Hindi malubos maisip ng dalaga kung bakit bigla na lang niyang naipagkanulo ang kanyang sarili.
Huli na para bawiin pa niya ang lahat, nangyari na ang hindi niya inaasahan. Alam niyang darating din naman ang araw na ito na kailangan niyang aminin ang lahat lahat.
Subalit hindi lang niya inasahan na mangyayari pala ito ng mas maaga. Ngunit batid rin niyang kailangan na niyang harapin ito ngayon.
Subalit matatapos na rin ba ang kanyang pagpapanggap?
Ito na rin ba ang kanyang magiging kalayaan?
"Sino ka sabihin mo, may kinalalaman ka ba sa mga taong humahabol sa amin ha' sumagot ka?!" Malakas at may diin ang bawat salita na sigaw ni Joaquin. Halos mabingi na s'ya sa lakas ng boses nito.
Pero hindi niya agad nagawang makapagsalita, mababakas rin ang mabilis na pagkawala ng kulay sa kanyang mukha.
Dahil sa labis na kabiglaan tila dumadagondong ang tibok ng kanyang puso. Dahil sa sobrang kaba, hindi na niya alam kung ano ba ang una niyang sasabihin.
"Ano magsalita ka! Kaya ba bigla ka na lang nawala at hindi na nagpakita?!"
Nagulat pa siya ng bigla s'yang hawakan nito sa braso. Marahil upang siguraduhin na hindi s'ya makakatakas.
"JOAQUIN!"
"H'wag kang makikialam dito Kuya! Hayaan mong kaming dalawa muna ang mag-usap!"
"Hi-hindi ko alam ang sinasabi mo gusto ko lang malaman ang tungkol sa sakit n'ya!" Saad niya ng sa wakas ay makabawi.
Pinangatwiran niya ang sarili at pilit rin n'yang binabaklas ang braso sa pagkakahawak ni Joaquin.
"Ano bang pakialam mo? Kung gustuhin man namin na gawing pribado ang tungkol sa usaping iyon ay wala ka namang pakialam ah'. Kagaya rin nang ginawa mo kaming mga tanga sa pagbabalatkayo mo at ano ang motibo mo ha'?"
"Wala!" Mabilis na sagot niya.
"Wala? Oh' com'on... Hindi ba matagal ka nang may binabalak na masama sa kanya? Kaya nga siguro nagawa mo s'yang itulak sa pool ng huli tayong magkita, hindi ba? Pinabayaan mo nga lang s'ya, kahit alam mong hindi s'ya marunong lumangoy!"
"Hindi totoo 'yan!" Umiiling niyang pagtanggi...
Dahil hindi naman talaga 'yun ang intensyon n'ya alam n'yang marunong itong lumangoy kaya hindi ito malulunod. Kahit ilang beses pa niya itong itulak sa pool.
Saka hindi naman talaga n'ya 'yun ginawa. Dahil aksidente pa rin ang pagkahulog nito. Hindi niya ito tinulungan dahil alam niyang kaya nitong iligtas ang sarili.
Dahil mahusay naman talaga itong lumangoy. Bukod pa sa magulo rin ang utak niya ng mga oras na iyon. Dahil galit s'ya dito bilang si Angela. Ah' hindi, hindi pala galit s'ya dito bilang si Amanda!
"What, nagawa mo 'yun kay Angela?! Really Maru'? Ikaw ang tumulak sa kanya sa pool. Bakit hindi ko ito alam ha'?" Si Joseph ng marealized nito ang tinutukoy ni Joaquin.
"Because Angela's keep it up in silent Kuya. Dahil ayaw na niya ng gulo! Ang buong akala ko nga kaya nawala ang pusa. Dahil sa natakot na s'ya sa nasalubong niyang leon. Iyon pala'y nag-iba lang s'ya ng anyo or sad to say matagal na pala s'yang nag-iiba ng anyo ng hindi natin alam! Hindi ba Mandy?"
