48: The Tournament starts.
.
.
Pero sa kakahintay ni Chris, walang dumating. At laking dismaya nya dahil, hindi pa tuluyang bumalik ang kanyang Qi-Energy sa kanyang katawan.
.
'mukhang kailangan ko munang mag Gather ng Qi-energy para may laman naman ang aking katawan. He he he, i really miss my Cultivation stage----'.
Kakaiba ang kanyang pakiramdam sa mga sandaling iyon, na may maluhaluhang, tumutulong sipon sa ilong nito habang nakangiti.
.
(idol naman, kakahiya hitsura mo eh)
.
*i can't look, i won't look----*
.
Bigla namang na stun si Chris sa pagkakatayo.
.
May humatak sa kanyang atensyon sa loob ng Sea of consciousness nya.
.
Wwhhhiiiirrrlll!! -----(spiraling void)
.
At may napunit na parang space dimension duon sa kalagitnaan-----at parang black hole na sinusop sya paloob.
.
'sh*t!!! Ano nanaman itong nangyayari!!'.
Sigaw nya sa kanyang soul form.
.
Napadapa sya sa isang madilim at chaotic na lugar.
.
'oh, well well well. Buhay kapa!! Ha ha ha ha.'
Nasa isang itim na throne seat si Dread at mukhang mas noble na itong gumalaw at hindi na parang addik ang asta nito. Pero nandun parin ang ngiting tila may masamang balak.
.
'ikaw nanaman!?, ano kailangan mo!?'.
Sabi ni Chris at gumawa sya ng intent at nabuo ang Black umbrella sa kanyang kamay. (intent form ng mental projections)
.
'abay magaling ka, at matapang pa. Ha ha ha. gusto mo ako labanan sa aking sariling domain?!, dibale wala akong planong labanan ka ngayon----gusto mo naba malaman kung ano ang regalo ko?, ha ha ha ha'.
Tumayo ito at naglakad palapit kay Chris.
.
'ano naman yan?'.
Inalis na ni Chris ang hawak nyang intent form ng kanyang sandata.
.
(parang si Jack Sparrow lang kung maglakad si Dread, bakit kaya?)
.
'oh. Bilang kadikit-kaluluwa ko sa-- ahem! katawang ito. Una sa lahat, sasabihin ko kung sino ang mga dapat mong patayin na mga tao sa paligid mo----wanna hear names??, ---- una si Blana, ikalawa si Hannah, ikatlo si Lanna at huli si Jane. Hek hek hek!!'.
Tila nang-iinsulto nitong tawa kay Chris.
(still parang si Jack Sparrow)
.
Nagbago agad ang aura sa palibot ni Chris at inilabas ang Annihilation form ng intent nya.
.
'oohhhh, wag padalos dalos tinutulungan kita friendship. ha ha ha ha. Ayaw kong patayin ka nila ng hindi mo nalalaman----oh syah!!----Kung anong tunay na dahilan kung bakit sinabi ko ito--- nasa iyong sariling desisyon na yan. Basta ang sakin lang naman ay---binalaan na kita.'
Ini-angat naman ni Dread ang kanyang kamay at lumabas ang isang Skull seal duon.
.
'---heto naman ang regalo ko, ang 5% ng ala-ala mo sa nakaraang buhay. So chow-chow and enjoy it. Ha ha ha ha.'
Binasag nya ito at nag flow naman ang mga past-life-scenes sa sea of consciousness ni Chris.
.
Sa isang sipa ni Dread sa tiyan ni Chris ay napalabas sya sa madilim na domain ng Dread na iyon.
.
'oh i love being the villain, ha ha ha ha'.
Huling sabi ni Dread bago sya lumingon duon at dito na parang nawawala nanaman sa sarili.
.
-----
.
Nagising naman si Chris sa pagkaka higa nito. At nabaling ang kanyang tingin kay Bella.
.
"goodmorning kuya!! "
Sabay na sabi ni Bella kay Chris at naroon sa kwarto sina Hulio kasma sina Gresia, Dinno at Diko.
