webnovel

Chapter 15: Deadly assured, Crouching tiger and hidden dragons.

Chapter 15: Deadly assured, Crouching tiger and hidden dragons.

.

.

===Once upon a time===

In an Ancient continent, far far far far far fart away. ----ahem. Ahem. 

.

May isang Batang lalake, na nasa edad na 12 at nag-ngangalang Jose.

.

Sya ay lampa at nawalay sa pamilya magmula nung inatake ng mga ibang cultivators ang kanilang tahanan. At lalong walang wala syang alam sa pag-cucultivate. 

.

Sya ay laging ipinagtatabuyan sa mga tribo dito at mga tribo duon. Kahit sa mga bayan dito at mga bayan duon.

.

Kilala sya bilang walking Stickman dahil sa payat na payat nitong katawan pero napaka bait nito at magalang lalo na sa mga katulad nyang palaboy at walang matitirahan.

.

Pagdating nya sa edad na 15.

At yun na nga. napadpad sya sa isang kabundukan. Kung saan puno at sagana sa prutas, gulay at sari saring hayop na hindi matatawag na magicalbeast.

.

Dito ay nasanay syang mamuhay ng mag-isa kasama ang mga maamong mga hayop at ipinasyal sya ng naging alaga nyang agila sa mga Ancient ruins.

.

Napasok nya ang isang kwarto duon na naglalaman ng scrolls at isang box na may lamang isa pang piraso ng CelestialPill at isa ding HeavenlyJade bottled elixir.

.

Binasa nya ang nakalagay sa scroll. Hindi nya ito naintindihan sa una. Ngunit bigla nalang syang nasugat dahil sa kung anong bagay na matalas sa parte ng scroll.

.

.

Drip-----(blood)

.

.

Nailagay ang dugo sa scroll at ito ay nagliyab at pumasok sa kanyang sea of consciousness. 

.

Nawalan sya ng malay sa loob ng sampung araw.

.

At sa kanyang paggising. Kakaibang lakas at panibagong kaalaman ang naimulat sa kanyang kaisipan. 

.

"----Ang puso ay kailanman hindi magigiba, sapagkat ang langit ay syang dadaloy sa aking puso magpakailanman-----".

.

Ito ay nasa kanyang isipan at hindi pa ito nakompleto. At nakabase ang insights sa kanyang sariling perception patungkol sa nilalaman ng scroll. O masasabing Cultivation Scroll. 

.

Nagsanay sya base sa kanyang nalaman. At ito ay nakabase sa Pisikal na pagsasanay. 

.

Lumipas ang limang taon. Narating nya ang Epic Stage level 5 sa Physical Cultivation. At nagamit narin nya ang pill at elixir kung saan ipapantay nito ang Qi stage nya sa kung saan man aabot ang kanyang Physical Cultivation. (kumbaga balancer)

.

Naging bantay sya ng Ancient City na tinawag na Pinnas. At sya ay binansagan na 'Malandok' ng mga cultivators na gustong sakupin ang buong lupaing iyon. 

.

At sa tagal ng mga pakikipaglaban nya ng walang tigil. Nasira ang kagubatan, nawasak ang ilang mga bundukin. At tanging ang Ancient City ang hindi nagiba at hindi nadamay sa madugo at nakakawasak na labanan.

.

At sa huli nagwagi si Jose dahil sa tulong ng limang Tao. Sila ay tinaguriang Legendary Figures sa sinaunang panahon. Masasabing mga diyos ng mga tao. 

.

At sa paglipas ng mga panahon----sa pagtapak nya sa edad na 25, bumagal ng husto ang kanyang pagtanda. Pagkus 20years na ang lumipas at walang sino man ang makakatalo sa kanya sa buong bansang iyon o hindi lang sa bansnag iyon----- hindi tiyak ang kanyang tunay na limit lalo na sa stage nyang Saint:level4 Physical cultivator. At Ancestor:level 5 Qi cultivator. -----

.

At masasabi nyang hindi parin sya malakas dahil ang Saint stage ay may nakapaloob na 1-10 levels at may mga kasunod pang Stages sa itaas nito. 

