webnovel

Caleb’s Route VIX - Purpose 

Chapter 45: Caleb's Route VIX -  Purpose 

Haley's Point of View 

  "Iyon, oh! Wala masyadong tao! Ta's ang ganda pa rito! Tamang tama lang 'yung pagpunta natin." Sabik at masayang wika ni Caleb habang nakatingin sa view ng pool na pinuntahan namin. Lumingon siya sa akin. "And I didn't expect you to still wear it." Tukoy niya sa pinili niyang swimsuit dahilan para mas lalo kong ilayo ang tingin. 

  Napanguso ako ng wala sa oras. "Just like what I told you, hindi lang ikaw ang may gusto nito." Hindi naman sa gusto ko 'to, pero hindi ko rin naman sinasabing 'di ko 'to gusto. Maganda siya pero,

  Napahawak ako sa braso ko dahil mas naramdaman ko 'yung tinginan ng mga kalalakihan habang napapadaan. 

  …nakakahiya. Masyado siyang expose. 

  Binigyan ako ng mapanghinalang tingin ni Caleb bago niya ako ngitian. Hinawakan din niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya tsaka niya ako iginiya papunta sa pool para maligo pagkatapos naming mailapag ang mga gamit sa kubo na puwede pa rin naming matingnan tingnan. 

  Akma akong itutulak ni Caleb mula sa likuran nang magulat siya dahil sa bilis na pagpunta ko sa likuran niya para siya ang aking itulak. 

"Ah!" Gulat na reaksiyon niya bago siya tuluyang mahulog sa pool na nagpangisi sa akin. 

  Sabi nga nila, huwag mong kakalabanin 'yung mas may experience, eh. 

  Umangat na si Caleb at hinawi pataas ang buhok niya. Nakita ko tuloy kung gaano kaganda ang build nung biceps niya at lalong lalo na't bigla niyang inalis ang suot-suot niyang sando kaya nakikita ko nanaman 'yung ipinagmamalaki niyang abs. 

  Mabilis akong umiwas ng tingin habang hindi pa siya nakatingin dito. 

"Nabasa tuloy 'yung sando ko." Hinagis niya sa akin ang sando niya na mabilis ko namang sinalo. Lamig! Nabasa pa tuloy ako! 

  "Nice reflex. Palagay na muna sa diyan." Tukoy niya sa loob ng kubo kaya tinapon ko lang sa kung saan ng hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Oy!" Pasuway niyang tawag sa akin kaya kinuha ko na nga lang ulit 'yung basa niyang sando para ilagay sa tamang lugar matapos kong pigain. 

  I'm trying to stay calm here. Pero kung magpapakita ka ng ganyang katawan, hindi ko alam kung paano umarte nang maayos. 

Bakit ba ang hina hina ng mga babae sa mga ganitong bagay-- pero si Kei naman, okay lang sa kanya kapag naka topless 'yung lalaki. 

  Sanayan lang ba? Kailangan ko bang masanay? 

 

  "Oy, ano pa'ng hinihintay mo diyan? Tara, maligo ka na." Aya ni Caleb kaya lumingon ako sa kanya na ngayo'y nagba-back stroke. "Ang sarap nung tubig." Dagdag niya kaya humarap na ako kung nasaan siya at humalukipkip. 

  "Masarap? Lasang Chlorine?" Biro ko pa kaya tumayo na siya at tinalsikan ako nang tubig. "Mababasa 'yung gamit-- Luh!" Binabasa basa na niya ako kaya lumayo na ako sa kubo namin pero dahil sa lamig nung hangin ay napayakap na ako sa sarili. 

  "Ugh. Kasalanan mo 'to, eh! Nilalamig na tuloy ako!" Paninisi ko kay Caleb na ikinahagikhik niya. 

  "Bumaba ka na kasi rito." Luminya ng ngisi ang labi niya. "Kitty." Dugtong niya bilang pang-aasar kaya taas-noo kong ibinaba ang tingin sa kanya. 

  "Lowkey mo ba akong tinatawag na takot?" Tanong ko kaya humalukipkip siya. 

  "Nope. But you really looked like one, and you're adorable." 

  Namilog ang mata ko tsaka ko sinipa ang tubig para talsikan siya niyon. "Gag*! Marami ka talaga sigurong na ganyan dati kaya napaka smooth talker mo." 

  Pagkasabi ko pa lang niyon ay mabilis siyang umahon kaya napaatras ako ng wala sa oras. "Oh, ano?" Tanong ko habang naglalakad na siya palapit sa akin. Tumutulo ang tubig na nanggagaling sa buhok at katawan niya habang hindi inaalis ang seryosong tingin sa mata niya. Is he mad? 

