webnovel

Caleb’s Route VIX - Caleb's End Route

Chapter 49: Caleb's Route VIX -  Caleb's End Route 

Haley's Point of View 

  3 years later. 

After our graduation, we-- my friends and I separated our ways. Look for a job and on the way to the future that awaits us. 

  I became a graphic video designer and currently working at 11th media company near at Nwonknu city. Isang taon at dalawang buwan and for some reason, may rumor na mapo-promote ako. Well, ayoko mag expect dahil nga rumor lang iyon kaya hindi ko masyadong iniisip. Pero kung totoo man iyon, edi happy happy. 

  Lalaki sweldo. Yes ~! 

  Lumabas na ako sa company building namin at nagpaalam na sa mga colleagues ko sa department namin bago ako patakbong naglakad para pumunta sa kanto at maghintay ng taxi. Alasingko na at late na talaga ako sa isa ko pang appointment. Grabe, kapag talaga adulting. Ang hirap maisingit iyong ibang schedule tipong gusto mong I-cancel na lang.. Pero kasi importante itong pupuntahan ko kaya kahit gusto kong dumiretsyo sa bahay para magpahinga, hindi. 

 

  Tinali ko na ang buhok ko ng panali ko habang paparating na iyong sasakyan ko. Nang makahinto siya sa tapat ko ay pumasok na ako at sinabi ang lokasyon na bababaan ko. 

Mayroon kaming reunion party ng mga HS classmates ko kasama ang dati naming adviser teachers nung 3rd - 4th year na sila Ma'am Kim at Sir Santos. 

Nabalitaan ko nga rin nung nakaraan na sila na pala. Ang tagal ko rin kasi talagang walang contact sa kahit na sino sa kanila dahil na rin sa sobrang busy kaya palagi na lang din akong late sa mga balita. Well, kahit din naman yata sila Kei. 

Nag vibrate ang phone ko mula sa aking bag kaya kinuha ko iyon at tiningnan ang nilalaman. Nag message na si Rose, ako na lang daw pala ang hinihintay kaya napatingin ako sa wrist watch ko bago ako mapatingin sa labas ng bintana. Kasalukuyan kaming nakahinto dahil traffic kaya ibinalik ko ulit ang tingin sa screen para reply-an si Rose. 

'On the way.' I replied. But she sent me a groupie. Naka peace sign siya sa litrato habang na sa likuran naman niya iyong iba naming kaklase. Geez, edi hindi na ako masusupresang makita iyong iba kasi may group picture na sinend sa akin? 

 

  Mayamaya nang makarating din naman ako kaagad sa destinasyon ko. Dito kami magkakaroon ng reunion party sa bagong gawang bahay nila Ma'am Kim. 

Isasabay din kasi namin iyong celebration sa paparating na baby nila ni Sir Santos, so probably ang susunod ay ang kasal. 

  Lumingon ako sa kaliwa't kanan. Hindi sigurado kung tama nga ba itong pinuntahan ko dahil maliban sa napakatahimik nga nung lugar, parang maling street pa ang nababaan ko, kaso may naririnig akong tugtugan sa loob ng kinatatayuan kong bahay kaya baka ito na 'yon? 

 

  Pinindot ko na ang doorbell at naghintay nang kaunti sa labas noong may magbukas ng pinto. Si Ricky-- iyong dati naming PIO sa class. "You're late." Pinagbuksan niya ako ng gate. "Pasok ka na, ikaw na lang talaga hinihintay." 

  Pumasok na nga ako habang tinitingnan 'yung nilalakaran ko. Naka heels kasi ako at puro marbles 'yung madadaanan. Mahirap na baka masira sapatos ko. "Thanks for waiting." Ngiti ko bago kami sabay pumasok sa loob. 

  Naabutan namin iyong buong klase sa sala. Malaki rin naman kasi ang bahay ni Ma'am Kim. 

  Iyong iba, nakasuot ng uniporme nila na tulad ko ay mukhang kagagaling lang din nila sa trabaho. Iyong iba naman ay naka casual na damit. 

 

  "Hey! Haley's here!"

