webnovel

Chapter 32. "The School Festival"

Chapter 32.

Laarni's POV

"Ang taunang school fest ng West Bridge Academy ang isa sa mga prestihiyosong school festival sa buong Pilipinas, sometimes may TV Telecast pa ang event na 'to. Since ang WBA ay isang sikat na school." Paliwanag ni Leicy sa akin habang naglalakad kami papunta sa room.

"Eh ano bang pinagkaiba nito sa ibang school? Okay, given na mayayaman sila. Alam kong engrande ang magiging school fest."

"Bukod sa mga booths, sport fest at parties, alam ko. May bibisita na taga ibang schools."

"So?"

"Yun ay ang mga taga East Bridge Academy. Dati ring pagmamay-ari 'yon ng De Mesa pero binili na 'yon ng mga Natividad, kilala sila sa Telecom businesses."

"So?"

"Pinaka-aabangan na naman ang sport fest."

"Dahil?"

"Maglalaban na naman ang team WB at team EB." Excited na sabi nito. Para namang ewan siya at kikinang kinang ang mga mata.

"Okay?" nagtataka pa ring tanong ko sa kanya. Napatingin naman 'to sa akin.

"Arni, si Abrylle ang captain ng basketball team!" sigaw nito.

"Ano? Di nga? Talaga?" gulat kong tanong sa kanya. Tatango tango naman 'to sa harap ko.

"Oo! At paniguradong tayo na naman ang maguuwi ng championship."

Habang nagsasalita mag-isa si Leicy tungkol sa basketball na 'yan, napapaisip naman ako. So basketball pala ang sports ni Abrylle. Hindi halata. Hindi naman kasi siya ganun katangkad at wala sa hitsura niya ang sporty.

Inimagine kong naglalaro si Abrylle ng basketball. Tulad ng napapanuod ko sa TV. Tumatakbo siya sa court habang nagdi-dribol ng bola. Pawis na pawis na pero parang ang bango pa rin niya. Ang buhok niyang basa ng pawis, ang cool tignan tuwing hahanginin. Ang bawat galaw niya at ang seryoso nitong mukha habang nakikipaglaban sa depensa ng kalaban. At ang pag-shoot niya ng bola sa ring. He's the perfect guy living.

"Hoy! ARNI!" natigil naman ang paged-daydream ko ng sumigaw si Leicy sakto pa sa tainga ko. "Aba, nananaginip ka ng gising ah, hmmmm pinagnanasaan mo si Abrylle habang naglalaro ng baseketball 'no?" pang-aasar nito habang tinutusok tusok ang tagiliran ko.

Paano naman niya nalaman? Aigoo~

"Hindi 'no, ano ka ba Leicy!" sita ko rito at nauna na sa kanya sa paglalakad. Humabol naman 'to sa akin.

"Pero alam mo Arni, bukod sa basketball at maraming hot guys sa school sa school fest, isa sa pinaka-inaabangan ko ay ang badminton tournament." Nakita ko namang kinikilig ang loka.

"Bakit naman?"

"Ano ka ba, si Lexter ang lalaban 'dun."

"Oh? Badminton player si Lexter?"

"Yep! At alam mo bang ang cool niya habang naglalaro." She now acting like she's in heaven.

"Hay nako, pareho nga kami nito."

Pagpasok sa room. Nakasalubong naman namin si Courtney na tumatakbo palabas ng room. Huminto 'to at tinignan kaming dalawa ni Leicy, pero mas tumagal ang tingin niya kay Leicy. At ang sama ng tingin nito na para bang kakain ng tao.

"Bwisit! Bwisit!" inirapan kami nito at nilampasan na lan kami. Sigaw lang ito ng sigaw habang tumatakbo palabas. Tinignan na lang namin ito ni Leicy palayo na puno ng katanungan sa mukha.

"Anong nangyare 'dun?" tanong ni Leicy.

"Ewan, baka naman tungkol kay Abrylle." Sagot ko.

"Hay nako, baka tungkol na naman sa inyo ni Abrylle."

"Eh? Pinagsasabi mo." Di ko na pinansin si Leicy at pumasok nan g room.

Courtney's POV

Oh God. Baka naman nakulam na ako or something witchcraft, baka may spell na nilagay 'don sa alak ko or baka love posion! What the f*ck! Uso pa ba 'yon sa panahong 'to? Pero if that's the reason, I need to know. Or else, baka tuluyan na akong ma-in love sa kanya. Oh gosh! I cover my mouth. Did I just say, in love? No freaking way. Not for a secretary.

Gabi na pero narito ako sa waiting area sa harap ng reception ng Monteverde Hotel. Naka-disguise ako para hindi niya makilala if ever na makita niya ako. Naka-shades ako with a fabulous cap and oh so gorgeous aura. Syempre dapat maganda pa rin ako in case na makita niya ako.

May kinuha naman ako sa pouch ko. His ID. Mayamaya pa, lumabas na siya.

