Paano kung balikan ka ng nakaraan at guluhin ang iyong kasalukuyan, Ipag papatuloy mo pa ba?
Isang umaga.. Nag ring ang telepono ni Jerome Dahil sa tawag ng kanyang sekretarya na Justine.. Kahit na naiiyamot ang binata ay kinuha parin niya ang kanyang cellphone at sinagot ang tawag na nanggagaling sa kabilang Linya.
PHONE CONVO.
-Ui, jerome ano ba?,, kanina pa ako tumatawag pero hindi mo sinasagot.. ''sabi ng lalaki sa kabilang linya.''
-Justine ano ba iyon?.. inaantok pa ako!! ''wika ni jerome sa kausap.''
-May problema tayo.. Anong oras kaba papasok??. ''tanong nito sa kausap''
-Ano bang problema? 'tanong sa kanya ni Jerome.''
-Ang isa nating investor.. Tumawag, may mga nag cocomplaine daw sa kanila na mga costomer at hindi ko alam kung bakit.. sa pag kakaalam ko sa designe ng product sila nag cocoplaine. ''ang wika sa kanya ni justine''
Agad na bumalikwas si Jerome sa kanyang pag kakahiga kahit na kakagising palang nito. biglang nagising ang kanyang diwa sa balitang nadinig niya kay Justine.
-Sige papunta na ako..''tugon niya kay Justine,''
Agad na nag dumali si Jerome sa kanyang sarili para ayusin ito nang sa ganon ay agad na makapunta agad siya sa kumpanya. Si jerome ang nag mamay-ari ng kumpanyang ginagalawan niya ngayon ang AINSOFT CORPORATIN isang napakalaking mall sa buong bansa.
[past memory]
Sabay nilang pinag paguran ni justine ang kumpanya kasabay ng tulong nito buhat ng malugmok ito sa pakikipag hiwalay nito sa dati niyang kasintahan. high school palamang sila. Inisip na noon ni Justine na kailangan niyang tulungan ang kanyang kaibigan na makamove on sa pamamagitan ng pag lilibang at isa na nga dito ang magbuo ng mga pangarap kasama si Jerome. Si Jerome ang una nitong kaibigan noong elementary pa lamang sila kaya alam nito ang ugali nito lalo na pag dating sa mga bagay na hindi nito kayang lusutan.
[kasalukuyan]
Pag dating ni Jerome sa kumpanya ay agad na sinalubong siya ni Justine para ipaalala ang mga dapat gawin at sabihin bago pumasok ng metting room at humarap sa mga investor.
-Bakit ngayon ka lang.. kanina pa sila nag hihintay. ''tanong sa knya ni Justine''
-Ano nang balita?. ''tanong ni Jerome sa kanyang sekretarya.''(justine)
Sinabi ni Justine lahat ng impormasyon kay Jerome ng sa ganon ay alam nito lahat ng kanyang gagawin pag dating sa loob ng meeting room. Magaling ang mga competitor ni Jerome kaya kailangan na maging mas matalino din siya lalo na pag dating sa ganitong indusriya. Matalino silang dalawa kaya lang mas gumagana ang utak ni Justine kung para kay Jerome dahil siya ang sekretarya nito.
-Magaling ka talaga. ''wika ni Jerome kay Justine.''
-Hmmmm.. kanino pa ba ako mag mamana diba. ''tugon ni Justine kay Jerome.''
-Haissst.. kung alam ko lang hindi na sana ako nag punta...
-Haa... hindi naman pwede yun ano.. ikaw ang ceo kaya naman mas kailangan ka nila.. hahahaha..'' sabay na nag tawanan ang dalawa sa kanilang mga kalokohan.''-''Bumulong si Jerome kay Justine'' .. Alam mo naman pag dating dito sa kumpanya ikaw lang aking pinag kakatiwalaan.
-Alam ko, pero ikaw ang boss.. Remember?.. ''pang aasar nito kay Jerome''
-Shhhh... oo na, panalo kana!.. ''tugon ni Jerome sa kanya''
Nang makarating na si Jerome sa 10th floor ay agad na nag deretsyo sila sa meeting room para simulan ang meeting tungkol sa problemang kinakarap nila ngayon dahl sa mga costumer na nag cocomplain. Hindi nman ganoon kabigat ang kanilang problema dahil agad nilang nabigyan ng solusyon ang mga ito.