  "Gaga! Long time no see! Tumangkad ka sa heels." 

  Bastos. 

  Nagpameywang si Aiz. "Long time no see." Taas-noo niyang bungad sa akin.

  "I see that you haven't changed, Haley Miles Rouge." Buong pangalan kung tawagin ako ni Trixie. 

  "Still the center of attention." Ngiting taas-kilay na sabi ni Kath. 

  I didn't come here to be praised though. 

 

  "Parang ang nostalgic nung feeling. First day of class ta's late rin siya." 

  "Uy! Naalala ko iyon!" 

 

  Natawa ako. Sa lahat na lang ng maaalala n'yo, iyon pa talaga eh 'no? 

  Nginitian ko lang sila at inilipat ko na lamang ang tingin kay Ma'am Kim na ngiting nakatingin sa akin na animo'y parang hinihintay talaga ako. Pero ibinaba ko ang tingin sa tiyan niyang medyo umbok na bago ko ulit ibinalik ang tingin sa mukha niya at nilapitan. She's wearing a white long sleeveless dress na kahit para sa buntis ay makikita pa rin iyong kagandahan niya dahil na rin sa pag glow ng mga balat niya. 

  "Congratulations, Ma'am." Sabay abot ng regalo ko sa kanya na binili ko pa nung isang araw. 

  Matamis niya akong nginitian. "Thank you, Haley. Musta ka? Laki ng pinagbago mo." 

  "In a good way ba 'yan, Ma'am?" Pabiro kong tanong pero naging gentle lang iyong paraan ng kanyang pag ngiti. 

  "Compare from the last time I saw you, you mature a lot." Tugon niya at hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako ro'n bago ko rin ibinalik kay Ma'am. "And seeing one of my students doing all so well melts my heart. I also heard that you've been promoted to your work. Congratulations." 

  I know the fact that my boss and her are friends, kaya sa kanya niya kaya iyon nalaman? Hahh… Kinikilabutan ako. 

Pero baka may iba pa siyang kaibigan sa company na pinapasukan ko ta's nakarating sa kanya 'yung balitang hindi pa naman confirm? "It's only a rumor." 

  Napatakip siya ng bibig niya. "Oh, mukhang nasira ko 'yung surprise." 

  "E-Eh?" Naguguluhan kong reaksiyon bago mapatingin kay Kei na tinawag ako. Kasama niya si Harvey. 

  Humarap ako sa kanila. Matagal din talaga kaming hindi nagkikita nitong si Kei kaya nagpaalam na muna ako kay Ma'am Kim at lumapit sa kapatid ko. Nagyakapan kami nang makalapit ako sa kanya. Sandali kong ibinaon ang mukha ko sa balikat niya tsaka humiwalay sa kanya na may ngiti sa labi ko pero muli lang niya akong niyakap. "I miss you! It's been 4 years, huh? I finally got to hug you like this." Idinikit niya ang pisngi niya sa akin habang hinahayaan ko lang siya. 

  "I've already asked Dad to come home but he's so busy that--" Humiwalay na ako kay Kei. 

 

  Inilingan ko siya. "It's fine, ikaw lang naman 'yung gusto kong makita." Ngiti ko at inilipat ang tingin kay Harvey. "How's your board exam?" Tanong ko. 

  Nginitian niya ako. "It has been released online. But I decided not to open the result for a mean time." Pagkibit-balikat. 

  "Kinakabahan?" Tanong ko.

  "Nope. I just know that I passed." 

  Binigyan ko siya ng walang ganang tingin. "You're too confident. Huwag gano'n, baka bagsakan ka ng langit at lupa kapag nakita mo na iyong mismong result." Sabi ko tsaka patalon na pumasok sa sala si Jasper dala dala ang dalawang bote ng wine. 

  "Ready na 'yung drinks!" Malakas na anunsiyo niya habang na sa likuran sila John at ang iba pa naming kaklaseng lalaki hawak-hawak ang kanya-kanyang wine. Inilipat ni Jasper ang tingin sa akin. "Woi! Bestfriend! I miss you!" 

