.

"Che! Mas lamang si Red kasi sya naiisip ni Sammy kapag masaya sya!"

"Eh ano naman? So what, Donut! Naiisip nya lang si Red kasi sya ang nagpapasaya sa kanya ngayon pero si Timothy naman ang naiisip nya kapag nalulungkot sya meaning si TOP ang gusto nyang kasama kapag malungkot sya! Bleh!" Maggie sabay labas ng dila sa kapatid.

"Bakla mali kaya! Naiisip nya si TOP kasi sya ang nagpapalungkot kay Sammy! Meaning puro lungkot lang ang dala ni TOP sa buhay ng ating friendship! Gusto mo bang puro lungkot ang life nya ha?!" kontra ni China.

"Matatawag mo bang totoong love ang relationship na puro saya lang? Ganon ba 'yon? Ganon ba ibig mong sabihin ha China? Hindi! Dapat may halong lungkot din yan kasi dun nasusubok ang tatag nyo nang magkasama!"

"Pero hindi naman healthy ang relationship nila ni TOP! 65% sadness, 35% happinness! Compared kay Red na 80% happiness at 20% sadness oh diba?! Mas healthy yon!"

"Che! Mas COOL parin si TOP!"

"So? Mas SEXY naman si Red!"

Sumasakit ang ulo ko. Imbes na makatulong mas naguluhan ako sa mga sinabi nila. Hinilot ko ang noo ko. Ayokong magpakita kina TOP at Red. Ayoko silang makita munang dalawa. Gusto ko munang mag-isip nang mabuti.

"Pero may point din naman silang dalawa Sammy," sabi sa akin ni Michie.

"Rinig mo?! May point daw oh!" malakas na anunsyo ni Maggie.

"Hindi ako bingi bakla! Sabi nya 'Silang Dalawa' meaning pareho tayong may point!" sagot ni China.

"Alam ko may sinabi ba akong hindi ka kasali?"

"Ano'ng ibig mong sabihin Michie?" tanong ko.

"Kasi Sammy, napansin ko lang 'to. Hindi sapat na mahal nyo lang ang isa't-isa para mag-tagal ang relationship nyo. Kasi kahit ganon may isang bagay parin na hahadlang sa inyo. Pero naisip mo ba kung bakit may hadlang? Kasi baka yung tadhan na mismo ang tutol sa inyo. At tama rin ang sinasabi nina Maggie at China tungkol sa percentage ng dalawa. Dapat hindi puro love lang Sammy dapat masaya ka din," mahabang paliwanag ng kaibigan kong si Michie.

Natahimik kaming lahat sa sinabi nya. Naninibago ako sa kanya. Kailan pa syang naging ganito? Parang alam na alam nya talaga ang sinasabi nya. Para syang expert sa love.

"Wow Michie gumaganon ka na ha! Dahil ba yan sa dalawa mong love life?" biro ni China.

Kuminang ang mga mata ni Michie. "May nabasa kasi akong quote eh, galing kay textmate."

"SAMANTOP yan, dumating si TOP para tutulan ang pagmamahalan nina Red at Sammy. SAMANTOP!" Tumayo bigla si Maggie.

"Hindi kaya!" Tumayo rin si China at nakipaglaban ng titigan sa kapatid. "Unang dumating si Red para tutulan ang love life nina Sammy at TOP! Tignan mo engaged sila! Tsaka Mothers know best at si Red ang pinili ni Tita para kay Sammy!"

"True love ni Sammy si TOP!"

"Soulmate sila Red at Sammy! Other half nila ang isa't-isa!"

"Panandaliang aliw lang naman ni Sammy si Red no! Si TOP parin mas mahal nya!"

"Hindi magmamahal ng iba si Sammy kung naging sapat ang pagmamahal nya kay TOP! Sabi nga nila, piliin mo yung pangalawa mong minahal dahil hindi mo sya mamahalin kung naging sapat ang pagmamahal mo dun sa una."

"Kung hindi umalis si TOP, hindi magmamahal ng iba si Sammy! Yun lang 'yon bading."

"Kahit hindi pa umalis si TOP, mahal parin ni Sammy si Red! I'm sure about it! Cheverlu ka Maggilita!"

"Naiinis na ako sayo Chinalita ha! Ano ba meron dyan kay Red? Ang putla, bampira ata 'yan eh! Parang si Edward eew! Mas astig si Jake!"

"ABS, BICEPS at makatulo laway nyang Chest! Eh yang si TOP, ni abs ba meron yan? At mas gwapo si Edward no!"

"MERON! Meron syang abs!" pagpipilit ni Maggie.

"Nakita mo? Nakita mo? Hindi naman diba?" asar ni China sa kapatid.

"Hindi ako pero si Sammy sure na nakita nya 'yon!"

Tumingin silang dalawa sa akin. "Ano Sammy? Nakita mo ba? Ilan pandesal ba para magkaalaman na?" sabay na tanong sa akin ng dalawa.

Nakiisa pa sa kanila si Michie. "Sagutin mo na Sammy para magka-alamanan na."

Next chapter