"Bakit mo ito nagawa, Maru'?! Ah' hindi pala sino ka nga ba, Maru' nga ba o Mandy, putang*** naman... Matagal mo na pala kaming niloloko! Sino ka ba talaga ha?!" Si Joseph na hindi na rin napigilan pa ang sarili na hindi magalit. Kaya't nag-alsa na ito ng boses.
Matagal na niya itong kasama pero hindi man lang n'ya nakahalata. Sobra ba s'yang naging bulag, tanga O dahil sobra s'yang nagtiwala?
Kahit pa kung minsan talaga namang nahahalata rin niya na para itong babae kung kumilos. Pero palagi n'yang iniisip na bata pa kasi ito kaya ito ganu'n. Kaya hindi n'ya ito pansin.
Pero iba na pala?
Paano ba kasi niya maiisip ang bagay na iyon? Kung ang tingin niya dito ay isang lalaki.
Ang kapal ng kilay nito ay para sa isang lalaki. Hindi niya alam kung paano nito iyon ginagawa at binabago.
Basta sa pagkakaalam niya maayos ang kilay nito bilang si Mandy. Hindi man ito kasing ganda ng kilay ni Angela.
Bukod pa sa lagi itong nagsusuot ng salamin, pero ngayon alam na niya ang dahilan. Ngayon lang din n'ya naalala ang sinabi ni Tita Madi na magaling itong magmake up, so ito na pala 'yun ang ginagawa nitong make up transformation sa sarili nito?
Magkaiba rin ang kulay ng mata nito bilang si Mandy, kahit batid niya na maaaring gumagamit ito ng contact lens na natural lang sa pagiging posturyosa nito.
Dahil ngayon lang n'ya nasiguro ang tunay na kulay ng mga mata nito ay katulad rin ng kulay ng mga mata ni Angela. Kung bakit ngayon lang niya ito napansin?
Ang kabuuan nito ay parang sa isang lalaki, kilos at porma.
Mabilis na pinasadahan pa ni Joseph ng tingin ang babae, mula ulo hanggang paa.
Habang napapailing at hindi makapaniwala sa nakikita ng kanyang mga mata.
Jesus! Paano nito nagagawang ipitin ang dibdib at palaparin na parang sa isang lalaki. Bulong niya sa sarili.
Sigurado siya na nahihirapan ito sa araw-araw na ginagawa iyon at tinitiis para lang patuloy na makapagpanggap.
Pero bakit niya ito ginagawa? Bulong pa nito sa sarili.
"Bakit mo ba ito ginagawa, ano ba talaga ang plano mo ha' at sino ka ba talaga, wala ka ba talagang alam sa pagkawala ni Angela?!"
Ulit na tanong ni Joseph sa kanya na lalong nagpawala ng kulay sa kanyang mukha ng mga oras na iyon.
Para bang tila gusto na rin s'ya nitong pagdudahan sa pagkawala ni Angela. Pero hindi naman niya ito sinasadya...
"Magsalita ka na! H'wag na h'wag kang magsisinungaling kung ayaw mong pilipitin ko 'yang leeg mo!" Dagdag na wika pa ni Joaquin.
Halos hindi n'ya alam kung sino ba sa dalawang ito ang mas higit na dapat niyang katakutan?
Basta ang alam niya parehas lang sila na dapat niyang pangilagan.
"Ma-magsasabi naman ako ng totoo, pero p'wede bang bitiwan mo muna ako?!" Pilit n'yang iwinawaksi ang braso at pilit rin na kumakawala sa pagkakahawak ni Joaquin.
Ngunit sa bawat kilos niya lalo lang humihigpit ang hawak nito.
"Joaquin, bitiwan mo na s'ya ano ba? Nasasaktan n'yo na s'ya huminahon kayo hayaan n'yo muna s'yang magpaliwanag! Sige na hija magpaliwanag ka..." Si Liandro na nais pa s'yang bigyan ng pagkakataon.
Ngunit tulad ng kanyang mga anak may pagdududa rin s'ya sa babae at ang totoo lihim na niya itong piniimbistigahan nitong huli.
