webnovel

Mary Angeline Alquiza

PAGKALIPAS NG LIMANG TAON..

"Hindi! Hindi nila ako dapat maabutan."

"Papatayin nila ako"

"Diyos ko tulungan n'yo po ako!"

Hah!

Hah!

Hah!

Kailangan ko pang bilisan, ang pagtakbo..

Takbo..!

Takbo..!

Malapit na sila..

Naririnig ko na ang kanilang mga yabag.

Palapit na sila ng palapit..

Hindi!

Ito na ba ang katapusan ko!

Hindi ito maaari! Diyos ko po!!

Bakiiit?

Bang! ! !

Arrgh! Hindiiiiiiii!

Huh! Hindi nasa gilid ako ng bangin..

Mahuhulog ako!

Ahhhhhhhh!

________

"Mama! Mama gising.. Mama ko!"

"Ahhh!" Huh! Panaginip isa na namang masamang panaginip.

"Mama' nanaginip ka ba ulit?" Tanong ng kaniyang anak, sanay na rin ito sa kanya. Dahil hindi lang naman ngayon siya nanaginip ng ganito.

Sa limang taong nakalipas, maraming beses na.

"VJ! Anak ko.." Niyakap niya ito ng mahigpit, dahil dito siya kumukuha ng lakas sa bawat umagang gumigising siya. Pagkatapos ng isang masamang panaginip.

"Mama! Nandito na ako huwag ka na umiyak, hindi kita iiwan.. Dito lang ako sa tabi mo." Mga katagang pumupuno ng kaligayahan sa puso niya. Mula sa isang paslit na naging bahagi ng buhay niya sa loob ng limang taon sa bahay na ito.

"Good morning! Hey! Hey! May problema ba? Bakit nagdadrama pa yata kayong mag-ina?" Sabay silang napalingon ni VJ sa pinto. Si Joseph ang acting brother at bestfriend niya in one.

"Si Mama tito Joseph, sisigaw na naman siya kanina." Agad na sumbong ng anak ko.

"Bad dreams again? Iniinom mo ba 'yong gamot mo." Joseph ask me with a concern feelings.

"Oo naman, Okay lang ako huwag kang mag-alala. Saka nandito naman palagi ang baby ko, kaya okay na ako." Muli niyang niyakap si VJ na gumanti rin ng yakap sa kanya. Ang mahal niyang anak na ubod ng lambing. Then she heard Joseph sighed.

"Paano kapag umalis ka, mag-isa ka lang doon kaya mo ba talaga?" Tanong niya ulit sa akin sa tonong nag-aalala.

"Kaya ko naman, sayang 'yon kung palalagpasin ko. Mas makakatulong 'yon sa akin. Marami akong matutunan doon. Ayoko namang umalis talaga! Mamimiss ko kaya itong baby VJ ko. Kung pwede lang isama itong makulit na'to." Sabay pindot sa maliit na ilong ng gwapo niyang anak na kamukha daw ng Daddy nito.

"Mama hindi ba ako talaga pwedeng sumama?" Sandaling napatingin pa siya kay Joseph, bago ito sinagot.

"Anak! Gustong-gusto kitang isama, kaya lang hindi pwede kasi mag-aaral ako doon. Magkikita at mag-uusap naman tayo palagi sa video call di ba?" Paliwanag niya dito, alam niya maiintindihan siya ni VJ. Matalino ang bata kahit s'ya napapabilib nito.

"Tama si Mama mo, mag-aaral siya at hindi pwede ang bata doon. Pag-uwi ni Mama mo, magtatayo na siya ng Bakeshop at gagawa ng maraming cupcakes." Dagdag pang paliwanag ni Joseph sa makulit niyang anak.

"Sige hindi na ako mangungulit, sabi naman ni lolo pag-uwi ni Mama pupunta kami sa Disneyland. Kasama si Mama, mamasyal kami." Masaya nitong pahayag na pinagdikit pa ang kamay habang lumulundag. Parang kailan lang baby pa ito ngayon maglilimang taong gulang na, buti na lang makakauwi na siya bago pa ito magkaarawan.

