webnovel

Kabanata Kwatro: Ang kabayaran sa pagtitiwala

ALAS KWATRO na ng hapon noong bumalik ang ulirat ni Kira. Pinagdasal na lamang niya na sana ay nanatili na lang siyang walang malay dahil ngayo'y nararamdaman na naman niya ang matinding sakit na nanunuot hanggang sa kaniyang buto. Amoy na amoy rin niya ang lansa ng kaniyang maliit na piitan mula sa kaniyang mga sugat. Nakisama pa ang amoy ng nabubulok na laman na galing sa naagnas na bangkay sa kaniyang tabi.

Nanunuyo ang kaniyang lalamunan at hirap siyang huminga dahil sa dugo na pumipigil sa daluyan ng hangin sa kaniyang ilong. Tiningnan niya ang kadena sa dalawa niyang kamay at pilit na inaalis ito sa pagkakatali, ngunit alam niyang imposible siyang makatakas dahil trinatraydor siya ng kaniyang sariling lakas. "D-Diyos k-ko, t-tulungan n-niyo po a-ako." Tumingala si Kira sa mumunting bintana sa kaniyang piitan at tumulo ang luha sa mga mata na mas lalong nagpahapdi sa kaniyang nagdurugong sugat sa pisngi.

Ngunit, imbes na sagot mula sa Diyos, mga tawa at ang tunog ng susing binubuksan ang pinto ng kaniyang piitan ang kanyang narinig. "Totoo ba ang aking narinig? Nagdasal ang pamosong binibini ng kaharian na kriminal pala?" Alam ni Kira ang boses na iyon at ang mga pamilyar na mabibigat na yabag na mamaya ay didikit sa kaniyang katawan. Tumawa ang dalawang kasama nito.

"Makakaganti ka na rin sa kaniya, heneral," natatawang sambit ng isa sa mga kasama nito. Matagal na siyang kinamumhian ng heneral na ito, matagal na itong naghahanap ng paraan upang mapabagsak siya.

Naramdaman ni Kira ang panginginig at ang pakiramdam ng takot na ngayo'y wala siyang kalaban-laban sa mga ito. "L-Lumayo kayo!" wika niya.

Isang tawa ang kaniyang narinig at maya-maya pa ay nasa kaniyang harapan na ang heneral na mahigpit ang hawak sa kaniyang baba.

Naka-ngisi ito sa kaniya at nanlilisik ang mga mata. "Sa tingin mo, matatakot mo kami sa sinabi mo? Tingnan mo ang sarili mo, walang kalaban-laban—mahina," ani nito saka kinuha ang inabot na bote ng kasama, pagkaraa'y binasag at kinuha ang isang bubog sa sahig at dinilaan.

Tumulo ang dugo mula sa dila nito, ngunit imbes na masaktan ay nagawa pa nitong ngumiti nang masama. "Hindi ko ito isasaksak sa mukha mo, dahil may gamit pa ang kagandahan mo para sa huling palabras, pero alam ko namang magugustuhan mong dumiin ang mga bubog sa katawan mo."

Sa pagkakataong ito, gusto na lang ni Kira na sana ay hindi na siya nagising kanina. Kinolekta ng heneral ang mga bubog sa kamay nito at umupo sa harapan ni Kira. "Isa..." Sinaksak nito ang isang bubog sa braso ni Kira na ikinadaing ng dalaga. "Masarap ba? Dalawa, tatlo, apat, lima." Sunod-sunod niyang isinaksak ang bubog sa katawan ni Kira, ang isa sa mga bubog ay napakalalim na hindi na ito makita mula sa labas.

"T-Tama n-na!" Halos mapaos na si Kira at hindi niya alam kung kailan matatapos ang pag-agos ng dugo sa kaniyang mga sugat at kailan siya muli tutulungan ng dilim. Hindi siya pinakinggan ng heneral at malakas siyang sinipa sa parte ng kaniyang katawan kung saan isinaksak ang mga bubog.

Ramdam ni Kira ang pagbaling muli ng kaniyang mga baling buto at ramdam niya ang pagtaas ng dugo mula sa kaniyang lalamunan hanggang sa isuka na niya ito. Halos umitim na ang sahig dahil sa dugo mula sa mga sugat ni Kira. Hindi na rin niya marinig ang sariling boses kahit alam niyang dumadaing siya at sumisigaw.

Lumapit ang dalawang kawal at tinangal ang pagkakadena niya. Tumingin siya sa heneral na mas lalong sumama ang ngisi. Kinuha nito ang panibagong kadena mula sa mesa at inilagay ito sa leeg ng dalaga.

"Tayo!" anito at pilit na pinatatayo si Kira. Ngunit kahit ano mang pilit ni Kira na tumayo ay hindi niya kaya. Sobrang sakit ng kaniyang katawan at wala na ang kaniyang lakas. "Tayo, sabi!" Marahas na hinila ng heneral ang kadena sa leeg ni Kira.

