webnovel

Chapter 7. “The Ice is Melting”

Chapter 7. "The Ice is Melting"

Laarni's POV

"Ah, pasensya na kung nagising kita." Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya.

Ano ba yan, baka isipin niyang pinagnanasaan ko siya? Palpak ka talaga Arni.

Sino ba namang matinong babae ang pagmamasdan matulog ang isang lalaking wala namang koneksyon sayo? Naku, baka magalit siya sa akin. Ang mga malalamig niyang tingin sa akin. Hay naku.

"Um, sige alis na ako. Pasensya kong nagulo—" hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Dahan-dahan akong napalingon dito. Muling nagbanggaan ang aming mga tingin.

Nang mga oras na 'yon. Hindi ko nakita ang paglalamig sa mga titig niya. Pakiramdam ko, kami lang ang tao sa mundo at ang bagal ng pag-galaw ng oras.

"Salamat." Nanglaki ang mata ko sa narinig kong sinabi niya.

"Ah—eh, ayos lang 'yon. Hehehe, ano ka ba, kahit sino naman gagawin 'yon." Sabi ko habang hindi mapakali sa kinatatayuan ko at panay ang lingon sa kaliwa't kanan.

"Sorry." Nahinto ang paglingon ko nang marinig ko ang sinabi niya. Hindi ko nakuhang tumingin sa kanya at magsalita. "Patawad kong nasigawan kita."

"Ah yun—" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng marinig ko ang tunog ng pinto. Naku baka nariyan na si Ms. Kagura. Agad kong hinila ang kamay ko nahawak niya at pinuntahan si Ms. Kagura.

"Oh? Natulog ka?" tanong agad ni Ms. Kagura.

"Hehehe opo." Pagdadahilan ko.

"Oh? Gising ka na pala Master Abrylle." Nagulat ako sa sinabi ni Ms. Kagura. At lumingon ako sa likod ko. Doon ko nakita si Abrylle na nag-susuot ng polo niya. "Papasok ka na? Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Ms. Kagura kay Abrylle pero si Abrylle, hindi siya sinasagot.

Lumabas nan g Clinic si Abrylle ng wala man lang ni isang salita kay Ms. Kagura. Paglabas nito, napabuntong-hininga na lamang si Ms. Kagura.

"Kailan kaya babalik ang Abrylle na kilala ko…" malungkot nitong sabi. "Osya, heto na ang ica bag. Ilagay mo na riyan sa pisngi mo nang makapasok ka na." Kinuha ko ang ice bag at dinampi sa pisngi ko.

After 15 minutes. Bumalik na rin ako sa klase ko. Nagtuturo na ang teacher namin. Pumasok na ako. Pagpasok ko, nakita ko agad si Abrylle. Tulad ng lagi, nakamasid na naman siya sa labas ng bintana. Tahimik at walang emosyon ang mukha. Naupo na ako sa seat ko. Napatingin ako kay Lexter. Nag-gesture siya at tinatanong kung okay na ba ang pisngi ko. Nag-thumbs up ako bilang reply dito. Napangiti naman ito. Ngumiti na lang din ako sa kanya.

Natapos na ang morning class. Tulad ng sinabi ni Lexter, dapat daw na sumabay ako sa kanya sa lunch. Kaya kasama ko siya ngayon sa table. Pati na rin si Leicy.

"Grabe, Arni. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala sa ginawa mo? Ang tapang mo!" manghang-manghang sabi ni Leicy matapos ko sabihin sa kanila ang totoong nangyari sa picture na 'yon.

"Hindi naman, natuto lang talaga akong lumangoy nung bata pa ako. At tsaka kahit kanino naman gagawin ko ang ginawa kong 'yon." Sabi ko dito.

"Tsk, bakit kailangan may mouth-to-mouth pa?" inis na sabi ni Lexter. Nagulat naman kami ni Leicy sa inasal nito.

"Eh kasi di na siya humihinga that time. He needs air." Paliwanag ko dito habang si Leicy naman tango ng tango bilang pagsang-ayon sa akin.

"Edi sana dinala mo sa vulcanizing shop para bigyan ng hangin." Nakakunot ang noo nito.

"Ano bang problema mo?" tanong ko rito.

"Wait, ang sabi mo kanina. Kahit kanino naman gagawin mo 'yon di ba?" nakangising tanong nito sa akin.

"Oo." Sagot ko rito.

