webnovel

Chapter 22

Maaga akong nagising dahil kailangan ko pa mag prepare. Today is their game kaya hindi ako papasok at mag aabsent ako. Tinawagan ko si Lancie at pinapunta dito sa may Unit ko.

Tinutulungan niya akong gumawa ng banner and props for Evaporada later. He's angry and I hurt him that's why I'm doing this. Gusto kong ipakita sakaniya na hindi lang siya basta basta sa akin. He helped me a lot specially during the times na may problema ako. He was there supporting me and reminding me of the things that I should do.

I also decided that after this game aaminin ko na sakaniya na alam ko yung bet. Magka alaman na talaga kami.

"Bakla, sure ka na ba talaga sa desisyon mong 'to? Grabe ha. May pa banner ka pa talaga. Jowa na jowa ang lagay mo dito."

"Naguguilty ako sa nagawa ko bakla. If you really see his face last night? Maaawa ka talaga."

"So ginagawa mo 'to dahil naaawa ka lang? It's not love! It's ka aawaan. Mygosh! Magiging proud na paman din sana ako sa'yo dahil at last may bebe boy ka na for real."

"Gaga! Ginagawa ko rin 'to kasi ano..."

"Ano?"

"Na ano, na si Eba ano..."

Punyeta bakit ba ako nahihiyang aminin? E kaibigan ko naman si Lancie.

"Na gusto mo na siya? Sasabunutan kita diyang babae ka e."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Bakit mo alam? Wala pa akong sinasabi ah!"

"Yan nakukuha mo kaka barkada kay Kennedy e. Nagiging bobo ka paminsan at slow. Lucia, ever since pa naman ramdam ko ng gusto mo yang malanding lalaki na yun! Huwag nga ako."

"Hoy! Hindi ko siya gusto noon no!"

"Aysus! Siguro hindi ka lang aware? Kasi naman bakla sa lahat ng ginawa niyo ni Evan imposible namang hindi ka nagka gusto don."

"Ay bilisan mo na nga lang diyan. Anyway, mag lalaro ba ang bebe ng buhay mo?"

"Tinanong ko si Kai kahapon ang sabi niya hindi siya sure e. Baka nandoon nanaman 'yun sa bestfriend niyang hindi siya mahal. Kainis!"

"Sana nandoon siya para happy ka naman."

"Ewan ko ba, bakla. Pero nitong mga nakaraan parang gusto ko ng sumuko. Alam mo 'yung pakiramdam na kahit mahal mo siya darating ka sa point na mapapagod ka. Lalo na't hindi naman niya'ko mahal."

"Aba malay ko diyan sa nararamdaman mo. E hindi ko pa naman maranasan mapagod. Sila napapagod sa'kin mag mahal." Tumawa ako pero hindi siya tumawa. Seryosong usapan na ba 'to?

"Ewan bakla. Napapagod na kasi akong mag habol sa taong may iba namang hinahabol. Pareho kaming tumatakbo pero mag kaibang tao naman ang hinahabol namin. Kaya naisip ko, may finish line pa ba 'to?"

Napakunot ang noo ko sakaniya. Minsan ko lang siya marinig na mag seryoso.

"Bakla, seryoso ka ngayon ah? Siguro sobra na talaga yang nararamdaman mo. Kung napapagod ka na edi mag pahinga ka muna. Malay mo mapagod din siya at magpahinga sa kakahabol sa bestfriend niya. Edi doon ka na ulit tumakbo papunta sakaniya para maabutan mo siya."

Love guru na 'ko. ISPOM! /I'm so proud of myself/

"May point ka."

"Pero uy gaga ka! Ano palang nangyari sa inyo nung nag Batangas tayo? Piste ka ha. Tagal tagal na nun hanggang ngayon hindi mo pa kinikwento."

"Ayaw kong ikwento, bakla."

"Bakit?"

"Secret ko nalang muna."

"Isa ba yan sa dahilan kaya gusto mo ng sumuko?"

Hindi siya sumagot at pinag patuloy niya lang ang ginagawa namin. Hindi nalang din ako kumibo at nag open nalang ng ibang topic. Kawawa naman ang kaibigan ko. Buti nalang like like lang muna ako ngayon at wala pa'ko diyan sa love stage na yan.