"Aba! Kasama ako diyan ha?" Joseph said.

"Nasaan pala si lolo mo?" Bigla kong naalalang itanong.

"Nasa farm, nakalimutan mo ba? Sabado ngayon sa farm tayo mag-aalmusal." Paalala ni Joseph.

"Oo nga pala nakalimutan ko. Sandali nga, hintayin niyo ako magbibihis na lang ako!" Muntik na niyang makalimutan sa farm nga pala sila nag-aalmusal tuwing sabado kasalo ang mga trabahador.

Papasok na ako ng banyo, nang muling magsalita si Joseph.

"Sa ibaba' na kami maghihintay okay?"

"Okay!"

"Mama bilisan mo ha!"

"Opo!" Biro pa niya dito at nagsimula ng mag-ayos ng sarili.

Naghilamos lang siya at nag-toothbrush, agad na rin siyang nagbihis. Isang bulaklaking bestida na kulay peach at lagpas tuhod ang haba ang napili niyang isuot. Tumingin muna siya sa alarm clock sa side table ng kama 6:30 na ng umaga. Hindi pa naman huli para sa almusal. Pagkatapos magbihis bumaba na rin siya agad. Habang pababa ng hagdan hindi niya naiwasang isipin, ang mga kaganapan sa kanyang buhay..

Siya na ngayon si Mary Angeline Alquiza, panganay na anak ni Liandro at Adriana Alquiza. Dito sila nakatira sa San Luis Batangas. Siya ang tumatayong ina ni Vincent Jared Alquiza. Ang maglilimang taong gulang niyang anak. Kasalukuyan din siyang nag-aaral sa Saint Louise University, dito rin sa Batangas. Graduating sa kursong HRM. Ito ang pagkilala ng lahat sa kanya sa nakalipas na limang taon. Kahit batid pa ng lahat ang tunay niyang pinagmulan.

Dahil naman sa magandang performance niya sa school. Isa siya sa napiling kumuha ng on the job training(OJT) sa abroad.

Dahil sila rin ang pipili ng lugar. Pinili ng Daddy niya na gawin ang training sa isang Hotel sa San Marco Venice, Italy at bukas na ang flight niya.

Wala na siguro siyang mahihiling pa.. Nasa kanya na ang lahat pera, edukasyon, pamilya at magandang buhay. Pero hanggang kailan? Paano kung isang araw mawala ang lahat, magbago bumalik sa dati? Ito ang buhay na hindi naman talaga para sa kanya.

Sino ba ang makapagsasabi na hindi siya kabilang sa pamilya sa pananamit, kilos at pananalita. Lahat ito inaral niya. Para lang masanay sa buhay na ito.

Labis niyang ipinagpapasalamat ang lahat. Dahil kung hindi sa pamilyang ito wala siyang pagkakilalan. Naging napakabuti nila sa kanya sa loob ng limang taon hindi siya itinuring na iba. Napakasaya niya sa bawat araw ng pananatili niya dito. Kung pwede nga lang sana.. Huwag ng matapos ang lahat. Kung panaginip ito sana hindi na siya magising pa. Pero alam niyang isang araw kailangan niyang bumalik kung saan siya nagmula.

Kung kailan mangyayari ang araw na iyon. Ayaw muna niyang isipin. Bahala na ang bukas. Sinungaling siya kung sasabihin niyang hindi niya gusto ang lahat ng ito. Hindi siya ipokrita para tumanggi. Dahil ang totoo gusto niya ito. Kahit alam niyang maaring mawala ang lahat at magbago.

Pagbaba niya ng hagdan nakita niya si Joseph at VJ na tila naiinip na sa paghihintay.

"Yehey! Tapos na si Mama!" Patakbong salubong sa kanya ni VJ na tumatalon pa sa tuwa ng makita siyang nasa ibaba na.

"Paano let's go na?" Si Joseph na nakangiti pa rin. Hay! Buti na lang matiyaga silang maghintay. Sino ba ang hindi gugustuhin ito. Anong pamilya kaya meron ako dati? Tanong niya sa sarili. Ah, hindi ko talaga maalala..

After a minute, agad na rin silang umalis.

