6 DAY 4

Finally, I'm 18! Hindi ako pumasok sa school ngayon dahil mag-aayos kami. Pero si Primo ay pumasok parin.

Nagising ako around 8:30 a.m kaya nag jogging muna ako sa village namin at naligo pag kauwi. Kumain narin ako pero kunti lang. Wala ang parents ko ngayon dahil may inasikaso sila sa hotel kung saan ise-celebrate ang birthday ko.

Habang kumakain ako ay biglang pumasok sa isip ko ang sinbi ni Primo kahapon.

'Thankyou for making me happy sa kaunting panahon lang. I'm really happy if I'm with you. Thank you.'

I don't know what he mean. I don't understand him sa part na sinabi niya na 'Thankyou for making me happy sa kaunting panahon lang'. Nah, hindi nalang ko nalang iisipin 'yun. Ang importante, is masaya siyang kasama ako. Dahil masaya rin naman akong kasama siya.

Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko na ang plate na ginamit ko at hinugasan 'yun.

"Sweetie, your make up artist is paparating na. Get ready, okay?", my mom said. Okay, nandito na naman pala sila.

"K", I coldly said and pumunta sa kwarto ko. Nag tooth brush ako at nag ayos sa sarili. Pumunta na ako sa sala dahil sabi ni mom na doon lang raw kami.

"Wow! Is this your daughter, Louisiana?", tanong nung make-up artist. I think close sila dahil tinawag niya lang si Mom sa full name niya.

"Yes,that's my gorgeous daughter.", she proudly said. Dumiretso nalang ako sa upuan kung saan mag memake-up.

Ilang oras bago natapos ang pagme-make-up dahil syempre, nag pa ayos rin si Mom.

"Fantastic! The birthday girl is so beautiful!", the make-up artist said. I smiled at her and said, "Thankyou. I'm beautiful as always. With or without make-up."

Kinuha ko muna ang cellphone ko para i-check ang social media ko and expected, maraming nag greet sa'kin at kunti lang ang narereplayan ko kase, masyado silang marami.

Nag scroll-scroll lang ako sa facebook when someone requested me to chat with him. I opened it and expected, greetings ulit. Pero hindi ko naman inexpect na si Primo pala 'to.

Primotheus Morales: happy birthday Louisse! Enjoy your day! May gift ako sa 'yo but, I'll just give this to you if nasa hotel na ako.

Loisa Louisse Cruz: Thankyou for greeting me! Sure I'll try to enjoy my day. I'll wait for you in hotel.

Nag-add sa' kin si Primo kaya inaccept ko na siya. Nag-stalk muna ako sakanya at hindi naman siya pala-post. His profile is cool naman. Naka-uniform siya sa uniform ng school habang nasa parking lot siya, nakatayo at nag smile. I wonder if who took that picture. He has 5,698 followers on facebook rin. He's kinda, famous rin pala.

Primotheus Morales: btw, hanggang 12:00 p.m lang kami ngayon kase diba, some of students and teachers are invited. Grabe, akalain mo 'yun. Birthday lang ng apo sa may-ari ng school, tas half day lang.

Loisa Louisse Cruz: Hahaha, lol. My mom called me na so, see you later, Primo!

Primotheus Morales: okay, bye. See you later, Louisse.

Nag-offline na ako at inoff ang cellphone ko. Tinawag kase ako ni Mommy kong bruha. Pupunta na raw kami sa hotel. Malamang may reserved room kami doon sa hotel. Nandoon na raw kase ang dresses na pinadala ni Tita Lia, my favorite designer. Sabi kasi nila Mom and Dad na ako raw ang pipili sa designer so, I didn't hesitate to chose Tita Lia.

Nasa hotel na kami at dumiretso kami sa room na binook namin. Malaki rin naman dito. Nakita ko si Tita Lia na nasa higaan habang inaayos ang mga dress. Ang gaganda! Well, basta si Tita, maganda talaga.

"Hi Loisa! Happiest 18th Birthday! Mag-bihis ka na! I'm sure that your dress will suit you. The dress is beautiful like you! So, come on!", bingad ni Tita. I smiled at her widely and lumaput na sakanya. I hugged her tight na para bang hindi kami nag-kita kahapon.