After namin mag design ng banners ay naligo na ako at nag ayos. I need to be pretty today. Dapat ako ang pinaka magandang mag chicheer mamaya sakaniya. Susuntukin ko talaga ang babaeng sasapaw mamaya sa kagandahan ko.

"Tara na?" Aya ko kay Lancie.

"Wow naman, bakla! Para akong nag mukhang julalay mo sa outfit natin ngayon ah? Sinabihan mo man lang sana ako para lumevel ang beauty ko sa beauty mo."

"Huwag ka ng mag reklamo. Tara na at baka ma late pa tayo."

Lumabas na kami ng unit ko and went to the parking lot. I drive my car going to SWU. Pag dating namin sa gym ay madami ng students ang nandoon at nag aabang. Like hello? Daming supporters ng mga Team Pokpok. Bukod sa mga anak mayaman sila ay hindi ko rin namang itatanggi na yummy ang mga 'to. Like, I can eat all of them kaso baka patayin na'ko ni Evan pag nagka taon.

Umupo kami sa dating pwesto namin ni Lancie. Nandoon na ang ibang mga players pero wala pa si Evan. Saan na kaya yun? Iniisip ko tuloy, ano kayang magiging reaction niya kapag nakita niyang may pa banner pa ako? Siguro kikiligin siya. Natawa ako sa naisip ko.

I remember last game nila ay nag tampo pa siya at nag lasing dahil sa pag cheer ko sa kabilang team at hindi ko pag congrats sakaniya. Sana naman this time, matuwa siya ano. First time kong gagawin 'to sa tana ng buhay ko. Letsugas!

"Bru! Dumating ka." Salubong sa amin ni Kennedy. Naka bihis na ito at may rubber band pa siyang soot sa ulo niya that makes him look more handsome.

"Oo. Kaya nga nandito ako e."

"Talino mo ng sumagot bru. Parang ako. Ano yang dala dala mo?"

"Banner."

"Wow! Nag abala ka pa talaga. Kahit isigaw mo lang ang pangalan ko bru, okay na. Hindi ka na dapat nag abala pang gumawa ng banner ko."

"At sino namang nag sabi na para sa'yo 'yan Kennedy? Para sa bebe Evan niya yan no! Asado ka naman. Mag jowa ka na kasi para may taga cheer ka!"

"Really? You made that for Evan?" Tanong ni Hong sa akin na nandito na rin pala. May lahing kabute talaga 'to.

"E paano kasi yung crush ko sa hospital nag chi cheer. Nandoon mama niya e. May sakit. Lumalaban para mabuhay."

Abnormal talaga. Hinila naman ako bigla ni Hong dito sa may tabi at nag patinaod nalamang ako sakaniya. Problema nito?

"What happened? Bakit may pa banner ka?"

"Why? May masama ba? I want to support him."

"No. It's just that, this is not so you Lucia. Nag tataka lang ako."

"Hong, I like him."

"What? Are you serious? What about the bet?"

"You once told me before na may tama na siya sa'kin diba?"

"Yes. But we both know too what kind of man is he."

"Yes. I know that. But Hong, ramdam ko. Kitang kita ko na mahal niya ako e. Hindi niya man sabihin but he's actions are shouting that he loves me. I'll confront him after this game."

"Are you really sure? Paano kung masaktan ka?

Paano nga kung ako ang masaktan in the end? Paano kung umaasa lang pala ako sa wala? What will I do? Ah! Tsaka ko na iisipin 'yan. May tiwala ako sa instinct ko at mag titiwala ako kay Espasol.

"I don't know."

"Go in the locker's room. He's there. Tell him you're here. Cheer him up. Para naman maganahan siya sa laban. He's out of his mind these past few days."

Tumango ako sa kaniya. Nagpa alam ako kina Lancie at Kennedy na pupuntahan ko si Evan sa may locker's room. Iniwan ko muna ang banner na dala dala ko sakanila.

Nang maka dating ako sa labas ng locker room nila ay nag hintay pa ako ng ilang minuto. Alanganaman pumasok ako ka agad diba? Baka mamaya may mga naka hubo't hubad diyan. Nag kasala pa'ko.

