webnovel

Ano'ng Panaginip

>Sheloah's POV<

I felt the rush of my blood flowing through my veins. Hindi pa nangyayari ang plano, pero nag aalala na ako ppara sa lahat. Pinag uusapan palang ito, alam na namin na we won't be able to make it there together; that someone will die. Someone will get hurt. Some may turn into a zombie and we won't have a choice but to kill them off then leave them.

Thinking about this is tragic.

Tumingin ako kay Veon at nakita ko siya na nakaupo sa sahig, katabi ang iba naming classmates, but there's something off about him.

Hinahawakan niya ang mukha niya, pero hindi niya tinatakip ang mata niya. Mata palang niya, pansin mo na takot siya pero ano'ng kinakatakutan niya? Itong takot niyang ito… tulad ng takot na nakita ko noong nag aalala siya para sa pamilniya niya. I'm worried.

Napansin niya na nakatingin ako sa kanya at nagulat ako dahil napansin ko na umiiyak siya. Umiwas agad siya ng tingin at pinunasan niya ang mga luha niya.

Bakit siya umiiyak? Bakit parang nasaktan siya? Lalapitan ko sana siya pero hindi natuloy dahil agad sumigaw tatay ni Dannie.

"Shut it," sigaw niya at lahat kami tumahimik at nag settle down para makinig dahil hindi pa tapos ang plano. Hindi pa tapos ang usapang ito. "Makinig," dagdag sabi pa ni Tito John at lahat na sila tumahimik.

"Okay, ganito ang gagawin natin. Gagawa na tayo ng grupo. Kami ni Sir Erick at ni Sir John ang mag a-assist and then you can move on to your training as a group. Para sa pagkukuha ng resources bukas, ang Strike Team: Sheloah, Kreiss at Geof, kasama kayo. Ang group one ng attack team with Veon as the group leader, and another attacker will be going with them, Shannara. One support, Tyler, and one healer, Isobel, kasama kayo sa pagkuha ng resources. Get your members," explain ni Tito Jun at tumango kaming lahat.

"Everyone, stand up but stay put. Aayusin na namin ang grupo. Once na kumpleto na ang grupo niyo, go train as a group," dagdag sabi pa ni Tito John at nagsitayo ang lahat.

Papunta ako kay Veon para kausapin siya kung bakit siya umiiyak kanina. Nag aalala kasi ako pero nagulat ako nang bigla siyang naglakad papunta sa akin pero hindi niya ako pinansin at mas nagulat ako dahil bumulong siya.

"Malapit na mangyari ang panaginip ko."

Lumingon ako para tingnan siya pero naglalakad parin siya papunta sa loob ng bahay, parang wala siya sa sarili niya at walang ganang makipag usap. It was still evident in his eyes na natatakot siya. Halata rin na pinipigilan niya ang sarili niya sa kakaiyak.

All of a sudden, bigla siya naging ganito dahil pinag uusapan ang plano. Hindi ko pa maintindihan kung bakit 'yon ang sinabi niya. Ano ang ibig niyang sabihin? Ano ang mangyayari?

Ano'ng panaginip ang sinasabi niya?

Next chapter