webnovel

Wala na Akong Rason

>Veon's POV<

"Tulong!" sigaw niya kasi biglang nahulog sa sahig ang kanyang baril at agad itong kinuha ng lalaki at tinutok niya ito sa kanyang ulo.

"'W-wag kayong lumapit!" sigaw ng lalaki at base sa kanyang itsura, siguro 30+ years old na siya. Ang dami niyang dugo sa katawan at ang expression ng kanyang mukha ay halos maiyak-iyak na. Tumatawa pa siya at halata sa kanya na naging baliw na siya.

"Bitawan mo siya." Utos ko at dahan-dahan kong kinuha ang baril ko. Tumawa ng mas malakas ang baliw na nasa harapan namin habang tumatawa siya.

"H-hindi moa ko kayang patayin!" paputol-putol niyang sabi habang humahagulgol sa iyak na may kasabay na tawa. "Ito yung anak ng dating kapitan ng aming lugar! D-Dannie, 'di ba?" sabi at tanong niya tsaka tumawa ulit. "Hindi ko siya papakawalan!" dagdag sabi pa niya at binaba ko ang baril ko dahil kung inatake ko siya, posibilidad na saktan niya si Dannie.

"Veon, 'wag kang gumawa ng move." Utos ni Isobel sa akin at dahan-dahan siyang lumapit sa baliw. Tinutok muli ng baliw ang baril niya sa ulo ni Dannie at tinaas ni Isobl ang kanyang kamay. "Wala akong dalang baril." Dagdag sabi pa niya at mas kumalma ang baliw pero umiiyak parin siya habang tumatawa.

"Huwag kayong… lumapit sa akin!" sabi ng baliw at mas natakot si Dannie. Sa sobrang takot niya, umimiyak na siya.

Tiningnan ako ni Isobel. "May psychological disorder ang lalaking ito." Sabi ni Isobel sa amin at hindi namin siya sinagot dahil halata naman sa lalaki na meron siyang psychological disorder. "Kakausapin ko lang. Para umayos." Sabi ni Isobel at binalik niya ang tingin niya sa baliw. Lumapit si Shannara at Tyler sa akin.

"Ano naman ang gagawin ni Isobel? Halatang baliw na siya at walang magagwa sa sitwasyong ito." Tanong at sabi ni Shannara at hindi ko na lang sinagot dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Just trust her. I'm wondering about this." Sabi ni Tyler at tumahimik kami para pakinggan at tingnan kung ano ang gagawin ni Isobel.

"Kuya…" tawag ni Isobel sa kanya at padahan-dahan niyang nilalapitan yung baliw na paatras naman ito. "'Wag kayong matakot. Gusto ko lang makipagkwentuhan." Dagdag sabi pa ni Isobel at tumawa yung baliw pero binaba niya yung baril habang umiiyak din ito. Agad niyang binitawan si Dannie at tumakbo siya papunta kay Shannara at agad niyang niyakap si Dannie.

Napaluhod yung baliw sa harapan namin at hindi na siya tumatawa kundi umiiyak na siya ng todo. Bigla kaming naawa sa kanya at napatingin kami dahil hindi namin alam kung lalapitan ba namin siya, o kung iiwan na lang. Agad naman siyang nilapitan ni Isobel at kinuha ng baliw ang baaril at tinutok sa sarili niyang ulo. Nagulat kami at agad sumigaw si Isobel.

"'Wag!" sigaw niya at napaiyak maslalo ang baliw na nasa harapan namin.

"W-wala na akong rason… para mabuhay." Sabi ng baliw sa amin. Patuloy na nilapitan siya ni Isobel ng dahan-dahan at lumuhod sa harapan nito tsaka hinawakan ang kanyang likod.

"Bakit po? Ano po ba ang nangyari?" tanong ni Isobel sa kanya at paatuloy paring umiiyak ang baliw.

"Wala na akong rason para mabuhay dahil Nawala ang aking pamilya dahil sa'kin." Sabi ng baliw at nagulat kami dahil alam na namin ang sagot sa tanong kanina kung bakit hindi ito kagad ng zombie, kundi…

Pinatay niya ang sarili niyang pamilya.

Next chapter