webnovel

The Maid Meets The Hunks (Published under Dreame)

Author: AriadneWP
Teen
Ongoing · 311.1K Views
  • 112 Chs
    Content
  • ratings
  • NO.200+
    SUPPORT
Synopsis

Serenader 18: BILLY WILLIAMS

Tags
5 tags
Chapter 1Chapter 1

[LOUISE'S POV]

"UMALIS KA NA RITO SA PAMAMAHAY NAMIN!!!" sigaw ng Tita ko sabay bato sa akin ang mga gamit ko palabas ng bahay. Aksidente ko kasing nabasag ang bowl na may kaldereta na niluto ko. Ayan tuloy, napalayas ako nang wala sa oras.

Nga pala, ako pala si Louise Perez at ito ang buhay ko. Ginawa niyang katulong ang sarili niyang pamangkin. Ulila sa mga magulang. Pero nag-aaral ako sa isang mayaman na Unibersidad sa maniwala man kayo o sa hindi. Isa akong dakilang scholar sa De Guzman University of The Philippines, in short DGUP.

"WAG KA NANG BABALIK DITO HAMPASLUPA KA!!!" sigaw sa akin ng pinsan kong si Charisse na pinagsisihan kong maging pinsan. Lord, help me. Pinagtutulungan nila akong mag-ina.

Biglang hinila ni Charisse ang buhok ko palabas ng bahay. Nakita ko naman ang Tita ko na dala ang lahat ng gamit ko.

"WAG KA NANG BABALIK DITO." galit na sabi ni Tita sabay tapon ng mga gamit ko sa lupa. Hinawakan ko ang isang paa ni Tita.

"Parang awa niyo na po Tita. Wag niyo po akong papalayasin. Kayo na lang po ang maaasahan kong kamag-anak." pagmamakaawa ko kay Tita.

"Pwede ba? Bitawan mo ang paa ko. Hindi kita kailangan." sabi niya sa akin sabay tanggal ng paa niya sa kamay ko.

"TIIIIITTTTTTTTAAA!!!"

Hahabulin ko sana siya pero nakapasok na siya ng bahay kasama ang evil cousin ko at kinandado ang pinto.

Wala akong magawa at niligpit ko ang mga gamit ko at inilagay ko ito sa bag. Ang ilan ay binitbit ko dahil hindi na kasya.

Napatingin ako sa bahay at nakita ko si Charisse sa taas. Nagbehlat siya sa akin. Hindi ko na lang iyon pinansin at inayos ko na lang ang mga gamit ko at inilagay sa bag.

Waaa! Gabi pa naman. Saan kaya ako makikitira?

- MEANWHILE -

[THIRD PERSON'S POV]

"NEXT!!!" sigaw ng isang lalaking ubod ng sungit.

Siya si Billy Williams. Masasabi nating isa siyang popular, hot at gwapo dahil isa siyang sikat na artista kasama ang dalawa niyang kaibigan na sina Fredison Mirko at James Charles na artista rin. Over 10 million ang kanilang fans hindi lang sa Pilipinas, kundi sa ibang bansa rin. Sila ay nakilala bilang 'The Hunks' dahil sa maganda ang kanilang pangangatawan. Marami na rin silang naging scandals pero todo support pa rin ang mga fans nila sa kanila.

"Shit! Mga walang kwenta." sabi ni Billy sabay bato ng mga files ng mga applicant.

"Ano ba yan! Wala pa rin tayong mahanap na matinong maid." sabi ni Fredison.

Oo nga pala, nakatira sila sa isang boarding house which is only exclusive for them. Marami na silang na-hire na mga maids pero wala pang isang linggo ay sisante agad sila dahil nga sa hindi sila matino. Lahat ng naha-hire nilang maids ay obsessed sa kanila.

"Paano na yan. Titigil na ba tayo sa paghahanap ng matinong maid?" tanong ni James.

"Hindi, alam kong may mga babae pang matitino. Sana mahanap na natin siya." sagot ni Fredison.

Napahinga naman nang malalim ang tatlo.

You May Also Like

One-sided Love by pinkyjhewelii

Someone loves you, but you loves someone else. But that someone else you love, loves someone else, too. Is this kind of a cycle? That's life. Sabi nga ni Bob Ong, huwag kang magagalit kung hindi ka mahal ng taong mahal mo dahil may tao ring nagmamahal sa'yo pero hindi mo mahal. Kaya fair lang. Si Princess Reiko Abellano, malaki ang pagkagusto sa kababatang si Enzo Shin-woo. Pero ang masaklap dun, hindi man lang siya nito napapansin. Bakit? Dahil may nagmamay-ari na ng puso nito. Sino pa ba? Si...oooppss, ang tanong pala dapat ay, ano kaya? Isang PAKWAN lang naman. Sa dinami-daming babaeng nagkakagusto dito, wala itong pinapansin. Minsan nga gusto niyang isipin na bakla ito pero hindi. He's one of the best basketball player of Shin-woo University's Wolf. Si Enzo Shin-woo na handang pakasalan ang kanyang one and only love, pakwan. Akalain mo bang sa halip na babae ang matipuhan niya, pakwan pa. Hindi niya napapansin ang mga babae sa paligid niya dahil ay mga mata niya ay malinaw lang kapag pakwan ang nakikita niya. Si Renzo Shin-woo, ang lalaking seryoso pero lihim na umiibig kay Princess Reiko. Marunong siyang magtago ng nararamdaman niya pero hindi niya maitago ang pagkainis dahil sabi nga niya, bakit si Enzo pa ang nagustuhan nito samantalang magkamukha lang sila? Yes, they are triplets. The famous Shin-woo triplets, Enzo, Renzo and Kenzo. Paano iikot ang mundo nilang tatlo kung ang namamagitan sa kanila ay one-sided love? Aano magkakatagpo ang dalawang puso? Sino ang masasaktan? Sino ang sasaya?

pinkyjhewelii · Teen
4.6
14 Chs
Table of Contents
Volume 0 :Auxiliary Volume
Volume 1 :Book 1
Volume 2 :Book 2