  Bumuntong-hininga ako. "Kakakita mo lang sa akin kanina." Bulong ko bago ako nilapitan ni Mirriam na kalalabas lang din mula sa kung saan. Nagpagupit na rin siya ng buhok niya sa maiksi, pero bumagay talaga sa kanya lalo pa't medyo nagkalaman siya ngayon kumpara nung huli ko siyang nakita. Mas nakikita rin iyong hugis ng katawan niya kaya mas nag mature tingnan. Samantalang hindi na bumalik 'yung totoong kulay ng buhok niya. Mayroon pa ring puting highlight ang buhok niya. 

  "Akala ko hindi ka makakapunta, eh." Humagikhik ako sa sinabi ni Mirriam.

Nagbakasyon lang din si Mirriam pero babalik din yata sa DDR Region para muling makapag practice sa susunod na laro nila for international. Lalabas ulit siya sa TV. 

  "Muntik na." Sagot ko at tumungo sandali bago ko tingnan 'tong apat na 'to. "Though… Sa pagkakataon na 'to, hindi talaga tayo kumpleto." 

  Kinuha ni Jasper ang panyo mula sa bulsa ng black coat niya. "Kung hindi lang talaga nangyari kay Reed 'yung bagay na iyon. Siguro…" 

  Naglabas na rin ng panyo si Kei para sabayan si Jasper kaya napa-bored look na si Harvey sa kanila habang pilit na lang namin ni Mirriam na nginitian 'yung dalawa. "Huwag nga kayong umarte na para siyang namatay." Suway ni Harvey habang ngumiti lang ako. Hindi makakapunta si Reed dahil sa project niya sa ibang bansa. Ang alam ko malaking offer ang ibinigay sa kanya kaya nakipag meet siya ro'n para mapag-usapan iyon. 

  "Kita n'yo ba iyong balita kagabi? Mukhang maganda iyong napag-usapan nung may-ari ng Ci-Twa Zhong Company ro'n kay Reed." 

  "Napanood ko nga kagabi, pumogi nga rin kamo 'yung ogags. Pero wala pa ring jowa." 

  "Nakita ko sa isang article na may rumored girlfriend daw siya. Friend n'yo pa rin ba 'yun sa SocMed?" 

  Naririnig kong usap-usapan ng mga chismosa't chismoso kong kaklase. 

  Dumating na si Sir Santos. "Kumpleto na ba lahat? Lipat tayo sa kabila, handa na 'yung mga pagkain." 

 

  "Yes! Treat ni Sir!" 

  "Shot tayo, Sir! Hindi ka na papayagan uminum ni Ma'am Kim pagkatapos nito." 

  "Ma'am! I wanna know your favorite position." Pabebe na pagtatanong ni Kath, idinikit pa niya iyong tip ng bawat hintuturo niya sa isa't isa kaya hinampas siya sa braso ni Aiz. 

  "Gaga!" Bulyaw ni Trixie. 

 

  "Hoy! Sino nagtanong no'n, ha?!" Pagalit na tanong ni Sir Santos sa naging tanong ni Kath. Hindi niya yata kasi nabosesan si Kath. 

 

  Kaya pati kami ay natawa na lamang dahil hanggang ngayon ay nandiyan pa rin talaga iyong dating gawi. Parang ang comforting lang din sa pakiramdam kasi parang… sa tinagal-tagal na hindi kami nagsama ng klaseng ito. Wala pa rin totally na nagbago. 

  Well, may mga nabago. Nag mature iyong mga kaklase ko, kaibigan ko. 

Mapa physical man o mentally. Pero kung ano iyong nakikita ko noon sa klase, ganoon pa rin hanggang ngayon. 

  Lumipat na nga kami sa malawak nilang dining area para makapag salo-salo. 

May mga kwentuhang nagaganap na tipong pati iyong time na ginupitan ni Sir Santos iyong buhok ni Jasper, binalikan. "Ay, oo! Naalala ko iyon. Grabe talaga 'yon, Sir." Paghawak ni Jasper sa kanang gilid ng ulo niya kung saan niya naalala iyong paggpupit sa kanya ni Sir Santos. 

