webnovel

CHAPTER 17

"I AM warning you. Kapag hindi ka pa tumigil ay hindi ko na kasalanan ang susunod na mangyayari," anas niya.

Bilang tugon ay naramdaman niya ang akmang pagtuhod ng babae sa harapan niya. He had to really pin her against the mattress to stop her attempted assault at his precious jewel. Pero hindi kaya siya na ang ma-tempt na mang-assault dahil sa naramdaman niya?

He took deep, deep breaths. Iyon lang ang alam niyang gawin para makalma ang bigla ay nagwawala niyang libido. Being this near to a woman, especially to someone who feels as soft as Ruby, who smells like her, had set him off to the point that his groin is aching with unfulfilled longing. Her body seem to fit against him perfectly and she smells so womanly that he couldn't stop himself from wanting to push her thighs apart and...

Get a grip!

Napapikit si Ruby nang umalis na siya sa ibabaw nito. Hindi iyon ang inasahan ni Aegen. He expected her to grab the opportunity to get as far away from him as possible. Pero naisip na rin siguro nito na wala rin itong mapapala kung iyon ang gagawin nito.

Ilang ulit itong huminga nang malalim na para bang may pilit itong pinaglalabanan saka ito dumilat at nagsimulang bumangon. Maagap na humarang si Aegen sa daraanan nito.

"Don't worry, I won't run," anito. "Wala rin naman akong mapupuntahan. Just don't lock me in anymore."

"Mangako ka muna na hindi ka magtatangkang tumakas. I hate to see you get hurt while trying."

"I promise," hayag ni Ruby na tumingin ng diretso sa mga mata niya na para bang ipinapakita ang sinseridad nito.

Lumayo na rito si Aegen.

"So, ano iyong sabi mo ay pakay mo na dapat ay personal mong sabihin sa 'kin?" tanong nito.

He hesitated. Hindi niya alam kung dapat pa ba niyang ituloy ang pakay.

"Later," hayag niya.

"No. Now. Gusto ko ng malaman. Kagaya ng gusto ko ring malaman kung kelan ako puwedeng umalis sa lugar na ito," giit ng babae.

"I invited you here for a purpose. Gusto kong makita mo ang lugar na ito. And it would make a nice hiding place."

Marahas na napatingin sa kanya si Ruby.

"Alam ko ang tungkol sa problema mo," aniya na diniinan ang pagbigkas sa salitang problema. "I know a lot of things about you, you know."

"Stalker ka ba?" anito.

"Sort of. But not in creepy kind of way. Kailangan ko lang gawin."

"Para saan?"

"Basta. Anyway, be my guest and enjoy the place."

"My grandmother's place, you mean."

Hindi siya umimik.

"Ano nga pala ang ikinamatay niya?" tanong ni Ruby.

"Pancreatic cancer. Stage four na nang madiskubre."

"Nandito na siya sa isla noon?"

Tumango si Aegen. "Matagal na siyang naglalagi rito bago pa man siya magkasakit. At kahit na nang malala na ang lagay niya ay ayaw niyang umalis sa isla. Mga doktor na lang ang pumupunta rito."

"Hindi niya naisip na ipaalam sa 'min ni mommy ang tungkol sa pagkakasakit niya?"

"I suggested it. Pero tumanggi siya."

He saw the hurt in her eyes. Nasaktan siguro si Ruby sa ideyang ni ayaw silang makasama ng matanda sa oras ng kagipitan.

"Ang lalim pala talaga ng galit niya sa 'min at hanggang sa huling hininga niya ay hindi niya napatawad si mommy." Nahimigan din iyon ni Aegen sa boses nito.

"She said...she said that she didn't seek you out when she was hale and healthy so it's not fair to make you come and see her when she is weak and frail," paglilinaw ni Aegen. "I...I also suggested that she include your mother in her will, pero..." Hindi na itinuloy ang sinasabi.

"Kumain na muna tayo. Pagkatapos ay ipapakita ko sa iyo ang lugar. And then maybe later, we can talk." Hindi na niya hinintay na sumagot ang dalaga. Iniwan na niya ito. Pero sa pagkakataong iyon ay hindi na niya hinila pasara ang pinto.

Next chapter