isang gabi lang. isang ordinaryong gabi sa mga katulad ko. matapos ang bayaran tapos na. matapos magpagamit, goodbye na. dignidad? matagal na akong walang ganun. kasabay ko na ata naitapon kasama ng luma kong brief.
ako si nicolo, at isa akong macho dancer sa isang club dito sa manila. sumasideline din ako bilang isang callboy. isang bayarang lalaki na nagbibigay ng panandaliang ligaya sa gusto magbayad. oo, alam ko, mababa ang tingin ng mga katulad mo sa mga katulad ko. iniisip mo na marumi ang trabaho ko. walang kahihinatnan. walang dangal. at di kita masisisi. di ko naman talaga pinili na maging ganito ako, nagkataon lang. dala ng matiniding pangangailangan. may gusto din ako maabot. may mga pangarap din ako. may mga gustong makamtan. pero sa trabahong ito ko lang makukuha ang mga iyon.
matapos and duty ko sa club, niyaya ako ni andrei at ross na lumabas at gumimik. pang tanggal stress, kung yun man ang pwede mong itawag dun.
mga nagtatrabaho sa club, nag rerelax sa isa pang club? magulo isipin di ba? pero nandito na kami ngayon. pero sa alak ko lang nakakalimutan mga problema ko. sa mga club ko lang saglit na nararamdaman na tahimik ang buhay.
sa dilim, nahahanap ko ang katahimikan. sa malakas na mga tugtog, naririnig ko ang tibok ng puso ko. sa gitna ng mga indayog ng mga katawan, nararamdaman ko na tao pa ako. tao na buhay, humihinga, nangangarap, umaasa, lumalaban.
"o nicolo! pre, parang ang lalim ng iniisip mo ha!" sabi ni ross na kauupo pa lang sa mesa galing cr.
"oo nga bro... pagkakakitaan ba yang iniisip mo? pa join naman ako jan!" birong dag dag ni andrei habang tinatapik ako sa balikat.
"gago ka talaga andrei! pagkakakitaan na naman? bakit kulang na naman ba ang pambili mo ng gel sa buhok?" tawa kong sabi habang ginigulo ang buhok niya.
"tol! guluhin mo na ang lahat... wag lang ang buhok ko... palibhasa nagpapakalbo ka lagi..." inis na sabi ni andrei habang inaayos ang buhok nito.
"tama na nga yan... umorder na tayo..." dagdag ni ross habang tinatawag ang waiter.
ito talagang mga kaibigan ko, mga maloko. pero sila ang nagbabalik ng katinuan ko. sila nagpapaalala ng kasalukuyan. na dapat magtrabaho ng mabuti para kumita. para umangat naman sa buhay.
"o anong order nyo? ako..." order ni ross sa waiter.
itong si ross. malakas ang appeal nito sa mga babae... at mga bading. matangkad, maputi, chinito. taas pa lang ng makapal niyang kilay at nanginginig na ang mga tuhod nila. paano pa pag gumiling ito?
"boss yung malamig ha!" dagdag nitong sabi sa waiter.
matinong tao itong si ross. matagal ko na siyang kilala. simula pa lang nung magbinata ako at lumuwas ako papuntang maynila. may isa siyang kapatid na lalaki, si nel. isang sakiting binata. ginagawa lahat ni ross para sa nakakabatang kapatid, kahit na kapalit nito ang katawan niya para lang pambili ng gamot para mapagaling ang kapatid, ulila na kasi silang dalawa, kaya bilang kuya kailangan niya itong gawin. minsan nga nakakalimutan niya ang sarili para kay nel.
"boss, padagdag ng..." order ni andrei habang kinakausap ang waiter sa tabi nito.
itong si andrei, siguro pinanganak lang talagang rebelde sa mundo at may pagka manyak.
"uyy mis... ganda mo ha..." bulong ni andrei sa dumaang babae habang nakatingin sa puwetan nito at nakakagat sa labi niya ng may kasamang gigil.
ok... sobrang manyak pala. may pagka mestisuhin ang itsura niya kaya maappeal din sa madami. madalas idaan sa boka ang mga booking. pero mas beterano sa amin ni ross pagdating sa mga "da moves". sing edaran naman namin pero mas maagang namulat sa ganitong trabaho. maraming koneksyon at kakilala kaya madalas maraming booking. single at malaya kaya minsan pakawala. at madalas mukhang di nauubusan ng energy.
