webnovel

Caleb's Route III - Support

Chapter 39: Caleb's Route III - Support 

Caleb's Point of View 

  Kinuha ko ang jacket ko mula sa cabinet at lumabas ng condo para puntahan 'yung taong kailangan kong kausapin. 

Matagal ko na 'to dapat ginawa pero wala lang talaga akong pagkakataon na gawin. 

  Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan noong makarating ako sa parking lot. Pagkatapos ay nagmaneho na papunta sa isang resto bar na hindi naman lalayo mula rito. 

  Nang makarating at makalabas ng sasakyan ay tumingala ako sa medyo may kataasan na gusali. Pagkatapos ay pumasok para dumiretsyo kung nasaan siya. 

Automatic na bumukas ang glass door kaya naglakad na ako, mabilis ko rin namang nakita ang taong iyon kaya pinuntahan ko kaagad. 

  "Salamat sa paghihintay." Inayos ko ang suot ko bago ako umupo sa harapan niya. 

Nakatingin lang siya sa labas ng transparent wall bago siya tumungo at tumingala para makita ako. 

  Kaya ngayo ay nakikita ko kung gaano kaitim ang mga eyebags ng taong 'to, gayun din 'yong medyo pagpayat niya dahilan para bumaba ang talukap ng mata ko. "Kumakain ka pa ba nang maayos, Reed?" Tanong ko sa kanya na blanko lang na nakatingin sa akin. 

  Paismid siyang ngumiti. "Ewan ko kung nang-aasar ka pero mukha pa ba akong okay sa'yo? O kailangan kong palitan 'yung mata mo para luminaw?" Pamimilosopo niya. 

  Natawa ako. "Pareho nga talaga kayo ni Hailes, ano?" Pagkabanggit ko pa lang sa pangalan na iyon ay nag-iba ang ekspresiyon niya't bumaba ang tingin. 

  "Bakit ka ba nakipagkita?" Tanong niya, pati boses ay naging malumanay. 

  Sumandal ako sa upuan ko. "Bago 'yan, um-order muna tayo." Sabay kuha ko ng menu habang naramdaman ko naman 'yung pag-angat ng tingin ni Reed. 

  "Huwag ka na mag-abala, papakinggan ko lang naman 'yung sasabihin mo at aalis din naman ako." Pagmamatigas niya kaya ibinalik ko ang tingin sa kanya na may pag-aalala sa mata ko. 

  "Now, now… Inimbitahan kita rito kaya pagbigyan mo na 'ko." Ibinaba ko nang kaunti ang menu na hawak ko. "Tsaka maganda ang kwentuhan kapag may nginunguya." Dagdag ko at nginitian siya. 

  Umiwas siya ng tingin. "Para namang may maganda kang sasabihin, alam ko naman 'yung sasabihin mo." 

  Humagikhik ako. "I'm not sure about that." Ipinasa ko sa kanya ang menu kaya napatingin naman siya roon. "Pumili ka muna ng kakainin mo, treat ko." 

  Sinimangutan niya ako. "Kaya kong bayaran mag-isa." Sabay hablot ng menu at naghanap ng makakain. 

Ilang sandaling paghahanap ng pagkain ay nag order na kami, naglapag lang muna ng service water ang waiter bago siya umalis. 

  Tahimik lang kaming pareho at walang imik na nakatingin sa kung saan. Subalit dahil ayoko naman ng masyado ng katahimikan ay nauna na akong magsalita. "Say, Reed." Panimula ko at ipinag intertwine ang mga daliri ko kasabay ang pag lean nang kaunti para matingnan siya ng diretsyo. "Tatapatin kita, pero hindi talaga kita gusto." 

  Napatingin na siya sa akin pagkasabi ko niyan at akmang magsasalita pa noong unahan ko siya. 

  "At alam ko rin na hindi mo 'ko gusto. However, I can't also tell myself to hate you. Kasi alam ko sa sarili ko na namamangha pa rin ako sa'yo." 

  Nagtaka siya kaya kumunot ang kanyang noo. "Ano ang ibig mong sabihin?" taka niyang sabi kaya nginitian ko siya pagkaangat ko ng tingin ko diretsyo sa kanyang mata. 

  "You are ready to do things for the person you love the most kahit na ikaw pa 'yung nasasaktan. You're a selfless person." Mas naguluhan pa siya ayon sa ginawa niyang mukha. "It's a good thing but also a bad thing most especially in your current situation." 