Ang huling balita sa kanya ng taong inutusan niya ay madalas itong pumupunta sa Resort at mula doon bigla na lang itong nawawala at hindi na nakikita.
Ngayon parang nahihimigan na niya kung bakit? Marahil doon nito binabago ang sarili.
Kaya pala minsan na rin itong nakita ng tao niya na pumunta sa bahay ni Armando. Pero bigla daw itong nawala doon at hindi na rin nakita. Tinanong din niya si Armando kung kilala nito ng personal si Maru' pero itinanggi nito iyon.
Pero nahihimigan niya na mayroon itong nalalaman na hindi masabi sa kanya. Kahit noon pa naman duda na s'ya sa kasarian ni Maru' madalas pakiramdam n'ya isa itong babae. Kaya nga kung minsan nagkakamali s'ya sa pagtawag dito.
Pero madalas din naiisip niya na isa itong binabae, lalo na kapag nahuhuli niya itong nakatingin kay Joseph.
Dahil nararamdaman niya na may pagtingin ito sa kanyang anak. Napapansin rin niya na sobrang nagiging malapit ito kay Joseph at ganu'n din si Joseph dito.
Kinakabahan na s'ya tungkol sa bagay na iyon. Kahit kailan naman hindi niya kinukwestiyon ang kasarian ng isang tao o diniscriminate ito.
Katulad rin ni Armando na kahit nagpalit pa ito ng kasarian. Hindi nagbago ang pagtingin niya rito. Bilang isang matalik na kaibigan na parang kapatid.
Ngunit hindi maaaring pati ang anak niyang si Joseph ay matulad dito! Hindi pwede, hindi ako papayag anak ko s'ya at hindi iyon magbabago. Ito ang laging tumatakbo sa isip n'ya nitong huli.
Kaya nga tinulungan na niya ito at minadali na rin n'ya ang Engagement nito kay Angela.
Dahil natatakot s'ya sa isang bagay na posible namang hindi mangyari. Inakala rin n'ya na hindi ganu'n kaseryoso ang ugnayan ni Joaquin at Angela at madali lang malilimutan ng mga ito ang isa't-isa.
Nagkamali na s'ya kaya't hindi na s'ya maaaring magkamali pa ulit.
Matagal-tagal na rin ito sa poder nila pero wala pa naman s'yang alam na ginawa nitong masama maliban na lang sa natuklasan nila ngayon...
"Maaari bang hayaan na muna natin s'yang magpaliwanag kahit ngayon lang...?"
"Para ano pa Papa, mahusay s'yang magkunwari at saka baka tumakas lang ang isang ito at magkaila." Dagdag pa ni Joaquin.
"Hindi nga ako tatakas hindi ko na gagawin 'yun! Dahil marami rin akong gustong malaman tungkol sa kanya."
"Sinungaling!"
"Joaquin!"
"Anong dahilan para maniwala kami sa'yo ha'!" Malakas na ulit nitong sigaw.
Dahil malakas ang pakiramdam nito na may kinalalaman ang dalaga sa mga humahabol sa kanila.
"DAHIL MAGKAPATID KAMI, MAGKAPATID KAMING DALAWA NI AMANDA!"
"What! A-anong sabi mo?" Tila nabingi si Joaquin sa narinig.
Bigla tuloy nitong nabitiwan ang dalaga at napahagud sa sariling buhok at ulo nito.
"Ano?" Napanganga naman si Joseph at hindi makapaniwala.
Si Liandro na nabigla rin subalit unang nakabawi...
"Hija linawin mo nga ang sinasabi mo, paanong... Matagal mo na ba itong alam?" Halos hindi nito malaman kung ano ba ang uunahing itanong?
"Sir, totoo po ang sinasabi ko hindi po ako nagsisinungaling magkapatid po talaga kami."
Sinimulan na n'yang tanggalin ang kanyang salamin sa mata at tanggalin ang ekstrang kilay. Hanggang lumitaw ang mukha ni Mandy na walang make-up.