"sir, order nyo po?" tanong ng waiter sa akin na katabi ko na pala.
"a...ano isang bote ng red horse" order ko nung naalala ko ang kinalalagyan ko.
"sino na naman ang iniisip mo, pre? tapik ng katabi kong si ross habang bumalik ang waiter dala ang mga order namin.
"akala ko ba relax lang tayo?" sunod naman ni andrei.
"wala pre... may naisip lang..." tawa ko habang itinataas ang bote ko para uminom.
"iniisip mo yung nagtable sa iyo kanina noh? yung bading na nakasalamin. hehehe" nakatawang banggit ni ross sa akin.
"yung mukhang professor na hanggang tingin lang? natable ka pala nun." banggit ni andrei habang nagtatawanan sila ni ross.
natawa na lang ako sa mga kalokohan nitong dalawang ito. naging kaibigan ko na yung binabanggit nilang customer ko. sa totoo lang hindi siya typical na customer. si sir nestor. hindi siya tulad nung ibang mga nangte table sa amin. matino siyang customer. gusto lang niyang makipag kwentuhan tungkol sa buhay. buhay ko, buhay niya. may pagkaseryoso nga siya minsan eh. nabanggit niya na professor daw siya sa isa sa mga private school dito sa manila. exclusive all girls daw.
eskwelahan... pag aaral. parang gusto kong ituloy na yung pag aaral ko. umalis ako ng probinsya ng hindi ako graduate ng highschool. at sa edad kong ito, parang nakakahiya na bumalik sa pag aaral. sabi naman ni sir, walang masama sa pagbabalik sa pag aaral. uso na raw yung back-to-school ng mga mas matatanda. kahit tulad ko. may pag asa pa pala ako kung ganun.
"huy... daming iniisip oh..." tapik ulit ni andrei sa akin. nagulat ako kaya natapunan ko tuloy siya ng konti nung beer ko.
"bro! kaliligo ko lang kanina bago umalis ng club..." sabi ni andrei na nakasimangot at nagpupunas ng tissue sa shirt niya.
"sorry tol!" sabi ko.
"kulang ka pa daw sa banlaw drei!" tawang banggit ni ross kung saan kaming tatlo ay nagtawanan na lang.
bakit kaya pakiramdam ko magbabago ang buhay ko sa mga susunod ng araw? pero siguro pakiramdam ko lang yun. masarap talaga ang serbesa sa lalamunan. nakakabalik ng buhay sa laman at pagkatao.
kring! kring!
"hello?" sagot ni andrei sa phone niya na umalis muna sa mesa para pumunta sa tahimik na lugar.
"mukhang may booking si boy andrei ngayon ha" bulong ni ross sa akin habang tumango ko sa pag sang ayon.
"o mga pre... pano ba yan... mukhang iwan ko muna kayo..." wika ni andrei pagkabalik niya sa mesa ng nakangiti.
"lelll... may booking ang mokong!" banggit ko ng nakatawa.
"sige mga tol! eto ang share ko" sabay lapag ng pera sa mesa.
"usap na lang tayo sa club pag pasok" habol ni andrei ng papaalis na siya.
nagkatinginan kami ng ross habang pinagmamasdan si andrei na papalakad palabas ng bar, pasulyap sulyap sa mga mga babaeng naroon.
"so... ano tol? isa pang round bago umuwi?" tanong ko kay ross.
"sige. last na for the road. kailangan pa kasi bumili ng gamot para kay utol. mahina pa kasi siya ngayon. nadagdagan pa ng ubo." sabi ni ross habang malungkot ang mga mata niya na natatago ng makapal niyang mga kilay.
matagal na may sakit ang kapatid ni ross na si nel. nagpatingin na sa mga doktor pero di pa rin sigurado kung ano ang sakit. dahil dito at iba pang mga gastusin, patuloy sa ganitong trabaho si ross. di man halata sa mga ngiti niya pero marami rin siyang pinagdaanan. pinagtatakpan niya lang lahat ng lungkot sa mga mapanukso niyang mga ngiti.
