webnovel

Burden in Love

ELLE

I'm on the way to the condominium, kanina ko pa tinatawagan si Kyle pero hindi niya sinasagot yung tawag ko. After hours of driving, sa wakas ay dumating na rin ako sa condominium namin..

"Hello po, Ms. Elle. Good evening po.." Bati saakin ni Kuya Guard. "Good evening rin po, Kuya Guard." Bati ko rin sa kanya at ngumiti. Dumiretso na ako sa elevator at pinihit ang 5th floor.

Lumabas agad ako sa elevator pagkahinto nito sa 5th floor at naglakad papunta sa room ni Kyle.

Nasa harap na ako ng unit niya. Kinakabahan ako na baka huli na ako, or baka galit siya saakin. Muli akong sumubok na tawagan siya sa kanyang numero, pero hindi pa rin niya ito sinasagot. Naka-off ang kanyang cellphone, kung bakit ay hindi ko alam..

Kinakabahan man ay pinihit ko pa rin ang kanyang doorbell, pero hindi pa rin ako pinagbuksan.

Pinagpatuloy ko lang yung pagdoorbell ko, hanggang sa may dumating na babae.

"Hija? May kailangan ka ba?" Tanong niya saakin habang nakangiti. Napatingin naman ako sa babaeng kumausap saakin. Kung ibabase ko siya sa tingin, palagay ko ay nasa mid 40's na siya, medyo matangkad rin saakin ng kaunti, maputi at of course, maganda. Parang namumukhaan ko siya na hindi ko alam kung saan ko ba siya unang nakita.

"Good evening po Ma'am. Ako po si Elle Lavender. Katrabaho at kaibigan ko po kasi yung nakatira dito na si Kyle Villafuente.." Pagkasabi ko ng pangalan ko ata or pangalan ni Kyle, biglang nagbago yung expression niya.

"Ikaw pala si Elle. Hija, if you don't mind, may I invite you for a dinner with me?" Seryoso yung pagkakasabi niya saakin pero ngumingiti rin naman siya. Nagdadalawang isip man, ay tumango pa rin ako.

"Sige po." Nauna siyang naglakad kaysa saakin at nagtungo kami sa may malapit na restaurant dito sa condo..

"Umorder ka na, Elle. It's on me.." She said while smiling at me.. Tumango naman ako sa kanya.

"Hi ma'am. May I take your orders?" Tanong saamin ng Waiter.

"I'll have Pork humba, one serve of brown rice, and a salad. And Oh, lemonade for my drink. How bout yours, Elle?" Professional na pagkakasabi niya saakin.

"I'll just have a chocolate mousse cake.. and a milkshake. Thanks." Sabi ko doon sa waiter at ngumiti sa kanya. Tumango ang waiter at nagpaalam na para umalis.

"Ayaw mo bang kumain ng dinner at dessert lang ang inorder mo or you're on a diet?" She asked me.

"No ma'am. Before po kasi ako umuwi dito, kumain na po ako sa tagaytay." Paliwanag ko sa kanya.

"Tagaytay? For vacation?" Muli niyang tanong saakin.

"Yes ma'am. I stayed sa rest house na pagmamay-ari ng parents ko.." I said. Bigla namang sumeryoso ang kanyang mukha.

"I'm Olive Villafuente.. Kyle's mother.." Nagulat ako sa sinabi niya. Kaya pala familiar ang mukha niya saakin, kamukha pala ng kanyang Mama si Kyle.

"And kaya kita inimbitahan na magdinner kasama ko para pag-usapan ang isang bagay.." Bigla naman ako nakaramdam ng kaba sa hindi malamang dahilan.

"Ano po yun?" I tried to remain composed and firm sa kung ano man ang sasabihin niya saakin. Dumating na ang mga order at nilapag ito sa harap namin..

"Di-diretsahin na kita, Elle. Mahal mo ba ang anak ko?" Nagulat ako sa tanong ni Ma'am Olive...

"Ma'am ---" Naputol ang sasabihin ko sana..

"Tita. You can call me Tita Olive, Elle. And please, tell me the truth." Sabi niya saakin.

