Chapter 101: Proud Women.
(The Personal Cleaner of Marie)
.
.
Papasok na sina Chris sa Majestic Gate na may Crest ng tila Ancient Tree.
.
'ang crest na ito, hindi ako nagkamali! ----mga Deity ang gumawa sa Realms dito sa mundong ito----at galing ito sa 3rd layer ng Divine Realm----'.
Naalala ni Chris ang ilang Details sa ala-ala ng nakaraang buhay ni Dread.
.
'wag kang tumunganga jan, tabihan mo ako!'.
Telepathy ni Marie na nakataas ang kanang kilay nito.
.
Agad namang sumunod si Chris, at isinuot nya na ang kanyang trademark BlackMetalMask.
.
Napansin ng mga Kawal na bantay ng Gate ang pagdating ni Marie.
.
'Andito na si Ms. Marie, halos 5taon na syang hindi nakakabalik----at mukhang nakahanap na sya ng magiging panlaban nya sa Arena-----o baka slave?'.
Telepathy ng babaeng bantay na ito sa mga kasamahan nya.
.
'umayos kayo, si Ms. Marie ang isa sa mga Lower Ranking Noble Princesses. At kasalukuyang nasa no. 258 na sya'
.
'wala yan sa Rank, sabi nga ng mahal na Supreme Leader mababase parin sa true Strength ang ranking. At wala sa popularity at status----halatang kahit malakas sa cultivation resources ang ibang mga Rankers, si Ms. Marie lang ang may kakayahang mag sanay kahit konti lang ang cultivation resources nya.'
.
Kalmado at may valiant aura sa anyo ni Marie. At ang agaw pansin sa mga napapadaan ay ang kasama nya na si Chris.
.
(medyo modernized ang BattleOutfit ni Chris at lalo pa Extreme ang build class nito)
.
May babaeng bumaba mula sa himpapawid at sinalubong si Marie.
"nakabalik ka na pala Marie. He he. Ooohhh may nahuli ka din palang magiging First Slave mo bago ka mapasama sa Rankings. ha ha ha. Kaso may Sampu na akong naipon pano ba yan".
Mataray na sabi ng babaeng ito na may blonde long curly hair. At bluish eyes.
.
"tsk. Tara nagsasayang lang ako ng oras dito".
Sabi naman ni Marie at nagpatuloy nalang sa paglalakad.
.
May sampung naka suot ng White robe naman sa likod ng babaeng iyon at nakatingin sila kay Chris na parang isang mababang nilalang.
.
(judgemental people dies early----tsk. Akala nila kaya nila siguro si Chris)
.
"whew, Madam bat sya bumalik na ang nahuli nyang slave ay isang Epic level 1?----ini-insulto ba nya ang Ranking/ Leaderboards?"
Sabi ng isang lalake na naka White Robe at may mga armored boots at Gauntlets silang lahat na magkaka terno.
.
"tsk, wag nyu na syang pansinin tutal ang kanyang pamilya ang isa sa mga mababang NobleFamilies----hmmmfp kakahiya syang tawaging isang prinsesa ng Noble family dito sa Shangri-la Realm".
Sabi naman ng babaeng pinuno ng sampung ito.
.
Hindi nakatakas sa senses ni Chris ang pinag uusapan ng grupong ito. Kahit nasa malayo na sila.
.
Napalingon si Chris sa likod ni Marie.
'oh, mukhang may kwento sa likod ng pagiging malupit ng babaeng ito----i think hindi naman ganun katagal ang 2yrs bago ako makabalik sa Kambala'.
.
Ang hindi alam ni Chris ay wala na ang lugar na babalikan nya. Dahil lubog na ito sa Rubbles at pagkawasak.
.
(2yrs is short time, para sa mga Cultivators na nasa Mid stages)
.
"ano tingin tingin mo jan!? "
Naramdaman ni Marie ang mga titig ni Chris sa likod ng Maskarang iyon.
.
"ahm. Nasabi mong Noble ka, ipan ba noble families sa lugar na ito este realm na ito? "
Curious na tanong ni Chris.
.
"hmmmfp, nasa thousands. Kung iniisip mo na maliit ang Realm na ito----ha ha ha. Malawak ito at halos hindi rin natutuklasan ang hangganan ng munding ito".
Sabi naman ni Marie kay Chris.
.
Natahimik nalang si Chris, at hindi na nagtanong pa.
.