.

==end of shorstory===

.

Nakangiti si Jose sa kanilang dalawa.

.

"Jose Grande Hernandez!!?-----"

Ng marinig nila ang pangalan, ay nasa isip na nila ang tumakbo pabalik sa bansang Bina.

(scared witless----ha ha ha)

.

Napaatras sila ng ilang hakbang ngunit. huli na ng makita nila ang anino ni Jose sa kanilang harapan. 

.

(blink of an Eye)

.

Crack!----crack! -----crack! ---(bones)

.

Wala manlang ibang ingay o sigaw sa na narinig. Tanging mga nabaling buto lang. 

.

"halla!. Wala kang awa tito."

Naglakad si Chris palapit kay Jose na nakatayo at buhat buhat nito ang dalawang bangkay na walang mga braso at wala na ring mga hita, at sa mismong leeg pa nila ito nakahawak paitaas. 

(Savage!!!, Brutal!!!, GORE!! )

.

Drip----drip----(blood)

.

"Chris, mukhang nasundan ka. O hinayaan mo nanaman silang mapunta dito? "

Taas kilay nitong tanong kay Chris. Habang ibinato nito paitaas ang dalawang katawan. 

.

.

Dragon Rising!!! ----(Combat skill)

.

.

Sa isang Simpleng sipa ni Jose ay naglabas ito ng heavy pressure at nagdulot ng cracks sa dimension paitaas. 

.

Wwwoooooooohhhhmmmm!! (Destructive pressure)

.

Tinamaan ang dalawang katawan na nasa itaas himpapawid na bahaging iyon at tuluyang nabura sa mundong ibabaw.

(nothing left!!, parang nag evaporate lang yung katawan nila!! )

.

"so tito, oras na para ituro mo saken ang WarDragon skills."

Nag mamakaawang hitsura ni Chris. At Cute eyes. 

.

Umiwas naman si Jose ng tingin at nag poutylips. Tila nagdadalawang isip pa. 

.

Pilit namang pumwesto si Chris sa kung saan man babaling ang pansin ni Jose. 

.

*para silang idiots, pero hindi sila dapat minamaliit*

.

"sigh, tutal narating mo na ang GrandMaster stage sa edad mong yan. Masasabing may mga lihim ka din na hindi mo sinasabi sakin. Simula nung mapulot kita five years ago sa labas ng Forbidden walls----"

Sumeryoso ang titig ni Jose. 

'imposibleng may nahanap syang mga bagay na kagaya rin sa mga nahanap ko noon----'. 

.

Ngumiti si Chris at naglabas sya ng isang kahon na tila ordinaryo ngunit may aura ito na hindi galing sa normal na kahoy lang. 

.

Nanlaki ang mga mata ni Jose at tila totoo nga ang hinala nya. 

(a very very very ancient box)

.

"heto tito. May laman itong pill at elixir dati. At nainom ko na ---yun lang. Then unti unting bumilis ang pag Cultivate ko sa Physical at mas mabagal naman sa Qi gathering---- masasabing talented na ako sa mga ka edad ko. he he he. "

Obviously nagsisinungaling si Chris bumili lang sya ng simpleng kahoy na kahon at pinalagyan nya ng aura mula kay Ahri noon pang bagong sumanib ito sa katawan nya. 

(lying and too shrewd)

.

Napahawak si Jose sa kanyang baba at naglakad pabalik dito at duon na tila nag iisip ng rason o pinag-iisipan kung ano isasagot kay Chris. 

.

.

"sige payag na ako. Pero una sa lahat----"

Sumeryoso ulit ang hitsura nito at bumaling kay Chris.

.

"----may Girlfriend ka na noh?! "

Napangiti ito ng malaki at lumapit kay Chris na parang baliw kung maglakad. 

.

Tila sapul sa kahinaan ni Chris at napaatras ito ng ilang hakbang. At bakat sa mukha nya ang gulat. 

"eehhh?!, w-wala p-pa pero may gusto akong babae at Plano ko sya ipakilala sayo sa susunod tito. he he he".

.

Natawa naman si Jose sa sagot ni Chris. 

.

