webnovel

Chapter Ninety-Six

Maaga akong umuwi nang hapon na 'yon. Hindi ko na tinapos ang program. Di ko alam ang gagawin ko. Si Amarie kasi, parang ayoko pa syang harapin. Ang sakit kasi. Ang sakit isipin na nakasama sya ng boyfriend ko.

EX. EX-BOYFRIEND KO. At ang isa pa, nabalitaan ni Kuya ang tungkol sa away namin ni Audrey sa school. Tumawag kasi ang Guidance Counsellor sa bahay. Sina Mama at Papa nasa France ngayon. Si Kuya Lee ang tumatayong guardian ko kaya sya ang nakausap ng Guidance Counselor namin.

"Gaano kalala?" Bungad sakin ni kuya pagkapasok ko sa bahay.

"Kuya." Bumaba sya ng hagdan at lumapit sakin.

"Sino ang mas malala? Ikaw o yung nakaaway mo?"

Bumuntong hininga nalang ako.

"Nagpatalo ka Princess?"

"Kuya, pagod ako. I'm gonna sleep."

"Okay. Okay. But next time please kung makikipag-away ka rin lang, galingan mo."

Nagtuloy-tuloy na ako sa hagdan at sa kwarto ko. Nakakainis ang mga tao ngayon. Bakit ba ang weak ko ngayon? Si Audrey minamaliit na rin ako ngayon. Pati na rin ang mga ka-schoolmate ko! Samantha! Bakit ang hina mo ngayon?!

Ang hina. KAASAR! Di naman ako ganito dati ah! Pero bakit ganito?! Ano'ng nagbago?! Yung dating Samantha. Yung matigas ang ulo at di nagpapa-api. Nasaan na sya? Naibato ko sa sahig ang bag ko at humiga sa kama. Nakatitig lang ako sa kisame. Iniisip ko na naman sya. Si Timothy. Ano na kayang ginagawa nya? Iniisip nya rin kaya ako?

Napabangon ako sa kama at kinuha ang cellphone ko. Tatawagan ko sya. Kakausapin ko sya. Tama. That's what I should do. Dapat kaming mag-usap. Di pa naman huli ang lahat diba? Tama. Ganon nga. Habang wala sina Mama at Papa..

Akala ko kaya ko syang isuko pero mahirap pala. Kahit na sinabi nya na totoo ang sinabi sa'kin nila Kuya tungkol sa kanya, hindi naman nagbago ang nararamdaman ko. Mahal ko parin sya. Sobra ko na syang nami-miss.

*RiingRiing* NAG-RING!! Buti naman hindi nya in-off ang cellphone.

*click*

[H-Hello?]

*tap*

Pinindot ko ang End Call. Babae. Boses ng babae ang sumagot sa phone nya! Sino naman kaya yon?! Shit! Shit! Shit! Dinial ko ulit ang number nya, baka naman wrong number lang ako! TAMA!

*RiingRiing*

[Hello?]

Babae parin ang sumagot!

[Hello? Who is this?]

"Uhh si TOP?"

[Sorry but Oppa is busy today.]

The Heck?! Sino ba 'tong babaeng to?! At sino sya para sagutin ang phone ni TOP at sabihin sa'kin na BUSY sya?!

[W-Who's that? -Oppa! Why are you—AAAHHCKK! OPPA YOU'RE SO HEAVY!-]

Na-end ang call. Boses ni Timothy. Hindi ako pwedeng magkamali. Sya yung narinig ko na nagtanong!

May kasama syang babae. May kasama syang babae. May kasama syang babae. May kasama syang ibang babae! Sa condo nya! Sino 'yon?! Sino ang babaeng 'yon? Bakit sila magkasama?! Ano'ng ginagawa ng babaeng 'yon sa condo ni Timothy?! Bakit sya nandon?! Shit! Kinuha ko ang unan ko at itinakip sa mukha ko. Sumigaw ako don. Nakakaasar! NAKAKAASAR!!

Next chapter