Napasalampak sa madugong sahig ang katawan ni Kira. Ipinikit na lamang ng dilag ang mata dahil pagod na pagod na siya at hindi na kaya ng kaniyang katawan. "Tumayo ka! Ayaw mo ah!" ani ng heneral at hinila ang kadena at nagsimulang maglakad. Si Kira ay nanatili sa sahig, ramdam ang pagtama ng kaniyang sugatang balat sa mga bato sa sahig habang siya ay kinakaladkad.

Pakiramdam ni Kira ay ano mang sandali ay mapuputol na ang kaniyang leeg at tuluyan nang bibitaw ang kaniyang katawan. Rinig niya ang halakhak ng tatlo. Hindi niya alam kung mabubuhay pa siya, pero hiling niyang sana'y mabawian niya ang mga ito.

Tumigil sa pagkakaladkad sa kaniya ang heneral at naramdaman niyang hawak nito ang baba niya. Nakarinig siya at nakaramdam ng malakas na sampal sa kaniyang pisngi. "Wala akong sinabi na maari mo akong tulugan! Gising!" Pilit na ibinuka ni Kira ang mga mata at kahit na medyo hindi na niya maaninag ay alam niyang isang malaking drum ang nasa kaniyang kaharapan.

"Ah! Nakita mo na! Magaling! Sabi kasi ni Prinsesa Tsukino na nararapat daw na bago ka idala sa kamatayan mo bukas ay nakaligo ka. Ang bait nga niya eh!" natatawang wika ng heneral at walang pakundangang nilublob ang mukha ni Kira sa drum na may tubig.

Hindi na mabilang ni Kira kung ilang beses na siyang kinapos ng hininga at kung ilang beses na siyang nahihirapan pero hindi pa rin kinukuha ni kamatayan.

Kung sana hindi niya sinunod ang hiling ni Tsukino, sana ay wala siya rito.

Kung puwede lamang na maibalik ang oras…

Inahon ng heneral si Kira mula sa pagkalublob na dahilan ng pagka-ubo ng dilag. Isang tawa ang namuo sa lalamunan ng heneral. Inutos nito sa dalawang kasama na buhatin ang drum at ibuhos ang naging pulang tubig sa dilag. "Ayan! Malinis ka na!"

Hinayaan nitong matumba nang tuluyan si Kira sa sahig at binitawan ang pagkahawak sa kadena. Alam ng heneral na wala ng lakas ang dilag upang magpumiglas sa susunod niyang gagawin sapagkat hapong-hapo na ito at nanginginig. Tiningnan niya ang sugatan ngunit maputing binti ng dilag at naramdaman niyang nabuhayan ang ibabang parte ng kaniyang katawan, na dahilan ng kaniyang pagngisi.

Hinaplos-haplos nito ang binti ng dalaga at napakagat-labi. "A-Anong gagawin mo? H-Huwag!" mahinang pagpupumiglas ni Kira at sinusubukang alisin ang kamay ng heneral sa kaniyang binti.

"Heneral! Hindi naman tamang kayo lang ang nakikinabang!" ani ng dalawang kasama ng heneral na halos maglaway na. "Mamaya na kayo, ako muna." Nagsimulang maghubad ang heneral at pagkatapos ay dinaganan ang dalaga. Simimulan nitong halikan ang leeg ni Kira habang hinahaplos-haplos pa rin ang binti nito.

"H-Huwag! P-Patayin niyo na lang ako! H-Huwag!" iyak ni Kira nang dumapo na ang labi ng heneral sa suso ng dalaga.

"H-Huwag! Pakiusap! Tama na!" pakiusap ni Kira habang pilit na inaalis ang ulo ng heneral na nasa tapat ng kaniyang dibdib. "Tumahimik ka!" Sinuntok nito ang kalamnan ni Kira at tinuloy ang pagsipsip sa dibdib ng dalaga, habang ang kamay ay pataas nang pataas sa kung nasaan ang kayamanan ng dilag. "Huwag! Pakiusap, tulong!" iyak ni Kira. Kung ito lang naman ang mangyayari sa kaniya ay gugustuhin na lamang niyang mamatay para hindi niya maramdaman ang pangbababoy na gagawin sa kaniya ng heneral.

"ITIGIL MO ANG GINAGAWA MO NGAYON DIN!" Gumuhit ang pag-asa kay Kira sa narinig na boses, ang boses ng prinsipe na kaniyang iniibig.

Naramdaman niyang natigilan ang hayop na heneral at agad na umalis sa pagkakadagan sa kaniya. Marahil ay alam na ng prinsipe na inosente siya...

Ililigtas siya ni Ringo at aalis na siya sa impyernong ito. "Sapat ng ipapatay siya sa pagdala sa kaniya sa bundok ng paghihirap, hindi ko inutos na pati itong kapahangasan niyo ay gagawin niyo."