"ha ha ha. Maganda? Maganda ba? Woah!!----mukhang magiging lolo din ako pagkatapos ng isang taon. ha ha ha"

Galak itong maging Lolo obviously itinuring nyang studyante si Chris at para narin nya itong anak. At isa pa ilang taon na ba syang nabuhay mag-isa kakabantay sa lugar na iyon. 

.

"at may pasalubong ako tito. He he he."

May lumabas na Gold ring sa kanyang palad. At ipinasa nya ito kay Jose. 

.

Ilang sandali na pagsusuri ni Jose sa laman nito. 

.

"YES!!!, mga flower seeds!!, ha ha ha. Mas gaganda ang buong lugar na ito dahil dito. he he he. Buweno----"

Kumuha si Jose ng isang dahon sa lupa. 

.

.

Ssshhhhhiiiinnngggg-----(Qi aura)

.

.

"heto naman ang WarDragon skills. Aasahan ko magiging mabait ka sa kalikasan kapag nasanay mo na lahat yan----paalala ko wag kang sisira sa kalikasan! "

Seryoso nitong sinabi at lumutang ang pirasong dahon na iyon at lumapit ito ng kusa sa noo ni Chris. 

.

Napapikit si Chris at naupo sa meditative posture. Tila may naintindihan na ito sa ipinasang Battle skill ni Jose sa kanya. 

.

'sigh. Napakabait nyang bata--- buti pa sya may nahanap ng babae. sigh!'

Tila napalalim ang iniisip. At lumingon sa hilagang bahagi. Kung saan nakapwesto ang Kontinente ng mga MagicalBeast. 

.

-----

.

Nabasag ang 2 Rune stones sa soulstone hall ng Simion Clan.

.

Ibinalita ito ng isang servant sa GrandElder. 

.

Crraasshh---(breaking)

.

Binasag ng GrandElder ang hawak nitong crystal chalice na may lamang Nectar Wine. 

.

"tawagin Ang mga HunterValmos, hanapin ang Chris na yan at kung sino mang tumulong sa kanya. Ako na ang bahala sa St. Cessia at kay Vera! "

Seryosong tono nito at yumanig ang lugar na iyon kasabay ng Qi electric discharges sa paligid. 

.

"m-ma-masusunod kamahalan! "

Agad itong yumuko at nagmadaling lumabas ng kwartong iyon. 

.

-----

.

Nagsusuklay si Jane kasama nito sina Blana, Lanna at Ahri sa mismong kwarto nila sa dorm. 

.

Nakadapa si Lanna sa higaan nito habang nakatingin kay Ahri. 

.

"ate Ahri, bat ang ganda ganda mo? "

Curious eyes. 

.

Napalingon din sina Blana kay Ahri na nakatayo sa harap ng Body sized mirror. 

.

"ah eh. Ganito kasi yan----- (blah blah blah blah blah) ganun kaya nanatili akong ganito kaganda. He he he. "

Bunyag nito sa Tatlo. Habang sinusuklay ng kanyang mga kamay ang sarili nitong buhok. 

.

Napatulala lang sina Jane sa kanilang narinig. Nasabi ni Ahri ang tungkol sa pag kain ng Puso at Liver ng isang tao. 

.

"pero hindi ko sinabing pumatay ako ng ganun lang ha. Sa katunayan may mga blackmarkets na pwedeng pamilihan ng mga ganito----Freshly preserved organs"

Dagdag pa naman ni Ahri. Kahit kasinungalingannaman ang una. Pumapatay talaga sya--- ngunit yung mga masasama lang.

.

Sabay sabay silang napa "Aaahhhh". Sa bagong kaalaman mula kay Ahri. 

.

Napalingon naman si Ahri sa dakong south. 

.

'isang Ancestor stage cultivator. Kasama ang mahigit na 200 Epic stage cultivators---At sa oras na ito?, mag-gagabi na ah'. 

Sumeryoso si Ahri. At pumasok ang kanyang spirit sa loob ng kanyang Ring naroon ang isang lumiliwanag na bato na may mga nakaukit na runes. 

.

