webnovel

Chapter 15

Hello everyone!

Konting pagtitiis na lang! Malapit na ang end of the world--- char! Hahahaha! Eniweys pupunta ako sa MIBF 2019 sa MOA. Please PM me if gusto niyo akong ma-meet sa venue. Sa September 14 po ako pupunta. Kaya asahan niyong sa September 13 ay completed na ang Something about her dito sa webnovel. Oo nga pala, gusto ko ring magpasalamat sa walang sawa niyong suporta! I love you guys! Hehehehe! Sana patuloy niyo akong suportahan kahit napaka-amateur ko hehehe.

This is a standalone story pero ang mundo na ginagalawan nila Grego at Pau ay ang mundo rin na ginagalawan ng mga Del Fierro. So yeah, magkakaroon ng cameo (laughing aside) sila Grego at Pau sa trilogy ng mga Del Fierro. Hehehehe. May important role si Grego sa istorya ng tatlong magkakapatid kaya expect to see him there hehehehe. Love ko rin si Grego eh kaya ayaw ko siyang pakawalan. Gusto kong ibahagi niya sa ibang tao kung gaano ka-swerte si Pau na mapangasawa siya ayiiiieeeee pero siyempre forever siyang loyal kay potatomeows hahahahha. Hello there, Mrs. Perez. Hehehehe. Ikamusta mo ako kay Erin. Hahahahha!

Salamat sa 1.25k followers and counting sa wattpad! huhuness! *cries in chingchong*

-Bella Vanilla

+×+×+×+

NAGISING si Rin na nananakit ang buong katawan. Nahihirapan siyang gumalaw dahil sa sobrang pangangalay. Pakiramdam niya ay nagbuhat siya ng isangdaang sako ng palay dahil sa pananakit ng katawan.

Luminga-linga siya sa paligid. Magtatakip-silim na at nag-uumpisa na ring umatake ang mga lamok kaya siya nagising. As usual, naririnig niyang nagluluto ang Nanang Marta niya ng hapunan. Good thing she already took a bath before going to sleep. Talagang nanghihina siya at hindi na talaga kinaya ng katawan niya ang pagod. After she took a bath, bagsak siya sa kama.

Nilalamig siya. Pakiramdam niya ay nilalagnat siya. Maybe because she pushed her body to it's limit. Masyado siyang napagod. Maliban doon ay nangangalay din ang mga kalamnan niya sa binti dahil sa ginawa nila kahapon at kagabi ni Grego.

She bit her lower lip. She's sore all over but she wanted to do that again. Hindi niya maintindihan ang sarili. Hindi niya inakalang maaadik siya sa sex ng gano'n.

Nang lumabas siya ng kwarto ay naabutan niya ang kaniyang Nanang Marta na nagluluto ng hapunan nila. Ngumiti siya at nilapitan ito para mayakap ito mula sa likuran.

"Akala mo uubra 'yang yakap mo? Nasira ang kama. Ipaliwanag mo iyon sa'kin."

Napahagikgik siya. Nagtatampo ito dahil may sentimental value ang kamang iyon. Pag-aari pa iyon ng namayapa nitong asawa kaya naiintindihan niya ang Nanang niya.

"Sorry na po, Nanang. Hindi ko naman po sinasadya-"

"Alam kong pinuntahan ka dito ng lalakeng kumupkop sa'yo noong naaksidente ka. Nabalitaan ko sa mga kapitbahay. Magdamag daw siyang hindi umalis dito. Hindi ako pinanganak kahapon para hindi maisip kung ano ang naging dahilan kung bakit nasira ang kama."

Napayuko siya. Bakas ang galit sa tono ng pananalita ng Nanang niya. "Nang. Sorry po. Hindi ko na po uulitin."

Hinarap siya ng Nanang Marta niya. "Anak, hindi ako galit dahil sa ginawa mo. Naiintindihan kita. Alam kong mahal mo ang lalakeng iyon. Lagi kang balisa dito at parang lumilipad ang isip mo sa kawalan. Naging malungkutin ka na rin simula ng umuwi ka dito. Pero sana naman anak mag-ingat ka lalo na't hindi mo pa lubos na kilala ang lalakeng iyon."

"Nanang, mabait po na tao si Grego. Mayor po siya ng isang probinsya at malaki po ang tiwala sa kaniya ng mga tao doon kaya imposible pong may masama siyang hangarin sa pakikipaglapit sa'kin."

"Layuan mo na ang lalakeng iyon. Hindi ko siya pinagkakatiwalaan. Ayaw ko siya para sa'yo."

"Pero Nanang-"

"Pakiusap, Rin. Huwag ka ng makipagtalo. Hindi na kayo magkikita ng lalakeng iyon, maliwanag ba?"