"Ah, edi tatalon din ako mamaya sa tulay! Hahaha. Oy, sagipin mo ako ah!" sabi nito. Nagulat naman kami ni Leicy sa sinabi nito habang natatawa.

"Eh di ba Lexter, member ka ng swimming team?" napalingon ako kay Leicy sa sinabi nito at tsaka balik ng tingin kay Lexter. Mukha naman tong ewan at hindi makatingin ng maayos sa akin.

"Hindi ko gagawin 'yon sayo. Marunong ka naman pala lumangoy eh" sabi ko dito. Natawa naman si Leicy sa usapan namin. Parang natalo naman sa pustahan ang mukha ni Lexter.

"Hay nako, bakit mo naman sinabi Leicy! Hays, pero ayos lang. Natikman ko naman na ang—" hindi ko na siya pinatapos dahil alam ko naman ang sasabihin niya at binatukan ko siya. "Aray ko naman, paano mo nagagawang saktan ang anak ng boss ng Mama mo." Sabi nito.

"Hoy, Mama ko ang empleyado ng Papa mo. At hindi ako." Sabi ko dito.

"Kahit na, ang sadista mo. Ang sakit mo magmahal." Natawa na lamang kami ni Leicy dahil kay Lexter at nagpatuloy na sa pagkain ng lunch.

Habang kumakain kami mayron namang dumating sa table namin. Napatingin ako rito. At nakita ko si Courtney kasama ang apat na babae.

"Huh, ang kapal din talaga ng mukha mo 'no?" sabi agad nito. Malamang tungkol na naman ito sa picture na 'yon.

"Wala akong panahong ipaliwanag sa inyo ang lahat" sabi ko rito at tsaka kumain ulit. Mas mabuti pang hindi ko na sila pansinin.

"Aba! Umayos ka nga." Itinulak ako nito habang umiinom ako ng tubig kaya naman nasamid ako. Tumayo ako at hinarap siya.

"Ang bastos mo ah!" sabi ko rito. Pinigilan naman ako ni Leicy.

"Tama na 'yan Courtney." Sabi sa kanya ni Lexter. Ngayon ay pinagtitinginan na kami ng mga istudyante sa loob ng cafeteria.

"Aba, Lexter? Tagapagtanggol ka ba ng babaeng 'to? Hahaha, pero sorry ka di ka uubra sa akin. Sa isang iglap lang pwede kong kunin ang share ng Daddy ko sa company niyo." Nakita ko namang nabigla si Lexter sa sinabi ni Courtney. "At ikaw babae, humanda ka saken!" akmang sasampalin ako nito nang ipikit ko ang mga mata ko.

Naghintay ako ng palad na tatami muli sa pisngi ko. Pero wala. Nang imulat ko ang mata ko. Nagulat ako sa nakita ko. Si Abrylle. Hawak ang braso ni Courtney na sasampal sana sa akin.

"Huh? Abrylle? Bakit mo ako pinigilan?" tanong ni Courtney kay Abrylle pero hindi siya nito sinagot at binitawan lang ang braso niya.

Nagulat naman ako ng tumingin ito sa akin. Nakakatakot ang mga titig niya. Parang mata ng lion. Naglakad 'to papunta sa akin. Ang lapit niya.

"Sumama ka saken." Bigla niyang hinawakan ang braso ko at hinila ako palabas ng cafeteria. Gulat na gulat naman ang lahat sa ginawa ni Abrylle.

Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ang bagay na 'to. Sumusunod lang ako ng tahimik sa kanya. Nang mapaling ang tingin ko sa pagkakahawak niya sa wrist ko. Nang mga oras na 'yon. Nakaramdam ako ng kuryente sa katawan at bigla na lamang napangiti.

Nang huminto siya. Tsaka ko lang napagtanto kung nasaan kami. Narito kami sa loob ng buttefly garden. Walang tao rito at magagandang paro-paro at halaman ang makikita. Binitawan niya na ako. Tahimik lang siya habang nakatalikod sa akin. Hindi ko malaman kung ano bang pakay niya o ano ba ang balak niya. Bigla kong naalala ang nangyari kanina. Sasampalin sana ako ni Courtney ng bigla siyang dumating at pinigilan ito. Akala ko magiging doble na ang sampal na aabutin ko ngayong araw.

"Uhm. Salamat nga pala sa pagligtas mo sa akin kanina." Sabi ko rito habang nakatalikod siya sa akin.