"Ate bakit?, may problema ba? "

Tanong ni Jane na tila napansin nyang may mali. 

.

"wala. He he he. Dito lang kayo may pupuntahan ako. At mukhang magkakagulo dito sa St. Cessia."

Sagot nito kay Jane. At nawala kasabay ng pink na usok.

(pink is cute and smooth-----)

.

-----

.

Si Great/Grand Elder Bavix ay nakalutang sa ere sa itaas ng St. Cessia.

.

Sa likod at palibot naman ng St Cessia ay ang bilang na 200 Epic:level1-3 stage cultivators ang nakabantay. 

.

Lumabas ang mga 60 instructors na nasa Epic Stages at ang principal na si Johnny.

sabay sabay silang umangat sa ere upang salubungin ng bati ang mga bisita.

.

"ano ang maipaglilingkod ko sa'yo Bavix?"

Sabi ni Johnny na pormal namang yumuko tanda ng galang sa kapwa Ancestor stage. 

.

"Napabisita ako ngayon, ----at alam mo ang tungkol sa Simion Clan. Gusto ko lang tawagin mo si Vera na lumabas at sumama saken pabalik sa Clan. "

Taas noo nitong sinabi kay Johnny. 

.

Napalingon si Johnny kay Mr. Adonis. 

.

"habang hinihintay natin si Ms. Vera mula sa kanilang Dormitory. Nais kitang imbitahin sa isang tsaa. Okay lang ba?".

Ngiti naman ni Bavix. Na halatang may tago itong inis sa kanyang kausap. 

.

-----

.

Si Vera ay kasalukuyang kasama si Ruby at nag S-Sparring silang dalawa. Sa duel platform sa Gym#5.

.

Parehong naka Boxer shorts at naka sando ang dalawa.

(those legs!!!, those buns!!! That slenderbodies !!! )

.

"wooooh. Mas mabilis ka na ngayon kesa nung last month----kakaiba talaga kapag nagising ang bloodline ability nyo bilang parte ng Valphemis ng Simion Clan. "

Proud na sabi ni Ruby. At napangiti ito. 

.

"pero mas kakaiba po kayo ma'am, tila hindi kayo nauubusan ng Qi Energy. At hindi pa kayo pinagpawisan."

Medyo pinagpapawisan na si Vera. 

.

Bumukas ang pinto at pumasok duon si Mr. Adonis. 

.

"Ms. Ruby, Ms. Vera. Naparito ako dahil mukhang mismong ang GrandElder na ng clan ang dumating para sunduin ka".

Tila nag aalala at seryoso si Adonis ng sinabi nya ito sa kanila. 

.

"GrandElder Bavix?".

Gulat at tila hindi inaasahan ni Vera na mangyari ito. 

.

"wag kang mabahala. he he he. Sabi naman ni Ruby----".

Napangiti si Ruby at tila may backup plan ito. Dahil nakatanggap sya ng message mula kay Chris kamakailan lang. 

.

lumingon sya sa kabilang pinto kung saan may nakatayong Lalake duon na may mask ang bibig. 

(kakashi is that you!!?? ----maybe no)

.

Sumunod naman ng lingon sina Vera at nakita nila ang lalakeng naka itim na may black ninja Martial outfit. At may mahabang braided na itim na buhok. At may scar sa kanang kilay.

(a kungfu master? Or Advance assassin)

.

*Hazan Delli, age 200, may mukhang nasa edad na 26, Pitch black (corneas). Paboritong magtakip ng mukha. Long braided hair. 6'3" ang height*

.

"Mahal na prinsesa, kautusan mula kay Master na sundin ang ano mang iuutos mo".

Yumuko ito kay Ruby. Na parang isang loyal butler. 

.

'isang Ancestor stage!!, at yumuko sa harapan ni Ms. Ruby!? '

Nanlaki ang mga mata ni Mr. Adonis. Na parang magkakasya na ang 5 pesos. 

.

"simple lang naman, kausapin mo ang Grand Elder na hindi nya maaaring kunin si Vera hanggat kasama nya ako."

Kalmadong utos ni Ruby. 

.

"masusunod mahal na prinsesa".

