webnovel

Alyana's New Mom

MATAMA NIYA PINAGMASDAN ang bawat bukirin na madaanan ng sasakyan ni Isaiah. Matapos ang halos pitong buwan niyang pamamalagi sa ospital ay nakalabas na siya. Pauwi na sila ngayon ni Isaiah sa bahay nito sa Santa Luisa. Doon naghihintay sa kanila ang anak nitong si Alyana.

Malambing ang anak nito at palaging nakangiti sa tuwing kakausapin siya. Hindi din nauubusan ito ng sasabihin at sa sobrang taas ng energy nito, pakiramdam niya mas nauuna siyang napapagod dito.

"Here." Inabot nito sa kanya ang isang ID ilan pa'ng mga documents na maari niyang maging identity. "Since hindi namin alam ang pangalan mo, Alyana named you as Klara Marie Marquez." Sinipat niya ang ID maging ang iba pang dokumento. "I don't know where did Alyana get your name. Pansamantala lang naman hangga't hindi pa natin nahahanap ang pamilya mo."

"Thank you." Aniya sa binata. Ngumiti lang ito sa kanya at muling tinuon ang atensyon sa dinadaanan nila. "Ibig ba na sabihin nito ay asawa mo ako? I have the same surname as yours and Alyana."

"Y-yeah." He stuttered. "But just in papers and until you find your true identity."

Tumango tango siya. "Thank you, again. I'll promise to take care of Alyana as payment for all your help."

"My daughter likes you so much but we need to tell her that this is just temporary."

Muli siyang tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi nito. Nagpatuloy sa pagmamaneho si Isaiah habang siya naman ay patuloy pa ding pinagmamasdan ang bawat madaanan nila. Nadaanan nila ang malawak na taniman ng mga bulaklak na sinasayaw ng hangin. Nalalanghap niya sa sariwa amoy ng mga iyon. Nais niya sanang patigilin si Isaiah ngunit gumagabi na at naghihintay sa kanila si Alyana sa bahay. Sa susunod na lang niya hihilingin na samahan siya nito pabalik doon upang mamitas ng bulaklak.

Pasado, alas siete na ng gabi nang makarating sila sa bahay nito. Pagkababa niya, sinugod siya ng yakap ni Alyana. Napangiti siya at hinaplos ang buhok nito. Marahan siyang hinila nito papasok sa bahay nito. It was a huge old spanish designed house. Doon sumalubong sa kanila ang isang matandang lalaki na naka-upo sa sala at nagbabasa ng libro. Binaba ng lalaki ang binabasang libro saka nginitian siya. Mabilis naman siya hinila paakyat ni Alyana. Sa taas, bumungad sa kanya ang malaking wedding photo. It is Isaiah and his late wife's wedding photo.

"That's my mom, tita Klara." Pakilala ni Alyana sa babaeng nasa larawan. "Hindi ko siya nakita dahil namatay siya noong ipanganak ako." Napatingin siya sa bata at nabanaag niya ang lungkot sa mga mata nito. Lumuhod siya kapantay nito saka hinaplos ang pisngi nito.

"She's pretty just like you." Nakangiti niyang sabi dito.

"Really?" Tumango siya bilang sagot. "Thank you po." Muli siyang inaya nito papunta sa isang kwarto. Pagbukas nila, sumalubong sa kanya ang fresh na bulaklak na nakalagay sa vase. "Daddy, brought those flowers for you, tita Klara."

"I'll thank him later." Aniya dito.

"Ito po yung galing sa 'kin." Inabot nito sa kanya ang isang card.

Katulad iyon ng mga binigay nito sa kanya noong nasa ospital pa siya. Handwritten at may mga doodles sa palibot kaya naman napangiti siya. Binuklat niya iyon at binasa ang nakasulat. Doon sa huling tanong siya natigilan. Alyana is asking if she can call her mama Klara. Napatingin siya dito.

"Yes, you can." Aniya dito. Yumakap ito nang mahigpit sa kanya. Unti-untiin na lamang niya ang pagpapaliwanag sa bata tungkol sa pansamantalang pagtira niya sa bahay ng mga ito.

Isang katok ang pumukaw sa kanilang dalawa. Nang bumukas iyon, bumungad sa kanila pareho si Isaiah. Nakangiti itong pumasok at binaba sa kama ang bitbit nitong bag. Laman noon ang mga nabili nilang damit niya. Wala na kasing natirang gamit doon ang dati nitong asawa at tanging larawan na lamang ng mga ito ang natira. Ayon kay Isaiah, lahat ng iyon ay nasa isang kwarto sa kabilang panig ng kwarto. Wala pa itong balak na itapon iyon at alam niya ang dahilan. Hindi pa ito nakaka-move on kahit pitong taon na ang lumipas.

"You seem like flowers that's why I put some here." Anito sa kanya.

"Thank you." Sambit niya.

"Well, let me know if you need anything. Katabi lang nitong kwarto mo ang kwarto ko." Tumango tango siya dito. "Come on, Alyana she have to rest na."

"Can I sleep beside mama Klara?" Nakita ang gulat na rumehistro sa mukha nito ng tawagin siyang mama ni Alyana. Tumingin ito sa kanya animo'y nanghihingi ng permiso.

"Let her sleep beside me." Pakiusap niya kay Isaiah.

"O-okay…" Sagot naman nito.

How will Klara handles the situation she currently at? Does she knows how to be a mother?

CaireneLouisecreators' thoughts
Next chapter