webnovel

HEART TO HEART TALK WITH HER MOTHER-IN-LAW

Isang linggo na ang lumipas pero wala pa ring pagbabago sa kondisyon ni Dixal. Ang sabi ng doktor na tumitingin sa kanya, normal na ang vital signs nito at pagaling na din ang sugat nito sa ulo. Dalawang araw mula ngayon ay tatanggalin na ang tahi niyon.

Pero si Dixal, hindi man lang ito kakikitaan ng paggaling. Nag-aalala na siya para sa asawa. Ang ina nito'y ilang araw na ring kulang sa tulog, nagsasalitan sila sa pagbabantay sa lalaki. 'Pag siya ang nagbabantay, umuuwi ito sa sariling bahay para doon matulog, bumabalik 'pag gabi na para ito naman ang magbantay. Pero siya, doon na siya natutulog. Ayaw niyang umuwi. Pinasundo na niya sa ina si Devon para makapasok na ito sa paaralan.

Bumibisita na lang ang maglola pag tapos na ang klase ng anak.

Si Dix naman ay ilang oras lang din ang itinatagal sa ospital dahil busy ito sa trabaho. Si Lemuel, araw-araw namang nagpupunta ruon pero isang oras lang ang itinatagal. Sa kada pagpunta nito sa ospital, nahahalata lagi ang pananamlay nito, hula niya'y dahil sa trabaho lalo na't ito ang humalili kay Dixal bilang acting chairman, si Dix naman ay naging acting CEO sa ngayon.

Pero kakaiba ang araw na 'yon nang bumisita si Lemuel.

Hinihilot niya nang marahan ang namamagang kamay ni Dixal dahil sa karayum kung saan ikinabit ang maliit na tubong nakakonekta sa IV fluid.

Mamaya ipapakiusap niya sa nurse na kung pwede ilipat ang tubong 'yon sa kabilang kamay naman nito nang sa gano'n, umimpis ang pamamaga ng kamay nitong isa.

"Madam, mabuti hindi ka pa natutulog," pagkapasok pa lang ni Lemuel sa loob ng silid ay bungad agad sa kanya.

Napansin niya ang pangungulubot ng noo nito, halatang stress sa trabaho.

"May problema ba?" usisa niya saka tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama ng asawa at lumapit sa dumating.

"May malaki tayong problema, madam. Wala bang sinasabi si Dix sa'yo?" sagot nito pagkuwa'y nag-usisa rin.

Umiling siya.

"'Di pa siya bumibisita ngayon. Baka mamaya pa. Ano'ng problema Lemuel?" curious niyang tanong.

Umupo muna ito sa mahabang sofang binili ng kanyang byenan para gawin niyang higaan 'pag natutulog na siya sa gabi, sa tabi ng bed ni Dixal.

Sumunod siya rito't umupo na rin sa tabi nito.

"Lemuel, tell me. Ano'ng problema?"

Bumuntunguininga muna ito bago nagsalita.

"Biglang bumaba ang profit natin sa loob lang ng isang linggo mula nang mangyari ang aksidente."

kumunot ang kanyang noo.

"Pa'nong biglang bumaba? Ilang porsyento ba ang ibinaba?" usisa niya.

"Sampu sa mga client sana natin ang umurong at 'di pumirma ng kontrata nang malaman nilang nasa coma si Dixal. Mabuti nga 'yong kay Mr. de Ocampo nasimulan agad ang paggawa ng project, kung hindi, baka naidemanda na tayo ng matandang 'yon."

"Hindi ba pwedeng kausapin natin ang sampung 'yon? Ilang percent ba ang nawala sa profit ng kompanya?"

"20% sa loob lang ng isang linggo. Malaking kawalan 'yon satin, madam. Pa'no kung hindi pa rin magising sa loob ng dalawang linggo si Dixal? Baka mawalan na ng tiwala satin pati ang mga shareholders lalo na't sinusulsulan sila ni Donald Randall na magpetition para palitan si Dixal."

"20%? Anlaki naman!" dismayado niyang wika.

"May isa pang problema. 'Pag natapos ang isa pang linggo at 'di pa rin magising si Dixal, napagkasunduan ng lahat na tuluyan na siyang palitan bilang chairman at CEO ng kompanya. Pati mga board of directors ay pumayag na rin sa kasunduang 'yon kaya wala kaming nagawa ni Dix kundi pumayag na rin."

Doon na lumapaypay ang balikat nito sabay pakawala ng malalim na buntunghininga.

"Malaking problema nga 'yan," segunda niya, sabay ding pagpakawala ng isang malalim na buntunghininga at tumingin sa natutulog na asawa.

