4 DAY 2

"Friends."

Hindi ko parin makalimutan ang nangyari kahapon. Marami-rami rin kaming napag-usapan and I can say na masaya siya kasama. I don't know but, there's a part of me that I feel comfortable with him. Maybe he's handsome? Hell no, lol. Maybe he's kind to me. Yeah, he's kind.

Hindi pa nag-start ang class kaya lumabas muna kami sa classroom at napagplanuhang, pumunta sa cafeteria para kumain.

He's my first boy best friend. May naging kaibigan ako at babae siya. I treated her as my real sister but sadly, she died.

"Uy Primo. Alam mo ba?", paninimula ko. Agad naman siyang tumingin diretso sa mata ko. "Ano 'yun?"

"Alam mo ba na, ikaw lang 'yung nag lakas-loob na lumapit at magpakaibigan sa'kin?"

"Oo alam ko". Nagulat ako sa sinabi niya.

"Huh? Akala ko baguhan ka palang dito", I said. I thought kase na nag-transfer siya dito.

"Haha, hindi ah. Matagal na ako rito. Hindi mo lang ako nakikita. Masyado ka kasing bulag para makita ang kagwapuhan ko". I laughed by what he said. Yes, gwapo siya pero hindi ko naman inakala na mahangin rin pala to.

"Weh? Saan banda, kagwapuhan mo? Sa pwet ko?"

"Hindi ah, ayoko diyan sa pwet mo. May diarrhea ka, eh. Mabahong tae.", he said and laughed. I rolled my eyes and glared at him. Nakakainis na talaga siya.

"Diarrhea is not a joke and kahapon lang 'yun."

Tumahimik na siya kaya natahimik narin ako. Nag lakad kami patungo sa cafeteria para bumili ng pagkain. Humanap kami ng mauupuan at ako nalang yung nag-order. Binigay ko na sakanya ang pagkain niya at inalok ko siya sa pag-kain na binili ko.

"Primo, gusto mo?", pag-aalok ko sa pag-kain pero,

"Gusto kita"

"Harot mo, Primo. Ang harot-harot mo", sambit ko. Tumawa naman siya sa sinabi ko.

"Joke lang, hindi pwede, eh.". Bigla akong na-curious sa sinabi niya. Bakit hindi pwede? Wala naman akong planong gustuhin siya pero, akit kaya, hindi pwede? Matanong nga.

"Bakit hindi pwede? Don't assume na may gusto ako sayo at wala rin akong planong gustuhin ka but, why? Bakit hindi pwede? Baka may nililihim kang sakit katulad ng naging kaibigan ko, ah"

"May naging kaibigan ka?", tanong niya. Ang daya, ako una nag-tanong, eh. Pero he deserves to know naman, eh. Malalaman at malalaman niya rin naman ito.

"Oo, meron. Babae at yun lang naman naging kaibigan ko", I said and it sounds so lonely, ack.

"Saan siya? Bakit hindi mo kasama?"

I sighed. "He died years ago. May sakit siya sa puso. It hurts, eh. I treated her as my real sister kase, palagi siyang nandyan if may problema ako. She's always there and I was never been with her wheh she died. Because of my parents.", I sadly smiled remembering those pasts.

"Oh, sorry for asking. I'm your best friend , right?", he smiled.

"Of course! You're my best friend. At wag ka rin mag lihim sa'kin.", I said. I got shocked when he choked.

"Oh my God! Is everything okay?! Are you okay?! ". Agad kong binigay sakanya ang tubig. Ayan kase, ang raming sinusubo sa bibig.

*BELL RINGS*

"Halika na. Baka ma-late pa tayo", sambit niya at inalok ang kamay niya sa 'kin kaya, agad ko 'yung inabot. Lalad takbo ang ginawa namin dahil, malayo-layo pa ang classroom. Ang elevator naman is sobrang sikip. Ugh!

Ramdam ko ang mga titig ng mga students samin kaya medyo nailang ako. Wow Louisse, kelan ma pa natutong mailang sa mga titig ng students?

Pagka dating namin sa classroom ay, wala pa ang professor kaya nakahinga kami ng maluwag. Kinuha ko ang water bottle niya na may laman na tubig at binuhos sa mukha ni Primo,charot. Kinuha ko ang water bottle niya na may laman na tubig at ininom 'yun. Pagkatapos kong uminom ay siya naman. Para lang nag-kiss kami, char.

Nakikinig lang kami sa instructions ng professor para sa aming gagawin. By partner raw at expected, partner ko si Primo dito. Pwede rin, pang-habang buhay. Ang harot mo na Louisse!