Agad nawala kasabay ng itim na usok si Hazan. 

.

Lumapit si Vera kay Ruby. 

"ma'am, bakit wala akong maramdaman sa aura at Qi stage nya? At sino sya? "

Curious na tanong nito. 

(kung masyadong mataas ang Stage ng kaharap mo, hindi mo sya mararamdaman maliban nalang kung i-pressure ka nya ng aura nito)

.

"sya ang Ancestor Headmaster ng Flame Hound sect. At isa pa natural lang na hindi natin maramdaman ang kanyang aura. he he he".

Umakbay lang si Ruby kay Vera. 

.

'Flame Hound Sect!!!, isa sa top 5 sects sa buong continent!!!'

Huminga hinga ng malalim si Adonis at parang iniisip na nyang ilusyon lang ang lahat sa mga sandaling iyon. 

.

*oo nga sino ba hindi magugulat at malilito kapag ang isang Ancestor stage ay yumuko lang at sumunod sa utos ng isang dalagang babae---- ahy naalala ko, prinsesa pala ang tawag nya kay Ruby.*

.

-----

.

Sa itaas ng St. Cessia.

.

Hindi pumayag si Bavix sa alok ni Johnny ng tsaa. At bagkus nanatili ito duon sa ere at tila gusto na nitong makuha si Vera sa kamay ng St. Cessia. 

.

Pooof!! -----(air/smoke shock)

.

Biglaan ang lahat at kumalat ang Aura ng isa pang Ancestor stage. 

.

"Bavix, na mula sa Simion Clan---- mula sa kautusan ng Royal Family Rose. Hindi mo maaaring imbitahan o kunin si Vera sa ngayon"

Kalmadong alok naman ni Hazan.

.

"Hazan Delli ng Flame Hounds Sect,-----"

Sabay na bigkas nina Johnny at Bavix. 

'isa na syang Ancestor:level 2 Physical'

.

*oooh naalala ko Qi-Ancestor: level 3 si Bavix, at Qi-Ancestor: level 2 si Johnny. Pero nakadepende parin sa skills at experience ang basehan kung mag-lalaban sila---- yun ang tunay na lakas. At isa pa Physical Cultivator si Hazan*

.

Hindi nagtagal ay may mga aura pa na tila paparating galing sa malalayong lugar na tila nagpapahiwatig ang kanilang presensya. 

.

Sa kanlurang bahagi. 

.

"tsk, mukhang maganda ito".

Sabi ng naka itim na Hooded Wizard at may hawak na Darkstone Battle Broom. (parang silahis)

.

*Atlas De Meshia: St. Hans School. Age 238, may anyong mukhang 28. Purple eyes. 6'2", short hair dark green*

.

-----

.

Sa timog na bahagi.

.

"ha ha ha. Nalalapit na talaga ang national tournament. ha ha ha"

Sabi ng Babaeng may suot ng full armored martial suit at may kapa sa likod. With helm visor. 

.

*Gaudia Amei Seren: St Canna School. Age 205, may anyong mukhang 25. Golden brown eyes, long blonde hair, 5'8", sexy-hot. este guardian*

.

-----

.

Sa silangang bahagi.

.

"no no no. Sayang ang buhay kung hindi sa Tournament gagamitin ang talent. Sana walang mangyari sa mga students."

Boses ng maamong babae. Nakasuot ito ng Swordsman martial suit(outfit) at may kapa ito sa likod. 

.

*Rebecca Sloth: St. Fiora School. Age 195, may anyong nasa edad na 25. Dark brown eyes, short golden brown hair, 5'8", syete!! May makamandag na kagandahan at idol na katawan.*

.

-----

.

Mula sa hilagang bahagi. 

.

"tsk. Kids-----ptoooeyy!! "(dura)

Isang matipunong Lalake na bare-chested at may hawak na Giant Axe sa kaliwang kamay habang isang malaking hammer naman sa kanang kamay. May suot na armored boots at reinforced pants. 

.

*Karion Troy: St. Rubert School. Age 300, may mukhang nasa edad na 30, clean shaven face, reddish/black hair, Darker red eyes. 6'5". Katawang nababagay sa isang Guardian/tank. Muscle macho*

.