Nasaktan siya sa mga sinasabi ng Nanang niya. Hindi siya papayag. Gusto niyang makita at makasama si Grego. Pero bakit siya pinipigilan ng Nanang Marta niya?

Gusto niyang humikbi. Pakiramdam niya ay para siyang batang pinagkaitan ng kendi.

Napansin naman ng nanang niya ang biglaang pananahimik niya kaya kaagad din siya nitong hinawakan sa kamay at hinaplos ang pisngi.

"Ayaw ko lang mapahamak ka kagaya ng nangyari sa anak kong babae dati. Alam mo naman iyon, di'ba? Ayaw ko lang na lumalapit ka sa mga taong hindi mo lubos na kilala."

"But it feels like... like I've known him for a long time," aniya sa pabulong na tinig.

"Anak, pakiusap. Para ito sa ikabubuti mo. Hindi ka sasama ulit sa lalakeng iyon, maliwanag ba?"

Labag man sa kalooban ay tumango na lang siya. Naiintindihan naman niya ito. Gusto lang siyang protektahan ng kaniyang Nanang Marta dahil ayaw lang nitong mangyari sa kaniya ang nangyari sa nag-iisa nitong anak na babae. Ginahasa kasi ang anak ng Nanang Marta niya ng mga dayo mula sa malayong bayan kaya simula noon ay naging alerto na ang mga kababayan niya sa paligid at sa mga dumarayo sa kanilang lugar. Kaya hindi na siya nagtataka na alam ng lahat ng taga San Rafael lalo na ng mga kapitbahay nila ang pinaggagagawa nila ni Grego.

Lumipas pa ang ilang sandali ay nakarinig siya ng malalakas na katok mula sa pintuan. Akmang sisilipin niya sana kung sino iyon ngunit naunahan na siya ng Nanang niya. Sinenyasan siya nito na pumasok sa kwarto niya kaya mas lalo siyang nanlumo. Alam niyang si Grego ang kumakatok sa pintuan dahil may usapan sila ng binata na kakain sa labas.

Narinig niya ang boses ni Grego na hinahanap siya pero itinanggi ni Nanang Marta na nasa bahay siya. Narinig niya pang sagot ni Nanang Marta kay Grego na sumama daw siya kay Cholo sa bukid at doon magpapalipas ng gabi pero hindi totoo iyon. Nasa bayan ngayon si Cholo at tumutulong sa restaurant ng ama nito. Tuluyan na siyang napahikbi nang marinig na nagpaalam si Grego para bumalik na sa bayan.

Nami-miss na niya ang binata. Kanina pa siya nagtitimpi na lumabas para salubungin ito ng yakap pero hindi niya magawa. Ayaw niyang magkaroon ng sama ng loob ang Nanang Marta niya sa kaniya.

Umupo na lamang siya sa sulok ng madilim niyang kwarto at humikbi, tinanaw ang mumunting liwanag ng buwan na nanggagaling sa bintana na bahagyang nakabukas. Mas lalo pa iyong nakadagdag sa kalungkutan na nadarama. She felt so alone.

Sinapo niya ang mukha gamit ang mga palad at doon humikbi. Nanatili siyang gano'n sa loob ng ilang minuto. Maya-maya ay nakarinig siya ng kaluskos mula sa labas ng bintana.

Nag-angat siya ng tingin. Labis ang tuwa na naramdaman niya nang makita ang bulto ni Grego na nakatayo malapit sa bintana at tinatakpan ang liwanag ng buwan na nagmumula roon. Nakapasok na pala ito ng kwarto nang hindi niya napapansin.

"Come here, baby. Why are you crying?" Nilapitan siya nito at niyakap. Tuluyan na siyang napahikbi ng tahimik at ibinuro ang mukha sa dibdib nito.

"Akala ko naniwala ka kay Nanang na sumama ako kay Cholo. Akala ko magagalit ka sa'kin kapag nakita mo ulit ako. Ayaw ko lang naman kasing magtampo siya eh kaya sinunod ko ang gusto niya." She whispered in between her sobs.

"Hush now, baby. Pino-protektahan ka lang ng Nanang Marta mo. She loves you. Pino-protektahan ka lang niya dahil ayaw niyang mangyari sa'yo ang nangyari sa anak niya."

Kaagad siyang nag-angat ng tingin. "How did you-"

"I heard everything. Narinig ko ring ipinagtanggol mo ako sa kaniya. But baby, sometimes, people needed to do those things just to protect their love ones. Kaya sana huwag kang magtatanim ng sama ng loob sa Nanang mo. Naiintindihan ko siya," he kissed her lips. "And besides, hindi ako maniniwalang umalis ka at pumuntang bukid. I left you yeasterday with a shaking legs and a sated sex kaya nakakasiguro akong hindi mo kakayanin ang mahabang lakarin."