Almost 5 minutes na akong naka tayo dito sa labas nang lumabas si Kai sa locker's room. Buti nalang!

"Kai." I called him.

"Lucia? What are you doing here?"

"I'm waiting for Embudo."

"Embudo?"

"Yung malanding pokpok."

"Ahh. Evan?"

"Yes. Hong told me that he's there inside that's why I went here."

"Ah yes. He's inside. I talked to him because he's out of his mind these past few days. We have a game but he's not in focus."

"Oh I see. I'll just wait here. Sino pa ba ang nasa loob?"

"Kent and Evan only. Don't worry naka damit naman sila. You can go inside. Talk to him please. Baka ma motivate mo siya."

"Sige. Salamat."

Umalis na si Kai so I went inside the locker's room. Malaki ang locker's room dito kaya inikot ko pa ang kabuuan nito. Napa hinto ako ng makita ko silang nag uusap ni Kent sa may sulok. They look so serious. Ano kayang pinag uusapan nila?

"Lucia? She's pretty and hot. She's actually a bomb dude. Every man will like her, even you."

"To tell you honestly dude naging crush ko si Lucia noong nag aaral siya dito. Pero mailap siya e. Ang dami niyang napa iyak na lalaki kaya hindi ko na sinubukan."

Walanghiyang makanto na'to. May pagnanasa pala siya sa'kin noon? And wait, why are they talking about me? Bakit ako ang ginagawa nilang topic?

"Well, I'll do anything just to get her. I'm a lucky man kung magawa ko man 'yun. Knowing there are lots of boys na pinag aagawan siya."

"Kaya mo ba?" Hamon sakaniya ni Kent.

Hindi ko alam pero parang gustong kumawala ng puso ko sa dibdib ko. Parang ayaw ko ng makinig at gusto ko nalang umalis pero hindi ko magawa. What the fuck is this? Bakit ako kinakabahan? I waited for Evan to answer.

"Ako pa ba dude? I'm Evan Palermo. At lahat ng babae'ng gusto ko nakukuha at naika kama ko. I will win our bet, Kent. Just give me time."

"Baka mamaya bro, ma fall ka naman."

"Fall inlove? You must be kidding me. Why should I fall for her? I fuck but I don't love. Mark that dude."

Tuluyan nang nanigas ang buong katawan ko sa kinakatayuan ko. Nag apir pa sila ni Kent sabay nag tawanan. Is this true? Pinilit ko ang sarili kong umalis sa pwesto na kinakatayuan ko at tumakbo papalabas.

Shit. What was that? Hindi naman ako bingi diba? Tama yung mga narinig ko.

Sinampal ko ang sarili ko para magising ako kung nanaginip man ako. Pero hindi ako nanaginip. Kinurot kurot ko pa ang mga braso ko dahil pakiramdam ko namanhid na ang buong katawan ko.

"Hindi niya ako mahal?" Tanong ko sa sarili ko. Naramdaman ko nalang na tumutulo na pala ang mga luha ko.

Why am I crying? Fuck.

"Hindi ako mahal ni Evan. Puta." Natatawa ko namang sabi ulit sa sarili ko. Para na siguro akong tanga ngayon. Tumatawa habang may luhang bumabagsak sa mga mata ko.

Umasa lang ba ako sa wala? Bakit ganon? Paniwalang paniwala ako e. May tiwala ako sa instinct ko pero bakit ganito? Ang bobo ko. Ang bobo bobo ko.

All of  the efforts that he showed me are all faked? Nagpa panggap lang ba siya? Acting lang ba ang lahat? Putangina pinag praktisan niya ba'ko sa pag acting niya?

Yung mga pag seselos niya? Lahat ng pag tatampo niya? Ano yun? Kyeme lang ba? Pinunasan ko ang mga mata ko dahil nanlalabo na ang paningin ko.

Punyeta! Bakit ba kasi ako umiiyak?!

Hindi ko na masyadong nakikita ang dinaraanan ko dahil sa mga luha ko. Nabunggo ako sa isang lalaki at naramdaman ko nalang na bumagsak ang mga tuhod ko sa may sahig. Sumubsob ito sa may simento at napa tingin ako doon. Dumudugo ito.

