webnovel

CHAPTER 23

NAUUNA sa paglakad si Ruby. Nakasunod dito si Aegen at para siyang nahi-hipnotismo habang pinapanood ang paggalaw ng balakang nito. And suddenly she had this strong urge to grab a paint brush, or even just a pencil, and start sketching. He got excited by the feeling. Sa loob ng panahong nandoon siya sa isla ay hindi nakaramdam ng ganoon si Aegen, much to his dismay and disappointment. One reason he decide to stay in that secluded place was to recapture his muse which had gone AWOL. Ever since that incident he was trying to forget, it seems the fire and passion to paint had gone out of him. Sa dami ng beses na sinubukan niya iyong pag-apuyin ulit na hindi naman umubra ay ipinalagay niyang kasama nang nailibing sa hukay ang inspirasyon niya.

So he couldn't believe what he is feeling now. Hindi na siya nag-atubili. Sinundan lang niya si Ruby hanggang sa bahagi ng hallway kung saan may nagsasangang daanan papunta sa mga kuwarto at papunta sa isa pang panig ng bahay.

Sa studio nagpunta si Aegen. Nanginginig ang mga kalamnan niya habang hinahalukay ang sketch pad niya. Basta na lang kasi niya iyon isiniksik sa sa drawer noong huling subukan niyang gumuhit at hindi niya nagustuhan ang kinalabasan.

His hand is trembling when he held the pencil. Pakiramdam niya ay wala siyang lakas na hawakan iyon, lalo pa ang makaguhit ng kahit anong imahe. Pero ilang sandali pa ay para na siyang sinapian ng kung ano. His hand moved as though it has a life of its own. Ganoon ang nangyayari sa kanya dati kapag inspirado siya. Ni hindi niya pinag-iisipan ang iguguhit. Basta na lang lumalabas ang imahe galing sa kamay niya.

Ilang sandali pa, nang matapos siya at tignan kung ano ang nalikha niya ay binalot ng lamig ang buong katawan niya. His subconscious finally managed to find a way to face his demons. Lumabas iyon sa iginuhit niya. He was shocked to realize that he drew a figure of a woman hanging from a tree. Pero imbes nakapikit ay nakabukas ang mga mata nito, parang nakatingin sa kanya, nang-aakusa. And the face of a woman, it is none other than his unwanted visitor. Si Ruby.

Sindak na ibinato ni Aegen ang sketch pad. Tinakpan niya ang mukha ng mga palad niya.

Save my granddaughter. I don't care how you do it. Just save her. Iyon ang mahigpit na pakiusap sa kanya ni Doňa Henrie. And for the life of him, he couldn't figure out how he would do it. Ang naisip lang muna niya ay ang dalhin ito sa isla, keep her there, until he could think of a way to do what her grandmother begged him to do.

Alam ng matanda ang pinagdaanan niya. Hindi man ito nag-usisa ay may panahong nalasing siya at umamin daw dito. Kaya nang makiusap ito sa kanya ay namangha siya.

"How could you ask me to do that when you know how I failed to save the person I cared about?" tanong niya.

"I just know you'd do it," sagot ni Doňa Henrie. "Promise me," giit nito.

Halatang hirap na sa pagsasalita ang matanda kaya hindi na lang nakipagtalo rito si Aegen.

"I...promise." Naisip niya na saka na lang niya ipapaliwanag dito na hindi niya kayang gawin ang gusto nito. But the very next day, the old woman died. Hindi na niya nabawi ang pangako niya rito. And damn if he'd turn his back on a promise he made to a dying person.

Gustong ibato ni Aegen sa basurahan ang iginuhit niya. Ang problema, ni ayaw niyang lingunin iyon, hindi niya kayang tignan ulit. He cradled his head with his hands and just stared at the floor. And that is when the memories came flooding in...

Next chapter