Lumitaw rin sa itsura nito ngayon ang tunay na idad nito.
Ang pagkakaiba lang maiksi na ngayon ang buhok nito. Hindi katulad ng Mandy na nakilala nila dati. Ang Mandy na may mahaba, makintab at magandang buhok.
"Mas mabuti kung sa loob na tayo mag-uusap. H'wag dito, sige na hija pumasok tayo sa loob."
Nang alalayan ni Liandro si Amara at igiya papasok sa loob ng kabahayan. Wala nang nagawa pa si Joaquin at Joseph kun'di sumunod na lang sa mga ito sa loob.
___
"Ngayon magpaliwanag ka na... Siguraduhin mo lang na totoo lahat ng sasabihin mo. Dahil ngayon ka lang namin bibigyan ng pagkakataon!" Hindi pa rin ganap na naniniwala si Joaquin, dahil naroon pa rin kasi ang pagdududa nito.
"Nagsasabi talaga ako ng totoo, wala ng dahilan para maglihim pa ako sa inyo. Kilala n'yo na ako ngayon, ano pa ba ang itatago ko wala na?"
"Ang tanong namin ang sagutin mo, bakit kailangan mo itong gawin at bakit kailangan mo kaming lokohin?"
"Hindi ko kayo gustong lokohin, nagkataon lang na kailangan ko itong gawin!"
Humangga ang tingin niya kay Joseph na nakaupo lang sa isang tabi. Habang nakayuko at hawak ang ulo, ngunit alam niya na nakikinig pa rin ito sa kanila.
"Kailangan mong gawin at bakit naman?" Si Joaquin ulit, daig pa nito ang isang imbestigador na kasalukuyang nag-iinterogate sa kanya ng mga oras iyon... "At saka ano nga 'yung sinabi mong pangalan kanina, Amanda? Hindi ba ikaw si Amanda niloloko mo ba kami? Yun ang pakilala mo sa akin sa amin hindi ba, ano to ha' lokohan?" Dagdag pa nito ng maalala nito ang nakaraan niyang pagpapakilala dito.
"Hindi, hindi ako nanloloko siya talaga ang totoong Amanda at ako si Amara!"
Doon na napaangat ng mukha si Joseph at diretsong tumingin sa kanya...
Hanggang sa magtagpo ang kanilang paningin. Saglit pa silang nagkatitigan, hanggang sa s'ya rin ang unang nagbawi ng tingin. Kung ano man ang nasa isip nila pareho ng mga oras na iyon. Tanging sila lang dalawa ang nakakaalam?
"Magkapatid kami nagkahiwalay lang kami noon, halos anim na taon na rin ang nakakaraan. Mula ng umalis s'ya sa Cebu wala na kaming balita sa kanya. Ang huling balita lang namin sa kanya noong makabalik s'ya ng Pilipinas ng manggaling s'ya ng Thailand. Dahil kasali s'ya sa team na ipinadala ng school namin sa Thailand para sa swimming competition. Ang nais ng Mamang magpaiwan s'ya sa Maynila. Para hanapin ang mga kamag-anak ng Papang. Hanggang sa mawalan na kami ng balita sa kanya at saka hindi na rin s'ya bumalik!"
Saglit na nag-ulap ang kanyang mga mata na unti-unti ring nauwi sa pagkalaglag ng mga luha.
Tila ba nagbabalik sa kanyang pakiramdam ang sakit, ang lahat ng sakit na nararamdaman niya noon hanggang ngayon.
Nararamdaman pa rin niya ang sakit na hindi na yata mawawala.
"Bakit hindi ka nagsalita hija, bakit mo ito itinago? Alam ba ito ni Armando?"
"Hindi, wala po s'yang alam dito. Madalas po niya akong tanungin pero kahit kailan hindi n'ya ako pinilit magsalita. Dahil siguro matagal na rin po kaming magkakilala kaya't tiwala na s'ya sa'kin. Siya po ang tumutulong sa akin mula pa noon at hanggang ngayon."
