webnovel

Chapter Forty-Three

"Ano'ng oras na?" tanong ko. Tapos na kaming kumain at naglalakad paikot sa mga rides.

"Four pm," sagot nya pagkatapos tingnan ang kanyang wristwatch.

"Four na kaagad?! Pero hindi pa natin nasasakyan lahat ng rides!"

"Well then, ano'ng gusto mong unahin?"

"Uhh. Hunted House!!"

"Horror Train lang ang meron dito wifey at pambata lang 'yon."

"Pero bata pa ako!"

"Compared to them?" tinuro nya yung mga mukhang elementary na mga bata.

"Pero...pero!" sumimangot ako.

"Hahaha!" he laughed. "You're cute when you do that."

"Hindi pa ako nakakasakay sa Horror Train," nakangusong sabi ko.

Totoo 'yon dahil hindi ko naranasan maging bata o magsaya bilang isang bata dati. Ikinuha ako ng Nanny ng parents ko at isang tutor na magtuturo kung paano maging isang Lady. Ni hindi man lang ako nakakapunta sa mga theme parks kaya naman ito ang pinili ko. Pumunta naman ako dito dati kasama ang Crazy Trios pero matagal na 'yon.

Narinig kong bumuntong hininga si TOP sa tabi ko. Hinawakan nya ang isang kamay ko at pumunta kami sa Horror Train. Yay!

"Shit, this is embarrassing," he muttered.

I giggled. Sumakay na kami sa train. Nasa pinakadulo kami. Nakangiti lang ako habang hinihintay na umandar ang train. Si TOP naman naramdaman kong nakatingin lang sa'kin.

"What?" tanong ko.

"Are you happy?"

I nodded.

"Are you happy with me?"

"Of course!" I grinned.

"Do you like me?"

"Oo naman!" tumango ako habang nakangiti.

"Then..." he paused. "Do you love me?"

Tinignan ko sya. Seryoso ang mukha nya. Biglang nawala ang ngiti sa mukha ko. Bakit bigla nyang itinanong yun? Napaka-random naman! Sa sobrang gulat ko hindi ko sya masagot. 'I love you', gusto kong sabihin pero ayaw bumukas ng bibig ko. Parang may nakaharang sa lalamunan ko at wala akong boses. Unti-unti namatay yung liwanag sa mga mata nya. At pakiramdam ko may kumurot sa puso ko.

"Nevermind," sabi nya, tumingin sya sa ibang direksyon. At umandar na ang train pagkatapos.

Ang awkward ng atmosphere sa pagitan namin ni TOP. Hindi sya nagsasalita at iniiwasan nya na tumingin sa direksyon ko. Ang bipolar ng date na 'to!

Natapos ang ride nang hindi ko man lang napapansin. Lumilipad ang isip ko buong oras na nakasakay kami don. Nang tumigil ang mini train tumingin ako kay TOP. Hala! Asan yun? Wala na sya sa tabi ko!

Bumaba ako at hinanap sya sa paligid. Ang daming tao kaya hindi ko alam kung asan sya. Ano'ng gagawin ko?! Iniwan nya ba ako?! Galit ba sya sa'kin?! Umuwi na kaya sya?!

Parking lot. Kung uuwi na sya ibig sabihin dapat nasa parking lot sya ngayon. Dali dali akong tumakbo papunta sa parking lot. Ilang minuto ng pagtakbo nakarating din ako. Hinanap ko ang itim na kotse ni TOP. Tinignan ko kung saan yung spot na dapat ay nakatigil ang kotse. Pagkatingin ko wala na ron ang kotse nya. Iniwan nya ako. Iniwan nya talaga ako.

Umiyak ako. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba iniwan nya ako o dahil nasaktan ko sya o dahil hindi ko alam kung babalik pa sya para sa'kin? Babalik pa kaya sya? Ano kayang iniisip nya? Bakit nya ako iniwan.