  "Pwede bang diretsuhin mo na lang ako, wala talaga akong ganang makinig at mahina ang pag-unawa ko kung marami pang paliko-liko kaya diretsuhin mo na." Iritable niyang wika kaya nagbuga ako ng hininga at pumikit sandali bago ko imulat para ibalik ang tingin sa kanya. 

  "That night, the reason why you didn't chase after her is because you thought you would just hurt her, did you?" Tukoy ko kay Haley na nagpamilog sa mata niya. Senyales na tama nga ako. "Palagi kang na sa tabi niya, magkasama kayong dalawa maging masaya man o malungkot. Kapag nakikita ko nga kayo, parang 'di na kayo mapaghihiwalay. Kaya bakit mo sinayang 'yong pagkakataon?" Pagdikit ng mga kilay ko. "Bakit mo hinayaan na hanggang doon na lang?" Dagdag ko kaya kumunot-noo rin siya. 

  "What's your point?" Tanong niya sa akin kasabay ang pagdating ng pagkain namin. Ang bilis, good timing. 

Pinatong ng waiter 'yong mga in-order namin, hindi ko pa sinasagot si Reed at hinihintay lamang na makaalis ang waiter. 

  "Salamat." Pagpapa-salamat ko sa waiter tsaka siya umalis. 

Kinuha ko ang kutsara. "Kumain na muna tayo. Baka lumamig." Ngiti ko at nagsimulang kumain. Nakatitig lang din si Reed sa akin bago niya simulan 'yung kinakain niya. 

Tahimik lang kaming kumakain na ayon din naman sa gusto ko. Pinunasan ko ang bibig ko ng tissue pagkatapos kong makainum. "Kausapin mo si Hailes." Pagbasag ko sa katahimikan na namuo sa amin kanina dahilan para mapatigil sandali si Reed sa paghihiwa niya nung steak. 

 

  Nagbuga siyang hininga bago niya ipinagpatuloy ang paghihiwa sa steak sa isubo. Pagkatapos ay inangat ang tingin sa akin. "Kausapin ko? Tapos?" Tanong niya na parang wala siyang ideya. 

  Bigla akong napikon pero kinalmahan ko lang. "Hanggang ngayon, wala ka pa rin talagang balak na gumawa ng kilos, ano?" Tanong ko at bumuntong-hininga. "She's out of shape for the past few days, who do you think is the reason?" Tanong ko kaya naglayo siya ng tingin. 

  Isinubo niya ang natitirang steak at ngumuya. "Nakakainis lang na sinasabi mo 'to sa akin kahit na gustong gusto mo 'yong tao." 

  "Because I love her." Simpleng tugon ko kaya inilipat niya ang tingin sa akin. Seryoso na ang tingin ko sa kanya. This is what I don't like about him. 

Palagi na lang siyang secluded sa nararamdaman niya, at nakakairita talaga siyang tingnan kung tutuusin. "I don't want to see her like that." Tumayo na ako na sinundan naman niya ng tingin. "And this will be the last time I will give you a chance. Kapag wala ka pa ring gagawin," Nanliit na ang tingin ko. "Hindi na ako magbibigay ng konsiderasyon. Gagawa na talaga ako ng bagay para mapunta sa akin 'yung atensiyon ni Hailes." Huling sabi ko bago ako pumunta sa counter. Binayaran ko na rin 'yung kinain ni Reed tsaka naunang naglakad para makaalis. 

  Bumibigat lang 'yung pakiramdam ko sa inis. 

Haley's P.O.V 

  Nilalaro laro ko lang si Chummy na ngayo'y na sa kama ko kasama ang mga makukulit niyang anak nang tumunog ang cellphone ko. 

Medyo alanganin pa nga ako kasi wala rin akong gana makipag-usap kung sila Jasper man 'yon pero kinuha ko pa rin kasi baka mamaya importante. 

  Gumapang ako papunta sa cellphone ko na naroon sa side table. 

Tiningnan ko ang caller at hindi nga ako nagkakamaling si Jasper nga ito. 

Sinagot ko ang tawag niya tsaka ko dinikit ang cellphone sa aking tainga. "Jasper?" Sagot ko. 