  Huminga siya nang malalim bago niya ako bigyan nang matamis na ngiti. At sa totoo lang, nakita ko bigla sa kanya si Mirriam. "Gusto mo bang lagyan muna kita ng sun screen sa likod para hindi ka magka sun burn? Ngayon ko lang naisip kasi mukhang hindi ka relax." At hinawakan niya ang pulso ko papuntang kubo. 

  "H-Hindi ko kailangan-- Oy!" 

*** 

  NAKATALIKOD AKO habang binubuksan ni Caleb 'yung cream. Nakahawi sa gilid ang buhok ko habang handa na niyang lagyan ang likod ko nung sun screen na ini-spread niya sa palad niya. 

  Sinilip ko siya. "Hindi naman ako usually naglalagay ng ganyan, hindi ko kailang--"

  Nginitian niya ako pagkalipat pa lang niya ng tingin sa akin. "Kailangan mo 'to." Simpleng sagot niya bago niya idinikit ang mga kamay niyang may cream sa likod ko. Sa gulat ko na malamig ang mga palad niya ay napakagat-labi ako para pigilan ang aking pagtili. "M-Malamig 'yung palad mo." 

  "Bear a little." Aniya habang pinapahawid ang bawat cream sa likod ko mapa balikat at braso. Sa totoo lang, nahihiya ako, nako-conscious ako tipong hindi ko magawang makahanap ng tamang salita na sasabihin. Ano ba 'tong feeling na 'to?

It's embarrassing but it kind'a feels good at the same time. 

  Ramdam ko 'yung marahan na pagpahid niya nung cream sa likod ko pababa sa aking beywang. Nakiliti rin ako kaya napatayo kaagad ako. "A-Ako na" Humarap ako kay Caleb para agawin sa kanya 'yung sun screen. "Kaya ko na." Naglagay ako ng cream sa aking palad at inangat ang kanan kong paa sa may upuan para ipahid doon ang cream. 

  Naramdaman ko 'yung pagtayo ni Caleb at paglabas niya sa kubo. "You're making me feel turn on so I'll go ahead first." At naglakad na siya palayo habang napahinto naman ako sa ginagawa ko. Pulang pula ang mukha dahil sa kanyang sinabi. 

  How can he be so honest with me?! 

  Naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko senyales na may notification galing sa mga close friends or family ko kaya kinuha ko iyon sa bag at tiningnan dahil baka mamaya ma-miss out ako. 

  Binuksan ko ang app for socializing tsaka bumungad ang picture nila Reed na pinost ni Jasper sa timeline niya. Magkakasama sila ni Harvey sa isang bar at may mga hawak na shot glass. 

  Nakakatuwa na nagsama sama 'tong tatlong 'to after ng ilang months sa pagiging busy pero… nawala na lang talaga 'yong ngiti ko kapag nakikita ko 'yung mukha ni Reed. Kaya isinara ko nga lang ulit ang phone ko matapos kong react-an ang photo nila at lumabas na nga sa kubo para puntahan si Caleb. 

  Nandito ako para mag move on. Kung hahayaan kong malungkot ng dahil kay Reed. Hindi ako makakawala sa kulungan na puro what ifs. 

 

  Bumaba ako sa hagdan ng pool at pinanood si Caleb na lumalangoy ng free style. At gaya nang nakaugalian, pinagtitinginan siya ng mga kababaihan. 

Hindi ko rin naman maitatanggi na may magandang mukha si Caleb, maganda rin ang katawan niya. Tsaka kahit hindi siya kilala ng nakararami, talaga namang mabait na tao siya. 

  "Kulang na nga lang, kunin na ni Lord sa sobrang bait." Bulong ko pagkapikit ko. 

  "Ano binubulong mo diyan?" 

  Iminulat ko ang mata kong namimilog nang magulat ako na nasa harapan ko na pala ang lalaking ito. "A-An--" 

  "May challenge ako." Aniya at tiuro ang dulo ng pool na ito. "Paunahan tayo. Kung sino ang mauuna, gagawin ang gusto nung panalo." 

  Tinaasan ko siya ng kilay. "Ang common naman." Kumento ko. 

  "Common?" Ulit niya sa aking sinabi at hinawakan ang baba (chin) niya. "Edi…" Inangat niya ang tingin niya na animo'y nag-iisip. "Ah." Paggawa niya nang tunog naparang mayroon na siyang naisip. Ngumisi siya kaya kinabahan ako bigla. 

"Kung sino ang matatalo, hahalikan sa labi ang panalo." 

  Hindi naman ako makapaniwalang napatingin sa kanya. "Ha?! A-Ayaw! Ibalik na lang natin sa kanina." 

