7 DAY 5

Late na ako nagising dahil late narin ako nakatulog kagabi. Mabuti nalang at tanghali pa ang klase ko kaya may time pa ako para mag-ayos sa sarili.

I went to the bathroom to take a shower and wore a hooded white sweatshirt paired with a high-waisted jeans and a white sneaker.

Maraming gifts ang nasa kwarto ko pero ang kang Primo lang ang binuksan ko. It's a simple notebook with a pen. Pero kada page ng notebook ay may, stolen pictures ko. Then sa pen naman, ay nakaukit doon ang pangalan ko.

Kumain akong mag-isa dahil wala na naman ang parents ko. Parati nalang, eh. Niligpit ko na ang plato na ginamit ko at hinugasan 'yun. I brushed my teeth after I washed my plate. Niready ko na ang gamit ko para makapunta na sa school. It's already quarter to eleven tapos, twelve ang class namin. Gusto ko lang makita kaagad si Primo. I don't know why, lol.

Nag pahatid ako sa driver dahil ayokong lumabas pa sa village para mag-hanap ng taxi. Ang init kaya tapos mag-babayad pa ako. Mabuti na dito sa driver ko, na kahit tauhan ng parents ko ay hindi ako magbabayad at hindi narin ako maiinitan. Ang arte lang.

Mabilis lang ako nakarating dahil hindi naman masyadong traffic. I already texted Primo that I'll go to the school early so that, he can go early too. Yes, I texted him. Binigay niya kasi sakin ang number niya kahapon.

Papasok palang ako sa school ay nakita ko na si Primo na nag-hihintay sa labas ng classroom namin. May dala siyang gitara kaya na-curious ako.

"Para saan 'yan?", I asked. He just smiled at me.

"Punta muna tayo doon sa magandang cafeteria na nakainan natin nung bumili tayo ng para debut mo.", he said, hindi man lang sinagot ang tanong ko. Tumango nalang ako at nagulat ako nung bigla niya akong inakbayan. Bigla niyang hinalikan ang ulo ko at bigla namang lumakas ang tibok nitong puso. Waaah! Ano bang nangyayari sa'kin?!

Palabas na kami at didiretso na sana ako sa part kung saan nag papark ang mga taxi. Pero, bigla niyang ako hinila at ipinasok sa jeep.

"What the heck?! Anong ginagawa natin dito?! You already know na hindi ako sumasakay sa mga ganito and never pa akng nakasakay ng ganito!", reklamo ko. Binatukan niya naman ako nang mahina saka tumawa. Aba, nakayanan pang mambatok, ah.

"Then kung ka pa nakakasakay edi, makakasakay ka na ngayon. Congratulations Louisse!", sambit niya at humagalpak nang tawa.

"Ang ingay nila, nu'"

"Ang sweet naman nilang mag-boyfriend at ang ganda at pogi pa!"

"Wow! Ang pogi nung lalake, oh. Sana mag kakaroon rin ako ng boyfriend na ganyan!"

Natahimik kami bigla ni Primo sa mga bulungan. Mga bulungan na naririnig lang namin, tsk. Ang chismoso at chismosa naman! Mabuti nalang at nakarating kaagad kami sa cafeteria.

Dumiretso kami papasok sa  cafeteria at umupo ulit doon sa pinakadulo. May waiter na lumapit samin at tinanong kung ano ang io-order ko. May carbonara sila kaya yun lang ang inorder ko at yun narin daw kay Primo.

"Bakit mo ako dinala dito?". Baka sabihin niyang date, edi kilig ako. Char.

"Bakit? Ayaw mo ba? Joke, nagugutom kasi ako kaya dinamay kita. Munti lang kinain ko kagabi, eh.", he explained. I just smiled at him. Concern ba siya? Malamang, best friend  nga kami, diba?

"Btw, thankyou pala sa necklace and sa gifts mo", I sincerely said. Baka kase na maisip niya na hindi ko nagustuhan 'yun. It means a lot for me.

"Always welcome! I'm glad that you like it even it's simple."

Dumating na ang order namin kaya natahimik na kami at kumain. I felt awkward kaya naisipan kong mag-salita. Matagal pa naman ang class namin, eh.

"Primo, paano mo malalaman kung may gusto kana tao?", Napatigil siya sa pag nguya dahil sa tanong ko. Bigla namang nag-seryoso ang mukha niya. May nasabi ba ako na mali?

"Well, masasabi mo lang kung gusto mo siya if ayaw mo siyang mawala, gusto mo na palagi mo siyang nakikita, and nag seselos ka if may kausap siyang ibang babae or lalake."