  "Akala ko hindi mo sasagutin." Bungad niya. "Gusto mong lumabas? Tara kape tayo." Tanong niya kaya tiningnan ko 'yung mga pusa ko gayun dina ng labas ng bintana kung saan makikita ang papalubog na araw. 

Wala rin naman dito sila Mama at pumunta muna sa reunion kasama ang mga dati niyang kaklase nung elementary. Sinama na niya si Lara para raw ipakita sa mga kaklase niya. 

  "Sige." Sagot ko lang.

  "Prepare ka ng 30 minutes. Nandiyan na 'ko." Hindi na ako sumagot at hindi rin naman niya ako hinintay na sumagot dahil pinatay na niya ang call kaya ibinaba ko na nga 'yung cellphone ko para umalis sa kama't mag-ayos. Naligo naman na ako kanina kaya magbibihis na lang ako at mag-aayos sa baba nang kaunti para kapag nakauwi na si Mama, wala na siyang lilinisin. 

*** 

  LUMABAS AKO ng gate noong bumusina na si Jasper. 

Inangat niya ang helmet habang isinasara ko pa lang 'yung gate. Kinuha ang inaabot niyang helmet bago ko iangat ang tingin sa kanya. "Saan pala tayo?" Tanong ko.

  Tinuro niya ang sarili gamit ang hinlalaking daliri. "Ako bahala." 

  Umangkas na nga ako sa motorsiklo niya tsaka kami humarurot. 

Wala pa sigurong kalahating oras ay nakarating na kami. 

Nandito kami sa seafood resto bar katabi lang din ng dagat. Bumaba na ako at tumingala sa kakainan namin. Naririnig ko 'yong tugtugan sa loob. 

  Luminga-linga ako kasi ang liwanag nung paligid, marami ring mga tao ng ganitong oras. Sabagay, dinner na rin naman kasi. 

  Tumabi si Jasper sa akin kaya tumingala ako. "Akala ko ba magkakape lang tayo?" Taas-kilay kong tanong. 

  Humagikhik siya. "Nagugutom din kasi ako, eh. Pwede ka namang magkape habang kumakain ako." Labas ngipin niyang ngiti kaya ngumiwi lang ako tsaka ko siya sinundan noong makalakad. 

  "Welcome! Seats for two person po?" Tanong nung babae na tinanguan ni Jasper. 

  "Opo, please." Ngiting sagot ni Jasper. 

"May promo po kami for couple sa left side, baka gusto n'yo mag avail?" Napa-bored look na lang ako ng wala sa oras. Nangyari na 'to noong una rin kaming nagsama ni Jasper na kaming dalawa lang at hindi na 'to bago kaya medyo nasasanay na rin ako. 

  Humalakhak si Jasper. "Wala bang best friend promo? Hindi kami couple, eh." Paghahawak ni Jasper sa likurang ulo niya kaya pati si ate, natawa. 

  "Ay pasensiya na po." Paghingi niya ng paumanhin. "Wala po kaming best friend promo pero," Lumapit si ate sa amin at bumulong. "Ayaw n'yo po bang umarte na couple?" Tanong niya kaya ibinaba ni Jasper ang tingin sa akin. 

  "Ano tingin mo?" Tanong niya sa akin. 

  Bumuntong-hininga ako at pumikit. "As long as wala silang ipapagawa sa atin na ka-kornihan." Sagot ko kaya lumayo na sa amin si waitress at ipinagdikit ang mga palad niya. 

  "Okay! Ibibigay po namin 'yung special promo namin. Dito na lang po kayo, Ma'am and Sir." Pag lead nung waitress. Umakyat kami sa taas para sundan si waitress at bumungad sa amin ang open area. Malamig ang ihip ng hangin kaya mabuti na lang din na nagdala ako ng jacket. 

  Sa harap kami dinala ni waitress kaya kitang kita mula rito ang mga nagkikislapang ilaw mula sa mga gusali. Gayun din ang liwanag mula sa sasakyan na naroon sa hindi kalayuan. 

  "Wow, okay lang talaga na rito kami, Miss?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jasper noong makalingon kay waitress. Hindi ko lang muna sila pinagtuunan ng pansin at nakatingin lang sa harapan. Tinititigan ko lang 'yung ganda nung liwanag, parang medyo gumagaan 'yung pakiramdam ko kahit papaano. 

 

  "Mukhang may malalim na iniisip 'yung kaibigan mo, at wala pa naman po kami masyadong customer kaya okay lang." Bulong nung waitress na hindi ko narinig. 