At ilan pang mga Ancestor na tila nagparamdam lang saglit at agad ding kumalma. 

.

"oh! ----mukhang pati ang ibang clans at hidden organizations ay interesado sa anomang mangyari".

Sabi ni Hazan. At kalmadong lumingon kay Bavix. 

.

"ha ha ha ha. Para saan pa-----tutal nalalapit na ang national tournament ng mga Sects, Schools, at Clans. Tiyak gusto nilang mabawasan ng isang group competitor. he he he. "

Iniunat ni Bavix ang kanyang kanang palad sa itaas nya. 

.

.

Nakahanda naman si Hazan sa ano mang planong pag atake ni Bavix. 

.

"alam mo ba Hazan bilang isang Assassin----ano kaya una mong ililigtas, buhay mo o mga buhay ng nasa likod mo?! "

Ngumiti ng mala demonyo si Bavix. 

.

Napalingon naman si Hazan sa kanyang likod kung saan sakop nitong Aura ang buong St. Cessia School. 

.

'oh no!!' 

Napapikit si Rebecca na tila alam na nya ang mangyayari. 

.

Ang ilan namang mga Ancestor sa ibang mga eskwelahan ay walang magagawa sa maaaring mangyari. 

(hindi nila gustong sumawsaw sa gulo)

.

Tumatak sa kalangitan ang isang malaking Magic Circle na gawa sa nagliliyab na apoy. 

(spell type skill)

.

"ano Hazan!?, nagbago ba ang isip mo?, gusto mo subukan ang tulad ko na mas-mahina ng physical sayo. Ngunit mas malakas ka ba sa Qi-destruction skills!!?"

Sigaw ni Bavix na tila may halong Inis at pagka-irita. 

.

Napalabas ang mga studyante sa kani-kanilang mga dormitories at maging ang mga ilang empleyado at mga malapit na bayan at mga mamamayan sa kalapit na mga bahay. 

.

-----

.

"tay----anong ilaw yun? "

Tanong ng isang bata na nasa syudad ng Trock. At kitang kita ang liwanag ng magic circle mula sa mabunduking lugar na palibot ng St. Cessia.

.

"Bavix, oo mas malakas ka pagdating sa skill, ngunit plano mo ba talaga akong harapin ng walang ibang madadamay!!? "

Seryosong tono ng boses ni Hazan. Na tila hindi nya maaaring ipag palit ang St. Cessia para sa buhay ni Bavix.

.

Si Gaudia naman ay tila na-eexcite masyado at gustong lumapit sa labanan. 

'he he he he. Hindi ko kakayanin ang ganitong klaseng pagkakataon para sumali sa laban!! '

Nagpipigil lang ang katawan nitong gumalaw. 

.

Ganun din ang ilan lalo na sa St. Hans. Si Atlas ay napahawak ng mahigpit sa kanyang darkstone battle broom. 

"he he he. Harr! har! harrr! ---- ayos ka din Bavix!!, mukhang gusto tuloy kitang labanan ulit matapos ang 100 years na pagtatago mo sa Clan mo!! "

That jokers grin. 

.

Ang gabing iyon ang tinaguriang Ancestors Showdown. 

.

*Shet yung feeling na napapalibutan ka ng mga Nuke bombs at parang wala kang takas kahit saan ka magpunta.*

.

Itinuro ni Bavix ang kanyang kanang kamay kay Hazan. 

.

"huli na ang lahat Hazan!! At ganun din sayo Johnny!! "

.

.

Wwwhhhhhhuuuuuunnnggggghhh!!! (heavy pressure)

.

.

Fire tornado!! 

.

.

Mula sa madilim na kalangitan bumagsak ng kusa ang apoy na gawa sa tornado. 

.

Sumeryoso si Hazan at Johnny. 

.

Magkabilang kamay na itinapat ni Johnny ang kanyang mga kamay sa papabagsak na giant flame tornado. 

.

Habang si Hazan naman ay agad inilabas ang kanyang Giant Windmill Black shuriken.

.

.

