webnovel

More Colorful and Fun

>Sheloah's POV<

Nasa school parin ako, siyempre. Nag aaral. Recess na at kumakain akong mag isa sa classroom. Nilapitan ako ng classmate ko noong third year ako at tiningnan ko siya.

"Hey, Josh," bati ko sa kanya and we both gave each other a brofist.

Si Josh ang kaibigan ko noong third year ako. Naging close kami dahil pareho kaming gamers at noong first week of classes noong third year kami, seatmates kami kaya close kami. Daldalan during lessons na boring. 3G yung section namin noon. Adviser namin si Sir Jim that time.

"Kamusta," tanong niya sa akin at sumubo siya ng isang biscuit. Kumuha rin ako ng isang biscuit sa kanya at kinain ko.

"Oks lang naman! Bakit, ikaw," tanong ko sa kanya at nginitian niya ako.

"Masaya ako dahil classmate ko yung crush ko," bulong niya sa akin at napatawa ako.

Alam ko kung sino crush ni Josh. Crush ni Josh si Dannie. Mapayat siya na tomboyish, na maputi pero maganda siya. Singkit yung mata, at pink na pink yung labi. May pagka tamad sa klase, pero matalino sa Math. Prangka rin siya at masayang kasama pero hindi kami masyadong close.

"Ikaw talaga, Josh! Sus! Wala munang ganyan! Malapit na tayo grumaduate," sabi ko sa kanya at nginitian niya ako.

"Hey, guys," bati ni Tyler sa amin at tumabi rin siya sa amin. "What's up," dagdag tanong niya at tiningnan namin siya ni Josh at nginitian namin siya.

Close na rin sila ni Josh. Mahilig rin kasi si Tyler sa mga animes at games tulad namin kaya mas napabilis ang pag develop ng aming friendship. Si Tyler kasing tangkad ko siya na mapayat na parang bakla gumalaw, pero lalaking-lalaki ang pag iisip at nararamdaman. Maslalo na kay Alice. Kulot yung buhok ni Tyler at may bigote siya. Kami ni Tyler, classmates kami noong grade 3. Napatawa ako nang malakas no'ng may naalala ako.

Tiningnan nila ako agad. "Ano nanaman ang kabaliwan nitong babaeng ito," tanong ni Josh kay Tyler and he just shrugged his shoulders at him.

"May naalala kasi ako. Noong grade 3," sabi ko at patuloy parin akong tumatawa. Nakatingin sila sa akin at medyo natatawa rin sila dahil sa tawa ko. Hinihintay nila na matapos akong tumawa para makwento ko yung iniisip ko.

"Noong grade 3 ako…" I trailed off at tawa parin ako nang tawa. Pero pinigilan ko onti at tinuloy ko yung pagkukwento ko. "Crush ko si Tyler noon," I said finally at nagulat silang dalawa.

"Oh, shit," react nilang dalawa at tumawa kaming tatlo.

Hindi sila makapaniwala na crush ko si Tyler noon. Ewan ko ba! Ang weird talaga. I was grade 3 back then. Siyempre, I was ignorant that time. Weird talaga that I like a weird person. Classmate ko pa siya ngayon at ka-close ko. Well, it's interesting if you have these kinds of memories in your life! It's what makes your life more colorful and fun!

***

Napansin ko na maraming boys doon sa column 4, malapit sa place ko. Nilapitan ko sila at tiningnan kung ano yung pinag guguluhan nila. Then I heard them talk about animes, games and such at since otaku ako, nakuha nila yung pansin ko.

"Uy! Otaku and gamers corner," comment ko sa usapan nila at tiningnan nila ako. Yung mga taong nasa place ko ay si Tristan, Jeric, Veon, Josh, Austin, at Tyler.

"Bakit may babae rito," comment ni Jeric at inirapan ko siya.

"Ano ngayon kung babae ako? Masama ba na otaku ako," tanong ko naman at tumawa yung iba sa sinabi ko.

Even though I am a girl, I can have these interests too, you know! Hindi lang mga lalaki ang pwede sa interest na ito!

Inirapan ko si Jeric at tumabi sa akin si Veon. "Otaku ka pala," sabi niya sa akin at tiningnan ko siya. I smiled and nodded at him.

Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko. Kakikilala ko lang kay Veon and since first year ako rito sa school na ito, ngayong fourth year ko lang siya naging classmate kaya hindi ko alam kung ano'ng background niya.

Sumama muna ako sa mga boys dito sa column namin at pinag uusapan namin ang mga animes at games na alam namin at sa buong conversation, hindi ko akalain na mas nakakausap ko si Veon. Ang dami naming pinag uusapan na animes and shows. Hindi ko akalain na second week palang ng klase, magiging close kami ng ganito.

***

Halos dalawang months na ang nakalipas. Recess na at nandito kami ni Isobel sa gilid ng classroom namin. Lunch na at bihira lang kami lumabas ng classroom. Palagi kasi kami nakakulong sa loob. Ayaw namin lumabas masyado at naglalaro lang kami ng gadgets sa loob ng classroom kahit bawal ito.

Sumandal kaming dalawa sa railings at bigla niya ako kinurot sa braso ko. "Aray," reklamo ko at hinawakan ko yung braso ko. "Ano ba, Isobel? Ang sakit no'n, ah," sabi ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako.

Natawa rin ako sa tawa niya dahil nakakaiba siya. Yung tipong ang lakas na mas natatawa ka sa tawa niya kaysa sa mga sinasabi niyang kwento or jokes.

Tinuro niya yung speaker namin sa third year na si Franz. Si Franz yung mysterious type na matangkad na maputi na gwapo na maganda ang diction ng English niya at matalino. Siya pa yung sporty type. Magaling siya sa basketball; outstanding student pa!

Nakaupo si Franz sa bench, naka jersey siya, at nag papahinga siya sa kakalaro ng basketball. Tiningnan ko si Isobel at pinapaypayan niya sarili niya gamit yung kamay niya habang naakangiti siya. Tintingnan niya parin si Franz.

"Gosh, Sheloah," sabi niya sa akin at niyuyugyog niya ako. "Ang hot talaga ni fafa Franz," dagdag sabi pa niya sa akin at napatawa ako sa sinabi niya.

"Baliw ka talaga," comment ko sa kanya pero nakatitig parin siya kay Franz. Pero noong nakita ni Franz si Isobel, nag eye to eye contact sila ng three seconds, at tumingin sa ibang direksyon si Franz.

Hinila ako ni Isobel papunta sa isang corner at huminga siya nang malalim bago siya tumawa. "Oh, gosh… tiningnan niya ako! Kami na! Pero pag nalaman niya na kami na, baka i-break niya ako," sabi ni Isobel at napatawa kaming dalawa sa sinabi niya. Baliw talaga itong babaeng ito.

Salamat sa pagbabasa! ^^ Happy 20k sa'tin! Sana naman mag comment kayo. Mehehe... :3

MysticAmycreators' thoughts
Next chapter