webnovel

IKALIMANG KABANATA

NAGISING nalang si Jane sa kaniyang malambot na kama. Bakas sa kaniya ang hapo dahil sa paghawak niya sa kaniyang ulo. Mukhang malakas yata ang paglagapak niya sa sahig ng kwuarto ng kaniyang Kuya Carlo.

Dahan-dahan siyang kumuha ng isang unan upang gawin niyang sandalan. Pilit niyang binabalikan ang nangyari kagabi ngunit wala na siyang maalala. Isa lang ang natatandaan niya at iyon ay ang nakaamoy siya ng halimuyak ng bulaklak sa kwuarto ng kaniyang kuya.

Iyon lamang ang kaniyang natatandaan. Nag-isip siya ng gawain na makaka-ginhawa sa kaniyang katawan. Sinubukan niyang umupo ng matagal sa tapat ng kanilang bintana upang tignan ang mga nag-aawitang ibon, ngunit hindi nagtagal ay nangawit din siya.

Bumalik muli siya sa kaniyang higaan. Sa mga oras na ito ay nakatahiya siyang humiga. Pinagmamasdan niya ang kanilang kisame, tila nagbabalik ang alaala ng kaniyang kaaway noong nasa Ikatlong-baitang siya ng Hayskul.

"Hoy! Jane akala ko ba maganda ang bahay niyo? Eh tignan mo naman iyang kisame niyo mukhang pinagtagpi-tagping mga kahoy. Kulang nalang ng mga halaman at magiging gubat na itong bahay niyo!" wika ni Lucy.

Naalala niya pa dati ang pagtatalo nila ni Lucy. Sumali siya sa mga grupo ni Lucy upang hindi siya apahin at yurakan ang kaniyang pagkatao. Ngunit dahil sa mayaman ang grupo nila ay nagkunwaring may kaya ang pamilya niya.

Simula noong nalaman ng mga barkada ni Lucy ang tunay na aspeto sa buhay ni Jane ay nagsimula ang pang-aaway sa kaniya. Palagi siyang nasangkot sa gulo dahil sa kagagawan ni Lucy.

Dahil sa lubos na galit ni Jane sa mga grupo ay gumuwa siya ng paraan upang mapatalsik ang mga barkada nito. At ito ay ang palabasin na sila ang may pakana kung bakit nasisira ang mga libro sa silid-aklatan at kung bakit maraming mga hindi kaaya-ayang sulat na nagkalat sa iba't-ibang bahagi ng kubeta.

Ang totoo ay siya ang gumawa ng lahat ng ito. Wala na siyang magagawa pa, kailangan niya ng lumaban. Kaya minabuti pa ni Jane na gawin ang mga bagay na iyon.

Hindi maintindihan ni Jane kung bakit may mga namumuong butil sa kaniyang mga mata. Siguro'y kailangan niya na din humingi ng patawad at magpatawad. Mga isang taon na din ang lumipas ay hindi pa sila nagkakabati ni Lucy.

Magbabagong taon na! Ayaw ni Jane na masira ang New Year's Resolution niya. Kaya naman nagmadali siyang pumili ng kaniyang isusuot. Humarap siya sa salamin at dahan dahan niyang sinuklay ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang kamay.

Nang bumaba siya sa kawayang hagdan ay kapansin-pansin ang tahimik ng bahay. Tila siya lang ang nakatira dito.

Nag-iwan siya ng sulat upang hindi magalala ang kaniyang Inay. Ayaw pa naman niyang sermonan siya nito.

Boluntaryo siyang naglakad. Habang naglalakad siya'y nag-iisip na siya nang sasabihin niya. Napahinto siya sa isang poste. Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng panlulumo matapos niyang makita ang slogan na nagsasabing Missing: Lucy Ortega Reward: 25, 0000. Isa lang ang tumatak sa kaniyang isipan at ito ay ang sisimulan niyang hanapin si Lucy, hanapin kung sino ang may pakana ng kaniyang pagkawala.

Next chapter