Naghintay ako ng sagot sa kanya at kung haharapin man niya ako pero wala akong natanggap sa response ko kahit man lang tingin o taas ng kilay mula sa kanya. Ang tahimik ng buong paligid. Nilibot ko ang mata ko sa paligid. Kung tatanawin ang loob ng butterfly garden. Ang payapa nito. Ang sarap langhapin ng hangin na nilalabas ng mga halaman dito.

Napapikit ako at lumanghap ng sariwang hangin. Idinipa ang dalawang braso at umikot na animo'y isang prinsesa sa isang palabas. Ang sarap ng pakiramdam ko.

"Anong ginagawa mo?"

Himinto ako sa ginagawa ko at minulat agad ang mata. Pagmulat ko, saktong nakatingin sa akin si Abrylle na may mukhang nandidiri. Umayos ako ng tayo at inayos ang sarili ko.

Ano bang ginagawa mo Arni? Ang epic fail mo naman 'don.

"Ah—eh, wala ina-appreciate ko lang ang likas na yaman. Hehehehe." Pagdadahilan ko. Nakakahiya naman sa kanya.

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanya habang nakayuko lang. Tuwing titingin ako sa kanya iiwas ako ulit dahil sa malamig na titig nito. Para niya akong gagawing bato sa mga titig niya. Nakakatakot. Ganito ba talaga ang nagagawa ng mga mata niya?

"Pfft…" napatingin naman ako sa kanya nang makarinig ako ng bungisngis. Nagulat at nanglaki ang mata ko sa nakita ko.

Nakita ko siyang nakangiti at nagpipigil ng tawa. Nang mga panahong 'yon. Parang lumiwanag ang buong paligid. Ang magical. Bigla siyang tumigil sa pagtawa at napatingin sa akin. Ngayon, nakikita kong wala na ang panlalamig sa kanyang mga mata. Ang kanina'y nagyeyelong mga mata ay naglaho na lamang at napalitan ng mapupungay na mga mata.

Naglakad na ito palabas ng butterfly garden habang bumubungisngis pa. Sunundan ko na lamang ito ng tingin habang palayo ito sa akin.

Pumasok na ako sa afternoon class. Nadatnan ko na lang si Abrylle doon. Pero ang inaasahan kong Abrylle na nakamasid sa bintana. Ay ngayong nakatingin sa pisara. Ang weird naman ng isang 'to. Palihim ko siyang tinignan. At pagkakita ko rito. Ganoon pa rin ang mata nito at mukha nito. Hindi tulad ng una kong kita dito.

"Ms' Saldivar, answer question number 3." Nagulat naman ako sa pagtawag sa akin ng teacher ko.

"A-ako po?" tanong ko rito.

"Oo ikaw nga. Ikaw na wala ang focus sa klase ko. Saan ka ba nakatingin?" tanong ng teacher ko sa Filipino.

"Sorry po Ma'—" hindi ko na natapos ang paghingi ko ng tawad nang marinig ko an pagtawa ng katabi ko. Nang tignan ko ito. Si Abrylle. Tawa ng tawa.

Nabuo ang samu't-saring bulungan sa loob ng klase. At lahat sila nakatingin sa direksyon namin ni Abrylle.

"Mr. De Mesa? May nakakatawa ba?" tanong sa kanya ng teacher namin. Pero hindi siya nito sinagot at tumawa lang ng tumawa.

Nakaramdam ako ng inis sa kanya ng mga panahong 'yon. Alam kong ako naman talaga ang pinagtatawanan niya.

"Tumatawa si Prince Abrylle?"

"Oh my gosh! Nakita ko na rin siyang ngumiti."

"This is so awesome!"

"Wah! Mas gwapo siya kapag nakangiti."

"He's mine."

Nagtaka naman ako sa pinagsasasabi ng mga kaklase ko. Napatingin ako kay Abrylle at sige pa rin ang tawa nito.

"Hay nako. Okay, Ms. Saldivar, maupo ka at makinig sa klase. Hayaan na natin si Mr. De Mesa." Ginawa ko ang sinabi ng teacher namin. Naupo ako habang nakanguso at pikon sa nangyari. Nakakainis naman. Nakakahiya pa.

Napatingin ako kay Lexter. At natatawa rin 'to. Inismiran ko na lang ang isang 'yon. At pinilit na mag-focus sa klase.

Next chapter