"o... kampay!" sigaw ni ross habang nakataas ang bote niya.
matapos ang ilang minuto, umalis na kami sa bar at naghiwalay para umuwi. agad na akong pumara ng taxi ng nakasakay na si ross ng jeep. sumakay na ako ng taxi kasi gusto ko makaabot sa boarding house bago pa sumikat ang araw.
"boss, sa tabi na lang. eto po bayad." sabi ko sa driver ng malapit na ako bumaba.
maingat kong binuksan ang gate na bahagyang kalawangin. tahimik ang buong bahay. tulog na tulog na siguro ang lahat dahil lunes na at magsisipasok na ang lahat sa eskwela at sa trabaho. ako eto, kauuwi ko pa lang. mabagal kong inakyat ang hagdan hanggang umabot sa ika third floor kung saan ako nakatira. bawat palapag dito may apat na pinto. halos magkakakilala na ang lahat dito. pero di ako masyado nakikipag usap sa iba na nakatira dito. magkaka iba lang talaga ang mga oras namin sa buhay kaya madalang magkita. kakilala ni andrei ang may ari ng boarding house na ito kaya natulungan ako makatira dito.
"o nicolo, mukhang maaga ka ngayon umuwi ha" may nagsabi sa likuran ko habang binubuksan ko ang lock ng pinto ko.
"uy liz, gising ka pa pala" sabi ko sa kanya.
siya si liz, ang may ari ng boarding house.
"hinihintay ko pa kasi si jet sabi niya kasi pauwi na siya. pero wala pa siya" alalang sabi ni liz.
si jet ang nakababatang kapatid ni liz. nasa probinsya na ang mga magulang nila kaya silang dalawa na lang ang nandito. masipag si liz, maganda at mabait na kaibigan at maalalahing ate para kay jet. makulit lang talaga ang batang kapatid nito, nasa high school pa lang kasi. si liz naman mas bata lang ng konti sa akin.
"parang nakita ko siya kanina. may binibili lang sa tindahan sa may kanto. kumaway siya nung pababa ako ng taxi kanina" panimula ko.
"maaga ang uwi ko kasi konti lang ang mga tao sa club. maaga rin nagsipag uwi kasi may pasok na mamaya. lunes na kasi kaya ganun. balik na ulit sa mga buhay buhay. pahinga ko rin kasi bukas. para makatulog ng mahaba... sige liz, pahinga ka na rin, pauwi na si jet." sabi ko ng mahina .
"salamat nicolo. kasi baka napano na yun" sabi ni liz habang pabababa kasi tumunog ang gate sa ibaba.
dahan dahan akong pumasok sa kwarto ko at binuksan ang lampshade, pati na ang bintana na naka dungaw sa kalsada sa ibaba. naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin ng madaling araw kasama ang amoy ng mga dahon ng puno na katabi ng bintana.
"haaayyy..." buntong hininga ko matapos kong maghubad ng shirt at mag unat ng napaharap ako sa may salamin sa isang sulok ng kwarto.
"kung sana..." simula ko habang papalapit sa may salamin.
"kung sana nakikita niya ako ngayon... malayong malayo sa itsura ko dati nung mas bata pa kami" tuloy ko habang nakahawak ang isang kamay ko sa salamin.
mabagal kong tinanggal ang sapatos ko at pantalon. brief lang ang iniwan ko. mas komportable itong suotin pag natutulog kahit malamig. siguro nakasanayan lang. binuksan ko ang electric fan at itinapat sa kama bago lumapit sa kutson na nakapatong sa lapag. ok na sa akin ang ganito. mas presko sa pakiramdam. dahan dahan akong naupo at tuluyan nang nahiga. isa lang ang nasa isip.
"... ano ang ginagawa niya kaya ngayon... siguro tulog na..." sabi ko sa isip ko habang dahan dahang dinadalaw ng antok.
"...mahal pa rin kita... ela..."