webnovel

Kabanata: Our First Kiss

Ngayon ay nakasakay na ako sa car ni Fil Am, ay estes, Cyrus pala. Ang bait naman pala talaga niya. Napaka gentleman niyang klase na lalaki. Swerte siguro ng babaeng mapapangasawa niya.

"So, tell me about you." bigla niyang sabi.

"H-hah?" ang tangi kong naisagot sa kaniya.

"Kuwentohan mo ako tungkol sayo." paglilinaw niya.

"B-bakit?" curious kong tanong. Ay, hindi pala. Katangahang sagot kong sagot pala. Bakit ko yun sinabi? Tanga ko talaga. Syempre, dumidiskarte na ang lalaki. Tssskk...

"Ang ibig kong sabihin. Oo, oo naman." pagbawi sa katangahan ko.

Then he smile at nag-umpisa na akong magsalita tungkol sa buhay ko.

"Okay. Ahmmm... dalawa kaming magkakapatid at puro kami babae. Ako ang panganay. Hindi kami mayaman at hindi rin kami mahirap. Average lang. My mother is a housewife at papa ko naman ay isang master 2 sa isang fishing boat, sa Gensan." lunok ng laway. "Ikaw naman Cyrus."

Lumingon siya sa akin at bumalik agad sa pagmamaniho. "Ahmmm... I am the only one, son. My father is a romanian and my mother is a high school teacher. My father left us when I was an 8 years old. He passed away by a car accident."

Binalot ng katahimikan ang loob ng sasakyan. Hindi ko enexpect na ganun pala stort niya. "Hey, it's okay. Wag kang malungkot diyan." ngumiti siya na parang gusto niyang iparamdam sa akin na okay lang talaga.

"Sorry hah, sorry talaga." paulit-ulit kong paghingi ng patawad.

"It's okay. Perhaps, ako naman ang unang nag-asked sayo about yourself and it won't be fair naman if hindi ko eshare ang tungkol sa akin, diba?" wika niya.

Total, my point siya naman. "So, anong paborito mong ulam dito sa Pilipinas?" pagpapatuloy ko sa usapan namin.

"Ahmmm... yung ginataang jackfruit na may kasamang dried fish." sarap na sarap siya habang sinasabi niya ito.

Bakit pagdating sa kaniya ang sarap ng pagkakasabi. Sa amin, pag 'yun ang ulam niyo. Mahirap na agad dahil gulay-gulay lang. Pero sa kaniya, parang isang napakamahal na menu sa isang mamahaling restaurant.

"TALAGA? Wehhh, di nga? Ene-echos mo lang ako hah. Pa low key ka hah." panunukso ko.

"Promise, 'yun talaga favorite ko." seryoso niyang sabi.

"Okay. Ikaw hah, pinoy na pinoy ang panglasa mo." nang-aasar pa rin ang mukha ko.

"Ikaw? What's your favorite uhlam?"

"Ikaw," mabilis kong sagot.

HAH? TAMA BA YUNG SAGOT KO? PUTEK, NADULAS AKO. ISIP-ISP ANONG PUWEDE MONG PANGBAWI DUN SA SAGOT MO BRETTA.

Nakatingin siya akin na parang naguguluhan.

"Ibig kong sabihin, pareha pala tayo ng favourite." paglusot ko sa kalandian ko.

"Ahhh... haha." natawa siya na halatang hindi naman talaga nakakatawa.

"Epark mo na lang diyan sa gilid." sabay turo sa gilid ng kalsada. "Thank you sa paghatid sa akin hah." pagpapasalamat ko sa kaniya habang nakatingin sa kaniya.

"No, it's my pleasure na maihatid kita dito sa inyo. And ako naman yung nag insist na ihatid kita." wika niya.

"Pero salamat talaga. For being nice to me."

At unti-unting tumahimik ang paligid. Nag-iba ang temperatora ng katawan ko. Umiinit at nagdadabog ang puso ko. Hindi ko namalayang, sobrang lapit na pala ng mukha at labi ni Cyrus sa mukha ko.

Anong ginagawa niya? Hahalikan na niya ba ako, for real? Ito na yung matagal-tagal kong hinihintay eh. Kaya, I closed my eyes at hinintay na dumampi sa mga labi ko ang mapula niyang labi.