  "Pero hindi n'yo pa naku-kwento! Pa'no ka nanligaw kay Ma'am Kim knowing na ang daming nanliligaw sa kanya?" Tanong ng isa naming chismosang kaklase kaya nabigla si Sir Santos. Napatigil siya sa pag-inum niya ng cool Iced tea niya. 

  "Curious din ako. 'Di ba kasi si Ma'am Kim iyong pinagpipilahan sa E.U?"

  Napahawak naman si Ma'am Kim sa pisngi niya dahil na rin sa pagka-flustered. "Kayo talagang mga bata kayo. Hindi naman masyado, eh." Animo'y nahihiya na wika ni Ma'am Kim. 

  "Ano ba nagustuhan mo sa kanya, Ma'am Kim? Eh, palagi siyang galit noon." 

  "Hanggang ngayon naman." Tugon nung isa sa kaklase namin. 

  Bumuntong-hininga si Sir Santos, tila parang nagpipigil pero makikita mong namumula ang kanyang pisngi habang nakaiwas ng tingin. "Bakit ba hina-hotseat n'yo akong mga bata ka--" 

  "Ako 'yung nanligaw sa kanya." Biglaang sagot ni Ma'am Kim kaya natahimik kaming lahat habang nanlalaking mata na lumingon ang kanyang asawa sa kanya tila parang gulat na gulat. 

  Hindi lang segundo 'yung katahimikan na namuo pero mukhang isang minuto bago mag sink in sa amin 'yung sagot niya. 

  Kaya pare-pareho kaming nagkaroon ng kanya kanyang reaksiyon, napasigaw at napapitlag. "HAAAAAAA?!"

  Napakamot si Sir Santos sa kanyang pisngi habang kunot-noong nakatingin sa kung saan. 

  "How, Ma'am?!" Gulat pa ring reaksiyon ni Aiz.

  "Oh, my." Namamangha na sabi ni Kei. 

  Inayos ni Rose ang eye glasses niya. "Interesting, ikwento n'yo naman 'yan!" 

  Napahawak naman sa noo si Jasper at umaktong hindi makapaniwala sa nalaman. "Da't pala talaga una pa lang, niligawan na kita, Ma'am." Pabirong sabi ni Jasper kaya pareho siyang tiningnan nang masama ni Sir Santos at Mirriam. 

  Humagikhik si Ma'am Kim. "He's not the type of person who admits his feelings so easily kahit na alam ko namang gusto niya rin ako." Pag ngiti niya. "I fell in love with him because he is one of that someone who loves to work hard for something important when we can't see them." Panimula niya sa pagkwento habang nakikinig kami. Samantalang ako, parang iba 'yung naiisip ko. "I remember noong pinipilit ako ng isa sa co-teachers naming makipag date sa kanya in secret since bawal ang teacher-teacher relationship sa E.U. 

  But Sceanne" Tukoy niya sa first name ni Sir Santos. "…happened to hear our conversation noong nakita ko siya sa peripheral eye view. Then tinawagan niya iyong telephone na gamit ko sa table kaya nagawa kong matanggihan iyong dating invitation ng co-teachers namin. Palagi iyon, minsan pa nga kunwari pinapatawag ako sa kung saang office para makaalis sa uncomfortable situation. So… he actually simply saved my life as I slowly fell in love with him." Habang kinukwento iyon ni Ma'am Kim ay hindi natatanggal sa labi niya iyong mga matatamis na ngiti. Samantalang pulang pula naman si Sir Santos. 

  Luminya na rin ang ngiti sa labi ko. He also saved my life.

Pag-aalala ko sa pagsalo ni Sir Santos sa gun shot na dapat sa akin tatama. That's why I understand why you would fall for him. 

  Hindi man naging maganda iyong impression namin sa isa't-isa as teacher and student dahil palagi kaming nagsusunggaban sa mga bagay-bagay, still… Nagawa pa rin naming maging okay sa huli. 

  Pasimple kong nilingon si Sir Santos nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya kaya nginisihan ko siya kaya pumikit siya at tumagilid. "M-Magpapahangin lang ako sa labas." Pag excuse ni Sir Santos kaya mga nagsi-ngisi ang lahat. 