  "Whoa! Ang bait mo, ate! Bigyan kita malaking tip." 

  Napatingin na ako sa kanila kasi mukhang may napagkakasunduan sila. 

Si Waitress, lumapad ang ngiti niya sa nasabing tip ni Jasper. "Ay talaga po? Appreciated po, Sir."

  Haha… Dinaan sa tip, ano? 

  Umupo na nga kami ni Jasper sa upuan at naghanap ng makakain. Ngunit dahil wala naman akong gana masyado, kape lang ang sinabi ko. 

 

  "Iyan lang?" Sambit ni Jasper na tinanguan ko. 

  "Mmh. Kumain naman na ako sa bahay." I lied. Wala lang talagang gana. 

 

  Binigyan ako ng mapanghinalang tingin ni Jasper bago niya ulit tingnan ang menu na hawak niya. Pagkatapos ay tinaas ang kamay na siya naman sa mabilis na pagpunta nung waitress kanina. 

Tiningnan ko ang name tag na naka-attach doon sa kanan na dibdib ng damit nung waitress. Shiella ang pangalan niya. 

  "Ano po 'yung order n'yo?" Tanong ni Shiella na sinagot naman ni Jasper. Sunod-sunod iyon kaya napataas ang kilay ko. 

  "Hoy, ba't ang dami naman? Ikaw lang talaga kakain niyan?" Taka kong sabi. 

  Lumapad ang ngiti niya. "Hindi, hati tayo." Sagot niya kaya bumuka ang bibig ko't nilingon si Shiella. 

  "Miss, bawasan n'yo--" Sumabat si Jasper. 

  "Huwag, Miss. Baka magutom ako kaya kunin ko na 'yang mga nabanggit ko kanina." Mabilis niyang sagot kaya inis kong tiningnan si Jasper. Pero nakatuon lang ang tingin niya kay Shiella na ngayo'y binabanggit muli ang na-order bago kami ngitian at umalis. 

  Ibinalik ko ang tingin kay Jasper. "Hindi ko kakainin ang in-order mo. Bahala ka diyan." 

  Tumawa siya 'tapos kinuha ang cellphone niya para itapat sa akin ang screen. "Narinig mo 'yon? Ayaw niya raw kumain, oh?" Pagsusumbong ni Jasper. 

  Laking gulat ko nang makita ko si Mirriam. "Oo nga, namamayat ka nga, Haley." Sabi niya sa kabilang linya kaya hindi ako nakasagot at napaawang-bibig lamang dahil gusto kong mabanggit 'yung pangalan niya pero hindi ko magawa. 

  Itinikum ko ang bibig ko't tumungo, nakita ko sa peripheral eye view ko ang pag ngiti ni Mirriam. Kumpara noon, kumukaunti na lang ang puti sa buhok niya. Pero kitang kita ko pa rin kung gaano kablanko 'yung mata niya. Ngumingiti siya pero walang buhay 'yung mata niya. 

  "I see…" Sabi ni Mirriam sa kabilang linya. "Jasper, ibaba mo na 'yung phone. Kumain muna kayo." 

  Namilog ang mata ko at nakaramdam ng konsensiya samantalang iniharap naman ni Jasper ang screen sa kanya. "Ha? Akala ko ba sasabayan mo kam--" 

  "Sira. Ibaba mo, pero hindi mo papatayin 'yung tawag." 

  Lumuwag ang pakiramdam ko pagkasabi ni Mirriam niyon gayun din si Jasper na mahaba kung mag 'ah'. 

  "Akala ko ayaw mo na akong kausapin, eh." 

  "Si Haley ang gusto kong kausapin, hindi ikaw." 

  "Aray, aray ko, Tagos sa puso, Mirri." 

  Napangiti na lang ako habang pinapakinggan 'yung dalawa. "Haley," Tawag ni Mirriam kaya napatingin ako sa cellphone ni Jasper na nasa kaliwa namin. Nakasandal doon sa makapal kapal na railing bilang pagsuporta. "Matagal din tayong 'di nakapag-usap, kaya marami kang baon na kwento." Labas ngipin niyang ngiti habang hindi natatanggal nag blankong tingin sa mata. 

Nanatili lang akong nakatingin sa screen nang humagikhik ako't napatango. "Right." 

***** 

Next chapter