"Bru! Sorry! Hindi ko sinasadya. Ayos ka lang ba?"

Naka titig lang ako sa sugat ko na dumudugo habang patuloy pa rin ako sa pag iyak.

"Bru! Bakit ka umiiyak?! Sorry! Sorry! Masakit ba? Hindi ko talaga sinasadya." Lumapit sa akin si Kennedy at pinunasan ang mga luha ko sa mata.

I looked at him and he looks so fucking worried.

"Bru! Tumahan ka nga! Kinakabahan na ako sa'yo ngayon. Masakit ba?!"

Hinipan hipan ni Kennedy ang sugat ko sa tuhod. Hindi ako sumasagot sakaniya dahil pakiramdam ko naubusan ako ng boses. Parang may naka bara sa may lalamunan ko. Masakit. Sobrang sakit.

"Sorry talaga bru. Mag salita ka naman."

"Bru, hindi masakit yung sugat ko. Masakit yung dibdib ko. Dito oh."

Tinuro ko ang dibdib ko at hindi ko na napigilan ang sarili kong ma iyak ng husto.

Hindi ako mahal ni Evan. Pinag laruan niya lang ako. Akala ko mahal niya ako. Akala ko may nararamdaman para siya sa akin. Damang dama ko e. Damang dama ko na nandon na siya. Putangina. Ang tanga tanga ko para mag paniwala. Bakit nga ba ako naniwala kung umpisa pa lang alam ko ng ginagawa niya lang 'yun dahil sa pustahan nila?!

"Bru, bakit? Nasubsob din ba ang dibdib mo? Tara na dalhin kita sa hospital. Baka patayin ako ni Luke."

"Bru, huwag ka ng mag laro. Umuwi na tayo."

"Huh? Pero... ano bang nangyari sa'yo? Sugat lang yan bru pero bakit mo iniiyakan. Hindi ka naman umiiyak basta basta ah. May nangyari ba?"

"P-pinag pustahan nila ako. Ang tanga tanga ko bru. Ang tanga tanga ko dahil naniwala ako sakaniya kahit alam ko namang laro lang ang lahat umpisa pa lang. Ang bobo ko."

"Huh? Ano ba sinasabi mo bru?"

"Hindi niya pala ako mahal, bru. Hindi niya ako mahal."

Sobrang sakit ng dibdib ko at palagay ko ay mahihimatay ako sa sakit. Mas masakit pa ang nararamdaman ko ngayon kumpara sa mga pasa at sugat na nakuha ko sa lahat ng laban ng gang ko.

"Si Evan ba?"

Hindi ako sumagot at umiyak lang ako. Marinig ko lang ang pangalan niya ay na aalala ko ang mga salitang binitawan niya kanina.

"Putangina Lucia! Sumagot ka. Si Evan ba?"

Tumango ako sakaniya. Aalis na sana si Kennedy pero pinigilan ko siya. He's mad. And I don't want him getting mad. He's totally different kapag nagagalit siya.

"No, bru. It's okay. Umuwi nalang tayo. Please. Umalis na tayo dito."

Tinitigan ko ang mukha niya at ang itim ng awra niya ngayon. Galit na galit siya. I can't see the innocent and kind Kennedy that I know.

"Palalampasin ko 'to ngayong araw. Pero huwag kang umasa na hindi siya makakatikim sa'kin."

Binuhat niya ako at nag lakad na siya palabas ng gym. Pinag titinginan kami ng ibang studyante pero wala akong pakialam. Humihikbi pa rin ako hanggang ngayon at hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"Bru, stop crying please."

"Let's go sa bar niyo? I want to get wasted. Please. Bring me there."

"Okay."

Sumakay kami sa kotse niya at nag drive siya papuntang bar nila. Tahimik lang kami sa byahe at naka tingin lang ako sa may bintana. Nararamdaman kong sumusulyap sulyap paminsan sa'kin si Kennedy.

Pag dating namin sa bar ay dumiretso kami sa isang VIP room. Kinausap muna ni Kennedy ang bartender nila at inutusan na mag dala ng mga alak. Kumuha rin siya ng first aid kit at ginamot ang sugat ko.