  Kumaway si Ma'am Kim sa asawa niya. "I love you, dear." Tinukso naman si Sir Santos dahil doon pero ibinalik din ang atensiyon sa amin ni Ma'am Kim pagkatapos para ipagpatuloy ang kanyang kwento. "What I'm trying to say is, if you have the chance to tell the person what you really feel about them for making you feel special or see them as different but comforting, it doesn't matter if you're a boy or a girl. If you have to confess, do it." Advice ni Ma'am Kim habang may naalala akong isang tao. "Because that's the proof that you want to be with that person." Tiningnan niya kami isa-isa kaya parang bumabalik iyong feeling na parang estudyante lang niya kami. "Isa sa inyo ang kailangang magtanggal ng ego and pride para mag work kayo sa isa't-isa. Alam n'yo naman siguro ibig ko sabihin." 

  Totoo. If one of you tries to work things out, there's a possibility that it will succeed. Pero kung pareho kayong bibitaw, gayun din ang hindi paggalaw. 

Walang mangyayari. 

  Labas sa ilong akong napangiti. 

Kung hindi ko nga ba pinairal 'yung ego and pride ko… Ano kayang… mangyayari, ano? Pero… ang masasabi ko naman, wala akong ikinasisisi. 

Everything happens according to our actions and decision. 

  And this decision of mine? It's not actually so bad. In fact, I managed to move on and be happy. 

  Nakarinig kami ng yabag mula sa labas. "Guess what? I'm here." Napatigil ang lahat samantalang namilog ang mata ko pagkarinig ko pa lang muli sa boses na iyon. Habang ang mga kaklase namin ay may kanya kanyang lapit sa lalaking iyon. 

 

  Pinagkakaguluhan siya habang dahan-dahan naman akong lumingon sa kanya. It's really him… 

  "Reed!" Sabay sabay na tawag ng lahat sa pangalan niya. 

  Labas sa ilong na ngumiti si Harvey. "He also made it." Napatingin ako kay Harvey dahil doon.

  Tumango naman si Kei na may ngiti rin sa labi niya. 

  Humalukipkip si Mirriam. "Look at that guy." 

  Hinawakan ni Jasper ang magkabilaang pisngi ni Mirriam para iharap at ilipat ang atensiyon ni Mirriam sa kanya. "Bb! Look at me, huwag ka sa kanya. Ako pa rin pogi-- Aww! Aww!" Mabilis lang siyang nilayo palayo ni Mirriam sa pamamagitan ng paghawak nito sa pisngi ni Jasper gamit ang isang kamay habang medyo lubog ang mga daliri sa balat nito. "Joke lang, alam ko naman ako lang love mo, eh." 

 

  "Napanood kita si News kagabi!" 

  "So wala ka pa talagang tulog niyan? Buti wala namang nakakilala sa'yo sa labas? Baka mamaya pasukin tayo niyan." Pabirong sabi ni John. 

  "You guys exaggerating things." Inayos ni Reed ang pulang necktie niya at tiningnan pa ang iba naming kaklase. Na sa wrist na niya iyong nakatupi niyang coat kaya nakaputing Maroon sleeve lang siya. "Well… it seems you guys have already started," Pagpasok ni Reed ng isang free niyang kamay sa bulsa. "May I join you?" Pag gesture niya kaya pabangga siyang tinabihan ni Jasper. 

  "Parang tanga." Hinampas siya sa pwet ni Jasper. "Hindi na kami bago sa'yo, huwag kang maging pormal. Walang camera." At patulak siyang iginiya ng mga lalaki niyang tropa sa likod kaya namuo nanaman ang ingay sa loob. 

  Now that I see him again, bumabalik din sa akin iyong nostalgic feeling when we were together. Those times na magkasama kami, strive our hardest and stuff. 

Parang kung iisipin mo nga rin, parang… nakaka-miss nga rin talaga. 

  "Oy! Si Haley tumititig kay Reed!" 

Bumalik ako sa wisyo nung marinig ko iyon mula sa kaklase ko. 