"Pero niloko mo rin s'ya! Ang dami mong pagkakataon para magsabi sa kanila pero hindi mo ginawa o sana kahit kinausap mo man lang si Angela para nalaman niya at baka nakilala ka pa niya!"
"Yun na nga dapat nakilala niya ako, dahil kapatid niya ako pero hindi! Galit ako sa kanya kasi pinabayaan na niya kami. Ang sabi n'ya, ang sabi n'ya babalik s'ya, babalikan n'ya kami ng Mamang! Pero hindi na s'ya bumalik kinalimutan na niya kami. Hindi n'ya alam kung gaano kami nahirapan ng Mamang."
"Bakit hindi mo man lang sinubukang tanungin s'ya kung bakit hindi na s'ya nakabalik?"
"Para ano pa, nakikita ko naman kung gaano s'ya kasaya dito? Kung gaano s'ya kasaya habang nagpapanggap bilang si Angela. Ang sabi n'ya babalik s'ya kahit hindi pa n'ya makita ang mga kamag-anak ng Papang. Nangako siya babalik s'ya susunduin niya kami at isasama ng Maynila. Halos araw-araw naghihintay ako sa pagbabalik n'ya umaasa na isang araw darating din siya. Pero wala, hindi na s'ya bumalik at nagpakita." Saglit s'yang huminto upang hamigin ang sarili at upang saglit na huminga.
Habang patuloy sa pag-agos ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi na niya alintana kahit hilam na ang kanyang mga mata.
"Hindi mo naiintindihan!"
"Ano pa ba ang hindi ko naiintindihan ha'? Pagkatapos ng lahat ng ginawa ni Mamang sa kanya, iniligtas at inilayo s'ya ng Mamang. Para 'yun sa kabutihan n'ya iyon ang palaging sinasabi ng Mamang. Palagi na lang para sa kabutihan n'ya ang iniisip ng Mamang. Dahil 'yun din ang gusto ng Papang, palagi na lang si Ate Amanda ang iniisip nila at ako lagi nilang nakakalimutan. Ako ang anak ng Papang pero si Amanda pa rin ang gusto n'yang anak! Palagi na lang si Amanda, kahit patay na s'ya si Amanda pa rin ang mahalaga sa kanila. Pero okay lang naman, kasi kapatid ko naman talaga s'ya mahal ko siya at alam ko babalik s'ya. Pero umasa lang pala ako at naghintay sa wala. Dahil ang buong akala ko babalikan n'ya kami! Pero hindi na s'ya bumalik, hindi n'ya tinupad ang pangako niya. Ang sama sama niya sinungaling s'ya! Galit na galit ako sa kanya dahil pinabayaan niya kami!" Sigaw ng dalaga na punong-puno ng sama ng loob.
Gustong lumabas ng lahat ng sama ng loob na matagal na ring nakatago lang sa kanyang dibdib. Tila ba ngayon lang ito nakakita ng pagkakataon na lumabas...
"Hija huminahon ka sa palagay ko marami kang hindi nalalaman at dapat na maintindihan." Si Liandro na tinangka sanang magpaliwanag.
Ngunit tila hindi ito sapat upang makinig ang dalaga...
"Kahit na ano pa ang paliwanag ang sasabihin niya kasalanan pa rin niya ang lahat. Hindi sana mamamatay ang Mamang kung bumalik lang s'ya agad. Kung bumalik lang s'ya hindi sana ako madudurusa ng ganito at hindi ko kailangang magpanggap! Pero dahil wala s'ya kaya kinailangan kong magpanggap at mabuhay sa takot... Dahil pinabayaan n'ya kami. Pero ang hindi ko lang maintindihan kahit pa noong mamatay ang Mamang siya pa rin ang gusto nitong protektahan. Hanggang sa huli, tulad din ng Papang ko... Pagkatapos ano? Malalaman ko na lang na narito lang pala s'ya at nagpapakasaya!"