Pero nag-iba ang daloy ng utak ko. Gusto kong makitang lumalapit ang labi niya sa akin. Gusto kong masaksihan ang buong proseso ng mangyayari.

Kaya ibinuka ko ang aking mga mata at sakto rin ang pagbuka ng mata ko ay ang pagdampi ng... ng URGHHH. Ang lambot ng labi niya. Kakaiba ang nararamdaman ko ngayon.

Nag-init ng sobra ang buong katawan ko. Para bang nagkalagnat ako bigla. Bakit parang may kumikiliti ng tiyan ko pababa sa pepe ko. Parang may tagos ata ako. Pero tapus na ang period ko this month eh. Imposible naman na datnan ulit ako.

Pagkatapus, inalis na niya ang labi niya sa labi ko. Bakit parang nanghihinayang ako. Parang nakulangan ata ako.

"Oh, shit. I-I'm sorry Bret. Nadala lang ako sa..." Hindi ko na siya pinatapus magsalita at sinunggaban ko agad ang labi niya.

Hinalikan ko siya na para bang nauuhaw ako sa laway niya. Sa pagkakataong ito, hindi lang bridal kiss ang ginawa ko. French kiss ang ginawa ko sa labi niya. Gisuyop nako iyang hangin ug laway. (Bisaya).

Sinipsip ko ang hangin at laway niya. Uhaw kung uhaw. Hayok kung hayok. Basta nasasarapan ako sa bawat paggalaw ng labi niya. Paggalaw ng dila niya papasok sa bunganga ko.

Ang sarap ng lasa ng laway niya. Parang chokolate. Tobleron ata. Salinan kami ng laway at hangin.

Habang naghahalikan kami. Unti-unting gumagapang ang kamay niya kanina'y nasa likod ko Lang. Ngayon, ay bumaba na hanggang sa bandang puwet ko.

Na alarma ako. Kaya tinigil ko ang paghahalikan namin at umalis sa pagkakaupo sa paa niya. At umayos ako ng upo.

"Okay ka lang ba? I'm sorry if I gone too far. I shouldn't do that. I'm sorry Bret." sobrang naguiguilt siya sa ginawa niya.

"No, it's not your fault. Maybe I should go. Baka nagtataka na ang mga tao dito kung bakit sobrang tagal nating lumabas. Kanina pa kasi tayo dito nakapark. Alam mo na ang mga tao. Sige." wika ko sabay bukas ng pinto.

"Thank you. Bye." nagsmile lang ako at sinara ang pinto.

Kitang-kita sa mukha niya ang lungkot at pagsisi. Alam kong natakam siya. Hindi ko lang talaga kaya na gawin muna ang bagay na 'yun. Sa ngayon, okay na muna ako sa halikan. Pero yung kasunod nun, hindi pa ako ready.

Bumabalik kasi sa akin ang nangyari nung gabing 'yun. Hindi ako makawala sa bangungut na gabing 'yun. Yun ang pumipigil sa akin na magmahal ng isang tao.

Parang para sa akin, hindi ako worth it na babae para sa isang lalaki. Parang ang dumi ng pagkababae ko. Natatakot ako na baka dumating ang araw na iiwan nila ako pag nalaman nila ang nakaraan ko.

Nakatayo ako ngayon sa gilid ng sasakyan niya. At hinihintay na umalis siya. Umandar na ang sasakyan at umatras na ito. Inantay ko muna siya na makaalis bago ako pumasok sa amin.

"Nak, magbihis ka agad. Tulungan mo muna ako dito sa kusina. Uuwi ang papa mo ngayon. Kaya bilisan na natin. Sigurado akong miss na miss na niya ang luto natin. At sympre miss na niya tayo." masayang tono ng boses ni mama.

"Akala ko ba sa linggo pa uwi ni papa, ma." sabay mano sa kaniya.

"Nagbago ang desisyon ng kapatid niya. Sige na." sagot ni mama.

Ang nakakatandang kapatid kasi ni papa ang master o leader ng barkong pinagtratrabahoan niya.

Pagkatapus kong mag-amen(bisaya sa pagmano) kay mama. Dumiretso ako sa taas para magbihis.

Next chapter