"Uy, mag simula na raw tayo.", sambit ni Primo kaya napalingon ako at,

"Oh my God! Waah! So-orry! I'm so s-sorry! I didn't mean it!", sabi ko. Pag lingon ko kase, hindi ko naman alam na malapit ang mukha namin. Kasi ano,

MUNTIK KO SIYANG NAHALIKAN! Yeah, muntik lang. Sayang nga, eh.

"Huy, okay lang! Kalma, okay? Kalma lang. Baka mapagalitan tayo, neto.", sambit niya kaya kumalma narin ako. Nag simula na kami sa activity pero bumabagabag parin sakin ang nagyari kanina. Hindi naman siguro big deal yun kase, muntik lang naman.

So Louisse, 'wag kang oa.

Mabilis lang kami natapos at lunch break na. Inaya ako ni Primo kumain pero hindi ako sumama. Babalik pa kasi ako sa mansion dahil, may kukunin ako.

Nag-taxi lang ako pauwi dahil ayokong mag-hintay pa sa driver dito sa school. Habang nag-taxi ako ay naka-receive ako ng text sa Unknown Number

From: 0969*******

Where are you going?

Sa tanong niya palang, ay kilala ko na kung sino. Kaya niset ko nalang ang pangalan niya into 'Primo'

To: Primo

Sa mansion. May kukunin

lang. Bakit Primo?

From: Primo

Who's Primo? I'm not

Primo.

Natawa naman ako sa reply niya. Ulol, hindi mo ako ma-prank, Primo.

To: Primo

Weh? Shut up, Primotheus.

You can't fool me, lol.

From: Primo

Just tell me who's that

fcking Primo!

To: Primo

wao, galet na galet? usto

manaket? syempre, my one and

only bespren.

Natawa ako sa reply ko. Nako-kornihan ako sa 'my one and only bespren' hahaha.

From: Primo

Be serious. This is your

Dad, okay?

Nagulat ako sa sinabi niya. Bigla tuloy akong nawalan ng gana. Nag-change number pala siya. Okay, I don't fcking care, tss.

Inoff ko nalang ang cellphone ko at tamang-tama, nakadating na ako sa mansion. Pumasok na ako sa loob at hindi ko inexpect na namdito pa pala sina Mom at Dad.

"Hey, Loisa. Who's Primo? Your boyfriend?", my mom asked na para bang nagaasar. So, si dad talaga yun? Tss.

"Best friend nga diba? Tsk tsk", I said and rolled my eyes.

"Okay, okay. So, anong gagawin mo dito? You have class, right?", my dad asked.

"Yeah. Can you give me invitation card? I'll just invite Primo for my 18th birthday."

"U-uh sure sweetie. Ihahatid lang namin doon. May aasikasuhin pa kasi kami sa invitation mo.", my mom explained. I just nodded at aalis na sana pero bigla ulit nila akong tinawag.

"Ano complete name ni Primo?"

"Liligawan mo, dad?"

"Bastos ka talagang bata ka. Just give me his fcking complete name!", he said and I smirked.

"Primotheus Morales.", I answered at sumakay na sa kotse. Nag pahatid na ako at mabuti naman na hindi traffic.

"Uy Louisse! Eto oh, pagkain. Kumain kana.", bungad ni Primo. Agad ko namang kinuha ang pagkain at pumunta kami sa cafeteria para kumain.

Kumain na ako at nag daldalan kami. Nag thank you narin ako sa sa pagkain. Ang bait niya talaga. He's my type but not my crush. Hindi nga ba?

Mabilis lang ang oras at dismissal na. Sabay kaming lumabas ni Primo dahil sa parking lot rin siya patungo. Nandito na ang driver ko kaya agad ko siyang nilingon.

"Bye Primo. Bukas ulit.", sambit ko at pumasok na sa kotse. "Ma'am, 'yung invitation po.", biglang sabi nung driver at ngayon ko lang naalala. Agad na akong lumabas sa kotse at mabuti naman na nandito pa si Primo. Malayo-layo na nga lang.

"Primotheus!", I shouted. Mabuti naman at narinig niya. "Bakit Loisa Louisse?", sigaw niya pabalik.

Tumakbo na ako papunta sakanya at ibinigay ang invitation ko.

"Ano 'toh?"

"Invitation card. Punta ka ah? It's my 18th birthday, eh.", I said and smiled genuinely and he smiled back.

"Sure, I'll come. Thanks for inviting me, Louisse."

avataravatar
Next chapter