"Tayo lang dalawa?" bungad na tanong niya nang sumakay siya sa kotse ko. Sinundo ko siya sa kanila at ipinagpaalam na rin siya sa Mama niya, pumayag naman nang sinabi kong isa ako sa mga kaibigan ni MJ.
"Oo, kailangan ko kasi ang tulong mo, e," sagot ko saka ini-start ang makina.
"Ha? Ano bang bibilhin mo na kailangan ang tulong ko?" takang tanong niya habang kampanteng nakaupo sa passenger's seat sa tabi ko.
"Uhm, panregalo?"
"Huh? Bat parang di ka pa sigurado sa sagot mo?" aniya saka bumaling sa akin. "Tsaka, bakit ako? Lalaki ba 'yung reregaluhan mo? Da't alam mo na 'yun kung gano'n!"
"Babae kasi 'yung reregaluhan ko." Sagot ko sa kanya saka lumiko palabas ng village nila.
"HA?! E ba't ako ang sinama mo? Ba't di sina Maiko, si Riz o kaya Eliza ang sinama mo? Tangina! Anong alam ko sa pambabaeng bagay?" aniya saka kunot noong sumaldal.
Di ko alam kung ano pero, sa tuwing naririnig ko siyang nagmumura, parang di maiwasang mapakunot ang noo ko. Alam niyo kasi 'yung mura niya na napakalutong na kala mo may kaaway pero expression niya lang? Ako sa sarili ko, aminado akong napapamura din ako pero hindi kasing dalas at kasing lutong nung kanya. Kala mo tuloy laging galit.
"Kung makapagsalita ka naman parang di ka babae," sabi ko, "tsaka kaugali mo naman 'yung reregaluhan ko, e. Kaya ok lang na ikaw ang kasama ko." Sabi ko saka bumaling sa kanya at ngumiti. Napakamot naman siya ng ulo at isinuklob ang sombrero sa mukha niya.
~ ~ ~ ~
"Ano bang okasyon at reregaluhan mo 'yung babae?" tanong ni MJ. Nandito kami sa National Bookstore, nag iikot ikot. Napakamot naman ako sa ulo dahil hindi ko alam 'yung sasabihin ko. "Uhh... ano... wala. Trip ko lang siyang regaluhan?" alanganing sagot ko. Shiz! Ang hirap gumawa ng palusot!
Lumingon siya sa'kin na nakataas ang kilay. "Ayos ka ding mag-trip, 'no? Trip lang magbigay ng regalo?" natatawang sabi niya saka ipinagpatuloy ang paghahanap. Nasa section kami kung saan nakalagay sa mga shelves ang iba't ibang libro. Karaniwan English Novel. "Ay shit! Teka, pre, dun tayo sa wattpad books!" aniya saka nagtungo sa kabilang panig ng shelf.
'Nagbabasa siya ng mga librong wattpad?' nangingiting tanong ko sa sarili ko. Sinundan ko siya at nadatnang sinusuyod 'yung mga libro. May Pop Fic, PSICOM, LIB, PHR, Lifebooks at kung ano ano pa.
"Anong libro ba 'yung hinahanap mo?" tanong ko saka nakitingin na rin.
"Yung... yung ano... tangina ano bang libro 'yun? Ah! 'Yung BHO Series! Kay MsButterfly 'yun, e, tas 'yung Montello High! Ay shit talaga! Try mong magbasa, nakakalibang!" aniya saka hinugot 'yung isang libro. Napangiti naman ako. Sabi na, e. May soft side din siya.
Lumapit ako sa kanya at tiningnan 'yung librong hawak niya. Montello High 'yung title at ang kapal nung libro. Lumingon siya sa likod at doon naman hinanap 'yung isa pang sinasabi niya.
"Natatapos mo 'yung ganyan kakapal?" tanong ko habang pinapanood siya. Di kasi mawala 'yung ngiti niya habang tinitingnan 'yung mga libro. Kala mo nasa paraiso siya.