.
"kamusta na pakiramdam mo? "
Nakangiti si Gresia at may dalang tray ng pagkain.
.
"ahm ok na po ako".
Bumangon si Chris at nakapag regen na ang kanyang kaliwang tuhod at wala naring sugat sa kanyang pagitang braso at kamay.
.
"kuya mas sumigla ka ngayon. at nararamdaman ko na ang iyong aura".
Sabi naman ni Diko na may pagkamangha sa taglay na sigla ni Chris. At sa nasaksihan nila kagabi.
.
Tumapik naman sa kanang braso ni Chris si Hulio.
.
"hindi ka nga nawalan ng pag-asa, ito ay nakabase sa kagustuhan ng langit."
Sabi naman ni Hulio, na mukhang naniniwala na sa Langit sa puntong iyon, at sa kanyang mga nasaksihan kay Chris na mahirap i explain ng Logic.
.
Matapos nun ay hinayaan muna nila si Chris na kumain at mapag-isa para makabawi sa nawala nitong Qi-energy.
.
At mukhang kumalat na ang balita sa buong SmallPea village, sa pagbabalik ng Cultivation Ability ni Chris.
.
-----
.
Sa South pole Frozen Domain, kung saan nakalagay sa Vault Array ang armas ni Chris. Yumugyog ito ng ilang beses at agad dumating ang tatlo para suriin ito.
.
"mga ate?!, gumagalaw ito kanina!!, napansin nyo ang matinding connection nito kay Chris".
Sabi naman ni Anna. Na tila naluha-luhang masaya dahil ito ay senyales na hindi pa patay si Chris.
.
"oo na, oo na---pero hindi natin na trace kung nasaan ito ngayon---ahm. Nawala na yung koneksyon!".
Sinuri nya ito at nawala ulit ang koneksyon sa sandata.
.
"mukhang nag b-build up pa sya ng sapat na Qi-energy para matawag nya ang sandatang ito----maghintay tayo ng ilang araw. At maaari ko na din syang makita sa personal."
Sabi ng eldest sister sa tatlo. Na tila isang babaeng sabik makita ang idol nito.
.
(idol agad, ha ha ha. siguro na curious sya sa pagka-mysterious ni Chris)
.
*girls are girls----*.
.
"buweno kailangan ko na itong dalhin sa lupain na iyon----".
Sabi naman ni Anna sa dalawang nakakatandang ate nito.
.
"ingat ka duon, baka may mga hindi tayo inaasahang paglitaw ng mga Cultivators sa lupaing iyon. Lalo na yung mga Hidden Experts na nai-seal sa mundong ito."
Sabi naman ng Atehin nila.
.
"nanjan naman kayo mga ate eh, wala akong kinakakatakutan sa mundong ito hanggat naryan kayo".
Sabi naman ni Anna na agad nilapitan ang sandata ni Chris at inilagay ito sa loob ng kanyang storage ring.
(wala eh napaka bigat nun----).
.
-----
.
May ibang sandatang hawak si Chris at ito ay isang GreatSword. At hawak ito ng kanyang kanang kamay.
.
Malakas ang buhos ng Nyebe at naka scarf lang sya at hubad ang itaas, at naka pants sa ibaba, at nakapaa sa snowy land.
.
"tay?----nay?, hindi ba sya tinatablan ng lamig? "
Natanung ni Bella na naka winter outfit at nasa loob ng bahay nila.
.
"ho ho ho. May ilang cultivators na hindi tinatablan ng lamig lalo na yung mga Physical Cultivators----at isa na duon si kuya Chris ninyo".
Sabi naman ni Hulio at halatang masaya sya kay Chris dahil bumalik na ang lakas nito.
.
"oooohhh!!"
Amazed sila sa talent ni Chris.
.
Sa bawat swing ng GreatSword ay may wind at howl na tila napakabigat nito para sa labanan.
.
'hmmmfp, na sanay na ulit ng konti ang kanang kamay ko, buti nalang may ganitong kabigat na GreatSword sa loob ng BlackRing.'