(ang lawak naman may awa pa ba ang Deity na gumawa sa Realm na iyon? Mapapagod siguro kahit ang mga hyper adventurers sa ganyang kalawak na realm)
.
*Ang Sealed Realms at Katulad ng Shangri-la. Pero iba naman ang Higher Realms kagaya ng DivineRealms. At ang highest Realms naman na hindi pa mababanggit sa Book na ito*.
.
## well said ----ayaw kong may mabangungot dahil sa kwento ko ##
.
-----
.
Natulala si Chris sa mga bagay na nakikita nya ngayon sa kanyang harapan.
.
"sa mundong ito, magkasama ang MagicalBeasts, Humans at DemonSpiritualists??!!! ".
Naka alerto si Chris sa mga napapadaan na mga MagicalBeasts at OceanicInhabitants sa kanilang harapan.
.
"oo bakit?, kailan pa naging problema ang samahan ng All races?".
Napag isip tuloy ni Marie na napaka weird ni Chris dahil sa mga tanong nito na parang hindi sya tao.
.
Natahimik ulit si Chris. At nakatingin sa mga Giant MagicalBeast sa lumilipad, naglalakad, at nakikipag tawanan sa tao at mga DemonSpiritualist.
.
'parang napakalaking pagkakamali ang mga nangyayari sa mundong pinanggalingan ko----buti pa dito walang labanan at walang racism'.
Nagpatuloy na sila sa paglalakad at nakatingin na sa kanila ang ilang mga Cultivators dahil sa payong sa likod ni Chris.
.
Lumapit ang isang babae na may Kasamang 6 na humanoid MagicalBeasts
.
"woah, Marie D. Ha ha ha. Ang Babaeng nawala ng ilang taon na ba? "
Bumaling ng pansin itong short black haired na babae na may aura na hindi bababa kay Marie.
.
"5yrs Madam"
Sabi naman ng alagad nito na nasa likod ng babaeng ito.
.
Kalmado parin si Marie kahit masasabing madaming ayaw sa kanya sa lugar na iyon.
.
"nawala man o hindi, sya parin si Marie, at isa pa. Ha ha ha. Limang Ranking tournaments na ang hindi nya naabutan. Tiyak bagsak na sya sa thousands sa ngayon----oh, may Slave ka. Ha ha ha. Plano mo ba syang ipakain sa mga alaga ko?".
Mataray na pagkakasabi ng babaeng ito kay Marie.
.
Umiwas nalang ng pansin si Marie at nagpatuloy sa paglakad.
.
"tsk, scaredy girl".
Sabi ng isa Lalake na papalapit sa babaeng kumausap kay Marie.
.
Natigil sa paglakad si Marie.
"anong sabi mo? ----paki ulit? Gerfen! ".
.
Hindi humarap si Marie at hinintay nitong ulitin ng lalakeng ito ang sinabi nya.
"sabi nya Scared ka ---bingi ka na ba Marie? O sadyang bumagsak na ang senses mo sa kahihiyan. ha ha ha".
.
Bago pa man mailabas ni Marie ang kanyang sandata ay pinigilan ni Chris ang kanyang kamay.
.
Pumaharap si Chris sa lalakeng nagsabi kay Marie na Scared.
"Ms. Marie, ipinagbabawal ba ang pagpatay sa lugar na ito?, or may DuelArena na pwede kumatay ng tulad nya? ".
Kalmadong boses ni Chris.
.
"ha ha ha. Patawa!!, paano ka makakapatay isa kang Epic stage----at mukhang gusto mo ako labanan".
Sabi ng lalakeng ito na umakbay sa babaeng nang insulto kay Marie.
.
"tara na Chris, bawal ang pumatay sa lugar na ito----".
Utos ni Marie na agad ding sumunod si Chris.
.
Nagpatuloy na sa paglalakad ang dalawa.
.
"oh my. A pair of Cowards. ha ha ha. Scared nga sila guys"
Dumating mula sa himpapawid ang limang mga babae na may mga kanya kanyang alagad sa kanilang tabi.
.
"mukhang naparito lang kayo para insultuhin si Marie. Join naman ako jan girls----miss ko na tuloy mang bully sa kagaya nya. Ha ha ha."
Sabi naman ng huling dumating na babae na may 8 alagad na Horned humanoid MagicalBeasts.
.
Nagtawanan ang lahat sa likod ni Marie.
.