Hindi inasahan ni Kira na may mas sasakit pa pala sa lahat ng dinanas niya sa araw na ito—na mas masakit pala ang mga salitang binitawan ng lalaking laman ng puso niya. Na mas masakit ang pagkabasag ng puso at kaluluwa niya kaysa sa pisikal na paghihirap dahil sa nais ni Ringo na siya ay tuluyang mamatay. Hinihiling niya na sa susunod na buhay ay magagawa niyang bawian ang lahat ng nagparanas ng pasakit sa kaniya.

NAGISING si Kira at natagpuan ang sariling nakatali ang dalawang kamay sa krus na pinalilibutan ng mga pulang kandila. Halos wala na siyang saplot at sa bawat pagtama ng hangin sa kaniyang mga sugat ay mas lalo itong kumikirot.

Napagtanto niyang nasa gubat na siya ng paghihirap dahil nakita niyang pinalilibutan siya ng mga punong may imahe ng mga pinahihirapang nilalang. Mukhang mga normal na halaman lang ang mga puno rito kung hindi mo titingnan ang mga sanga at nga dahon nito. Habang kulay pula ang langit, ay nagmistula namang mga demonyo ang mga ulap dahil sa namumuong mga imahe rito; nakakatakot na anino at iba pang mga nakakatakot at masasamang nilalang. Napakaingay ng paligid—maririnig ang mga nakakabinging boses ng mga taong nagmamakaawa at sumisigaw sa takot.

Pilit niyang tinatanggal ang kadena sa krus habang isinasawalang bahala ang mga naririnig at nakikita, kahit na nanginginig na siya sa takot at halos mabaliw na siya. Sana panaginip na lang ang lahat, ngunit… Alam niyang hindi siya nananaginip. Hindi pa natatapos ang lahat ng paghihirap na ibinigay sa kaniya.

Katapusan na ba niya 'to?

Pinagmasdan niya ang krus na pinagtalian sa kaniya. May mga pamilyar na letra na nakaukit dito at sa ibaba ay isang kulay pulang baligtad na bituin na may tatsulok.

Nagimbal si Kira sa nakita. Maya-maya pa ay naramdaman niya ang mahapding init sa kaniyang katawan na para bang apoy na galing sa impyerno. Sumigaw siya sa sakit nang hindi pa ito tumigil. Naramdaman niya na parang pinupunit ang katawan niya sa tuwing nagliliwanag ang mga letra at simbolo na nasa krus. Sumirit nang paunti-unti ang dugo mula sa kaniyang katawan at mula sa kaniyang bibig. Alam na niyang katapusan na niya.

Tuloy na ang pagkuha sa kaniya ni kamatayan. Ang krus ay dinisenyo para sa isa sa mga pitong kasalanan, ang Kapusukan. Kung hindi magagawa ang nais na palatuntunin ng krus ay mamatay ang ang babaeng nabibiktima nito⁠—isang kamatayan kung saan ay matinding paghihirap ang dadanasin ng kung sino man at masusunog ang katawan nito pati ang kaluluwa hanggang sa wala nang matira. Birhen lamang na babae ang natatamaan ng sumpa na ito at ang tanging paraan upang makawala ang biktima ay...

Kailangan nitong isuko ang pagkabirhen nito.

Hindi nga natuloy ang pangbababoy sa kaniya ng heneral ngunit nais talaga ni Tsukino na may mambaboy sa dilag kapalit ang mabuhay, pero imposibleng mabuhay sa lugar na ito. "Hayop ka, Tsukino!" sigaw ni Kira at halos mabulag na siya sa sakit at kakaiyak.

Ayaw niyang mamatay nang hindi nakakaganti at ayaw ding niyang mawala ang pagkabirhen niya. Pero wala nang ibang paraan at wala ni isang tao ang naninirahan sa gubat dahil puro na ito patay.

Mamatay na siya. Wala ng pag-asa na mabuhay pa siya.

Unti-unting bumalik ang mga panahong pinahihirapan siya, ang tangkang pangagahasa sa kaniya at ang sinabi ni Ringo—ang mahal niyang prinsipe. Tumulo ang luha niya at malakas na sumigaw habang inaalala ang lahat. Umiitim na ang paningin ni Kira at humihina na ang pandinig niya.

Kaluskos na lamang ang naririnig niya't mga yabag na hindi niya alam kung saan galing. Hindi niya alam kung tao ba ito o hayop pero pinilit niyang makapagsalita. "T-Tulungan mo ako..." tanging sambit niya habang palapit nang papalapit ang mga yabag.

Nakita niya ang malabong imahen na may berdeng mata. Hindi na siya nakabitiw pa ng salita at kinain na siya ng dilim.

-

Next chapter