Rin can't help but smile. "Ang talino mo. Akala ko naman napakasarap ko kaya hindi mo ako tinantanan." She giggled and wiped the tears on her cheek.

"Given na iyon. At isa pa, alam kong susunod ka sa usapan na hindi ka sasama kay Cholo. I trust you. Kahit kailan ay hindi ka sumisira ng pangako, Rin."

Ngumiti siya. "Why do i get the feeling that you know me well?"

His eyes sparkeld with joy. "Because i do, baby. I do. More than anyone else."

Niyakap niya ito ng mahigpit. Feeling his warmth... feeling his embrace. Pakiramdam ni Rin ay kumpleto siya sa tuwing malapit sa kaniya si Grego. She felt like she have found her missing piece. Pakiramdam niya ay walang magiging problema kapag nasa tabi niya ang binata. She felt serene and safe... and somewhat... complete

"Why do you make me feel like this?" She whispered under her breath.

"Feel like what?"

"Feel like I've already found my missing piece." Tiningala niya ito, her lips were near his chin and her hot breath almost fanning on his face. "Bakit ganoon na lang ang nararamdaman ko sa tuwing lumalapit ka?"

He smiled and bowed a little to plant a quick peck on her lips. "I'm glad to hear that from you."

Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap kay Grego. "You made me wanting to neglect those forgotten memories... to start anew. Gusto kita, Grego. Gustong-gusto. Pero pakiramdam ko may pinagtataksilan ako sa tuwing hinhalikan mo ako."

He chuckled. "Talaga? May naaalala ka bang naging karelasyon o naging asawa mo kaya ka nagkakaganiyan?"

Umiling siya. "Wala naman. Pero may napapanaginipan ako. Isang lalake. He's making love with me. And... and... his voice... h-his voice resembles yours. Pakiramdam ko pinagtataksilan ko siya sa tuwing kasama kita. I don't like that feeling. I hate it."

"Do you want me to stay away?"

"No... no... ayaw ko. It's just that, I wanted to remember everything. Gusto ko nang maalala kung sino man iyon. I wanted to know if he's real or just a mere fantasy."

Grego chuckled. Pinupog siya nito ng halik sa pisngi. "God, baby. You're so cute when you're confused. Ang sarap mong video-han."

Pinalo niya ito sa braso. "Mukha ba akong nagpapatawa?" Sumimangot siya at kumalas mula sa pagkakayakap nito. He wouldn't stop laughing.

"Pero paano nga kung maalala ko yung nakaraan? What if he's my boyfriend or, worse, my husband?"

He stopped laughing. Mukhang nakuha na rin nito ang katanungang bumabagabag sa isip niya. "Is that what's bothering you? Nag-aalala ka kung nagtataksil ka sa lalakeng 'yon?"

Tumango siya.

He heaved a sigh. "Would you leave me for him?"

Natigilan siya. Hindi niya pa naiisip ang bagay na iyon. What if she really loves that man in her dreams? What if she really loves that man from her past? Paano na si Grego?

Napayuko siya. "Ayaw kitang umalis. Gusto kita, Grego. Pero gusto kong maalala kung sino ang lalakeng iyon sa buhay ko bago ako makakapagdesisyon. But first, maybe it is good for the both of us if you would stay away for a while. Ayaw kong paaasahin ka-"

"No." Mariin nitong sagot. "Don't ever ask me that, Rin. Huwag mo akong sabihan na umalis dahil hinding-hindi ko gagawin 'yon."

"Pero paano ka? Gusto mo bang masaktan kapag iniwan kita kung sakali mang may asawa na ako?!" Hindi niya mapigilang magtaas ng boses. Kaagad siyang napatutop ng kamay sa bibig niya nang ma-realize niyang nandoon nga lang pala ang Nanang Marta niya sa labas. Maliban doon ay nakita niya ang pagkabigla sa mukha ng binata dahil sa biglaan niyang pagtaas ng boses.

"Hindi ako masasaktan, Rin."

"Paano ka nakakasigurong hindi ka masasaktan?"

"Because I know you'll come back to me. Kahit maligaw ka pa o kahit ilang beses mo akong makalimutan, alam kong babalik ka sa'kin. At hindi ako masasaktan dahil alam kong ako ang gusto mong makasama. I should know, Rin. Kaya sana ay huwag mo akong itulak palayo."

Nagtataka siya sa mga isinasagot ni Grego sa mga tanong niya. He's so confident. Tila ba alam nitong sunud-sunuran ang puso niya sa kung ano mang nanaisin nito.

Hindi na lang siya nagtanong. Maguguluhan lang ito kapag sinabi niya ang mga katanungan sa isip niya. Naiirita siya sa tuwing nag-o-overthink.

He pulled her closer to his body by wrapping his arm around her waist and captured her lips with a hot and breathtaking kiss. And just like that, her inhibitions was thrown away outside the window. Nawala ang lahat ng mga alinlangan niya dahil lang sa isang mainit at mapusok na halik.