Natigil si Marie sa ikalawang beses. At inilabas nito ang sandata na twin long swords.
.
"oh. Ano gagawin mo?, mag uumpisa ka nanaman ng skandal mo dito. ha ha ha. Palibhasa wala kang silbi bilang isang Noble princess----dahil sayo madami namatay noon."
Sabi ng isang Noble na babae kagaya nina Marie at iba pa.
.
"wag mo na ipaalala pa girl laking kahihiyan sya sa Shangri-la ---akalain mo nag papasok sya ng DarkEntity dahil sa kaibigan nya ito----"
.
"Guys past is past. Malay nyo aksidente nanaman nyang mapapasok ang mas madaming DarkEntities dito. ha ha ha"
.
"sa mga tulad natin na Nobles trabaho nating bantayan ang mga weak spots ng Realm na ito----pero bat pa sya naging Noble? ".
.
"speaking of that----kawawa ang ClanFamily nya dahil bumagsak na sila ng tuluyan dahil sa kasong ginawa ni Marie---sigh. Kakaawa sila. Baka magiging aristocratic family nalang sila sa susunod na ilang taon----".
.
"mukhang iiyak na sya----ha ha"
.
Walang tigil ang mga pambabato nila ng mga salita kay Marie.
.
Walang nagawa si Marie kundi yumuko at itinago ang twin long sword nito sa Storage Ring nya.
"tara Chris. Gusto ko na umuwi".
.
Nagpatuloy nalang si Marie sa paglalakad. At nanatili ang pagiging kalmado sa mukha nito.
.
Lumingon saglit si Chris sa grupo ng mga Noble Prince at Princesses.
"Tsk, weak Nobles".
Sabi ni Chris na naglalaman ng matinding pag-iinsulto.
.
Hindi nakatakas sa pandinig ng lahat ang sinabi nya.
"Ikaw!!! ----paki ulit ng sinabi mo?!! ".
Sigaw ng Lalake ng pinuno ng 5 alagad nito.
.
"huh?!, dont tell me nabulok na mga tenga nyo sa baho ng mga bunga-nga nyo?, tsk. Shitty Nobles pala kayo, simpleng pakikinig hindi pa magawa".
Matinding pang iinsulto ni Chris.
.
Parang mga nasampal sa mukha naman ang anyo sa mga mukha ng Nobles na nakarinig nito mula kay Chris.
.
"At sino ka para magsalita sa aming mga Nobles ng ganyan!?, Isa ka lang Epic stage?!, isang basura! ---".
Sabi ng isang Babae na noble.
.
"ptuyy!!, eh kayo ano kayo?, tinawag nyo pang Nobles ang sarili nyo kung kasing baho ng malansang isda ang mga bunga-nga nyo----well dibale isa lang akong Humble Cleaner ni Ms. Marie----libre magpalinis saken kaya lapit na".
Sabi ni Chris at naglabas ng Killing intent sa sandaling iyon.
.
Nanatili si Chris na nakatayo na parang handang salubungin ang sino mang susugod sa kanya sa mga sandaling iyon.
.
"tara na Chris. Hayaan mo na sila"
Sabi naman ni Marie na bumalik at hinatak ang kanang kamay ni Chris.
.
Ganun namang sumunod nalang si Chris at hindi nya maaaring suwayin ang utos ni Marie.
.
Hindi man pansin pero, tila ngumiti ng lihim si Marie, ngiti na nagmula sa kaloob looban ng kanyang damdamin. At nagdududa sya sa ipinaramdam ni Chris na killing intent sa isang segundong iyon.
.
Naramdaman din ito ng lahat na naroon. Pero napansin ulit nila na nasa Epic stage lang si Chris. At wala itong suot na Restrictions or Suppression artifacts.
.
Nakalayo na sina Chris, pero laking pigil naman sa sarili itong mga Nobles na tila nakarma sa kanilang pang-iinsulto kay Marie.
.
"tsk. Epic stage at may lakas pa syang hamunin tayo, tsk. Mukhang pagod na syang mabuhay sa mundong ito!!".
.
"Girl, easy lang. Baka hinahatak ka nila sa patibong. Bawal ang patayan at away sa lugar na ito. Hintayin nating lumabas sila ng Safe zones----imposibleng hindi sila pupunta sa labas para magsanay"
.
Sang-ayon naman ng lahat sa sinabi ng Lalakeng ito na may killing intent kay Chris.
.