Tumango-tango nalang ako sa sinabi niya. Ayaw kong siyang mawala. Gusto ko na parati ko siyang nakikita. And I admit na nagseselos talaga ako nung may kausap na babae si Primo noong isang araw. Do I like him?

"Bakit? May gusto ka? Sino?", he asked seriously.

"Ikaw", I joked kahit totoo naman. Wait, totoo nga ba? . Mas sumeryoso ang mukha niya sa sinabi ko.

"Hindi pwede"

"Hey, it's just a joke, okay? Don't take it seriously. But, why I can't like you?"

"Basta, halika na nga! Balik na tayo sa school. Malapit na mag-start ang klase, oh.", Tumayo na ako sa sinabi niya. Babayaran ko na sana ang pag-kain pero sabi niya na siya lang raw ang mag babayad.

Nag-jeep ulit kamipapunta sa school. Sa totoo lang, it's fun rin naman pala sumakay sa jeep. Ako lang talaga tong maarte. Mabuti naman at wala uling traffic kaya mabilis kaming nakarating sa school. Saktong-sakto rin dahil nung nasa room na kami, ay nag-bell narin.

Kakausapin ko na sana siya pero biglang dumating ang professor kaya natahimik nalang ako at nakinig. Naramdaman kong tumititig si Primo sa'kin kaya agad akong lumingon sakanya. Napaiwas naman agad siya ng tingin. Ewan ko ba but, kinilig ako bigla, lol.

Mabilis lang natapos ang first subject kaya nung umalis na ang professor ay kakausapin ko na sana si Primo pero dumating na naman ang professor namin. Kabanas oh.

Nahuli kong nakatitig sakin si Primo kaya agad ko na siyang tinanong.

"May dumi ba sa mukha ko? Kanina ka pa."

"No, wala naman. May iniisip lang.", he said and gave me a small smile. I just nodded at patyloy na nakikinig sa professor. Mabilislang natapos ang ilang subjects at hanggang 5:00 p.m lang kami.

"Louisse, sama ka muna sa'kin.", sambit ni Primo nung kiniha ko na ang bag ko. Tinignan ko siya at bitbit niya ang kanyang gitara.

"Saan tayo?", I asked. Hindi siya nag salita at hinawakan lang ang kamay ko at kinaladkad. Pinagtitinginan kami ng ibang students but, I don't fcking care. They don't know how to mind their fcking business, tss. Issue na naman to.

"Umupo ka diyan", natauhan ako sa buglang pagsalita ni Primo. Luminga-linga ako sa paligid at nasa garden kami. Ano kayang ginagawa namin dito? Kami lang ang nandito at sobrang tahimik pero presko ang hangin.

"Anong gagawin natin dito?", I asked.

"Kakanta ako at syempre, pakikinggan mo. Can you rate my voice from 1-10? 10 means it's nice and 1 if it is not.", he explained. Tumango ako at ngumiti. Naeexcite ako sa boses niya. Agad ko namang kinuha ang cellphone ko at vinideohan siya.

When your legs don't work like they used to before

And I can't sweep you off of your feet

Will your mouth still remember the taste of my love

Will your eyes still smile from your cheeks

Nakatitig lang ako sakanya ha ang kumakanta siya. Ang ganda at ang lamig ng boses niya. Ang galing niya ring mag-gitara!

And darling I will be loving you 'til we're 70

And baby my heart could still fall as hard at 23

And I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways

Maybe just the touch of a hand

Oh me I fall in love with you every single day

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko nung bugla siyang tumingin sakin. He smiled at me at pinagpatuloy ang pag-kanta.

And I just wanna tell you I am

So honey now

Take me into your loving arms

Kiss me under the light of a thousand stars

Place your head on my beating heart

I'm thinking out loud

Maybe we found love right where we are.

Nakatingin lang ako sakanya. Wow! Hindi ako nakalaniwala na ang ganda ng boses niya. As in, wow talaga.

"Okay lang ba?", he asked and smiled shyly.

"Yesss! 10 ang vote ko. Sobrang ganda pala ng boses mo, Primo. By the way, para kaninong kanta pala 'yun? Ikaw ah.", pang aasar ko pero biglang may kumirot sa puso nung iniimagine ko na ang kanta na 'yun ay para sa ibang babae pala.

"That song was dedicated to the girl I love so much.", he said and smiled sadly. Bakit siya malungkot?

"Really? Can you tell me who she is?"

"Of course, I can tell you. You already know who she is."

"Who's that lucky girl, huh?", I asked but in a jealous tone. I do love him but, I didn't expect that he love someone else. Wait, mahal ko na ba talaga siya? Erase, erase! Crush pa lang to, crush lang. Sana nga.

"You'll know it soon, Louisse ko"

avataravatar