"Mr. Santos, nasabi ko na po for replacement of your ID." Sabi ng malanding receptionist. Ang sarap niyang kalbuhin.

"Thank you Mhaan." Nakangiting sabi naman nito. Oh God, para siyang angel. Shit? What am I saying? He's just a secretary. Period.

Pinapanuod ko lang siyang maglakad palabas ng hotel. Paglabas niya, lalabas na rin ako para komprontahin siya. Ibabalik ko na 'rin tong ID niya. Ay, wag na lang kaya. Ang gwapo niya dito eh. Wait? What? Anong sinabi ko? Baliw na ba ako? Baliw sa kanya? Wait! No! Not for a secretary!

Palabas na sana siya ng hotel ng biglang may babaeng nakabunggo sa likod niya. Napaupo naman ang babae sa sahig. Nilingon 'to ni Jerod. Pagtayo ng babae, I recognized her. Its Leicy. Ano namang ginagawa ng hampas lupang 'to dito? Nagta-trabaho ba siya rito?

Pinapanuod ko lang sila, at nagulat ako ng biglang yumakap si Leicy sa kanya. Nanglaki ang mata ko sa nakita ko, para ring kumirot ang dibdib ko. Para akong di makahinga. Usually, nararanasan ko ang ganitong bagay kapag naiinis ako sa babaeng kumalapit kay Abrylle, pero pagdating sa kanya, bakit parang mas doble?

Iniwas ko ang tingin ko sa kanila. Nagtataka ako sa sakit na nararanasan ko.

What the hell is happening to me? Do I have a heartattack? Or a loveache?

Kinapa ko ang pisngi ko and I was shock nang makita kong basa ang pisngi ko. Tumingala ako sa ceiling baka kasi may butas ang ceiling ng hotel na 'to at natuluan ako. Pero wala naman, and besides, sementado ang ceiling, tinignan ko sa labas at di naman umuulan.

"U-Umiiyak a-ako?" tanong ko sa sarili ko sa pagitan ng hikbi ko. "No!" tumakbo ako palabas ng hotel. Pero bigla akong natapilok.

"Ouch, Courtney, shit! You're so stupid." Iika-ika akong naglalakad. Nang mapatingin ako sa loob palabas na rin sila Jerod at ang impaktitang si Leicy kaya naman nagtago ako sa gilid para di nila makita.

Nang makalagpas na sila sa akin, sinundan ko naman sila ng tingin at nakita kong pumasok sila sa isang café.

"Cheap naman ng date niyo! Tsaka gabi na ah!" sigaw ko habang umiiyak pa rin. "Asar! Ano bang nangyayari sakin." Pinunasan ko ang mga luha ko at naglakad na paalis.

Pagdating sa bahay. 'Don ko nilabas ang lahat ng luha ko. Bwisit talaga. Kilala ako bilang matapang na babae, mataray, maarte, palaban. Pero dahil lang sa lalaking 'yon nagkakaganito ako and to mention that he's just a secretary. Bakit?

Kinuha ko ang ID niya sa bulsa ko at tinignan. Habang pinagmamasdan ko ang mukha niya sa ID. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Wah! Bwisit! Asar! Nakakainis!"

Magdamag akong di nakatulog habang nakatingin lang sa hawak kong ID. Maybe, this is my karma. Isang lalaki 'rin pala ang kakarma sa akin. Sana si Abrylle na lang total papakasalan ko rin naman siya someday, pero why do I feel this damn heartache dahil lang sa nakita kong 'yon.

Pagpasok sa school. Wala pa rin si Tracy, nagpapakasaya sa trip nila ng Mom niya, while me suffering to this damn heartache. Nakaupo lang ako sa seat ko, malalim na nagiisip. Yung ID niya, sinabit ko rin sa ID lace ko sa school. Akin na 'to, di ko na babalik, nagpa-replace naman na siya eh. Bahala siya diyan.

Biglang sumagi ulit sa isip ko ang nakita ko kagabi. Ang hampas lupang 'yon. Niyakap ang lalaking akin. Bakit ba lahat na lang ng gusto kong lalaki kinuha nila? Duh! Find your own man! Akin siya!

"Ugh! Damn! Dammit!" tumayo ako at lumabas ng room. Hindi pa man ako nakakalabas, nakasalubong ko na ang babaeng pinapatay ko na sa aking isipan. Tinitigan ko lang sila ng kasama niya pang hampas lupa na umagawa sa Prince Abrylle ko, pero may tinuon ko ang tingin sa hampas lupang umagawa sa Jerod ko.

"Bwisit! Bwisit!" inirapan ko na lang silang at nilampasan at lumabas nan g room. Wala na akong ganang pumasok. Gusto ko siyang makita at makausap. I want to end this up! This damn damn, heartache! Baka may pangontra lang siyang tinatago sa bulsa niya sa love posion na 'to and I need to get that.