  Humagikhik siya. "Sige, payag ako. Pero hindi magbabago condition ko. Kapag natalo ka, hahalikan mo 'ko." Pa-pogi sign siyang nag-isip. "Mga 5 seconds-- ah, 10? 15 seconds? Pwede mo rin naman akong kiss nang matagal, mga isang oras." 

  Umakyat ang dugo sa mukha ko. "M-Mahiya ka nga sa sinasabi mo! Ayokong pumayag!" 

  Ibinalik niya ang tingin sa akin. "Ah, kasi alam mong matatalo ka?" Tanong niya sa akin kaya mas lalong naging mala kamatis ang mukha ko kumpara kanina. 

Binabawi ko na 'yung sinasabi ko kanina na mabait na tao siya kasi ang totoo niyan. Demonyo talaga siya. Demonyo! 

  "Bring it on!" 

*** 

  NAKABABA na ako sa tubig. Ang aming mga likod ay nakadikit sa pader habang ipinapaliwanag pa ni Caleb ang idadagdag niya sa ginawa niyang hamon. "Wala tayong rules dito, ang tanging goal lang ay makaabot sa dulo ng pool na ito at kung sino ang mauna. Siya ang panalo pero," Ibinaling niya ang tingin sa mga tao sa pull na ito. "Gaya ng nakikita mo, hindi lang naman tayo ang tao rito sa pool. Kaya sila ang magsisilbing hurdle o obstacle ng challenge na ito." 

  Inilipat niya ulit ang tingin sa akin. "Ano? Payag ka bang tanggapin 'yung hamon?" 

  Itinali ko ang buhok ko ng itim na goma. "Wala akong inuurungan na hamon kaya sige. Walang problema." Pinitik ko ang buhok ko at binigyan ng proud na ngiti si Caleb. "Matapang kong tatanggapin." 

  Nakaawang-bibig siya nang bigyan din niya ako ng ngisi. "Iyan ang gusto ko sa'yo." Pumaharap na ang tingin niya at naglabas ng coin mula sa bulsa niya. "Ito na lang gamitin natin. Kapag bumagsak na 'to sa tubig, game na." 

  Tumango ako tsaka ako naghanda. Samantalang inilagay naman ni Caleb ang coin sa ibabaw ng thumb niya bago niya patalunin iyon at bumagsak sa tubig dahilan para simulan namin ang paglangoy. 

 

  Nag-agaw pansin iyon sa mga taong nandito dahilan para tumabi sila sa daan na nilalanguyan namin. Habang kumukuha ako ng hangin sa aking paglangoy ay tinitingnan ko rin si Caleb na tinitingnan din ako kapag kumukuha siya ng hangin. 

  Hindi ako papayag na matalo rito. Hindi ako magpapatalo. 

  Malapit na ako sa goal ko pero biglang dumaan 'yung bata kaya napahinto rin ako bigla. Sinundan ko siya ng tingin pero napatingin din kay Caleb na nasa finish line na. 

  Humawak siya sa pader at humarap sa akin kaya ako naman itong parang binagsakan ng langit at lupa. "S-Seriously…" 

  Nginitian niya ako na kulang na lang ay umabot ang ngiti sa kanyang tainga. "I can't wait." 

Airam's Point of View 

  Sa sala ay nakatingin lang ako sa litrato ng anak kong si Jin na kasama ang dating kaibigan ni Mirriam na si Haley. Nagtititingin ako sa feed ng social app habang wala pa akong ginagawa at nagre-relax nang kaunti pero heto't mukhang ito pa ang dahilan ng stress ko. 

 

  Napahilot ako sa sintido dahil sa nakikita ko kaya pinatay ko na lamang ang cellphone ko't napasandal na lamang sa aking inuupuan. "Ano ba'ng gagawin ko sa batang 'to." Bulong ko tsaka dumating ang asawa kong si Max. 

  "Hon, bakit?" Bungad niya dala-dala ang kape namin. Inilapag niya iyon sa harapan ko pagkatapos niya akong halikan sa gilid ng noo. 

  Huminga ako nang malalim. "Ito kasing anak natin," I paused. "Ilang beses ko ng sinabihan na lumayo na muna sa mga kaibigan ni Mirriam pero," Nagbuga ako nang hininga. "…ayaw makinig sa akin." 

  Umupo si Max sa kanyang sofa na madalas upuan. "Nag-aalala ka ba?" Tanong nito sa akin na parang may sinisiguro kaya umangat ang tingin ko sa kanya. Hindi na niya tinanong kung sino ang tinutukoy ko marahil dahil alam niya. 

