webnovel

Totoong Amethyst

>Veon's POV<

"Veon!" tinawag ni Kreiss ang pangalan ko at tiningnan ko siya. Nandito ako sa may lake ngayon puno na ng lumot at siya nandoon sa may likod ng puno.

"Ano 'yon?" tanong ko at tumakbo siya papunta sa akin.

"Nahanap ko na ang shed. 3 meters away from us." Sagot niya sa akin tapos pansin ko na excited siya dahil mahahanap niya na ang gusto niyang mahanap.

Nakita namin yung shed at halatang deserted na talaga ito dahil sa dumi niya. Binuksan namin ang pinto at agad kaming nagulat nung may zombie na lumabas at tumalon papunta sa amin. Agad ko siyang binarily at binigyan ako ni Kreiss ng thumbs up. Nginitian ko na lang siya at pumasok na kami sa shed.

"Now, where's that gem?" tanong niya at lumibot kami para hanapin yung get sa mga boxes.

Habang hinahanap niya yung gem, tinitingnann ko yung mga pictures nila. Family pictures pero pansin ko na lahat ng pictures may isang tao na laging sunog ang mukha. Ginawa siguro ni Kreiss.

"Bakit mo naman sinisira ang mukha mo sa bawat picture na meron ka?" tanong ko at naghahanap parin si Kreiss.

"It's because I hate my dad." Sagot niya lang sa akin at binalik ko yung mga litrato at tiningnan ko naman yung ibang gamit na nandito. Pareho sila ni Sheloah at ni Shannara. Ayaw sa tatay.

Tumingin ako sa itaas ng shelf at may nakita akong kumikinang. "Kreiss, tingnan mo nga ying taas ng shelf." Sabi ko sa kanya at tiningnan niya nung tinabihan niya ako. "May kumikinang doon. Hindi ba 'yon?" tanong ko at agad niya kinuha yung ladder at kinuha niya yung kumikinang na object.

Nung nakuha niya yung gem sa box, agad siyang tumalon pababa at napa ubo kaming dalawa dahil sa alikabok sa shed. Binuksan niya ang palad niya at nakita namin ang get sa kanyang kamay. Ang ganda, violet ito.

"Hindi ko akalain na… totoong amethyst pala ito." Sabi ni Kreiss at tumango ako.

"Tapos nandito lang sa shed na ito? Iniwan?" tanong ko at hinawakan niya ng mas mabuti ang gem.

"Ano ba ang meron kaya iniwan ang gem na ito? Bakit ayaw pa sabihin ng tito at nanay ko ang tungkol sa family emblem namin na ito?" sunod-sunod na tanong ni Kreiss at nakatingin lang ako sa kagandahan ng gem na hawak niya.

Akala ko alam niya ang lahat ng nangyayari sa pamilya niya. 'Yon pala hindi. Mysterious na nga siya, nadagdagan pa ang pagka mysterious niya dahil sa whereabouts ng gem na 'yan at ngayon na nakuha namin ang gusto niya…

Papakawalan niya ba si Sheloah?

"Kreiss, si Sheloah." Sabi ko sa kanya at tiningnan niya ako. "Tinulungan kita sa paghahanap ng gem na 'yan." Sabi ko sa kanya at tinawanan niya ako.

"Nagmamadali ka talaga, eh no?" sabi niya at hindi ko na lang pinansin ang isnabi niya.

"Nasaan si Sheloah?" pagpipilit ko pa at nginitian niya ako ng masama.

"Sagutin mo tanong ko." Sabi niya at hinihintay ko ang gusto niyang tanungin. "Gaano mo kamahal si Sheloah?" tanong niya at medyo nainis ako dahil tinanong na ng ani Shannara, ni Isobel, dumagdag pa itong Kreiss na ito.

"Bakit ba tanong kayo ng tanong ng ganyan? Nakakainis na, eh! Paulit-ulit na!" mainitin kong sagot at napabuntong-hininga siya.

"Tanong lang naman 'yan na sasagutin mo. Hindi mo kailangan magalit. Sabi niya at tiningnan ko siya ng seryoso. Bakit ng aba ako nagagalit?

Hindi ko alam.

Nagulat kami ni Kreiss nung narinig namin ang sigaw ni Shannara sa harapan ng bahay kung nasaan nakatago si Sheloah. Nag panic ako dahil siguro may nangyari. Nandoon na nga si Shannara, nakakulong pa si Sheloah. At ngayon na sumigaw si Shan, baka may masama na nangyari. Kailangan kong pumunta. Kailangan kong makita kung ano ang nangyayari. Nag aalala nanaman ako baka may masama pang mangyari sa kanya.

"Kreiss, balikan natin si Shannara." Sabi ko at tumango siya at sabay kaming tumakbo pabalik at nung pabalik kami, may mga zombies nanaman na nakaharang sa route namin papunta sa bahay. Kailangan naming madaliin ito.

Everything should be safe and sound as soon as possible.

Next chapter