  "Hoy, ngayong nandito si Reed. Kung si Sir Santos iyong tinanong n'yo kung paano niya niligawan si Ma'am Kim pero nalaman natin na si Ma'am Kim pala ang nanligaw, si Reed naman kaya? Nanligaw ka ba kay Haley nung high school tayo?" Tanong ng kaklase namin. Napaka chismosa n'yo talaga! 

  Humalukipkip si Rose at tumangu-tango. "Tamang behavior 'yan." 

  Hay nako. Totoo na minsan, maganda balikan iyong nakaraan. 

Pero sa mga ganitong bagay? Hindi ako natutuwa. 

  "Hoy, hindi talaga mapreno mga bibig n'yo, eh 'no?" Medyo iritable kong sabi. "Tumigil nga kayo diyan." Suway ko pero nagsalita si Reed kaya napatingin kaming lahat sa kanya. 

 

  "Hindi ko nagawang maligawan si Haley noon." Sagot ni Reed kaya natahimik ako. "But it's a fact that I really love her." Pasimpleng namilog ang mata ko sa sinabi niyang iyon lalo pa noong dahan-dahan niyang ilipat ang tingin niya sa mismo kong mata. "Though we already talked about it before so okay na kami ngayon. 'Di ba? Haley?" Tanong niya sa akin. 

  Nakaawang-bibig lamang ako nang unti-unti ko rin siyang ngitian. "Yep." Patango kong pagsagot. 

  "Hmm, it's already in the past na rin naman kaya hindi na rin talaga big deal." Pag-kibit balikat ni Kimberly. 

  "Pero ship ko talaga sila ni Reed dati." si Rose at binigyan ng mock laugh si Reed. "Bagal bagal mo kasi." 

  "Excuse me, I gave up on him for you tapos hindi lang kayo magkakatuluyan?" Taas-kilay na sabi ni Trixie at mapang-akit na nginitian si Reed. "Single pa naman ako, baka gusto mo na akong ligawan?" 

  Pilit lang na natawa si Reed kaya inasar na si Trixie ng mga kaklase namin. 

  Nakatitig lang ako sa kanilang lahat lalo na kina Reed nang marinig ko ulit sa utak ko iyong sinabi niya kanina. "But it's a fact that I really love her." Paismid akong ngumiti. You still haven't changed… 

  Nag celebrate na nga lang ulit kami. May mga palaro pa ngang ginawa tipong may iba na sa amin na nagiging KJ dahil nga sa nahihiya but at the end of the day, nagawa pa rin naming gawin dahil sa rason na baka hindi na namin ito magagawa sa susunod. That's why as much as possible, sinulit namin.

  Lumabas na nga muna ako para makapagpahangin matapos ang mga pa-activities sa loob. Ang lamig pa nung breeze ng hangin dito sa labas ngayong 7PM na ng gabi. Iyong social battery ko, ubos na ubos na rin dahil sa ingay nila John. 

  Nakatingala lang ako sa madilim na kalangitan habang nakapatong ang parehong siko't kamay ko sa makapal na railings noong marinig ko ang pagbukas ng pinto. "Hey." I glanced over my shoulder to look at him bago ako mapaharap sa kanya't tinasaan siya ng kilay. 

  "Hey." Bati ko pabalik sa kanya. "Mukhang bibigay ka na." 

  Paismid siyang natawa bago ako nilapitan at tabihan. "This event happens once in a blue moon, so it's fine." Sagot niya at ipinatong din ang mga siko at kamay sa railings. 

  Tumangu-tango akong ngumiti bago ko ibinalik ang tingin sa kalangitan kung saan unti unti ng nagpapakita ang mga bituin. "So after this, may flight ka pa ulit?" Tanong ko. 

  "Yes, I have to get back as soon as the party is finish." Tugon niya at tsaka ko nakita sa peripheral eye view ang kanyang paglingon kaya tiningnan ko rin siya sa gilid ng mata. 

  "You know, Reed. I really didn't think you'd come here alone just to talk to me unless you had a reason." Suspetsya ko. 