  "Sasabihin mo nanaman ba sa akin na matagal ng nangyari iyon?" Sambit ko sa madalas niyang banggitin sa akin kapag ito ang pinag-uusapan namin. "Hon, paano kung… ngayon wala ngang nangyayari pero sa susunod, nang dahil nanaman sa kaibigan ni Mirriam. Pati si Jin, madala sa kapahamakan? Ni hindi ko nga alam kung ano ang mayroon sa mga batang iyon at palaging na sa gitna ng panganib, eh." 

  Huminga na muna nang malalim si Max bago siya tumayo sa kinauupuan niya at tumabi sa akin. Inakbayan niya ako. "Malaki na 'yong anak natin, alam na niya 'yung gagawin niya. Magtiwala ka sa kanya." 

  Tumingala ako para makita siya. "Hon… Hindi naman sa hindi ako nagtitiwala sa anak ko pero…" 

 

  Pumaharap ang tingin niya. "Kung gusto mo, kausapin mo na lang 'yung anak mo. Mag-usap kayo nang masinsinan." Tanging nasabi niya na hindi ko nagawang masagot. 

Haley's Point of View 

  Hapon nang matapos ang outing namin. 

Dala-dala ko ang shoulder bag ko't nag-unat habang naglalakad kami papuntang sasakyan. "Wow. Sandaling oras pero ang saya." 

  "Buti naman at nag enjoy ka. Pero huwag mong kakalimutan 'yong napag-usapan, ah?" Tukoy niya sa paghalik ko mamaya sa kanya. 

  Tumigil ako sa paglalakad dahil doon. "Seryoso ka talaga ro'n?" Tanong ko kaya tumigil din siya at lumingon sa akin. 

  "Kailan ba kita niloko?" Ngiti niyang tanong kaya napatungo ako. 

  "Parang… hindi kasi tama na ako ang gagawa no'n sa'yo." Rason ko kaya naglakad siya papunta sa akin. 

  "Hmm… Ano'ng ibig mong sabihin?" Huminto na siya sa harapan ko. "Gusto mo bang ako ang gumawa?" Tanong niya at hinawakan ang baba (chin) ko para iangat sa kanya. "Wala namang problema sa akin kahit na ilang beses mo ng tinutupad 'yung usapan." Ngisi niya. 

 

  Nagsalubong ang kilay ko. "Gustong gusto mo talagang inaasar ako, ano?" 

  "I just want to see you flustered." 

  Napalunok na lang ako habang tinititigan ko ang mata niya. Tsaka ko inilayo ang aking mata at tumingin sa kung saan. "Where do you want me to kiss you?" Tanong ko. 

  Nakikita ko sa peripheral eye view ko ang pagbuka ng bibig niya noong palitan din niya ng ngiti. "Dito." Sagot niya kaya ibinalik ulit ang tingin ko sa kanya. 

  "Huh?!" 

  "I want to do it. Here." Diin niyang sabi sa huli niyang sinabi kaya napaawang-bibig ako. 

  Napakagat-labi ako pagkatapos. "Ang unfair mo." 

  "Are you sure?" Paninigurado niya para isipin ko kung talaga nga bang unfair siya. 

  I feel bad kaya wala akong nagawa kundi ang huminga nang malalim at nag-isip. 

Tutal, wala naman talagang nakakakilala sa amin dito, okay lang naman siguro. 

Pero kasi, parang hindi talaga tama na ako ang gagawa. Bakit ba kasi ako pumayag sa hamon niya? 

 

  Parang napaghandaan talaga niya 'to, eh. 

  Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa baba (chin) ko para ibaba iyon. "F-Fine." Sagot ko kaya ipinikit ko na ang mata ko. Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Handa na siyang halikan kahit hindi talaga ako sigurado. 

  Mamadaliin ko lang talaga 'tapos tatakbo na ako papunta sa pinag parking-an namin. 

  Unti-unti na ang paglapit ng mukha ko sa mukha niya nang maramdaman ko na wala na iyong presensiya niya dahil muntik pa akong ma-out of balance. "Ano ba'ng--" 

  Noong iminulat ko ang aking mata ay nakikita ko na siyang nagpipigil ng tawa habang hawak ang kanyang bibig. Medyo malayo rin siya nang kaunti sa akin. 

Sa dahilang iyon, naramdaman ko ang sobrang kahihiyan na tipong ramdam na ramdam ko ang pagtaas ng dugo papunta sa ulo ko. 

  Mas lalo ko lang naramdaman iyong kahihiyan noong nagsimula na siyang humalakhak. 

  Kaya napapikit ako nang mariin at sumabog. "CALEB!!!" 

***** 

Next chapter