"Hush! Hija sa tingin ko kailangan mo munang makinig sa sasabihin ko!" Hindi na nakatiis pa si Liandro tulayan na itong lumapit sa dalaga at saka ito niyakap.
Upang pakalmahin ito ng kahit paano mabawasan ang bigat na dinadala nito sa dibdib. Naaawa man s'ya sa dalaga ngunit batid niya na nangyari na ang lahat at wala na s'yang magagawa pa...
Habang si Joaquin at Joseph naman ay yukong yuko habang nakasalo ang mga kamay sa ulo at labis rin ang panlulumo.
Pareho lang silang nawalan ng kibo at hindi alam ang sasabihin. Matapos nilang marinig ang mga sinabi ng dalaga. Hindi pa rin sila makapaniwala, ngunit tila nais nilang magsisi sa ginawang kagaspangan dito nitong huli. Lalo na't pareho na nilang alam ngayon na kapatid pala ito ni Angela.
Habang si Amara walang tigil sa pag-iyak matapos na masabi ang lahat...
Kung tutuusin kulang pa ang mga sinabi niya marami pa s'yang gustong sabihin. Ngunit sapat na ito para kahit paano mabawasan ang bigat at sakit sa kanyang dibdib.
Ilang segundo pa ang lumipas sa walang patid pa rin n'yang pag-iyak.
Inabutan na s'ya ng panyo ni Joseph ngunit saglit pa s'yang nag-atubili.
Subalit ng ito na mismo ang magpahid ng kanyang mukha. Napilitan na rin s'yang kunin ito.
"Hija makinig ka, kailangan mong marinig ang lahat ng sasabihin ko. Pagkatapos saka natin pag-usapan ang nais mong gawin, maaari ba?" Mungkahi na ni Liandro sa dalaga ng masiguro nito na kalmado na ito.
Tango naman ang isinagot niya dito.
"Kagaya ng sinabi ko marami kang dapat malaman tungkol sa kapatid mo kay Angela o kay Amanda. Dahil hindi s'ya kasing sama ng iniisip mo, hindi lang talaga kayo nagkakaintindihan hija. Kung nalaman lang sana namin ito agad sana hindi na umabot sa ganito ang lahat? Hindi na rin siguro kami maglilihim sa'yo lalo na't alam na namin na magkapatid pala kayo."
"A-ano pong ibig n'yong sabihin?"
"Dahil hindi n'ya sinasadyang makalimutan kayo, ikaw hindi n'ya sinadyang hindi makilala. Dahil ang totoo hindi ka na n'ya talaga nakikilala o naaalala. Dahil may sakit s'ya, sakit na nakapagpalimot sa kanya sa nakaraan at pagkakilanlan sa kanyang sarili. Mayroon siyang sakit na Amnesia hija!"
"Amnesia? Hindi ko po kayo maintindihan, a-ano pong Amnesia?"
"Isa itong sakit na..."
"Alam ko po ang ibig sabihin ng sakit na Amnesia. Ang ibig ko pong sabihin normal s'ya at saka paano po s'ya magkakasakit?"
"Yes, normal s'yang tingnan at parang walang sakit. Pero sa kabila ng lahat ng ito wala na s'yang naaalala pa sa kanyang nakaraan. Hindi na niya naalala pa ang tungkol sa kanyang sarili o kahit pa ang kanyang pangalan. Hindi na niya kayo naaalala hija, kaya hindi ka niya nakilala noon muli kayong magkita. Bukod pa sa sadyang inilihim namin ang tungkol sa sakit n'ya kahit ang ibang nakakaalam nito ay pinagbawalan naming magsalita sa iba. Kung kaya't hindi mo na rin nalaman ang tungkol dito."
"Hindi totoo 'yan... Wala naman s'yang sakit ng umalis s'ya!"