Ibinato nya ang shuriken kasabay ng pagdikit ng kanyang mga palad at nag-chant sya ng skill. 

'Black Serpent!! '

Naging itim na higanteng ahas ang after-image prjection ng giant shuriken. 

.

.

Si Johnny ay nag-chant din ng skill.

'Bloody Wail'

Isang shockwave mula sa dual palm ni Johnny. 

.

.

Sabay na tumama ang kanilang skills sa higanteng fire tornado. 

.

Bbbaaaaaaammmmmshshhhhhh!!! (large blasts)

.

"ha ha ha ha. Ok nice!!!, pano naman eto?-----".

Magkabilang kamay na ang itinaas ni Bavix.

.

Lumabas ang limang higanteng mga magic circles na nababalutan ng mas mainit na apoy. 

.

"sh*t--!!! "

Bulalas ng mga instructors na walang magawa sa mga sandaling iyon. 

.

Ganun ding natahimik ang mga Ancestors ng ilang Eskwelahan na nasa malayong lugar.

.

Buong St. Cessia ay nakakaranas na ng matinding init, at dahil lang ito sa magic circles na nasa layong 3500ft. At bawat isa ay may radius na 100meters. 

.

Si Ruby at Vera ay nakatingin din sa itaas at mukhang kinakabahan na sila ng todo sa maaaring mangyari. 

.

"ma'am Ruby. May pag-asa pa ba tayo? "

Mahinang tanong ni Vera.

.

"w-wala, at kahit magtawag ako ng tulong sa aking mahal na great great grandmas, huli na ang lahat".

Napalunok si Ruby at pinagpapawisan. 

.

Itinutok na ni Bavix ang kanyang magkabilang kamay sa buong St. Cessia. 

.

.

"Judgement Tornados!!! "

Sigaw nito na parang isang Sadista. 

.

Whhhhuuuuunngggghhhh!! (heavier pressure)

.

.

Sssshhhhhhhhhssssshhhh!! (frosty winds)

.

"Huh??!!! ".

Sabay sabay nilang namataan ang isa sa pinaka malakas na Element skill, at bigla nalang itong naapula....

.

.

sa isang Hampas lang ng Hangin--- na tila nanggaling sa kung saan.

.

"magpakita ka!!!! "

Sigaw ni Bavix. Na tila tumaas na sa punto ng galit nito. 

.

Nabuo ang nine sparks at lumitaw ang isang nilalang na may buntot na 9. At nakarelax itong yakap ang isang buntot. 

.

"oh, bakit?, ---nag-iinit ka kaagad eh. Maaari ba kitang subukan---"

Boses ito ni Ahri at nasa Saint stage nitong form. May matalim itong titig kay Bavix. 

.

Nanginginig naman sa excitement sina Jane at Lanna ng maramdaman nila ang nakakatakot na Aura ng kanilang Master. Napaluhod sila habang nakataas noo sa kalangitan. 

.

.

Na tila ba isang diyosa ang bumaba sa mundong iyon.

.

Sa liwanag na taglay ng mga 9 na buntot nyang may haba at laking 6ft ang bawat isa. 

.

Hindi nakapagpigil ang mga hidden Ancestors at lumapit silang lahat sa kinaroroonan ng Diyosang iyon. (Ahri is too OverPower).

.

Nanginginig si Bavix at ganun din sina Johnny at Hazan dahil sa Aura ni Ahri. 

.

"Bavix ba pangalan mo?, -----".

Sa isang flick ng kamay ni Ahri ay agad lumitaw si Vera sa isa sa mga buntot nya at maalaga nitong nakapulupot sa katawan ni Vera. 

.

Sa lugar kung saan nanonood si Ruby nakaramdam lang sya ng hangin at agad nawala ang katabi nyang si Vera.

.

'kung narito lang sina great great grandmas, sigurado akong kaya din nila itong gawin, ngunit wala manlang akong nakitang anino o naramdamang pressure---'

Tulala nalang sya sa nangyayari sa itaas. 

(nasa peak Saint stage si Ahri. At mukhang suppressed lang ito sa tunay nyang lakas)

.

