>Sheloah's POV<
Pero ang konting tingnan compared dito na sobrang marami na wala nang masyadong tao. Sa kanila kasi parang may ginagawa silang barricade to block off the zombies. May malaking wall. Yung labas ng wall, nandoon yung mga zombies. Yung sa kabilang wall naman, nandoon yung mga civilians pero may mga sundalo na naka gwardya malapit sa wall.
"Naghahanap kasi kami ng next destination. Siguro… pupunta po kami sa Australia kung pwede," sabi ni Veon at tumango yung ate niya.
"Sige. Hihintayin ka namin ni ate Ningning mo. Mag ingat kayong lahat, ha? Head nurse ako rito at may connection ako sa officials. Sasabihin ko na darating kayo," sabi ng ate niya at natapos na silang mag usap. Binalik ni Veon ang tingin niya sa aming lahat.
"So narinig niyo naman ang conversation namin ng ate ko. Pupunta na lang tayo sa Australia," sabi ni Veon at tumango kaming lahat.
"Gagamit tayo ng plane. Since pupunta tayo sa Manila, gamitin na lang natin ang planes sa NAIA airport," sabi ni Josh at tumango si Veon.
"Paano 'yon? Eh, wala naman sa atin ang marunong mag pilot ng plane," react ni Isobel at lahat kami napaisip. Tama ang sinabi niya.
"Hindi naman tayo ang magpa-pilot, eh. Isa sa mga parents na kasama natin, pilot. Siya na ang bahala. Assistant niya si Sir Erick since mabilis siya matuto. Back up na lang siguro ako," sabi ni tito at tumango kaming lahat.
"Since nandito tayo sa Pangasinan, we will reach manila in approximately 6 hours kung dere-deretsyo yung byahe," dagdag sabi pa ni sir Erick and we nodded at him.
"Pero hindi naman tayo agad-agad makakapunta roon. It means we need to stop and take a rest and it will be days," react ko naman at tumango yung iba sa sinabi ko.
"Tama. Hindi tayo pwede sumugod agad. Kung sumugod tayo agad, edi… wala na," dagdag sabi pa ni Josh at huminga ng malalim si Tyler.
"Let's just do what we can. We can do this, anyway. Tayo pa," sabi niya sa aming lahat and we all smiled at him.
Pinag uusapan namin yung plano. Fina-finalize namin lahat ang mga gagawin namin at ang mga dadalhin namin at ang schedule. Pero siguro papalit-palit na kami ng schedule since hindi naman lahat masusunod. Baka marami nang gagawing changes since mas marami na ang sudden ambushes of emergencies.
Biglang nawala yung concentration namin no'ng pumasok si Dean na umiiyak dahil sa galit. Parang pagod na pagod siya kasi tumakbo siya papunta rito. Tumayo kaming lahat dahil sa pag pasok ni Dean. Masyadong biglaan.
"Ano'ng nangyari," tanong ng tito ko.
"Si… si Ace," sabi na lang niya at hindi niya matuloy yung sinasabi niya. Napaluhod siya sa sahig at umiyak na siya. "Binaril siya ngayon lang," he said finally at nagulat kami sa sinabi niya.
Nawalan kami ng kasama.
Maikling at super agang release!
Thank you, Rhap_Alonsabe for the power stone! ^^
Salamat po sa pagbabasa!