"Dahil marahil nangyari ang aksidente ng narito na s'ya sa Maynila man o dito mismo sa Batangas? Hindi rin namin alam kung ano ang nangyari sa kanya noon. Dahil natagpuan na lang s'ya ng mga tao sa Resort na walang malay at halos wala na ring buhay. Mahigit limang taon na rin ang nakalipas. Mabuti na lang nadala agad s'ya sa Ospital bago pa man mahuli ang lahat. Subalit hindi naging madali ang lahat. Hindi rin maganda ang kanyang kalagayan. Nawalan ng oxygen ang kanyang utak at tanging puso na lang niya ang lumalaban mahigit sa isang buwan rin s'yang nacomatose. Ngunit patuloy pa rin s'yang lumalaban, kaya naman patuloy ko pa rin s'yang pinanatili sa Ospital. Kahit pa hindi kami sigurado kung magkakamalay pa s'ya? Hanggang isang araw isang himala na bigla na lang s'yang nagising. Ngayon alam ko na kung bakit? Dahil marahil alam niya o nararamdaman niyang may kailangan pa s'yang balikan. Pero ng magkamalay s'ya wala na s'yang naaalala. Ngunit ang mahalaga naman buhay pa rin s'ya pagkatapos ng lahat ng nangyari. Ang totoo ng magising s'ya noon ang pakiramdam ko nabuhay ulit ang panganay kong anak. Dahil wala s'yang maalala noon at wala na rin akong maisip pang magandang paraan para magkaroon s'ya ng pangalan. Kaya ipinangalan ko s'ya kay Angeline sa pangalan ng namatay kong anak. Kaya sana naman hija naiintindihan mo na ngayon. Kung bakit hindi n'ya kayo nagawang balikan noon?"
"Kailangan ko po s'yang makita agad, Sir tulungan n'yo po akong hanapin ang kapatid ko. Parang awa n'yo na Sir kailangan ko po s'yang makita agad! Dahil nasa panganib ang buhay n'ya ngayon! Hindi s'ya maaaring gumala kung saan. Hindi sila maaaring magkita, hindi n'ya p'wedeng makita si Ate Amanda!"
"Hija huminahon ka ginagawa na namin ang lahat para makita s'ya kahit hindi mo pa sabihin. Iyan talaga ang gagawin namin!"
"Hindi n'yo po naiintindihan, dapat natin s'yang makita agad!"
"Sandali ano ba ang ibig mong sabihin na nasa panganib ang buhay n'ya h'wag mong sabihin na totoo ang hinala ko?"
"Hindi ko sinasadya, hindi ko alam na ganito ang mangyayari hindi ko na rin p'wedeng bawiin ang sitwasyon ko. Pero hindi ko naman gustong may masamang mangyari sa kanya. Makakasira sa mga plano ko kapag sinabi ko ang totoo, hindi pa p'wede ngayon! Kaya kailangan ko s'yang makita agad. Hahanapin ko sya!" Tatalikod na sana si Amara ngunit mabilis s'yang napigilan ni Joaquin.
"Sandali saan ka pupunta, anong gagawin mo?! Saka sagutin mo nga ako, 'yung mga humabol sa amin kilala mo ba sila?"
"Hindi ko sila kilala maniwala ka, hindi rin ako sigurado. Pero may hinala ako na mga tauhan sila ni Anselmo. Dahil maaaring pinapahanap na niya ngayon si Ate Amanda!"
"A-ANO, SINONG ANSELMO SABIHIN MO SINO S'YA...?!"
"SI, SI ANSELMO S'YA ANG, ANG AMA NI ATE AMANDA!"
"ANO?!"
*****
By: LadyGem25
Hello guys,
Narito na po ulit ang bago nating update, sana masulit nito ang inyong pagbabasa.
Hinabaan ko na ang chapter na ito para sulit din ang inyong paghihintay.
Again...
Maraming salamat ulit sa inyong suporta! Sana h'wag n'yo ring kalimutan ang mga sumunod...
VOTES, COMMENTS, REVIEWS AND PLS RATES MY STORY GUYS!!
BE SAFE EVERYONE AND GOD BLESS SA ATING LAHAT...
SALAMUCH!
MG'25 (11-30-20)