webnovel

Let's Just Move Forward

>Sheloah's POV<

Napatay na namin yung mga classmates ko na naging zombies at tumawag si Sir Erick sa akin. Agad ko itong tinanggap. "Sir, safe na ba ang iba naming classmates?" inunahan ko siyang magsalita and I heard his heavy breathing, proof na pagod na pagod din siya.

"Oo. Safe na ang lahat, Sheloah." Sabi niya and I sighed in relief. "Kaso, maraming injured kaya kailangan natin pumunta sa isang open space and set camp." Dagdag sabi pa niya at tumango ako kahit hindi niya nakita.

"Sige. Tell Veon po na pabalik na ako sa kotse in a while. I'm ready for departure." Sabi ko kay Sir Erick at pinatay niya yung call.

I sighed at napa upo agada ko sa sahig, without the sword in my hands. Hindi ko mapigilan ang luh ko kaya nilabas ko na lang and before I knew it, I started to cry.

Tinabihan ako ni Shannara at niyakap niya ako. "Sheloah…" she said my name tapos inaayos niya ang buhok ko at pinupunasan niya ang mga luha ko. "'Wag kang mag alala. At least they lived protecting someone, right?" sabi niya at hindi ko parin mapigilan ang iyak ko.

"Oo nga… pero ang sakit naman malaman na wala akong nagawa para protektahan sila." Sabi ko at niyakap nanaman ako ni Shannara.

"Marami kang nagawa para sa kanila bilang isang leader. Dahil sa'yo, buhay sila." Sabi niya sa akin at napangiti na lang ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

For someone who I just met, and for someone who also became my rival when it comes to the guy I like, she's really friendly. Usually. Nag aaway pero kami ni Shannara… hindi. We still see each other as friends kahit ngayon lang kami nagkakilala tapos kahit alam namin na we both love the same guy. Hindi kami nag aagawan ng sobra.

"Let's just move forward, and not waste their death. Okay?" sabi niya at nginitian ko siya.

"Salamat, Shannara." Pasasalamat ko at nginitian niya rin ako. Tinulungan niya akong tumayo at pinagpag namin ang dumi sa mga damit namin.

"Let's go! We need to get out of this place." Sabi niya at hinawakan niya yung kamay ko at sabay kaming lumabas sa bus. Shannara is really good at comforting a friend.

Pumasok na si Shannara sa loob ng bus ng parents at nakita ko na si Isobel todo tutok sa mga students na injured. Yung parents tinutulungan din si Isobel at gumagawa rin sila ng mga light food para mas gumaan ang feeling ng mga nasaktan. Bumalik si tito at Sir Erick sa loob ng kotse nila at pumasok na rin ako sa kotse ni Veon pagkatapos kong mag paalam kay Shannara. Tumulong din siya kay Isobel.

"Sheloah!?" react ni Veon nung nakita niya yung mukha ko. Namumula ang mata ko dahil sa kakaiyak at agad niya akong hinawakan sa mukha and he touched it with his thumb. "Bakit ka umiiyak? Kung ano man 'yon, kalimutan mo na, okay?" sabi niya and he gave me a brief hug and he broke it. Bumilis ng unti tibok ng puso ko at ginulo niya yung buhok ko.

Hindi ako makapagsalita dahil sa lungkot na nararamdaman ko. Pero dahil kay Veon at Shannara, naging masaya ako. Sa concern ni Shannara, napa-lighten up ang nararamdaman ko. Sa sweetness ni Veon, napangiti ako. Pareho silang nag papasaya sa buhay ko. Pati rin yung mga iba kong kilala. Nag papasaya sa buhay ko.

Nag simula nang mag maneho si tito at yung bus at sinundan ito ni Veon. Pupunta kami sa isang part ng Tarlac kung saan kami magpapahinga at kung saan namin tutulungan ang ibang kaklase namin na na-injure.

Veon looked at me from the corner of his eye. "Kung yung reason ng lungkot mo ay dahil sa mga classmates natin na Nawala, hindi lang ikaw ang nagagalit dito." Sabi niya at napatingin ako sa kanya at nakatitig parin siya sa bus na nasa harapan namin habang nag mamaneho siya. "Pati ako naiinis at nalulungkot dahil sa nangyayari. Pero hindi ako titigil sa pagpoprotekta ko sa ibang kasama natin." Dagdag sabi pa niya at nginitian niya ako. "Alam ko na ganun ka rin, Sheloah." He said finally at nginitian ko siya.

"Don't worry, Veon. Hindi ko iiwan ang mga kasama natin." I assured him at ginulo niya buhok ko. Nag pout ako at inayos ko nanaman ito.

"'Yan ang Sheloah na kilala ko!" sabi niya at napatawa ako ng unti.

Para ganahan mag release, comment kayo, leave a review, send power stones, rate my chapter, and add my story to your library. :D

Salamat sa pagbabasa! ^^

MysticAmycreators' thoughts
Next chapter