"Oo! 'pag wala akong ginagawa, kaya kong tapusin 'yan ng isang upuan!" pagmamalaki niya. Ngayon may hawak na siyang tatlong libro. Tiningnan ko 'yung mga 'yon at binasa ang title. "Bakit 'to isa lang? Series daw 'to ah?" tanong ko saka ipinakita sa kanya 'yung BHO Series 6, book 1.
"Hehe, kumpleto kasi ako niyan. Kada release, nakakabili ako agad. 'Yan 'yung latest na wala pa ako." Sabi niya saka nagtingin tinigin pa ng libro.
"E ano bang kwento nung isa mong hawak? 'Yung kay... jonaxx ba 'yan?" usisa ko sa kanya. Lumingon naman siya at pigil na ngumiti. "Eto? Mapapansin Kaya? Kwento 'to ni Reina Elizalde tsaka ni Wade 'Sexy' Rivas! Putcha! Nakakakilig din 'tong kwentong 'to, e!" aniya na mas ikinalawak ng ngiti ko.
Akalain mo ba naman na ang maton na si MJ, kinikilig sa mga Fictional Character sa libro? Haha! May discovery ako!
Nagtingin tingin pa siya ng mga libro at kumuha pa ng isa. Once Upon A Fishball naman 'yung title.
Napa-isip tuloy ako. Kung ganito ang epekto ng libro at wattpad sa kanya, di ako magdadalawang isip na subukan at magbasa. Dito manlang e, makalapit ako sa mundo niya. One step closer ika nga.
Nang ibaba niya sa counter 'yung mga libro at akmang maglalabas na ng pambayad, inunahan ko na siya. "Ako na," ngiti ko. Natulala naman siya saglit saka ngumiti. "Wow naman! Di ako tumatanggi sa libre!" aniya. "Salamat ah!"
"Welcome. Thank you ko na rin dahil sinamahan mo ako." Nakangiting saad ko.
Nang makalabas kami ng NBS at mailagay niya sa bag niya 'yung mga libro niya, hinarap niya ako. "Paano nga pala 'yung reregaluhan mo? Anong bibilhin mo sa kanya?"
Ngumiti ako at ginulo ang sombrero niya. "May idea na ako. Salamat sayo."
Nagkibit balikat naman siya at humalukipkip. "Edi ayos. May silbi naman pala ako."
Naglakad lakad kami at pumasok sa iba't iba pang shop. Blue Magic, Toy Kingdom, pati Hyper Market napagkatuwaan namin. Food trip dito, food trip doon, para sa'kin nga para na kaming nagde-date, e. And all in all e, mukhang enjoy din naman siya. Dahil ako, enjoy na enjoy kasama siya.
"Salamat sa libreng libro, Felix ah! Nakatipid ako dahil sayo! Haha!" aniya nang makababa sa tapat ng gate ng bahay nila.
"Wala 'yun. 'Kaw pa? malakas ka sa'kin, e." pabirong sabi ko. Pero totoo naman.
"Sige, una na 'ko. Salamat ulit!" aniya saka pumasok sa gate nila. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa makapasok siya sa loob. Grabe. Hindi siya 'yung babaeng kung pumorma e akala mo laging may fashion show, naka-masyadong pambabaeng get up with make-up and all, kung tutuusin nga kabaligtaran pa, e. Dahil ang pormahan niya e, maong pants na hindi fit, loose shirt na kala mo sa tatay niya at rubber shoes! Minsan nakakalito kung sino sa amin ang lalaki pero, wala e, isa 'yon sa mga bagay na gusto ko sa kanya.
"Konting pagbabago lang ang kailangan. Konting konti lang dahil gusto ko siya, kung sino at ano siya."
Matapos no'n ay pinaandar ko na ang kotse ko, na may ngiti sa labing parang walang balak mawala.