  Namilog ang mata niya bago siya matawa. "You got me." Pag-amin naman niya bago siya humarap sa akin kaya pati ako ay napaharap na rin sa kanya. "Haley…" Tawag niya sa pangalan ko at umawang-bibig, animo'y may sasabihin pero binawi niya at nginitian na lamang ako. "Congratulations, you're going to be a bride soon." 

  Diretsyo't malalim kung titigan ko ang mata ni Reed nang pumikit ako sandali para huminga nang malalim bago ko siya bigyan ng matamis na ngiti pagkadilat na pagkadilat ko pa lang ng aking mata. "Thank you, I wish for your happiness in the future." 

  Humagikhik siya pero napapunas din sa mata niya nang mapaluha siya. 

Iyong atmosphere at mood sa sandaling iyon, masasabi kong hindi awkward kahit namuo ang kaunting katahimikan. In fact, parang may na-release both sa side namin na naging dahilan para maging comforting. 

  "Pasok lang ulit ako sa loob. Sunod ka na lang." Paalam ni Reed na tinanguan ko bago siya pumasok ulit sa loob. Napabuntong hininga ako tsaka may tumawag sa phone ko kaya kinuha ko iyon at tiningnan ang caller. 

Si Caleb. 

  Sinagot ko ang tawag niya. "Tumawag ka sa number ko, hindi ka na lang tumawag sa mismong Message App para hindi sayang load." 

 

  Narinig ko ang malambing niyang tawa. "Walang sayang sayang kung ikaw naman ang kakausapin." Sagot niya kaya ngiti akong napairap bago sumandal sa pader. "Kailan ka babalik?" Tanong ko at ngiting tumungo. "I miss you." 

  "I miss you, sungit. Tatapusin ko na lang 'to, uuwi rin ako." Narinig ko ang pagbuga niya ng hininga. "I wanna see you so bad. See you soon." 

  Labas sa ilong akong ngumiti. "I love you. I'm happy that I chose you." 

  "No, I'm much more happy that you chose to love and stay with me. I love you so much." 

  Tumingala lamang akong muli para makita ang kalangitan kung saan may isang shooting star ang dumaan. Nakanganga lang ako nang isara ko, hindi inaalis ang tingin kung saan nawala ang shooting star. 

  Wala na akong hihilingin para sa sarili ko na kahit na ano dahil nakuha ko na lahat ng mga iyon at masaya na ako. 

Pero kung may hihinging kahilingan ang taong malapit sa akin na nangangailangan ng isang bagay na gustong gusto niyang maabot pero napaka imposibeng mangyari. Sana, kung hindi man niya makuha rito. Mangyari na lamang sa ibang pagkakataon… at panahon. 

  May your wish come true… 

- FIN - 

Preview for Reed's Route next chapter! 

  "If I have one wish that I want to come true. I want to go back and make things right again." Huling boses na narinig ko bago ako dahan-dahang mapamulat at bumalik sa realidad. 

  Nanaginip ako. Sobrang habang panaginip sa napakasandaling oras. 

Pakiramdam ko, ang tagal niyon tipong sini-sink in ko lahat ng mga nangyari. Parang totoo, parang nabuhay ako sa mundong iyon na puno ng pagsisisi. 

  Naramdaman ko ang luha na bumaba sa gilid ng mata ko bago ako idampi iyon. Basa nga… 

  Hanggang sa magtuloy-tuloy tuloy iyong pag-agos ng luha ko dahil sa matinding kalungkutan na nararamdaman. 

Tipong pati ang paghikbi ay hindi na napigilan kaya nagising si Jasper at patalon na bumaba sa itaas ng kama dahil double deck ang gamit namin at niyugyog ako. "Huy! Okay ka lang? Bakit ka umiiyak? Binabangungot ka ba? Woi!" Patuloy sa pagyugyog ni Jasper sa akin habang tuloy-tuloy lang ang aking pag-iyak. 

It was a saddest dream… I ever had. 

However, that dream is an eye opener, making me realize that if I don't do something. I will regret it. 

This junctures... I won't do the same mistake again. 

***** 

Next chapter