-Ang galing mo talaga.. bilib na talaga ako sayo.. ''pam bobola ni Justine kay Jerome''
-Sus kaya pala ang galing mo mambola!! ..''tugon naman nito kay Justine.''
Matapos ang kanilang meeting ay agad na umalis si Jerome para umuwi ng bahay.
-Oh teka, saan ka pupunta. ''tanong ni Justine sa kanya''
-Aba uuwi na, '' sagot nito sa sekretarya''
-Agad? ''tanong nito''
-OO ikaw na ang bahala dito ha.. the company is all yours. ''biro ni Jerome sa kanya''
-Kaw talaga..
Agad na nag dumali si Jerome sa pag sakay sa kanyang kotse para takasan ang kanyang kaibigan..
-Ikaw na ang bahala diyan.. ''sigaw ni Jerome kay Justine''
Sanay na naman si Justine kay Jerome sa ilang taon na sila ay mag kasama nito sa kumpanya.
Nag punta si Jerome sa isng coffe shop para humigop ng kape dahil sa malamig na panahon. Matapos ng kanyang meeting kanina ay nais niyang mag relax muna. Tinawagan niya ang kanyang kaibigan para samahan ito na uminom kahit na kape manlang.
[PHONE CONVO.]
-Hello, napatawag ka?, ''tanong ni Patrick sa kanya''
-Bussy kaba?. ''tanong sa kanya ni Jerome..'
-Hindi naman., bakit ba?
-Yayain sana kita uminom ng kape?.. ''sagot nito''
-Kape?,,''ulit na tanong'' walangya naman pre, ang dami mong pera tapos kape.. '' tugon nito''
-Oo bakit ano ba gusto mo? alam ko na ang nasa isip mo.. sige sa dati..'' ang tugon ni Jerome kay patrick''
Nag punta si Jerome sa isang sikat na bar na talaga namang puntahan ng mga mayayaman at kilalang tao pag dating sa industriya ng pag nenegosyo. Naabutan na niya doon si Patrick na tumatagay na ng isang bote ng wine.
-Pare hindi kana talaga nakahintay ano?? ''tanong ni Jerome sa kanya''
-Oo pre, inom na inom na talaga ako.. ''tugon ni Patrick sa kanya''
-Kanina kapa ba?''tanong ni Jerome sa kaibigan''
-Hindi naman katagalan.. medyo lang.. ''tugon nito''
Nagkainuman ang dalawa ng di nila napapansin aang oras ay inabot na pala sila ng alas syete ng gabe.. Hindi nila napansin na pareho na silang maraming nainom buhat pa kaninang nag kayayaan silang dalawa. Sa hindi kalayuan ay may isang nag iinom na solo lamang sa isang table.. matangkad, maputi, gwapo at mukang nag mamay ari din ng kumpanya.. Kanina pa sa kanila nakatingin ang lalaking ito na tila gustong lumapit sa kanila at mag tanong kung ano ang pangalan ng mga ito. Lasing na ang dalawa.. Nag kayayaan nang umuwi at dalawa lang silang may akay sa kanilang mga sarili.. Lumabas sila ng bar at kumaway ng taxi si Jerome para sa kaibigan nitong lasing para ihatid sa tinutuluyan nitong condo. Sa di kalayuan naman ay nakamasid ang lalaki kay Jerome na tila nag aantay kung ano ang gagawin nito. Matapos makatawag ng taxi si Jerome para sa kaibigan ay naiwan ito sa tabi ng kalasada para siya namang mag hintay sa kanyang sekretarya na dumating para ihatid ito sa sa kanyang condo. Hindi na nakatiis ang lalaki at nilapitan nito si Jerome.
-Hi, mukang mag isa kalang ahh!! ok kalang ba?? .'' tanong nito''
-May kasama ako, umuwi na,, ok lang ako, ''tugon nito sa lalaki''
-Ahh ganun ba?, ako nga pala si Steaven.. ''pag papakilala nito''
-Ako naman si Jerome, ''tugon din nito sa lalaking nag tatanong at nag pakilala sa kanya''
Sabay bigla din namang dumating ang kanyang sekretarya na si Justine.. nakita ni Justine ang kanyang kaibigan na kausap ang nasabing lalaki na si Steaven habang nakaupo silang dalawa sa gatter ng highway. Tumigil ito sa tapat ng dalawa.. Bumaba iti at...