"Thankyou Tita! I'm so excited to wear this dress! It's so nice, Tita! Oh my God, thank you very much po for the effort!", hindi ko na rin maiwasan hindi maging jolly. Ang saya talaga kapag kasama si Tita eh. Nakita kong timititig lang si Mommy samin pero umiwas lang agad ako. Bahala siya diyan.

"Always welcome, Loisa. Btw, where's Primo?", she asked and smiled at me. Na para bang nang-aasar.

"Nasa school po Tita but he said na half day lang raw so, he can come here early po."

"Ah okay, okay.". Lumapit na siya sa akin at kinuha ang dress. Ako naman ay nag ready na na suutin 'yun. And she's right! It really fit!

Lunch time na pero biscuit lang ang kinain ko. Baka mamaya masira ang make-up ko eh. Nag pictorial ulit pagkatapos kong kumain ng biscuit. They took some videos and pictures.

4:00 p.m na nung natapos kami and 6:00 p.m mag start ang big party celebration kaya may time pa para mag retouch. Quarter to five na kami natapos kaya nag uusap-usap muna sila. I just opened my phone and nakita kong nay chat si Primo.

Primotheus Morales: paparating na ako diyan.

Loisa Louisse Cruz: Yay! Okay so yung number ng hotel room is 632.

Primotheus Morales: papasok ako diyan?!

Loisa Louisse Cruz: Ay hindi, lalabas ka dito.

Inoff ko lang ang cellphone ko at maya-maya lang ay narinig namin na may nag-door bell. I opened the door and niluwa nito si Primo.

Nakatitig lang siya sakin kaya agad kong pinitik ang noo niya kaya natauhan siya. "A-aray! Ansaket nun ah", reklamo niya habang nakahawak sa noo niya.

"Anak, sino yan?", tanong ni mom kaya agad ko ng pinapasok si Primo at nakita ko ang mukha ni Tita Lia na para bang nang-aasar.

"Mom, Dad, this is Primo. My best friend.", sambit ko at tumango-tango naman sila. May tinatanong pa sila aboht kay Primo at mabuti naman na nag kasundo rin sila. Pucha, para akong nagpapakilala sa boypren ko. Well, future boyfriend ko rin naman tong pinakilala ko sakanila, char.

Mabilis lang ang oras kaya pumunta na kami sa venue. Malaki rin ito then maraming tao. Ang iba ay teachers, students, business partners, and my family.

Tapos na kaming kumain and marami pa silang pinag sasabi to entertain the visitors. Nung inanounnce na 18 roses na ay sobrang excited na ako dahil maisasayaw ko si Primo.

Akalain mo 'yun? We just met but we're so close na. I'm so comfortable with him. Ang iba na nakasayaw ko ay I think mga students sila then ang iba naman ay kamag-anak ko.

"Primotheus Morales"

Napalingon na agad ako nung tinawag ang pangalan niya. He's smiling genuinely at me and I can't take my eyes off from him. He's so handsome. Binigay na niya sakin ang rose kaya kinuha ko ito.

"You're so beautiful, Ms. Cruz", he said with his husky voice. Nagsasayaw na kami and parang tumigil ang mundo. Siya lang ang nakikita ko. His voice, his smile, his handsome face, his attitude, made my heart beats so fast.

"Then, you're handsome too.", I said and chuckled.

Malapit na siya matapos na kaya bago pa man, makapunta si Dad para maisayaw ako ay may kinuha siya sa bulsa niya. Maliit na box at may necklace doon. Ang pendant niya ay isang wings and I don't knkw kung anong meaning neto. Sinuot na niya sa leeg ko at may sinabi that makes my heart beats really fast. Is this normal?

"Keep that necklace. Dahil kapag wala ako, kapag malungkot ka at may problema, just think that if you still have that necklace, you still have me. So, kapag suot-suot mo 'yan, palagi lang akong nasa tabi mo."

A/N:

sorry for lame updateee:(

avataravatar
Next chapter