"Ano bang gusto ng mga kliyente at kay Dixal lang sila gustong pumirma ng kontrata? Pwede naman silang pumirma ng kontrata sa'yo ah," sambit niya.

"Gusto nilang si Dixal mismo ang gumawa ng plano. 'Pag nagustuhan nila ang plano, saka sila pipirma ng kontrata."

Lalong napalalim ang kanyang buntunghininga. Mahirap palang maging CEO ng isang kompanya lalo't maarte ang mga kliyente.

Hindi niya alam kung paanong sumagi sa kanyang isip si Mr. de Ocampo.

"Lemuel, kilala mo si Mr. de Ocampo 'di ba?"

tanong niya.

Tumango ito.

"Pinakametikulusong negosyante 'yon sa lahat pero napapirma agad ni Dixal ng kontrata dahil sa magandang concept niya," sagot nito.

Biglang nagliwanag ang kanyang mukha kasabay ng isang pilantik.

"That's it!"

"Lemuel, sunduin mo si Devon sa bahay. Isama mo 'yong lappy ko at printer tsaka isang ream ng bond paper, A4 ha?" utos niya sa lalaking tumaas agad ang isang kilay sa narinig.

"Bakit?" maang nitong tanong, 'di ma-gets kung anong ibig niyang sabihin.

"Basta, sunduin mo sa bahay ang anak ko. 'Wag mong kalilimutang dalhin 'yong lappy ko at printer ha?" giit niya.

Tama namang bumukas ang pinto at pumasok ang ina ni Dixal.

"O Lemuel, andito ka pala. Lika samahan mo muna kami ni Flor kumain, dito na lang ako kakain nang may kasabay si Flor," yaya agad ng ginang sa lalaki.

"Mamaya na po tayo kumain, Ma. Pinapakuha ko po kasi si Devon kay Lemuel." Siya na ang sumagot sa byenan.

"Gano'n ba? O sige, magpapabili na lang uli akong pagkain sa labas," anang ginang.

"Naku, 'wag na po. Sasabihin ko na lang kay Lemuel magdala ng pagkain galing sa bahay. Nagmana po kasi sa ama 'yong bata, 'di po siya kumakain sa luto ng iba liban sa luto ng mama ko kasi-----" sagot niya.

"Ahaaa! Ayaw ng paminta!" ito na ang tumapos sa sasabihin niya.

Sabay pa silang nagtawanan ng byenang babae.

"O siya, umalis ka na Lemuel nang makabalik ka rito agad," pagtataboy ng ginang sa lalaki.

Napapakamot na lang sa batok ang huli at nagmamadali ngang umalis nang tawagin niya bigla.

"Lemuel, si Ma'am Beth pala, bakit 'di mo dinadala rito para makabisita naman kay Dixal," habol niya sa lalaki.

Ang laki ng awang ng bibig nito nang biglang humarap sa kanya.

"W-wala ka nang amnesia?" mahina lang ang boses nito kahit halatang nagulat ngunit kataka-taka ang pamumula ng pisngi sa sinabi niya.

Napangiti siya.

"Don't worry, nakalimutan ko na 'yong mg sinabi mo sakin noon. Tsaka 'yong pinagdidiinan mong engot ako, nakalimutan ko na rin 'yon, tsaka---" an'ya.

"Ahem!" Napaubo ito bigla. "Aalis na ako baka gabihin ako sa daan, trapik pala sa Cavite 'pag gan'tong oras, madam." Pagkasabi lang ay binirahan na nito ng alis na halos takbuhin ang pinto para lang makalabas na agad ng silid.

Napahagikhik siya sa naging reaksyon ng lalaki. Ang byenan naman niya'y tila 'di narinig ang usapan nila at inilapag sa ibabaw ng bed table ang bitbit na supot ng pagkain.

Pagkatapos ay lumapit sa anak.

"Nagpunta na ba rito ang doktor, Flor?" usisa nito sabay salat sa noo ng lalaki.

"Opo, Ma. Nai-inject na rin po kay Dixal 'yong mga gamot niya," sagot niya habang nakaupo sa sofa at nagsisimula nang maghikab.

Lumapit sa kanya ang byenan, tinabihan siya sa sofa.

"Wala ka ba talagang balak umuwi muna?" tanong nito.

"Wala po. Babantayan ko si Dixal hanggang sa magising siya," sagot niya agad.

"Flor, pa'no kung---kung 'di na siya magising?" lantaran nitong tanong sa kanya.

Sandali siyang natahimik, ngunit maya-maya'y ngumiti.