-Hi, ako nga pala si Justine ang skretarya ni Jerome.. ''pag papakilala ni Justine sa lalaki''
-Ako naman si Steaven, nakilala ko lang sila sa loob.. umalis na ang kasama niya kaya sinamahan ko na..maraaming loko dito baka mapag tripan siya.. '' paliwanag nito sa sekretarya nito''
-Ahh ganun ba.. salamat naman kung ganon.. ''tugon nito''
Kinuha ni Justine ang pitaka niya sa loob ng kanyang magarang suot at saka kinuha ang isang calling card na may nakalagay na kanyang pangalan.. Iniaabot niya kay Steaven ito ngunit iba ang hiling sa kanya nito.
-Ahh, maari bang calling card niya ang kunin ko.. ''pakiusap ni Steaven sa sekretarya ni KJerome.''
Nag taka pa si Justine sa kinilos ni Steaven dahil bakit naman niya kukunin ang calling card ng kanyang boss. Bakit nga naman intiresado ito dito.. Pero ibinigay din nman niya ang calling card ng kanyang boss dahilan nalang din ng pag tingin nito sa kabutihang ipinakita nito sa kanyang boss buhat ng pag sama nito kanina.
-Mukang intiresado ito sa boss ko ahh.. ''bulong ni Justine sa kanyang sarili''
Matapos niyang ibigay ang calling card ng kanyang boss ay agad ding umalis ang mga ito at nag deretyo sa bahay nito. Inasikaso muna niya ang kanyang boss dahil lango at amoy alak ito. Napaisip ang kanyang sekretarya kung bakit nag inom ang kanyang boss ngayong wala naman itong pinag dadaanang problema. kung iisipin naman niya ang nakaraan nito ay muka namang malabo dahil alam niyang pag dating sa mga ganitong bagay ay siya ang una nitong tinatawagan. Matapos ang pag aasikaso nito ay mabilis din siyang nag palit ng kanyang damit pag katapos ay umalis na. Nag iwan nalang siya ng maliit na note sa katabing table na hinihigaan ng kanyang boss. Habang mahimbing na natutulog si Jerome ay dinalaw siya ng kanyang nakaraan sa panaginip. Nasa panaginip niya ang taong nag pasaya sa kanya at nag paluha sa kanya ng lubos. Sa panaginipp niya, Nakita niya ang kagandahan ng relasyon niya noong una, ang pag kikita nila.. pag sasama, nag aaway at nag kakasundo, lahat ng magagandang bagay na naranasan niya sa ex niya ay nakita niya.. Noong una ay masaya siya sa kanyang panaginip hanggang sa unti unti na itong nababalot ng kalungkutan hanggang sa mawala at mag laho ang magagandang alaala niya sa kanyang ex. Nakikita na nito ang lahat ng kawalangyaan nito, ang pag kakaroon nila ng di pag kakasunduan na dati nama'y nagagawan pa nila ng paraan at ang pag hahanap nito ng iba at higit sa lahat, ang pinaka masakit ay ang pakikipag hiwalay nito sa napaka babaw na dahilan. Sa tagpung iyon ay nagising si Jerome mula sa kanyang napakasamang panaginip. Napabalikwas ito at habol hininga ng itoy magising. Napatingin nalang ito sa kanyang lamesa at napansin ang note na iniwan sa kanya ng kanyang sekretarya.
[NOTE]
MAY GINSENG SA IBABAW NG LAMESA MO, UMINOM KA AT PUMASOK NG MAAGA, MAY MEETING TAYO SA KLIYENTE MO FROM JAPAN,
PS: Justine
Nang makita niya ang note na ito ay agad siyang bumalikwas mula sa kanyang pag kakahiga at nag deretsyo sa banyo para mag hilamos ant mag handa para sa pag pasok nito sa kanyang kumpanya.
-Sheeeet.... late na ako, ''ang bulong ni Jerome sa kanyang sarili habang dali daling nag hahanda para sa kanyang sarili.''