Sabi ni Chris at pinagmasdan ang sword na iyon. At naalala nya ang treasures na nasa kamay ng mga bangkay sa loob ng heroes chamber na may armor na BlackDragon.
.
At ganun din ang GreatSword na hawak nya, may itim na Dragon sa katawan ng Sandata at itim na kasing kulay ng black stone naman ang pagkaka craft nito, na may kabuoang haba na 5ft, at 1ft na lapad, nagtataglay ng bigat na 80,000kg malapit na sa bigat ng WarHammer na Demolition.
.
'balak kong i-craft ito sa Heavenly Black Umbrella, at syang magiging 4th kong sandata. Nababagay sa pangalan na Executioner GreatSword.'
Inilagay na ni Chris ang Sandatang iyon sa loob ng kanyang BlackRing.
.
Hindi napansin ni Chris na may nether glow nanaman ang BlackRing nya na tila medyo lumakas na ito kesa dati na katiting lang ang glow nito.
.
(weird, -----).
.
-----
.
Nasa malawak na Duel Arena Ang team St. Cessia. At nanonood palang sila sa mga Primary matches. At mukhang natapos na nila ang kanilang First match. Isang stand alone stadium sa loob ng isang pocket dimension na nilikha ng 1,000 Saint Alchemist at Craftsmen.
.
Ang loob nito ay masasabing kasing lawak ng sampung bayan na magkakadikit at nagform ng Octagon.
.
Ang duel platform ay may lawak na 15km radius. At napapalibutan ng Barrier Array na binabantayan ng ilang saint cultivators sakaling maging over heated ang battles sa loob nito.
.
Lahat ng mga upuan ng audience ay may Flat Glasses sa desks. At ang gamit ng mga ito ay for high definition viewing. Na maaaring gamitin ang aura upang ma-interact ang view nito.
.
Ang mga VIP naman ay may kanya kanyang Viewing platform sa ibang dimensional spaces, at mas malaki ang kanilang Screen at mas actual ang kanilang mapapanood sa labanan.
.
*Masasabi mang mukhang actual, pero ganun ka high-tech ang gadgets at mga kagamitan sa mundo nila.*
.
-----
.
Sa loob ng isang VIP platform area, naroon ang team nina Ahri.
"madaming malalakas sa taong ito, at lalo na ang Scarlet Knights, Vermilion Swordsmen, at mga top teams nung nakaraang taon na nakasali nanaman ngayon--".
Sabi ni Hannah na nakatingin sa statistics ng team battles, sa nakaraang taon. May mga ilan naman na may 'new' na mark sa team names nila.
.
"wow, bagay mo maging spy or informant sa bansa natin. Para naman umangat tayo sa mundo".
Sabi naman ni Jake. At sang ayon naman si Gilbert.
.
"eekk?, ako---magiging Spy?, no way, mas gusto ko maging freelance hunter, or Mercenary or maging trainer sa loob ng isang top Sect. He he he."
Nakangiti si Hannah at kumindat kay Jake.
.
(naalala ko yung pagiging dual personality nya. Scary girl)
.
Nanatiling tahimik si Ahri, at tila iniisip parin si Chris.
.
Sa araw na iyon nagpatuloy ang primary matches hanggang sa sumunod na araw.
.
-----
.
Si Chris ay nanatiling nakatayo at sinusuri ang pagsagap ng kanyang Energy sa katawan, at nasa likod nya ang GreatSword.
.
Naalala nya ang 5% na karagdagang Ala-ala mula sa kanyang nakaraang buhay.
.
'mapanood nga muna, at may bago'.
Naalala ni Chris ang tungkol sa kanyang pamilya sa isang Planeta sa Divine 1st realm. At cut scenes, ng mapunta naman sa pagkawasak ng buong planetang iyon, dahil sa mga DevilDraconians.
.
Nagtagal ito ng ilang oras na parang binilisan lang ni Chris ang pag preview sa lahat