Pagdating nila sa Farm. Naghihintay na ang lahat. Sandaling inilibot muna niya ang paningin sa paligid. Nakahanda na ang lahat, sa ilalim ng mga puno nakalagay ang isang pahabang mesa na puno ng iba't ibang klase ng pagkain na boodle fight ang style. Narito na rin ang lahat ng trabahador at si Papa Liandro.

Patakbo itong nilapitan ni VJ at niyakap.

"Lolo! Nandito na kami.. Magandang umaga po." Masayang pagbati ni VJ sa kanyang abuelo.

Ang lugar na ito ang naging buhay niya.  Ang farm, ang plantasyon, ang mga tao, ang Resort at ang bahay. Dito umikot ang buhay n'ya sa loob ng limang taon, ngayon lang siya malalayo sa lugar na ito. Kaya naman may konting kaba siyang nararamdaman.

Sa malawak na lupaing ito ng mga Alquiza, muli siyang nabuhay. Kinupkop siya  ni Liandro, matapos siyang matagpuan na halos wala nang buhay sa tabing dagat sa loob ng Resort na pagaari ng pamilya. Si Liandro ang tumulong at nag-alaga sa kanya.

Sabi nila tatlong linggo daw siyang comatose at hindi agad nagkamalay. Nang magising wala na siyang maalalang ano man..

Maging ang kanyang pangalan.

Hanggang lumipas ang mga araw tuluyan na siyang ipinagsama sa bahay.

"Oh! Iha bakit ngayon lang kayo?" Bungad na tanong ni Liandro sa kanya ng makalapit na sila.

"Good morning po, pasensya na hindi ako agad nagising. Hindi ko po namalayan ang oras." Agad niyang paliwanag. Kasabay ng paghalik niya sa pisngi nito.

"Good morning Pà, ang aga n'yo umalis kanina." Si Joseph na humalik at umakbay kay Liandro.

"Lolo nanaginip ulit si Mama, sisigaw ulit siya kanina." Biglang singit ni VJ.

"Ha! Bakit anong nangyari?" Tanong nito na nag-aalala sabay lingon nito kay Angela.

"Ok lang po ako Pà, huwag na po kayong mag-aalala." Agad niyang sagot, ayaw niyang mag-aalala pa ito.

"Sigurado ka ba iha? Bukas na ang alis mo, kung sumama na lang kaya kami sayo." Sabi pa nito.

"Papa naman h'wag na po kayo mag-alala sa akin, kaya ko naman.. Kapag umalis tayo sino na maiiwan at mag-aasikaso sa lahat? Malapit na ang anihan, nag-aalala nga din ako sa inyo. Mag-isa lang kayong mag-aasikaso sa lahat at mag-aalaga kay VJ." Sabi niya, marami kasing dapat asikasuhin dito. Kapag umalis siya si Liandro at si VJ lang ang maiiwan. Siguradong mapapagod ang kanyang Papa. Si Joseph naman hindi pwedeng mag-stay dito. Dahil sa klase ng trabaho nito, palipat-lipat kasi ito ng lugar.

"Gusto mo ba ako na lang ang sumama sayo?" Tanong ni Joseph na ngumiti pa ng nakakaloko. Madalas siyang magbiro at magparamdam moves. Hindi niya lang alam kung seryoso talaga ito. Brother and sister kasi ang turingan nila. Kahit kailan hindi ito nagtake advantage sa kanya. Siguro dahil na rin nirerespeto siya nito.

Ang totoo kahit napaka gwapo nito sa paningin niya. Matangkad, maganda ang mata na medyo singkit. May manipis at mapulang labi. At higit sa lahat may katawan na pinagpala.

Hindi pa rin niya ito maramdaman. Mas gusto niyang maging tunay itong kapatid kung pwede lang sana..

"Oh! Napatulala ka nanaman sa kag'wapuhan ko. Siguro may crush ka sa akin no?" Biro pa ni Joseph na lalo pang lumiit ang mata sa pagkakangiti.

"Ano ka? Hindi uy! Assuming ka talaga!hahaha.." Ganting biro ko.