"Tita, opo. Mahal ko po ang anak ninyo. Mahal na mahal. Late ko man ito narealize, pero alam kong mahal ko si Kyle.." I frankly said to her. Hindi na nagulat si Tita Olive sa sinabi ko at ininom niya ang inorder niyang lemonade.

"You know what, Elle? Life is like a game.. For you to reach the top, you must face first each levels behind of it and make sure, you win it all. But sometimes, darating sa buhay natin na kailangan nating magcheat or magshortcut in order to reach the top of the game, and that hurts so much.." Hindi ko maintindihan kung anong gustong ipahiwatig ni Tita Olive saakin.

"I was deeply in-loved back then, to the point that I thought we'll be ending up with each other pero you know what happen? An unexpected plan and decision that made me forced to do.. Yun ay ang magpakasal sa tatay ni Kyle." Bakas sa boses ni Tita ang matinding pangungulila at pait..

"What's the purpose of marrying someone I never loved back then? To save our business, our company from falling.. Kaya my parents decided to sacrifice their own precious daughter just for the sake of their company, that damn company!" Hindi ako makapag-salita. Nakikinig lamang ako sa kanya..

"At first, hindi ko matanggap. Parang ang dali lang na ipamigay ako ng mga magulang ko sa taong hindi ko naman lubusang kilala lalo na't hindi ko naman siya mahal.. Pero along the way, unti-unti kong tinanggap ang kapalaran ko at doon nabuo si Kyle..." Medyo ngumiti siya pero halata mong pilit iyon..

"I promised myself that I'll never do that to my one and only precious son, that I'll never take away his will on finding his one true love. That I will give him the choice and the chance to find someone and get married with her in the future.." Tumigil siya sa kanyang pagsasalita at muling uminom ng inorder niyang lemonade.. At nagbuntong-hininga..

Ako naman ang nakaramdam ng kaba bigla sa susunod niyang sasabihin.

"Pero sadyang mapagbiro ang tadhana, Elle. Hindi natin hawak ang kapalaran at ang mangyayari sa hinaharap. Lately, ang company has been in a rock at tuluyan na itong babagsak pag hindi pa kami nakahanap ng investors.. Pero good thing, a friend of ours offered a hand to us.. He's willing to help our company from falling, but he has one condition.." Parang hindi ako makahinga ng maayos habang hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin..

"His one and only condition to us, is to offer our son, our precious son, to his daughter.. " Hindi ko agad naintindihan ang sinasabi ni Tita marahil hindi ko ito narinig ng maayos.

"Ano pong sinasabi nito, Tita? Hindi ko po maintindihan." Kagagahan man sa iba, pero saakin hindi. Gusto kong makasigurado..

"What I am trying to say here is, Ikakasal na si Kyle sa nag-iisang anak na babae ng kaibigan namin ng papa ni Kyle.. Mabigat man ito para saamin, pero ito lang ang nakikita naming solusyon, Elle. Ayokong mawala ng tuluyan ang kumpanyang nilaanan ko ng buong buhay ko.. I'm so sorry, Elle. Sana maintindihan mo ang naging desisyon ko. Alam kong mahal mo ang anak ko at mahal ka rin niya, pero please, Elle. Let go of my son. Let go of my Kyle. Please..." Literal na nabingi ako sa sinabi ni Tita. Hindi ko alam kung joke time niya lang ba ito, para sirain ang awkwardness saaming dalawa, kaya I waited her to laugh that hard para kumpirmahin ang hinala ko sa sinabi niya, but hindi siya tumawa.

She stared at me seriously but I can see in her eyes that she's feeling the guilt and the hatred as a mother..

"Aalis na po ako, Tita. Maraming salamat po sa offer ninyong dinner for me.." Hindi ko na siya hinintay pa na sagutin ako. Mabilis akong tumayo at naglakad na palayo kay Tita Olive.

Nanginginig ang aking mga tuhod..

Parang any moment, pwede akong matumba kaya pumasok ako bigla sa elevator at pinihit ang 5th floor.

Lumabas agad ako at naglakad ng mabilis papunta sa unit ko..

Pumasok agad ako sa unit ko and the moment na narinig ko ang pagsara ng aking pinto, ay siyang hudyat nang pagbuhos ng aking mga luha...

because....

As the realization hits me...

I realized one thing...

"Talo na ako.."

Next chapter