Dumiretso ako agad sa Monteverde Hotel. Pagpasok ko, pumunta ako agad sa reception.

"Good morning Ma'am, how may I help you?" tanong nito, tinaasan ko naman siya ng kilay. Siya yung babae kagabi na linta.

How you can help me? Kill yourself slut!

"Ah, I just wanna ask if Mr. Santos is already here." Tanong ko rito.

"I'm here." Nagulat naman ako sa nagsalita sa likod ko. Dahan-dahan kong tinignan 'to at nakita ko nga siya, nakatingin sa akin at parang nagtataka. "Bakit mo ako hinahanap?" he asked. Para naman akong batong nanigas sa harap niya. Nakatingin lang ako sa mukha niya.

"Ah—eh, wala. Bakit ba?" pagtataray ko at inirapan siya.

"Okay, if that so."

"Sandali, meron, tara nga mag-usap tayo." Hinawakan ko siya sa wrist niya at hinila papunta sa waiting area ng hotel. Pagdating 'don. Napansin ko ang pagkakahawak ko sa kanya. Napatingin ako rito and I saw him smirked at me. Agad kong binitawan ang wrist niya.

"Pwede mo naman akong hawakan magdamag?" pang-aasar nito. Tatawa-tawa pa.

"Wala akong panahon sa lokohan mo Mister, akin na!" nilahad ko sa harap niya ang palad ko.

"Anong? Akin na?" tanong nito.

"Wag ka na ngang magkailan. Ibigay mo na!" singhal ko rito.

"Haha, I'm sorry, pero if I'm not mistaken, wala akong utang sayo."

"What? Akin na 'yung pangontra!"

"Pangontra? Pinagsasabi mo? Alam mo Courtney—"

"Wag mo akong tawagin sa pangalan ko. Di tayo magkauri!" nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Okay, your highness."

"Akin na sabi eh!"

"Ano nga?"

"Yung pangontra sa love posion!"

"What?"

Narito kami sa café sa hotel. Dinala niya ako rito. Nakaupo siya sa harap ko habang tawa ng tawa. Actually pagpasok namin dito, kanina pa siya ganyan. Nakakunot naman at tagpo na ang mga kilay ko sa inis sa kanya. Tawa siya ng tawa tungkol 'don sa sinabi ko sa kanya kanina. So? Wala pala siyang pangontra? Paano na ako?

"Hahaha, sorry ah. Pero, nakakatawa talaga kasi eh. Hahaha."

"Sige mamatay ka sana sa kakatawa mo saken." Mataray kong sabi rito habang masama ang tingin sa kanya.

"Hahaha, okay sige. Ehem...pfft...Hahaha."

"Ano ba? Umayos ka nga! Ibubuhos ko sa mukha mo 'tong ice coffee!" banta ko rito, nakakainis na talaga siya.

"Sige, whossh. Bakit mo naman naisip na ginayuma kita?" nakangiti nitong tanong, isang pang-asar na ngiti.

"Eh kasi...ewan..." nahihiya ko namang sagot sa kanya habang iwas ang tingin.

"Alam mo, kapag tinamaan ka ng pagibig, 'yon na 'yon! Walang love posion love posion, Hahah uso pa ba 'yon?"

Kinalabog ko ang mesa. "So you mean? May gusto talaga ako sayo?" tanong ko rito at inilapit ang mukha ko sa kanya. Nakatingin ako sa kanya habang siya rin naman, nagbabangaan ang aming mga mata.

"Alam mo, ang cute mo pag ganyan ka." Masayang sabi nito. Inilayo ko naman ang mukha ko at umayos ng upo.

"At least you have your eyes." Sabi ko rito habang iwas ang tingin. Kinuha ko ang ice coffee na nasa harap ko at ininom 'to. "Wow, ang sarap naman nito." Manghang sabi ko.

Napatingin naman ako sa kanya, at nakita ko ang seryoso niyang mukhang nakatingin sa akin. His eyes, para bang tutunawin ako ng mga tingin nito. Pakiramdam ko, lumulutang ako habang nakakatitig ang mga matang 'yon.

"I'm sorry, pero may iba na akong mahal."

Nagulat ako sa sinabi niya. Parang biglang sumikip ang pahinga ko. Bigla kong naalala noong nasa bar siya, umiiyak. Oo nga, nasabi niya na may mahal siya 'non at pareho sila ng kapalaran na mag-aayos ng isang kasal. Ang sakit. Para di matanggap ng tainga ko ang narinig ko.

"Huh, Hahaha, asa ka naman na totoo ang sinabi ko? Joke lang 'yon 'no! epal ka rin eh. Sige, aalis na ako, nag-cut pa ako ng class para lang sayo. Bwisit ka." Tumayo na ako at dali daling lumabas ng café. Paglabas ko, doon na lumabas lahat ng luhang pinipigilan ko kanina.

Next chapter