Her body was ablaze once again, but this time, it wasn't lust. She's sure that it wasn't just lust. Because she found herself returning his kisses with the same passion and longing. Tumugon siya na para bang kabisado na niya ang galaw ng mga labi ng binata. Bawat halik ay may suyo, may pagmamahal. At tumatagos iyon sa buong pagkatao niya.

When he let go of her lips, she couldn't helo but to moan in protest. He giggled and kissed her on her lips once again. Bawat galaw ng mga labi nila ay sumasang-ayon sa mga nais ng kanilang mga damdamin---ang ipahayag ang mga nararamdaman para sa isa't-isa sa mga oras na iyon.

Then, he kissed her nose, then her forehead, then back at her lips before speaking. "I'm so glad that you remember him... that you remember your past. Pero tapos na iyon. Forget your past for good and face your future with me and Erin. Magsimula ka kasama kami, kasama si Erin at ang nanang Marta mo."

Napanganga siya. "Nagpo-propose ka ba?"

He smiled. "I think I am."

Naluha siya. Why does he have to be so sweet and expressive? Lahat ng gusto nitong sabihin sa kaniya ay sinasabi nito o ipinaparamdam ng walang pag-aalinlangan. He's letting her into his life without hesitation, without second thoughts. Alam niyang maiksing panahon lang ang pinagsamahan nila ni Grego pero hindi niya mapigilan ang mga damdaming umaahon sa puso niya. At natutuwa siya na kay Grego niya nararamdaman ang mga iyon. He deserves it anyways.

He hugged her tighter than before... so tight that even a gentle wind blow cannot pass through between them. Nanatili siyang nakatingala at tinatagpo ang mga titig ni Grego na mababakasan ng kasiyahan at pagmamahal. His eyes... it is always that expressive. Lahat ng emosyon ng binata ay naipapakita ng mga matang iyon. And staring right into it made her feel so loved in the truest sense of the word. Hindi siya manhid para hindi maramdaman ang damdaming nais ipakita ng mga mata ng binata. At sa mga oras na iyon ay nakatitiyak siya na sinasalamin ng kaniyang mga mata ang nakikita sa mata ng binata.

"You're so beautiful, baby..."

Muli niyang hinagkan si Grego. But this time, she became dominant. Siya ang nag-kontrol at nagdikta ng bawat galaw ng mga labi nito. She darted her tongue inside his mouth and dared his tongue in a hungry, erotic fight which he deliriously accepted. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kaniyang isip pero natagpuan na lamang niya ang sarili na dinadampian si Grego ng halik sa leeg patungo sa dibdib. She smiled when she felt his erection poking her stomach.

She started unbuttoning his polo. Pero mukhang natauhan din kaagad ang binata dahil pinigilan siya nito.

"Look, baby..." he paused. He stopped her from fully taking off his polo. Bakas sa mukha nito ang matinding self-control. "I am here to be with you. Hindi mo kailangang obligahin ang sarili mo na gawin ang gusto ko. And besides, your nanang Marta is here. I can't just make love with you here. Alam kong maingay ka. Hindi lang siya ang mabubulabog natin kundi ang buong barangay niyo."

Napahagikgik si Rin. "I just wanted to be on top, riding you." Isang pilya at nanunuksong ngiti ang iginawad ni Rin sa binata. She just wanted to return the favor. Lagi na lang si Grego ang nagpapalasap sa kaniya ng labis na luwalhati. Gusto niyang siya naman ang magbigay no'n. She wanted to make him feel what he makes her feel everytime he moves on top of her. Gusto niyang makita ang mukha nitong namumungay habang nakatitig sa kaniya at hinahayaan siyang gawin ang mga dapat gawin.

Grego smiled. "You still wanted to be on top, huh? I see... hindi ka pa rin talaga nagbabago. You're still domineering."

"What does that supposed to mean?"

Pinupog siya nito ng halik sa pisngi. She giggled. Nakakakiliti talaga ang mga labi maging ang balbas ni Grego sa tuwing dumadampi sa kaniyang pisngi. And she likes it.

"Nevermind, Rin. What matters right now is us. Huwag kang mag-isip ng mga bagay na magpapagulo sa isip mo. Ayaw kong makita ka na namang namimilipit sa sakit kagaya ng dati."

Tumango na lamang siya ng marahan. Grego smiled. Hinaplos ni Grego ang noo niyang may peklat dulot ng aksidenteng nangyari sa kaniya tatlong taon na ang nakalilipas. Nagulat siya nang biglang gumuhit ang galit at hinanakit at galit sa mukha ng binata. "At kung sino man ang may gawa nito sa'yo, sisiguraduhin kong magbabayad siya."

Next chapter