"Magigising po siya," kaswal niyang sagot.

'Magigising siya. Marami pa akong dapat itanong sa kanya. Gusto ko pa siyang sumbatan kung bakit siya pumayag na gawin nila akong pustahan ng mga kaibigan niya, kung bakit nagawa niyang makipagtalik kay Veron kahit kasal na kami.' Gusto niyang idagdag ngunit nagpigil siya.

Hinawakan nito ang kanyang kamay at marahang tinapik -tapik ang likod niyon.

"Hanga ako sa katatagan ng loob mo. Sayang nga lang at ngayon lang tayo nagkita. Bihira lang kasi akong umuwi sa Pinas para makapiling ang mga anak ko. May negosyo sa Germany ang mga magulang ko at ako ang nag-aasikaso niyon doon. Minsan lang akong umuwi rito," kwento nito, bahagyang pumiyok sa huling sinabi at sinulyapan si Dixal.

"Masama akong ina. Ni hindi ko man lang nakitang nagsisilakihan na ang mga anak ko. Kay papa sila lumaki. Ni hindi ko alam kung paano silang pinalaki ng matanda. Kung hindi pa nagkagan'to si Dixal, hindi pa seguro ako makakauwi ngayon, hindi pa kita makikita, hindi ko rin malalamang may apo na pala ako."

Maluha-luhang tumitig ito sa kanya.

"Patawarin mo ako kung nasigawan kita no'ng una tayong magkita. Ang alam ko kasi iniwan mo si Dixal at sumama sa ibang lalaki at tinangay mo ang 50 million ng anak ko," anito.

Sumilay ay isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi.

"Wala po 'yon. Naunawaan ko po kayo," sagot niya.

"Hayaan mo, babawi ako sa inyong lahat ngayon. Sinabi ko na sa mga kapatid ko sa Germany na isang buwan ako rito para asikasuhin at alagaan ko si Dixal." Muli nitong tinapik nang marahan ang kanyang kamay saka ngumiti rin sa kanya.

"Pitong taon na ang nakalilipas no'ng magtanim ako ng galit sa'yo. Biruin mo ba naman kasi, paggising ni Dixal no'ng mahimatay siya ay ikaw agad ang kanyang hinanap. Halos mabaliw siya sa kakahanap sa'yo at nang hindi ka niya makita, ikinulong niya ang kanyang sarili sa bahay niya na hanggang ngayon ay 'di ko alam kung saan. Sa sobrang galit ko sa kanya at sa'yo, hindi na uli ako umuwi rito mula noon. Ngayon lang uli, tapos ito pa ang naratnan ko." Biglang tumulo ang masaganang luha sa mga mata nito saka yumuko.

Agad siyang nakaramdam ng awa sa byenan. Gano'n pala ang nangyari, hindi niya alam.

Hinimas niya ang likod nito.

"Tahan na po. Magigising din po si Dixal, baka bukas o sa makalawa. Sorry po kung ako ang naging dahilan ng paglayo ng loob niya sa inyo," wika niya.

Nag-angat ito ng mukha at nagpahid ng mga luha sa mga mata habang ilang beses na umiling.

"Wala kang kasalanan sa nangyari. Alam ko na ngayon kung bakit ka umalis, dahil kay papa. 'Wag kang mag-alala, hindi ko hahayaang mangyari uli ang nangyari sa inyo noon." Tumigil na ito sa pagluha at pilit na ngumiti sa kanya.

"Salamat po."

"Ilan taon ka pala no'ng ikasal kayo ni Dixal?" Naalala nitong magtanong.

"18 po," nahihiya niyang sagot.

"You mean, 25 ka lang ngayon?"

Tumango siya.

Napahagikhik ito.

"Paano kang napasagot ni Dixal? Knowing Dixal, tahimik lang 'yang bata, hindi ata marunong manligaw kasi babae ang lumalapit d'yan, 'yon ang kwento ni Dix sa'kin. Pero nagulat ako nang umayaw siya sa engagement nila ni Shelda at sinabi niya saking ikaw ang balak niyang pakasalan."

Nahihiya siyang napatungo nang maalala kung pa'no niyang naging bf ang asawa.

Hanggang ngayon, tila naririnig pa rin niya ang mga katagang sinabi nito pagkatapos siyang halikan sa loob ng sasakyan nito.

"Marami po siyang inilihim sa'kin. Ang sabi niya lang po, siya ang Engineer ng ginagawang building sa university na pinapasukan ko, nahihiya niyang kwento, pilit inilihis ang tanong nito.

"Gano'n ba?"

Tumango lang siya.

Next chapter