Hindi ako kumikibo at naka tulala lang ako sa may gilid. Maya't maya lang ay dumating ang mga alak. I requested a high alcohol percentage drinks.

Binuksan ko agad iyon at agad na nilagok.

"Bru, ano bang nangyari? Ano ba yung pustahan na yun? Wala akong maintindihan."

"Hong told me before that Evan and his friend have a bet. At ang pustahan nila ay ang makuha ako. At first, akala ko type lang ako ni Evan dahil panay ang pag papansin niya sa akin, even noong nasa beach tayong dalawa. And when Hong told me everything that was the time na naliwanagan ako."

"Tangina ng gagong yun! Bakit hindi mo sinabi sa'kin?!"

"I don't want to tell you because I know you'll get mad."

"Of course! You're my best friend! I care for you. Sa lahat ng babae'ng tataluhin niya at idadamay sa ka gaguhan niya ikaw pa? I thought he was serious courting you dahil noon pa man ay kinukulit niya na ako tungkol sa'yo. I didn't know na may ganito palang issue."

"That's why Hong and I have a bet too. That I'll make him fall inlove with me. Pero ang gaga ko lang. Nahulog ako sa sarili kong bitag."

Straight kong tinungga ang isang bote ng alak.

"Bru, hinay hinay ka lang."

"Akala ko mahal niya ako e. Kasi pinakita niya na mahal niya'ko. Na kahit may pustahan sila, iba e. Pina ramdam niya sa'kin bru na totoo. Handa akong bigyan siya ng chance kasi nga ramdam kong mahal niya'ko. Damang dama ko bru. Kaya nga ako nag punta sa game niyo para isurprise siya. I didn't know na ako pala ang masusurpresa."

Kumuha pa'ko ulit ng isang bote at binuksan 'yun. I don't fucking care kung malasing ako or what. Kennedy is here. Hindi niya'ko pababayaan.

"I was about to confront him. After sana ng game niyo because something happened lst night. And you even told me na wala siya sa sarili niya nitong mga nakaraang araw dahil sinubukan kong iwasan siya. I want to tell him na alam ko ang tungkol sa bet at balak ko ring sabihin yung samin ni Hong. I want to ask him too kung mahal na ba niya'ko dahil kahit nararamdaman ko ang pag mamahal niya sa'kin gusto ko mang galing mismo sakaniya. Sa mismong bibig niya. Pero iba pala bru. Iba ang gawa niya na pinaramdam niya sa'kin sa mga salitang narinig ko kanina."

I thought actions are louder than voice. But I was wrong. Kahit pala ipakita niya at ipadama niya sa'yo na mahal ka niya, wala rin pala. Hindi pa rin pala sapat. Siguro nag kamali ako ng pag intindi. Siguro masyado akong nadala sa lahat ng pinakita niya to the point na nakalimutan kong may dahilan kung bakit siya ganon.

"I heard him and Kent talking about me and the bet. He said, he doesn't love. He doesn't love and he only fuck. So in short, he just want to fuck me and he doesn't love me. Sarap!"

"Putangina talaga. Ang bobo ko rin bru dahil kumbinsido na rin ako e. Kumbinsido ako  na mahal ka niya dahil kitang kita ko rin naman kung paano siya mag selos sa kapatid mo. He even introduce you to his parents."

"Nagka taon lang talaga siguro na napa kilala niya'ko sa mga magulang niya."

"Pero bru, wala pa namang nangyayari sa inyo diba?"

Tumango ako sakaniya. Nagpapa salamat ako sa Diyos at hindi ako bumigay noong nasa Batangas kami. Kung hindi, nawala na virginity ko, nasaktan pa'ko. Double kill. Thanks to Hong for saving me that night.

Binuksan ko ang pangatlong bote at tinungga ko nanaman 'yun. Nang maubos ko ay bumukas nanaman ako ng isa pa.

"Bru, alam kong tirador ka ng mga alak. Pero matataas ang alcohol percentage ng mga 'yan. Maawa ka naman sa atay mo."