Nagdatingan na ang mga Ancestors at agad silang nagbigay bati at yumuko kay Ahri. 

.

"oh, how respectful--- be at-ease. Naparito lang ako para sabihan kayong wag nyong idadamay ang mga inosente sa laban ninyo. At kung mag-aaway kayo----dalhin nyo yan sa labas ng Forbidden walls. Makakatulong pa kayo sa pag-ubos sa mga magicalbeast duon----at isa pa".

.

Kalmado nitong sermon sa lahat. At lumingon sya sa bawat isa. 

.

"hindi ako magtatagal aalis din ako kaagad at babalik ako sa eastern endless seas. Malalaman nyong mas madaming Epic at Ancestors sa mga karagatang nakapalibot sa munting lupain ninyong mga Tao at mga Magicalbeast".

.

.

Hindi makapagsalita ang lahat sa kanilang nalamang malaking katotohanan at ang matagal nilang gustong tuklasin ay nasabi na mismo ng isang Saint stage peak. 

.

"ikaw naman Bavix, sa katunayan, may mahal na si Vera na isang lalake at tiyak ako----na ang lalakeng iyon, kahit hindi ako dumating sa mga sandaling ito----sya na mismo huhukay sa magiging libingan mo pag nagkataong kinuha mo si Vera sa eskwelahang ito".

Seryoso nitong banta o babala kay Bavix. 

.

"h-hndi k-ko na g-gagalawin pa si V-Vera mahal na panginoon".

Yumuko konti si Bavix na tila nanigas ang buong katawan sa isang titig lang ni Ahri. 

.

"buweno, Vera--- maaari ka ng bumalik".

Sa isang flick ng kamay ni Ahri ay nawala na parang hangin si Vera.

At agad namang lumitaw si Vera sa tabi ni Ruby. nakatulala parin ito sa itaas ng St. Cessia. 

.

"at kayong mga Ancestors, magsibalik na rin kayo sa inyong mga lugar. Tiyak akong wala din sa inyo ang may planong humalo sa gulong ito. ----lalo na ikaw Bavix, umalis kana rito ngayun din".

Kalmadong utos nito---- sa lahat ng Ancestors. 

.

Yumuko ang lahat at nagpaalam sa isat isa at ganun din sa presensya ng Saint. 

.

Ganun ding umalis si Bavix at ang mga Epic na isinama nito para palibutan ang St. Cessia. 

.

Hindi nagtagal ay kumaway si Ahri kina Jane at Lanna. At nawala ito na parang bituin na nagkalat sa kalangitan. (shattered Spark fragments)

.

-----

.

Bagamat dumating si Ahri bilang Saint stage. Sa katunayan ang lahat ng iyon ay dahil sa isang Bato na hawak ni Ahri, na kasalukuyang nasa loob ito ng Banyo. 

.

'Tsk!, nagamit ko tuloy ang isang Vessel stone. Gagamitin ko sana ito sa pag-buo ulit sa dati kong katawan. Tsk mag-iipon nanaman ako neto ng malaking Qi para makagawa ng Vessel stone.'

Huminga si Ahri ng malalim. At lumabas na ng banyo. 

.

*Vessel stone, itong batong ito ay binuo gamit ang nagsanib na Blood essence at inipon na Qi element, na mararamdaman o makikita ng mga cultivator sa buong paligid. At magagamit ito sa pagbabalik ni Ahri sa tunay na katawan nito(Anyo)----- at kakailanganin pa nya ng 1000-Saint stage cores*.

.

----minsan 2 chapters per week ang release he he he. Minsan may mga mistypings, wrong grammars he he he. Pero i think ma gegets nyu rin kahit ganun he he he. Ang lawak madami naman talaga ang mga reference ko lalo na kapag galing pa sa History, Science, Idioms, At Mukhang maisasama pa yung pag aaral sa kalawakan, makabuo lang ng kwentong ganito. ----ooops martial arts pa pala at (religions) Daily life inspirational moments... ha ha ha sana walang ma bored. Ilang ideas ay galing na sa mga Wuxia Novels at Anime at Mangas. ---wala talaga ako magawa sa mga araw na ito. 

Next chapter