webnovel

Let's End This

>Shannara's POV<

"Sheloah?" Sinabi ko pangalan niya at pati ako natatakot dahil sa itsura niya. Sheloah just shook her head, refusing to speak and right now I felt helpless and afraid.

Takot ako sa heights at wala akong alam kung paano ako bababa tapos mukhang takot din si Sheloah sa nakikita niya pero ano ba ang nakikita niya?

"Shelo—" hindi natapos ang sasabihin ko nang makita kong tinaas niya ang kamay niya para tumigil ako and so I stopped talking. May tinuro siya sa likod ko at dahan-dahan akong lumingon at pagkalingon ko nagulat ako sa nakita ko.

From the branch behind me appeared a peculiar zombie. Nakatayo siya sa isang branch at medyo malaking tipo ng zombie ito. Matangkad na zombie na medyo mataba, parang 9 feet ito at yung isang braso niya napakalaki kaysa sa katawan niya. Nakasabit siya sa katawan ng puno at mukhang may intelligence ito kaya hindi siya nahuhulog. Bumubuka ang leeg niya at muli itong sasara. Yellow ang mata niya at may green na acid lumalabas sa kanyang leeg. Nakatingin siya sa akin at natakot ako nang makita kong lumabas ang mahaba niyang dila at dinilaan ang mukha ko.

"Ah!" Sumigaw nna ako at agad akong nahulog sa lupa dahil sa sobrang takot ko. I landed on the ground on my back at ramdam ko yung sakit nito.

"Shannara!" Sinigaw ni Sheloah pangalan ko at tumingin ako sa taas. Agad bumaba yung zombie at mabagal siyang naglalakad papunta sa akin. Yung tunong niya kakaiba sa ibang zombies. Yung sa kanya parang umiiyak habang lumalapit sa'kin. Sa sobrang takot ko, napapaiyak na ako and I'm only crawling backwards from the creature at dahil sa sobrang sakit ng likod ko, hindi ako masyado makagalaw. Napatigil na lang ako nang maramdaman ko yung dingding ng bahay sa likuran ko.

Nilapitan ako ng zombie at agad niyang hinila ang paa ko. Napasigaw ako maslalo at kinuha ko agad ang baril na nakatali sab inti ko at agad kong binarily ang ulo niya pero nagulat ako nang makita ko na walang epekto ito sa kanya. Agad niyang kinuha ang baril ko at hinagis niya para hindi ko magamit.

"Sheloah!" Sinigaw ko pangalan niya at hinawakan ng zombie ang buhok ko at hinagis niya ako at nabunggo ako sa puno kung saan ako umakyat. Natamaan ng sobra yung likod ko at malapit na ako mawalan ng malay. "Tulong…" halos pabulong ko nang sabi at may narinig akong nabasag at nagulat ako nang makita ko si Sheloah na nahulog galing sa kwarto niya at nakita ko na hawak niya ang kanyang katana.

Hindi muna tumayo si Sheloah dahil sa impact ng hulog niya sa lupa pero pinipilit niya paring tumayo. Nakuha niya ang pansin ng zombie at bigla naman akong nag aalala para sa kanya.

Paano kami makakatakas? Pareho kaming walang kaya at pareho kaming nasaktan. Hindi kami makagalaw dahil sa sakit ng katawan namin. Bakit ganito ang nangyayari? Napapansin ko na habang palayo kami ng palayo, lumalakas na ang mga zombies. Ganito na lang ba? Mamamatay na ba kami ni Sheloah? Nasaan na si Veon at si Mr. Kidnapper? Hindi ba nila kami naririnig?

Sinubukan kong tumayo at tinawag ko yung zombie para sa akin mapunta ang attention niya.

"Hoy, pangit," sigaw ko at binalik niya ang tingin niya sa akin. Sumandal ako sa puno para makatayo ako ng maayos. "Ako ang pansinin mo," dagdag sbai ko pa at binato ko yung sapatos ko sa kanya at naglalakad na siya papunta sa akin. Napangiti ako sa pangyayari ngayon. What a way to end my life.

Sacrifice.

Pagkatapos ng ilang Segundo, tumatakbo na papunta sa akin yung zombie at hindi na ako makagalaw. Ready na akong mamatay. Halata naman, eh… hindi namin alam kung paano namin siya papatayin dahil walang epekto sa kanya ang baril.

Nagulat ako nang bigla kong nakita si Sheloah na tumatakbo papunta sa akin. "Sheloah, 'wag!" pero hindi siya nakinig. Tinaas niiya ang katana niya at pumunta sa harapan ko. Agad niyang sinaksak yung zombie sa tiyan niya at mas nagulat ako nang makita ko na pinalipad niya si Sheloah gamit ang napakalaki niyang kamay at tumama rin si Sheloah sa isa pang puno.

"Sheloah!" Sinigaw ko uli pangalan niya at agad ko siyang pinuntahan. Pinipilit niyang tumayo pero hindi niya kaya.

"Okay ka lang," tanong niya at kinuha niya yung katana niya.

"Please, itigil mon a ito," sabi ko sa kanya pero pinilit niyang tumayo at hindi niya pinansin ang sinabi ko.

Tiningnan niya ako at nginitian niya ako. "Nandito na tayong dalawa," sabi niya at kinuha niya yung baril ko sa tabi niya kung saan hinagis ng zombie at binigay niya sa akin. "Habang kaya pa natin, lumaban tayo," dagdag sabi pa niya at tiningnan ko yung baril ko sa kamay niya habang palakad na yung zombie papunta sa amin.

Tama nga si Sheloah. Habang kaya pa namin, laban parin kami. Kung hindi kami lumaban, katapusan na namin ngayon. Marami pa kaming dapat asikasuhin. Hindi dapat kami susuko ngayon.

"Fight and you will win," sabi ko at kinuha ko yung baril sa kamay niya at tinutok ko sa zombie. "If you don't fight, you will not win and if you don't fight, you will not live." Tiningnan ako ni Sheloah at nginitian namin ang isa't-isa.

"Fight and we will survive," sigaw ko at tiningnan naming ni Sheloah ang zombie sa harapan namin.

"Let's end this," sabi niya at tumango ako bilang sagot. Sabay kaming sumigaw at nilapitan namin yung zombie para kalabanin naming dalawa.

And 4/4. Salamat sa pagbabasa! Please comment, share to your friends, leave a review, and send power stones. Salamat ng madami! :D

MysticAmycreators' thoughts
Next chapter