Tumawa ako ng mapakla. Siguro nakarma na rin ako. Dahil alam ko ng mali ang ginawa niya sa'kin ay ginatungan ko pa ng isang pagkaka mali. Tanginang buhay 'to.

Naiyak nanaman ako. Umiiyak ako habang panay ang inom ko. This is my first heartbreak and I didn't know na ganito pala kasakit. Punyeta!

Naka ilang bote na'ko at medyo nahihilo na'ko. Tinatamaan na ako ng alak. Sinulyapan ko si Kennedy at naka titig lang siya sa'kin habang hawak niya ang cellphone niya.

"Bru, nakaka rami ka na. Uwi na kaya tayo?"

"No. I want more."

Gusto kong makalimutan 'tong nararamdaman ko. Akala ko kasi gusto ko lang siya e. Akala ko hanggang like lang ang nararamdaman ko sakaniya pero mali ako. Bakit ba puro nalang ako akala?

Bumukas ang pinto ng VIP room. Napa tingin ako doon at iniluwa nun si Luke.

"Where's my sister?!"

"Bro." Napa tayo si Kennedy sa kina uupuan niya.

"Lucia." Napa tingin ako kay Luke and he's fucking mad too.

My best friend and my brother are so worried about me. Napa smile ako. Atleast sila mahal ako. At sigurado ako doon. Hindi katulad ng putanginang Evan na manyak na 'yun!

"Yo Luke! Look at me. I'm crying. Hindi na ikaw at si Papa ang iniiyakan ko ngayon. Iba na! Hahahaha." Tumawa ako habang may luha pa rin sa mga mata ko. Para na siguro akong baliw ngayon.

"What the fuck happened?"

"Luke, akala ko mahal niya'ko e. Akala ko lang pala. Akala ko rin gusto ko lang siya e. Akala ko lang rin pala."

"What happened to her, Kennedy?" Seryosong tanong ni Luke kay Kennedy na ngayon ay naka titig lang sa'kin.

"Narinig niya si Evan at ang ka teammate ko na pinag uusapan siya. Umasa kapatid mo e. Umasa siyang mahal siya ni Evan pero hindi pala. Kaya ayan."

"Umasa ako na mahal niya'ko kuya. Asang asa ako. Tangina. Pinakita niya e. Nakita mo rin diba? He even said he wants to marry me. Pero bakit ganun? Wala namang lalaking gustong pakasalan ang babae kung hindi niya mahal diba? Wala namang ganun diba?"

Lumapit sa'kin si Luke at niyakap ako. Para akong batang nag susumbong ngayon sakaniya.

"Hush. Don't cry. Kuya is here. Everything will be alright."

"Kuya hindi niya'ko mahal e. Pero tangina mahal ko siya."

"I'm gotta kill him. I'm gotta kill him for hurting you."

"No. Don't hurt him. Just don't. I don't want him to get hurt. No. No. It's my fault. Nag paniwala ako masyado. Tangina. Asang asa pala ako sa wala."

"Tama ba lahat ng narinig mo, bru? Baka mamaya nagka mali ka lang ng rinig."

"Hindi ako bingi. I heard it all!"

"Pero bro, come to think of it. Sa lahat ng nakita natin ang hirap paniwalaan na hindi niya mahal si Lucia."

"Hindi niya nga ako mahal! Lumabas na mismo sa bibig niya! Huwag niyo na akong paasahin."

"Let's talk about it tomorrow. As of now, let's go home. Mag pahinga ka na, Lucia."

Tumango nalang ako. Inakay ako ni Luke at lumabas na kami ng Bar. Good thing I have a brother and a boy bestfriend na masasandalan ko.

Isinakay nila ako sa kotse at nag umpisa ng  mag drive si Luke. I closed my eyes.

Today I learned something.

Hindi pala porket pinaramdam niya sayo na mahal ka niya e 'yun na talaga ang nararamdaman niya. Ang hirap pala kapag nag tiwala at naniwala ka sa mga mabubuting gawain na pinapakita niya. Umasa ka na nga, nag mukha ka pang tanga.

Pero kahit ganon, mahal ko pa rin siya. At nakaka punyeta lang dahil sa larong pinasok ko, ako pala ang talo.

Next chapter