"Hmmm.. Aminin, wala namang kulong 'yon. If I know kinikilig ka palagi kapag nakikita mo na ang kamachohan ko." Mayabang pa nito ipinakita ang masel nito sa braso.

"Hala! May tama ka na.. Papa oh? Napapraning na si Joseph." Kunwa'y tawag niya kay Liandro sa nagbibirong tono.

"Sagutin mo na kasi para mapakasal ko na kayo." Sagot ni Liandro na nakangiti. Kahit alam niyang hindi ito tutol nagulat pa rin siya.

"Papa!" Sagot niya na namamangha! Gugustuhin ba talaga nito na siya'y maging manugang?

"Hahaha! Akala mo hindi ako kakampihan ni Papa ha!" Si Joseph ng biglang..

"Yehey! Magpapakasal na si Mama ko at tito Joseph. Mama! Ako ang ring bearer ha?" Singit ni VJ na nakikinig pala sa amin.

"Ay! Mam bagay na bagay po kayo ni sir Joseph." Singit ng isang trabahadora na nakisali sa usapan. Halatang kinikilig pa.

"Oo nga po mam!" Sabi ng isang trabahador na nakisali na rin. Hanggang sa sunod sunod na makisali ang iba pa na nagkakatuwaan.

"Paano ba 'yan mahal? Boto na silang lahat sa akin ikaw na lang ang kulang." Pabiro pa siyang inakbayan ni Joseph. Dahilan para lalong mag-ingay ang lahat na nauwi pa sa palakpakan. Pati si VJ at ang mga batang naroon ay nakipalakpak na rin.

Hindi niya alam kung ano ang kaniyang sasabihin. Ang sarap sa pakiramdam 'yon alam mo na tanggap ka ng lahat. Hindi niya tuloy napigilan ang mapaiyak. Naramdaman na lang niya ang mahigpit na yakap ni Joseph.

"Buti pa kumain na tayo at baka bumaha pa dito." Salo ni Liandro kaya tuluyan na siyang napangiti.

Hanggang sa matapos ang salo-salo na napuno ng kasayahan.

______

Hanggang sa lumipas ang oras at nagpasya silang umuwi. Naiwan si Liandro, dahil marami pa daw itong aayusin. Si Joseph naman ay nagpaalam na pupunta ng bayan. Pagkahatid sa kanila sa bahay agad na rin itong umalis. Si VJ naman ay naglaro muna sa playground kasama ng yaya.

Tuloy-tuloy na siyang pumasok sa kabahayan. Para mag-ayos ng gamit na dadalhin, alas 3:00 naman ng hapon ang flight nila bukas kasabay ng dalawa niyang kaklase.

Papanhik na sana siya ng hagdan ng marinig na tumunog ang telepono sa sala. Sandali siyang luminga sa paligid. Para maghanap ng pwedeng sumagot na kasambahay, nang wala siyang makita agad siyang pumihit pabalik para sagutin na ito.

"Hello! Alquiza's resident. Angela's speaking.. What can I help you?" Pinaganda pa niya ang boses, naisip niyang pagpraktisan ang phone. Masaya kasi siya at magaan ang pakiramdam. Wala naman sigurong masama?

"Hello, who are you again?!!" Tanong ng baritonong boses sa kabilang linya, may diin ang bawat salita nito. Nagtaka man siya sa isinagot nito, muli siyang nagpatuloy..

"I said it's Angeline Alquiza. Who's this calling..? Sagot niya dito sa pinaigting na boses, sa tingin niya may attitude ang nasa kabilang linya at mukhang mayabang.

"WTF! Who the hell are you? Are you fvcking insane, for using my sister's name? Damn it! Did you trying to fooled me ha?" Sabi nito na halos mabingi na siya sa lakas ng sigaw nito sa galit na tono. Saglit niyang inilayo ang phone. Bago siya nakasagot.

"ha! What?" Pagkabigla ang unang rumehistro sa kanya. Hindi niya alam kung ano bang isasagot? Bigla na lang siyang nalito at nagtanong sa isip..

Sino ba siya?

Hindi!!

Posible bang..?!!

* * *TY

@LadyGem25

Next chapter