Siguro may pinuntahan lang sya na emergency at nakalimutan nyang kasama nya ako dahil masyado syang nagpanic. Tama baka ganon nga ang nangyari. Hindi nya ako iiwan dito ng ganon na lang. Kapag namalayan nya na wala ako sa tabi nya siguradong babalik sya. Babalikan nya ako. Pinunasan ko ang luha ko at hinintay sya. Hinintay ko na bumalik ang itim na sasakyan nya.

Naghintay ako ng padating na sasakyan. Pero lahat ng kotse ay palabas ng theme park. Naghintay parin ako hanggang sa madilim na. Hindi ko man lang namalayan na gumabi na pala. Tinignan ko ang langit. Walang stars ngayon. Sayang naman, yun na nga lang sana ang gusto kong makita habang naghihintay. Nakatayo parin ako sa may parking lot. Gusto ko sanang umupo pero mas madali akong makikita ni TOP kung nakatayo ako.

Pagkaraan ng ilang minuto nalaman ko kung bakit walang bituin sa langit. Umulan. Nagtatakbuhan ang mga tao sa malayo para makasilong. Biglang lumakas ang ulan. How Cliche. Nakatayo sa ulanan ang isang katulad ko at hinihintay ang taong nang-iwan sa kanya. Sino nga ba ang gumawa ng ganitong eksena sa mga palabas ngayon? Pero puro male leads lang ang gumawa ng ganitong scene. Ang tanong ko nga; bakit sila nagpapakabasa sa ulan? Bakit sila naghihintay sa isang tao na alam naman nilang hindi darating? May mga gagawa kaya nyan sa totoong buhay? At ngayon heto ako, nakatayo, naghihintay at nagpapakabasa.

Napangiti ako. Haay Samantha...tinamaan ka nga talaga sa kanya.

"Retard, nagawa mo pang ngumiti nang ganyan habang nauulanan ka?"

Napasinghap ako. Lumingon ako at nakita ang hinihingal na si TOP. Mukhang tumakbo sya nang napakalayo.

"Hubby," ngumiti ako at tumakbo sa kanya. Niyakap ko sya ng mahigpit.

"You—" niyakap nya ako ng mahigpit. "You scared me."

"I'm sorry," ang lakas ng tibok ng puso nya.

"What the hell were you thinking?! Shit! Bigla kang nawala sa paningin ko!" Hinila nya ako at sumilong kami sa malaking puno.

"Ano'ng—Ikaw kaya dyan ang biglang nawala! Iniwan mo ako!"

"F*ck! Hindi kita iniwan! Bakit naman kita iiwan?!" galit na naman sya.

"Yes, you did!"

"Shut up! Look at yourself, basang basa ka na! Ano ba ang ginagawa mo sa gitna ng ulan?! Gumagawa ka ba ng music video o hobby mo lang talaga magpa-ulan?!"

"Ano sa tingin mo? Hinihintay kitang stupid gangster ka! Akala ko iniwan mo ako," nag-umpisa na naman mag-waterfall ng luha ko. "Pati wala na 'yung kotse mo dun oh!" turo ko sa parking lot.

He sighed.

"Retard," niyakap nya ako nang mahigpit, ang init ng katawan nya. "What should I do with you? Sa kabila tayo nag-park hindi dito."

"WAAAAHH!!" Hindi ko na napigilan. Kasing lakas ng ulan ang iyak ko.

"Hindi mo alam kung ano'ng naramdaman ko nang bigla kang nawala. Lagi mo nalang akong pinag-aalala. Tinakot mo ako. Hwag mo na ulit gagawin 'yon, okay?"

"Okay. Pero san ka ba kasi nagpunta? Iniwan mo 'ko kanina!" maktol ko.

"Tsk. May mga humigit sa'kin na mga babae."

"ANO?!"

"Nagpakuha lang sila ng picture."

"Mga malalanding babae 'yan!"

"Are you jealous?"

"No!"

"Don't worry, they're nothing compared to you"

Next chapter